Homepage/Pantasya ni Natasha (Natasha's Fantasy)/
The Blackmail Part 2
[Natasha]
"Kaya naman, ihanda mo na ang camera mo, may kukunan tayong lampang hubad." agad kong sabi kay Jade. Hinila ko naman siya papunta sa isang tagong sulok dahil naramdaman kong may paparating. Mahirap na, baka mamaya mabisto pa kami, hindi pa matuloy ang plano namin.
"Naku po, may guard. Paano tayo ngayon papasok sa vent?" Tanong ni Jade sa akin. At dahil sa sinabi niya, napangiti ako. Isang magandang ideya kasi ang ang biglang pumasok sa isip ko. hahahaha!
"Hoy Jade, 'di ka ba natutuwa?" tanong ko.
"Bakit naman ako matutuwa? Eh, hindi natin magagawa ang plano natin kung may epal na guwardiyang nakaharang." Sagot nito.
"Alam mo, lahat ng problema may solusyon." Payo ko sa kanya pero walang salita ang lumabas sa kanyang bibig.
"Ganito na lang, gawin na lang natin 'tong isang practice para sa misyon natin." Panimula ko.
"Hindi mo ba napapansin, iba ang kulay ng badge ng guwardiyang 'yan. Ibig sabihin, bago lang ang guard na 'yan dito. Kaya hindi pa siguro niya alam na may mga specialties tayo sa bawat larangan. Mapa-hand combat, pick pocket, guns, bombing, sniper at marami pang iba. What if, i-welcome natin si manong guard gamit ang specialties natin?" Biglaang banat ko. at parang pinagisipan pa ni Jade ang aking alok.
At dahil sa sinabi ko, parang natuwa ata ang kasama ko. Nagkaroon muna siya ng masamang titig sa guard bago muling humarap sa akin.
"Sige Natasha, parang maganda 'yang naisip mo. Siguro naman alam mo na ang gagawin mo?" Tanong ni Jade sa akin sabay titig muli ng masama sa guwardiya.
"Teka! 'Ayung tactic ang gagamitin natin dito?" Gulat kong sabi sa kanya. Alam ko kasi ang ibig sabihin ng mga galaw niya. At ang gagawin namin, matagal-tagal na namin 'di ginagawa.
"Oo naman. Subukan lang uli natin kung gumagana pa. Please!" Sagot ni Jade sa akin at nagpa-awa pa sa akin para pagbigyan ko siya sa gusto niya
"Siya, sige na nga! Deal!" Sagot ko sa kanya.
"Ngayon lang 'to ah!" Sagot ko muli sa kanya.
"C-R-A-Z-Y plan, let's gooo!" natutuwang sabi ni Jade.
Pagkatapos naming mag-usap ni Jade, lumakad na si Jade papunta sa guard. Habang ako, tumambay muna sa puwesto ko.
Teka, ano ba 'tong C-R-A-Z-Y plan na 'to? Well ang teacher namin sa pagiging agent ang nagpangalan nito. Well kaya CRAZY plan kasi bawat letters ay may ibig sabihin.
C- Ceduce
R- React
A- Act
Z- Zip
Y- *Continue
Paano ba gumagana 'tong tactic na 'to? Well, simple lang.
Gagamitin ni Jade ang kanyang kagandahan para ma-hook ang target, which is ang guard. Lalandiin lang ni Jade ang target hanggang makuha na ni Jade ang bagay na kailangan niya. At ang bagay na kailangang kunin ni Jade ngayon ay ang access card para sa vent. At ang access card ay naka-clip sa dibdib ng guard.
At once nanakuha na ni Jade ang item, tsaka na ako papasok sa eksena. Magkukunwari ako na nahuli sila Jade na gumagawa ng kalaswaan, at magpapanggap na walang alam sa nangyayari. Maghihintay lang ng tamang timing, then gagamitin ko ang combat skills ko para patumbahin ang target, then mission accomplished na! Ang dali lang 'di ba? Pero napaka delikado.
Hindi naman sa pagmamayabang pero laging nagtatagumpay ang planong 'to. Siyempre matagal din naming pinractice ang ganitong style. hanggang ako ang naging number one sa category ng hand combat. Habang si Jade naman ang naging number one sa pag- pick pocket. Napkabilis ng kamay nitong si Jade 'no. Minsan nga' di ko namamalayan, nasa kanya na pala ang mga gamit ko ng 'di ko namamalayan. Kaya naman 'di kataka-takang siya ang number one sa pag-pick pocket.
Pinagpatuloy lang ni Jade ang paglalakad ng may halong landi. At dahil sa kanyang ginagawa, napatingin na sa kanya ang guard.
"Hello! Bago ka dito?" panimula ni Jade. Hindi naman umimik ang guard at napatingin lang ito sa kanya.
"Opo ma'am bago lang po." Sagot ng guwardiya kay Jade na tila natutuwa sa pa-sexy na galaw ni Jade. Iba kasi ang tingin ng guard kay Jade, kaya nasabi ko 'yon.
"Ah, Senior po pala kayo dito ma'am." Sabi ng guwardiya habang nakatitig sa dibdib ni Jade. Pakiramdam ko naman parang may balak rin 'tong si manong guard na landiin 'tong si Jade, eh. Sa dibdib kasi nakatingin 'tong si manong guard, puwede naman sa mukha na lang tumingin. Siguro dahil bago lang siya, dapat hindi siya gagawa ng kung ano mang kalaswaan at masamang bagay.
Siya nga pala, para sa akin madali na lang paikutin 'tong guwardiyang 'to. Nasa dibdib niya lang kasi nakakabit ang access card na kailangan namin kaya naman sisiw lang 'to. Kayang-kaya na 'to ni Jade.
"Oo, senior na ako rito." sabi ni Jade sabay hawak sa balikat ng guwardiya. Napatingin naman ang guard sa kamay ni Jade na nakahawak sa kanyang balikat. siguro nakaka-ilang 'yon sa mga kalalakihan. Ikaw ba naman hawakan ng sexy na babae 'no.
"Open minded ka ba? May asawa ka ba?" tanong ni Jade sa guard. Nagkaroon muna ng tahimik na sandali bago nakasagot si Manong guard.
"Oo naman, para sayo. At wala rin naman akong asawa." Sagot ng guwardiya sa kanya. Bahagya naman akong natawa sa sinagot ng guwardiya na wala siyang asawa. Mayroon siyang suot na engagement ring tapos wala siyang asawa? Naku marupok pala 'tong si manong, eh.
Napangiti si Jade sa sagot ng guwardiya at itinulak niya ito dahilan para mapa-upo ang guwardiya sa isang monoblock na upuan. 'Nung napaupo na ang guwardiya, umupo si Jade sa hita ng guwardiya at hinimas ang pisngi nito. At habang tumatagal, ibinababa ni Jade ang kanyang kamay hanggang mapunta ito sa kanyang dibdib. Nakatingin pa rin ang guwardiya sa suso ni Jade. Ewan ko na lang kung bakit.
Unti-unti na ring tinanggal ni Jade ang butones sa uniporme ng guwardiya. Sunod nito ang pasimpleng pagkuha ni Jade sa access card na kailangan namin. At ngayong nakuha na ni Jade ang kailangan namin, itinaas ni Jade ang kanyang kamay, hudyat na puwede na akong pumasok sa eksena.
Mabagal akong naglakad papunta sa kanila para magmukhang dramatic entrance katulad sa mga penikula.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ko na parang walang alam sa nangyayari.
Agad namang naalerto ang guwardiya at itinulak papalayo si Jade. At ang nakakatawa rito, sa sobrang lakas ng tulak ni manong guard kay Jade, napasubsob si Jade sa sahig. At dahil tuloy 'don, pinilit ko na pigilan ang aking tawa.
"Tinatanong ko kung ano ang nangyayari dito." Paguuit ko sa aking sinabi habang itinatago ko ang aking tawa.
"Wa-Wala naman po." sagot ng guwardiya.
"Natasha, pinalapit ako ng guwardiyang 'yan, tapos pinaupo niya ako sa hita niya. Napakabastos!" Kunwaring reklamo ni Jade.
"Ano?" Tanong ko at nagkunwaring nagulat. Sa totoo lang, wala na kasi talaga akong maisip na sasabihin kaya 'ayon na lang ang lumabas sa bibig ko.
"Teka lang mga ma'am, hindi po totoo 'yan!" pagtanggi ng guwardiya sa sarili niya. Napatayo na rin siya dahil sa ibinibintang sa kanya.
"Ma'am tinawag niya ako para lang hipuan at molestiyahin." Hirit pa ni Jade. Napatingin na lang ako sa guwardiya dahilan para ipagtanggol niya ang sarili niya.
"Ma'am, hindi po kita hinipuan. Ikaw nga po itong luma--
SMASH!
"Stop this nonsense chit chat!" Sabi ko pagkatapos kong ihampas sa guwardiya ang nakita kong kahoy na nakatambak sa sulok. Napakadali lang naman palang patumbahin 'tong si manong guard, eh.
"Sweet dreams!" Biro pa ni Jade sabay tawa.
"Nasa'yo pa ba 'yung access card?" Tanong ko kay Jade.
"Oo naman! Ako pa, duh!" Birong sagot ni Jade. Pero totoo naman, eh. Napakagaling nitong si Jade sa pag pick pocket. Minsan nga nag-nakaw siya ng wallet habang naglalakad kami, eh. Kailangan daw kasi ng pera pambayad sa restaurant na kakainan namin 'non.
Shhh! Secret lang daw natin 'yon ah!
---------
"Umusog ka naman 'don ng kaunti!" sigaw sa akin ni Jade. Medyo namimilipit na kaming dalawa dito sa isang parte ng man fit vent.
"Teka! Ikaw nga itong maraming espasyo diyan, eh!" Reklamo ko kay Jade.
"Bakit ba kasi may ganitong parte sa vent na sobrang sikip! Kanina naman kasyang-kasya tayong dalawa, hindi pa nga tayo nagsisiksikan kanina, eh." Reklamong muli ni Jade.
"Ewan ko rin, eh. Itanong mo na lang kaya sa gumawa nitong vent." Hirit ko.
"Oh, medyo lumuwag na!" sagot kong muli kay Jade, at sa wakas, tapos na ang paghihirap at pagsisiksikan naming dalawa ni Jade sa parte ng vent na 'yon.
"Nasaan ba rito 'yung vent hole ng Boys dressing room ng mga juniors?" tanong ni Jade sa akin habang tinitignan at sinisilip ang mga vent hole na nakikita namin.
"Tada!" sabi ko ng mahina kay Jade. Baka kasi marinig kami ng ibang tao sa bawat vent hole. at baka mabisto rin kami ni Dexter na nasa dresing room.
"Nasaan na siya?" bulong ni Jade sa akin habang hinahagilap si Dexter sa butas.
Ilang sandali ang lumipas, lumitaw si Dexter na may hawak na damit na pamalit sa suot niyang nabasa, i mean binasa. Inihanda naman ni Jade ang camera at itinutok ito kay Dexter.
"Ang tagal naman niyang magbihis!" Mahinang reklamo ni Jade na tila naiinip na.
"Oh 'ayan na, oh." Sagot ko habang hinihintay ko na ipakita ni Dexter ang kanyang katawan na gagamitin namin ni Jade na pam-black mail sa kanya.
Unang hinubad ni Dexter ang kanyang relo at inilapag ito sa isang bag. Sunod nitong hinubad ang kanyang sapatos na bahagyang nabasa ng gatas. Inunti-unti na rin ni Dexter tanggalin ang butones ng kanyang damit at saka ito tuluyang hinubad.
"Ayun, oh!" bulong sa akin ni Jade. Pero siyempre medyo napangiti rin ako. Babae ka tapos may maghuhubad na lalaki sa harap mo, nakaka-ilang kaya 'yon. At ang twist, hindi alam ng lalaking naghuhubad sa harap namin na may nanonood sa kanya.
Hinubad na rin ni Dexter ang kanyang salamin at inilagay ito sa isang lamesa na nasa gilid. Hindi ako sanay na walang salamin si Dexter pero bagay naman sa kanya. Kaso kasi, mayroon talaga siyang problema sa mata kaya kailangan niyang mag-salamin.
Hinuhubad na ngayon ni Dexter ang kanyang sando at nakita na namin ni Jade ang kanyang katawan. Well, saktuhan lang naman ang katawan nitong si Dexter. Hindi siya mataba, hindi rin mapayat. Sakto lang.
Pagkatapos niyang hubarin ang kanyang sando, kinuha ni Dexter ang isang basang face towel na nakasampay at pinunasan niya ang kanyang katawan.
"Rolling na ba 'yan?" Tanong ko kay Jade. Tumango lang ito sa akin at muling tumingin sa naghuhubad na lalaki sa harap namin.
Pinagpatuloy lang ni Dexter ang pagpupunas sa kanyang katawan hanggang sa inilapag na niya ang face towel at tinanggal na niya ang butones at zipper ng kanyang pants.
"Wait, kailangan kong picturan ito para may maikalat tayong picture in printed." Sabi ko. Sumanggayon naman si Jade sa aking ideya. Kaya hinugot ko ang aking cellphone sa aking bulsa at itinapat ito kay dexter na kasalukuyang hinuhubad ang kanyang Pants.
3
.
.
2
.
.
1
.
.
CLICK!
.
.
Putek! Bakit may Flash?!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (7)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ganda😊
12/07/2022
0love you
11/07/2022
0good story
30/06/2022
0Tingnan Lahat