Chapter 43: Revived

[Natasha]
*SWOOOSSHHH!
Patuloy pa rin ang pag-agos ng tubig sa aking aquarium. Hinihintay ko na lang ang pagtaas ng tubig sa aking aquarium upang makatakas na ako dito at kahit paaano ay mailigtas ko si Gunnar na nakalutang na lang sa kanyang aquarium at 'di na gumagalaw. Hanggang nayon ay nakasakbit pa rin sa paa niya ang kadena. Tandang-tanda ko pa ang pagpapaalam niya at pagbibilin niya sa akin kanina.
"Natsha, basta ikaw na ang bahala, ah! Galingan niyo sa misyong 'to! Talunin niyo si Valerie!" Sabi ni Gunnar sa akin habang tumataas na ang tubig.
"Hindi! Gunnar, malapit naman na tumaas ang tubig, maliligtas na kita." Pagpapataas ko ng pagasa niyang tulungan ang kanyang sarili at 'wag sumuko na lang.
Hanggang ulo na ang tubig. At hanggang ngayon, nasa loob pa rin kami ni Gunnar sa aquarium.
"Brrl blllubr"
Napahawak na lang ako sa pader ng aking aquarium nang naririnig at nakikita ko si Gunnar na nalulunod. Wala akong nagawa kun'di umiyak at tanggapin na lang na wala na akong magagawa.
"ATE NATASHA!" Natigil ako sa pagbabalik tanaw nang may dumating sa kuwartong kinalalagyan namin.
"D-Dexter?" Tanong ko sa kanya. Pero natigil siya sa pakikipag-usap sa akin at huminto na lang nang makita niya si Gunnar na lumulutang na lang sa kanyang aquarium.
"K-Kuya G-Gunnar?" Napatakip na si Dexter sa kanyang bibig.
"DEXTER!" Sumigaw na ako sa kanya dahil baka mamaya ay mas lalo pa siyang 'di makatulong.
"DEXTER!!" Muli akong sumigaw pero sa pagkakataong ito, humarap na siya sa akin. Nakakita ako ng butil ng luha sa kanyang mga mata nang humarap siya sa akin.
"Ano po——"
"'Wag ka munang mag-salita! Tulungan mo muna kami dito!" Natigil na siya sa pagsasalita nang bigla akong sumabat at nanghingi na ng tulong.
Napatingin lang naman siya sa akin at 'di gumalaw.
"Ano Dexter! Galaw!" Sigaw ko sa kanya. At agad naman siyang gumalaw at sa wakas ay sinubukan na niya ring kumilos
"A-Ano pong kailangan kong gawin?" Tanong nito sa akin na agad kong binigyan ng sagot.
"Tulungan mo akong makalabas dito. Tapos, isunod natin si Gunnar." Sagot ko sa kanya. Agad naman siyang napatango sa akin.
"May nakita po akong stepladder sa labas po ng kuwarto. Puwede ko pong kunin." Suhestiyon ni Dexter na agad kong ikinatuwa.
"Mas maganda 'yon! Kunin mo!" Napasigaw na ako sa tuwa. Agad namang tumakbo si Dexter papalabas ng kuwarto upang kunin ang nabanggit niyang hagdanan. Ako naman ay sinusubukan pa ring makalabas sa aking aquarium kahit hindi na mag-antay na umapaw ang tubig.
Mayamaya pa ay bumalik agad si Dexter at may buhat-buhat na stepladder. Agad ko siyang sinenyasan na bilisan niya dahil baka mamaya'y hindi na namin mailigtas si Gunnar dahil lumulutang na lamang siya sa kanyang aquarium.
Agad na inilapag ni Dexter ang stepladder sa tapat ng aking aquarium at sumampa dito upang alalayan ako. Tinulungan ko namang itulak ang aking sarili pataas upang makawala na sa aquarium.
Ako ay nakahawak na sa sulok ng tuktok ng aquarium at pilit na tinulungan ang aking sariling umahon.
Sa kabutihang palad ay agad kong nahawakan ang kamay ni Dexter kaya hindi na ako nahulog pang muli sa tubig at agad na nakaahon at nakawala sa aquarium.
Nagmamadali akong sumampa sa stepladder at inalalayan naman ako ni Dexter bago ako makababa.
"Whooo!" Napasigaw na lang ako sa aking sarili nang makalabas na ako sa aking aquarium at nakababa na sa stepladder. Agad akong huminga ng malalim at nagisip kung paano namin mailikigtas si Gunnar.
Siyempre 'di namin siya hahayaan 'no!
"A-Ano pang mga bagay ang nakita mo sa labas?" Tanong ko kay Dexter na hinihingal na rin.
"M-Madami po, eh." Ilang segundo rin ang itinagal bago siya nakasagot. At hindi naman nakatulong ang sagot niya.
At dahil bawal kaming hindi gumalaw at magtitigan na lang, agad akong tumakbo papalabas ng silid kung nasaan kami at naghanap ng mga gamit o bagay na puwede naming pangsagip kay Gunnar.
Paglabas na paglabas ko pa lang, isang mahabang hallway na agad ang bumulaga sa akin. At sa hallway na ito, kataka-takang madaming gamit ang nakakalat sa sahig.
May mga laruan, gamit sa bahay, at mga gamit pangkarpintero.
"M-May mga gamit ba talaga dito?" Tanong ko kay Dexter na siyang galing sa labas.
"Opo ate Natsha. Nakakapagtaka nga't ang daming gamit na nakakalat.
"Saan ka ba galing?" Tanong ko kay Dexter at agad na tumingin sa kanya.
"Doon po sa kabilang parte ng hallway." Sagot ni Dexter sa akin at itinuro ang pintuan sa dulo ng hallway na katapat lang ng silid kung saan kami galing.
"Si Jade nasaan?" Agad kong tanong sa kanya. Inisip ko na rin kasi kanina na baka magkasama sila ni Dexter pero ngayon, lumalabas na 'di sila magkasama.
"H-Hindi ko po alam." Tila nahihiya siyang sumagot sa akin. Hindi ko naman pinansin ang kakaibang kinikilos niya at nagpatuloy sa paghahanap ng maaaring gamitin.
Muli kong itinutok ang aking mga mata sa mga gamit na nasa sahig. Doon ay may nakita akong maaari naming gamitin upang makawala si Gunnar.
"Bolt cutter!" Agad akong sumigaw nang makakita ako ng isang bolt cutter na ginagamit ng mga tao upang pumutol ng mga kadena. Agad akong tumakbo papabalik sa silid kung nasaan si Gunnar at inihanda ang aking sarili upang iligtas siya.
Pagbalik ko sa silid, agad akong sumampa sa stepladder na inihanda ni Dexter at himinga muna ng malalim.
"Ate Natasha, Kailangan niyo po ba nito?" Napaharap ako kay Dexter nang siya ay magtanong. Agad akong napatingin sa hawak-hawak niya. At dito, nakita ko ang isang goggles.
"Hagis mo lang!" Sabi ko kay Dexter dahil siya ay nasa pintuan at ako naman ay nakatayo sa stepladder.
Agad namang hinagis ni Dexter ang goggles at sa kabutihang palad ay nasalo ko ito.
Sa pagkakataong ito, umaapaw at puno na ang tubig sa mga aquarium. Umaagos na ang tubig papunta sa sahig. Kaya naman, 'di na ako nagatubili pa't sinuot ko na ang goggles na ibinigay ni Dexter at lumusong na sa aquarium ni Gunnar.
*BLB! BLB! BLB!
Naririnig ko pa ang mga bulang sumasagi sa aking tainga nang lumusong ako sa aquarium ni Gunnar.
Agad akong sumisid papunta sa paa ni Gunnar at inihanda ang 'Bolt Cutter' na nakita ko sa hallway.
*Clang!
Kahit nasa ilalim ako ng tubig, rinig ko ang lutong ng kadena nang ito ay putulin ko. Agad akong lumangoy muli sa isa pang paa ni Gunnar at sinubukan muling sipitin ang kadena sa kanyang paa upang maputol.
Mawawalan na ako ng hininga sa ilalim ng tubig ngunit ayaw makisama ng isang kadenang naka-kabit sa paa ni Gunnar dahil 'di ito maputol-putol. Napatingin na lang ako kay Dexter na umaakyat na sa Stepladder at inaabangan kami ni Gunnar.
*Clang!
'Yon! Sa wakas! Natanggal ko na rin!
Nakaramndam ako ng tuwa nang matanggal ko na ang kadena sa magkabilang paa ni Gunnar. Agad ko namang binitawan ang Bolt cutter na hawak ko at agad na inalalayan si Gunnar upang maka-ahon na kami sa tubig.
"Nagawa niyo po, Ate Natasha!" Sigaw sa akin ni Dexter nang kami ay makaahon na sa tubig. Hindi naman na ako tumugon sa sinabi niya at huminga na lang ako ng malalim upang makuha ko muli ang hangin na nawala sa akin ng ilang segundo.
"Tulungan mo muna ako dito, Dexter." Sabi ko sa kanya at sinubukang iangat si Gunnar. Inalalayan namin ni Dexter ang katawan ng body guard niya at sinubukang ibaba sa stepladder.
"Oh, 'yung ulo, ha!" Paalala ko kay Dexter nang ibababa na niya si Gunnar.
Ako naman, inalalayan ang aking sarili at umahon na sa aquaium. Sunod kong inapakan ang stepladder at agad na bumaba dito upang tignan si Gunnar.
Nang lumingon ako sa kanilang mag-amo, nakita kong ihiniga ni Dexter si Gunnar sa sahig at parang tinitignan kung buhay pa ito.
"I'm sorry for your loss Dex——
"Buhay pa siya! Ate, Natasha! Buhay pa si kuya Gunnar!" Nanlaki ang mga mata ko ng biglang sumigaw si Dexter. Agad naman akong kumaripas ng takbo papunta sa kinagagawian nila upang tignan kung ano ang nangyayari.
Agad akong lumuhod sa harap ng katawan ni Gunnar at itinapat ang aking tainga sa kanyang bunganga at tinignan kung may hangin pa ba sa kanyang katawan. Sinuri ko na rin kung gumagalaw ba ang kanyang dibdib upang malaman ko kung humihinga pa siya. Sinama ko din ang pulso sa kanyang braso upang sigurado.
Mayamaya pa, nakaramdam ako ng mainit na hininga ni Gunnar. Agad akong naalerto upang malaman kung ano ang gagawin ko.
"Tama ka, Humihinga siya." Sabi ko kay Dexter na agad niyang ikinatuwa.
"Pero, wala siyang malay." Dugtong ko sa kanya. At dahil dito, nalaman ko na kung ano ang gagawin ko.
Agad kong inilapad ang aking mga kamay sa kanyang dibdib at hinanda ang aking sarili para sa gagawin kong CPR. (Cardiopulmonary resuscitation)
Agad kong nilagyan ng puwersa ang aking mga kamay at ipinatama ito sa dibdib ni Gunnar.
Ibinaling ko naman ang aking tingin sa pantalon ni Gunnar. At 'nung makita ko ito, Parang may isa pa akong ideya na maaaring makatulong sa pagligtas kay Gunnar.
Itinigil ko muna ang CPR treatment ko sa kanya at itinuon ang aking pansin sa suot pangibaba ni Gunnar.
Agad kong tinanggal ang sinturon ni gunnar at hinayaan muna ito sa isang tabi. Habang si Dexter naman ay nagtataka sa ginagawa ko.
nang matanggal ko na ang sinturon ni Gunnar, sunod kong tinanggal ang butones ng kanyang pantalon kasama ang zipper nito. Pagkatapos 'non ay hinayan ko lang nakabuka ang kanyang pantalon.
"Ate Natasha, Ano pon——
"'Wag kang magalala, hindi ko hahalayin ang kuya Gunnar mo." Agad kong sabi sa kanya dahil baka mamaya ay ibang bagay na ang iniisip niya.
"Ano po bang ginagawa niyo?" Tanong sa akin ni Dexter.
"Niluluwagan ko ang pantalon ni Gunnar para makatulong sa paghinga niya. Mas mabilis kasing dadaloy ang hangin kung maluwag ang daluyan ng hangin." Sabi ko sa kanya at tinapos na ang pagpapaluwag ng pantalon ni Gunnar.
Nang maluwag na ang pantalon ni GUnnar, agad kong pinagpatuloy ang CPR sa kanya. Muli kong inilapat ang aking mga kamay sa kanyang dibdib at agad na nilagyan ng puwersa.
Ilang segundo rin ang itinagal bago ko siyang nakitang gumalaw.
"Isa pa!" Sigaw ko at inihanda ang aking sarili para sa pagpapatuloy ng chest compressions.
"CHOOOOOKKKKKKKKK!" Narinig namin ni Dexter na dumuwal si Gunnar at lumuwa ng tubig galing sa kanyang bibig.
Nakita na rin namin iminulat na ni Gunnar ang kanyang mga mata at sinusubukan nang umupo. Ilang ubo muna ang pinakawalan ni Gunnar bago siya nakapagsalita.
"A-Anong nangyari?" Tanong niya sa akin habang siya ay hinihingal. Agad namang nagkaroon ng saya sa akin nang napagtanto ko na naligtas ko ang buhay ni Gunnar.
"Akala ko, makikita ko na si San Pedro." Sabi sa akin ni Gunnar. Habang ako ay napaupo naman at nagpahinga muna sandali.
"Ano na bang update?" Sabi sa akin ni Gunnar at sinubukan na niyang tumayo. Si Dexter naman ay napaupo na lang din sa pagod.
"TARANTADO KA DEXTER!" Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan nang biglang may pumasok na babae at parang nagmamadaling sugudin kami.
Napatayo naman agad si dexter at parang natatakot sa babae. Pero habang tumatagal ay nakikilala ko na kung sino ang babaeng ito.
"Jade?!"

Komento sa Aklat (7)

  • avatar
    Leanida B Nava

    Ganda😊

    12/07/2022

      0
  • avatar
    John Benedict Toos

    love you

    11/07/2022

      0
  • avatar
    TernidaJonalyn

    good story

    30/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata