Chapter 47: Meet Up

[Nastasha]
*Click!
Ginamit ni Jade ang kanyang lock pick skills para mabuksan ang isang pinto na nasa harap namin.
Kasalukuyan kaming nasa isang hallway ng isang hindi naming alam na lugar.
Nadaanan lang namin ang hallway na ito nang diretsuhin namin ni Jade ang hagdanang pababa na nakita namin kanina.
"Nagbukas na!" Sigaw ni Jade. Naalerto naman ako sa sinabi niya at napalingon na lang din sa door knob ng pinto.
Agad namang pinihit ni Jade ang door knob at tuluyang binuksan ang pinto. At nang buksan niya ito, maliwanag na ilaw ang sumilaw sa aming mga mata. Napatakip na lang nga rin ako sa aking mga mata dahil sa ilaw.
Nang masanay na ang aking mga mata sa liwanag, tinanggal ko na ang aking kamay sa aking mga mata at sinuri ang nakita naming silid.
"Kumusta?" Tanong ng isang bababeng nakaupo sa isang swivel chair. May lamesang nakaharang sa kanyang harap at may mga papel na nakapatong dito. Pamilyar din sa akin ang kueartong pinasukan namin.
Sa gawing kaliwa at kanan ng dingding ng silid, mayroong flat screen TV na nakalagay. At nagpapakita ito ng mga imahe ng mga 'CCTV Footage'.
Sa dingding ng silid sa gawing kaliwa, mayroong naka-display na iba't-ibang klase ng baril. Pero ang naka-agaw pansin sa akin ay ang isang mahabang baril na ginto ang kulay. nakamamangha nga dahil kumikintab pa ito at parang totoong gintong hinulma bilang baril. Pero hindi ko lang alam kung gumagana ito.
"Tinatanong ko kayo kung kumusta kayo. Bakit walang sumasagot?" Sabi muli ng babaeng nakaupo sa swivel chair.
"Hayop ka!" Sigaw ni Jade at lumakad lang mabilis upang sugurin ang babae. Agad naman siyang natigil nang tutukan siya ng babae ng baril.
"'Wag muna kayong lumaban, Hindi pa tayo tapos maglaro, eh." Sagot sa amin ng babae na sa pagkakakilala ko ay siya si Valerie. Ganon pa rin ang kanyang hitsura. May magandang mukha, may mahabang itim na buhok at may nakakabaliw na ngiti.
"Umupo kaya muna kayo." Sabi pa sa amin ni Valerie at ibinaba na niya ang kanyang baril. Inayos niya rin muna ang kanyang upo sa kanyang swivel chair.
Malipas ang ilang segundong pakikipagtitigan sa kanya, saka ko lang tinuunan ng pansin ang dalwang couch sa harap ng kanyang lamesa. Agad akong lumapit sa isang couch at sinubukang umupo dito. Pero nabigla ako nang hinablot ni Jade ang aking kanang braso.
"Nababaliw ka na ba Natasha? Makikinig ka pa rin sa kanya? Halos magkamatay-matay na tayo sa lahat ng mga nadanas natin kanina, tapos uupo ka pa rin at makikipag-areglo sa kanya?" Bulong sa akin ni Jade. Hindi ko naman na siya pinansin at itinuloy ko ang pag-upo sa couch. Pagod na rin kasi ako sa mga kaartihang nangyayari. Gusto ko na lang itong tapusin. Kung may hawak lang akong baril ngayon, malamang ay ipinutok ko na ito sa ulo ni Valerie.
"Ano ba talaga ang kailangan mo?" Tanong ko na kay Valerie at inayos ko muna ang aking pagkakaupo.
"Well, Wala naman akong specific na kailangan. Gusto ko lang din kayong patumbahin." Sagot sa akin ni Valerie at tila umarte pa siya na parang pinagiisipan pa lang niya ang mga gagawin niya sa amin.
"Mabuti nga't nakaligtas kayo sa lahat ng mga kuwartong inihanda ko para patayin kayo. Sayang nga at 'di kayo natuluyan." Dugtong pa niya.
"Kung balak mo talaga kaming patayin, Bakit mo binalik ang oxygen sa loob ng kuwarto kung nasaan ako iniwan ni Dexter? Dahil kung balak mo talaga akong patayin, iniwan niyo na lang ang walang malay kong katawan sa loob ng kuwartong 'yon at hinintay na maagnas!" Nabigla ako nang sumigaw na rin si Jade kay Valerie. Hindi naman na umimik si Valerie kaya nagsalita na lang din ako.
"Tama si Jade! Kung balak mo talaga akong patayin, Hindi ka maglalagay ng stepladder sa labas ng silid kung nasaan kami ni Gunnar!" Sumbat ko sa kanya. Napatawa naman siya sa sa mga sinasabi namin. Tumawa lang siya ng tumawa habang hinahampas pa ang kanyang lamesa.
"Ahhh... Ayon ba? Ayon ba ang pinagaalala ninyo? Ano? Gusto niyo bang ibalik ko kayo sa mga silid na 'yon at tanggalin ko na ang mga bagay na maaaring makatulong sa inyo?"Tanong nito sa amin at itinigil na ang kanyang pagtawa.
"Dapat nga ay nagpapasalamat kayo dahil naglagay ako ng mga bagay na maaaring magligtas ng buhay ninyo. Ayaw niyo ba 'non?" Tanong niya sa amin at naglagay ng sindak sa amin.
"Alam mo Valerie, Hindi mo na kami masisindak ulit!" Sigaw ni Jade sa kanya at tumalikod na sa amin at nagbalak na umalis.
*CLICK!
Nakarinig ako ng isang maliit na tunog nang pihitin ni Jade ang pinto. Lumingon muna siya sa kay Valerie bago muli siya tumingin sa akin.
"Naka-lock ang pinto." Sabi niya sa akin. Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang tumawa ng malakas si Valerie. Pinagtatawanan niya ba kami?
"Lintik Valerie! Buksan mo ang pinto! Sawa na ako sa'yo!" Sigaw ni Jade kay Valerie na hindi pa rin tapos tumawa.
"Pasyensiya na. Dahil hindi ko kayo papayagang lumabas hangga't 'di ko kayo napapatumba lahat. Ako na lang ang natitira sa aming tatlo nila Davion. Kaya sisiguraduhin ko na mamamatay kayo at magtatagumpay ako sa sarili kong misyon." Sabi pa niya sa amin at tumayo na sa kanyang upuan.
"At saka may hindi pa ako nasasabi sa inyo. Hindi niyo nga alam kung ano ba talaga ang totoo." Dugtong pa niya na agad naming ipinagtaka.
"Totoo? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.
"Alam niyo 'nung narinig ko na may mga agents na ipapadala para hulihin kami, halos mabaliw ako kakatawa. Alam niyo ba kung sino talaga ang may pakana nito? Alam niyo ba kung saan nanggaling ang Liquid-017? alam niyo ba ang buong storya?" Tanong niya sa amin na tila naiinis na.
"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko na tila nagdududa na rin sa kung ano ba talaga ang pinasok ko.
"Alam niyo rin ba na pumasok kayo sa isang misyon na hindi niyo naman talaga alam kung ano ang nangyari? Maaaring sinabi sa inyo ang ibang impormasyon, pero mas maraming bagay ang hindi niyo alam." Sabi pa niya sa amin. Nagkaroon naman ng pawis na gumapang sa aking leeg.
"Dahil ito ang totoo........."

Komento sa Aklat (7)

  • avatar
    Leanida B Nava

    Ganda😊

    12/07/2022

      0
  • avatar
    John Benedict Toos

    love you

    11/07/2022

      0
  • avatar
    TernidaJonalyn

    good story

    30/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata