Homepage/Pantasya ni Natasha (Natasha's Fantasy)/
Chapter 24: Confirmed!
[Natasha]
"Good morning po sir Evangilista. I'm glad to meet you in here." Bati ni Clara sa boss namin nang makarating sila Sir Evangilista dito sa loob venue. May kasama siyang dalawang tao na may hawak na brief case.
"Ano po bang gagawin natin?" Tanong ni Clara.
"Well maglalagay kami ng isang mask sa mukha mo. At kapag natuyo na 'yung mask sa mukha mo, magiging kawangis mo 'yung mask then ayon ang magiging mukha ng mannequin. Kailangan rin na nandito ka dahil ang mukha mo ang paggagayahan ng mukha ng mannequin." Sagot ng lalaking kasama ni Sir Evangilista.
"By the way, i am Jim. Mannequin maker and painter. Gumagawa ako ng mga personalized mannequins. And you are?" Pakilala ng lalaking nagpaliwanag kanina.
"Clara, I am Clara Fernandez." Nakangiting sagot ni Clara. Hindi mo naman kasi talaga aakalaing kriminal itong si Clara dahil nga sa hitsura at sa ugali niya. Para nga siyang artista kung gumalaw.
"Ako naman si Japs. Sagot naman ng isa pang kasama ni Sir Evangilista. Nakipagkamay silang dalawa kay Clara bago sila tuluyang pumunta sa isang kuwarto na parang dressing room.
Pinaupo muna si Clara bago siya nilagyan ng isang likido na ipinahid sa kanyang mukha.
"Hey Natasha, Jade, Julia! While you are waiting, i have something for you three." Napatingin kaming tatlo sa kanya.
"Manang! Bring the gift here!" Bigla siyang sumigaw habang pinapahiran pa rin siya ni Jim ng mask.
Pumasok naman ang isang babaeng may daladalang tatlong hand bag.
"Get one bag please! Actually personalized 'yan kaya hanapin niyo na lang ang pangalan niyo. Sorry hindi 'yan ganon kamahal and original. Alam niyo naman ang kaso at ginagawa ko 'diba?" Sambit ni Clara sa amin. Nagulat naman ako dahil hindi ko akalaing binibigyan niya kami ng regalo.
"Atsaka, pa-thank you ko na rin 'yan dahil 'di ko inasahang tutulungan niyo ako dito bago niyo ako hulihin. 'Wag kayong mag-alala, hindi ko kayo binibigyan ng regalo para makonsensiya kayo at hindi niyo na ako hulihin. Sasama pa rin ako at magpapakulong pagkatapos nitong ginagawa natin. Wala lang, parang gusto ko lang kayo bigyan niyan." Dugtong pa nito. Kinuha ko naman ang kulay itim na bag na may nakalagay na pangalan ko. May nakalagay rin ditong isang sikat na logo ng bag. Pero gaya ng sabi ni Clara peke raw ang logo na 'to.
Kinuha na rin nila Jade at Julia ang kanilang mga bag. Kulay Pula ang kay Jade at kulay Pink naman ang kay Julia. Tulad ng akin, personalized din ito.
"Thank you! Sa lahat ng mga hinawakan naming target, ikaw ang hindi ganon kasama ang ugali at suplada." Sagot ni Jade sa kanya. Ngumiti naman si Clara bilang tugon.
"Salamat dito, ah!" Pasasalamat ko sa kanya. Totoo nga ang sinabi ni Jade, hindi naman siya ganon kasama. Mababa lang din naman ang kaso niya kaya ilang taon lang siya doon. Sa totoo lang, buwan nga lang ang pagkakakulong niya dahil 'di naman ganon kabigat ang kaso niya tulad ng murder o homicide.
"Always welcome!" Sagot nito at pinanindigan ang kanyang ngiti.
"Sa totoo lang, ang dami natin dito sa dressing room ko. 'Wag kayong mag-alala, hindi ako tatakas. Puwede kayong pumasok muna doon sa dining area ng venue at kumain muna kayo 'don. Don't worry, walang lason ang mgapagkain doon." Alok ni Clara sa amin. Ngumiti naman kaming lahat sa kanya at sinunod ang kanyang sinabi.
----------
"Parang sobrang bait naman niya." Komento ni Julia habang naglalakad kami papunta sa dining area. Sumangayon naman kaming dalawa ni Jade.
"Baka talagang gusto niya lang mamigay." Sagot naman ni Dexter.
"Hindi namin hinihingi ang komento mo!" Banat agad ni Jade kay Dexter. Tumawa naman ako dahil sa kanilang dalawa.
*BANG!
Napayuko kaming lahat nang makarinig kami ng putok ng baril. Agad naman kaming napalingon sa malaking gate kung saan namin narinig ang putok ng baril.
Napatakbo agad kami papunta sa entrance ng venue. Nang makarating kami roon, nakita agad namin ang isang guard na nakabulagta na sa sahig at duguan. Napahugot agad ako sa aking baril upang tumulong sa pakikipagbarilan.
Ngunit, ang problema, hindi namin makita ang kalaban. Mas lalo kong tinalasan ang aking mga mata para makita namin kung nasaan ang salarin.
"Ayon siya!" Sigaw ni Dexter at itinuro ang isang puno sa venue. Agad namang nagpaputok ang isa pang guard ng baril nang makita na namin ang kalaban.
Isa itong personalidad na mayroong suot na itim na jacket at itim na face mask. At dahil nga tago ang kanyang katawan, hindi namin malaman kung ano ang kanayang kasarian.
Nagpaputok rin ako ng baril sa kalaban. Ngunit, hindi ito tumatama sa kanya dahil nagtatago siya sa puno. Tumulong na rin si Julia at Jade sa pagbabaril.
*Bang!
Biglang nagpaputok ng baril ang kalaban namin. Tumama naman ang bala niya sa isang guard na tumulong sa amin. Lalapitan sana ni Dexter ang guard ngunit agad siyang hinila ni Gunnar at pinigilan ang balak niyang gawin.
Nang nabaril niya na ang guard, hindi na siya nagpaputok ng baril muli. May dinukot naman siya sa kanyang bulsa at inihagis ito sa sahig. Nang tignan ko ng mabuti ang kanyang inihagis, para itong piraso ng papel. Agad namang siyang tumakbo papalayo kaya tumira na ako.
*Bang!
Pinindot ko ang kantilyo ng aking baril matapos itong itutok sa kalaban namin. Agad ko naman siyang tinamaan sa dibdib. Hindi ako masyadong magaling sa paghawak ng baril kaya hindi ko kaya ang mga ginagawa tulad sa mga action movies.
*Bang! Nagulat ako nang biglang bumaril din si Julia. Mas lalo naman akong nagulat nang mismong sa noo ng kalaban tumama ang bala ni Julia.
"Bull's eye!" Sigaw pa ni Julia. Natulala naman kaming apat sa kanya.
Well, 'di naman na ako magugulat kung magaling siya sa paghawak ng baril. Gun firing kasi ang mastery ni Julia sa pagkakaalam ko.
"A-Anong nangyayari dito?!" Hingal na tanong ni Clara habang tumatakbo siya papunta sa direksiyon namin. Nakasunod naman sa kanya si Sir Evangilista at sila Jim at Japs.
"Clara, ano kasi.." Sinubukang magpaliwanag ni Gunnar pero agad na sumigaw si Clara nang makita ang dalawang nakahandusay na guwardiya.
"Ang mga guards ko! Lagot ako nito kay daddy!" Pagsingit ni Clara.
"Julia, anong nangyari dito?" Si Sir Evangilista na ang nagtanong.
"May umingkuwentro po kasi sa amin at pinatay po ang dalawang guard. Wala naman na pong problema dahil napatumba na namin siya." Sagot ni Julia at pinakalma ang iba pa naming mga kasama.
"Kilala ko na kung sino ang may gawa nito." Sagot ni Dexter. Agad naman kaming napatingin sa kanya.
"Dexter! Ano ba! Ang likot mo! Umalis ka nga diyan! Baka mamaya'y maybumaril sa'yo diyan!" Sumigaw na si Gunnar kay Dexter dahil lumapit siya sa bangkay ng nakalaban namin.
Hindi naman niya pinansin ang pagsaway sa kanya ni Gunnar at ipinakita ang isang pirasong papel na hinagis kanina ng kalaban namin. Isa na naman itong litrato ng bubuyog na may korona. Pagkakita pa lang namin sa litrato, kilala na namin kung sino ito.
"Si Queen V!"
----------
"Sir Evangilista, alis na po kami. Tapos na po naming gawin ang dapat namin gawin kay Clara. Ihahatid na lang po namin sa opisina ninyo bukas ang Mannequin." Paalam ni Jim at Japs sa boss namin at agad na umalis.
Nandito na rin ang mga pulis sa venue ni Clara upang imbistagahan ang mga nangyari. Ang mga SOCO at kapulisan na ang gumawa ng imbistigasyon sa crime scene. Kami naman ay patuloy na nagmamasid dito sa venue.
Nang pumunta ako sa entrance ng venue, nakita ko si Julia at si Carter na magkasama. At dahil 'don, naalala ko naman ang usap-usapan sa opisina. Na may namamagitan kay Julia at kay Carter. Pero kung gusto ko talaga malaman, siguro gamitin ko na lang ang method ni Jade para malaman ang lahat.
Agad akong lumapit sa kanilang dalawa na nag-uusap.
"So... Kailan pa naging kayo?" Tanong ko sa kawalan.
"H-Huh?" Agad na nag-iba ang mukha ni Julia at Carter.
"May namamagitan sa inyo 'diba?" Tanong ko pa na mas lalong nagpa-awkward ng sitwasyon.
"P-Paano mo nalaman?" Tanong ni Julia na tila gulat ang ekspresiyon. Napangiti naman ako sa kanila.
"So.. Totoo nga!!!" Sigaw ko sa kanila. Yiiieeeee! Teka lang kinikilig ako!
"Oo?" Sagot ni Carter sa akin na tila nahihiya na. Agad naman akong kinilig para sa kanila.
Yes! Nagtagumpay ang method ni Jade. Ang sabi niya kasi sa akin, kapag may gusto akong malaman at nais ko itong manggaling sa tao, 'wag ko daw itanong, sabihin ko raw mismo sa taong nais kong pagkunan ng impormasyon.
"So.. Confirmed! Kayo talaga?" Mas lalo akong kinilig sa kanilang dalawa. Bagay kasi talaga silang dalawa.
"Oo nga! 'Wag mo namang ipagkalat." Bulong pa ni Julia sa akin. At dahil sa sinabi niya mas nakaisip ako ng gimik.
"CONFIRMED! JULIA IS IN A RELATIONSHIP WITH CARTER!" Sigaw ko habang pinipigil ang aking ngiti. Agad namang napatingin si Jade, Dexter at Gunnar. Kahit si Sir Evangilista, napalingon din.
"Punyeta ka Natasha! Bakit mo sinigaw!" Sigaw sa akin ni Julia at hinampas pa ako. agad namang nagsilapitan sila Jade sa amin upang maki-isyoso.
At sa sandaling 'yon, Napalitan ng kilig ang takot at trahedyang naganap mga ilang minuto lang ang lumipas.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (7)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ganda😊
12/07/2022
0love you
11/07/2022
0good story
30/06/2022
0Tingnan Lahat