Chapter 16: Isn't Amaizing?

[Natasha]
"Tama pa ba ang dinadaanan natin?" Tanong ko kay June habang sinusundan namin si Billy para dalhin kami kung saan naroon si Dexter. Ewan ko ba! Pero basta-basta na lang kami nag-tiwala sa kanya.
"Hindi ko alam na may Basement pala 'tong bahay." Sagot sa akin ni June. Sa sagot niyang 'yon, mas lalo akong kinabahan. Malay ba namin kung nasaan talaga si Dexter 'no!
"Natasha, Jade, Handa niyo mga armas ninyo." Biglang lumapit sa amin nila Jade si Julia at pasimple kaming binulungan habang naglalakad.
"Alam ko na pati kayo, nagaalinlangan na rin dito. Pero, may plano ako kung sakaling may 'di kaaya-ayang mangyayari." Dugtong pa ni Julia. Tumango naman kaming tatlo nila Jade bilang tugon.
"Baba, tayo dito... Dito ko siya nilagay, eh." Nagulat ako nang biglang itinuro ni Billy ang isang hagdanan pababa. Medyo napa-atras naman ako dahil sa takot kung anong bagay ang mayroon sa nakakatakot na hagdanan pababa.
"Pasyensiya na kung medyo madilim na pababa, wala kasing ilaw sa hagdanan. Pero 'pag nakababa na tayo, napakaraming ilaw na ang mayroon. Actually, napakalawak na space ang mayroon sa baba." Paliwanag pa ni Billy. Hindi ko naman masyadong pinansin ang mga sinasabi niya at tinitigan lang ang pababang parte ng hagdanan.
*DUT! DUT! DUT! Biglang nag-vibrate at tumunog ang telepono ko. At nang ilabas ko ang telepono ko, nakita ko na si Gunnar ang tumatawag.
"P-Please excuse me. May tumatawag lang." Sabi ko sabay bulong ko kila Jade na si Gunnar ang tumatawag. Pagkatapos 'non ay lumakad naman ako sa isang sulok at 'don na sinagot ang tawag ni Gunnar.
"Hello?" Bati ko sa telepono.
"Update? Nahanap niyo na si Dexter?" Sagot ni Gunnar sa telepono. Sa tono ng pagsasalita niya, halatang nag-aalala na siya sa alaga niya. Sa bagay, 'pag napahamak naman si Dexter, sigurado si Gunnar ang unang sisisihin.
"Both good news and bad news." Sagot ko.
"Good news muna.." Anito.
"Good news, may lead na kami kay Dexter. Sa totoo lang, papunta na kami sa kanya." Paliwanag ko ng mahina sa kanya dahil baka marinig ng target ang pinaguusapan namin.
"Bad news?" Tanong ni Gunnar.
"Hawak ni Billy si Dexter." Pagkasabi ko pa lang, nakarinig na agad ako ng mga masasamang salita galing kay Gunnar. Halatang-halata ko na sobrang nagaalala na siya ngayon.
"Wait lang Gunnar... There's another Good news for you!" Sabi ko pa sa kanya para medyo kumalma siya.
"Ano 'yon?" Sagot niya at natigil sa pagmumura.
"Sundan mo kami dito." Aniko. Makakatulong na rin kasi siya kapag mayroon talagang nangyaring masama sa amin.
"T-Talaga? Nasaan ba kayo?" Gulat na tanong nito. Lumingon-lingon naman ako upang tignan kung nasaan kami ngayon.
"Papunta kami ngayon sa basement ng bahay. Sa pagkakatanda ko, dumaan kami sa isang pintuan sa kusina ng bahay. Tip! Mayroon ding daan sa gilid ng bahay. Doon nga kami dumaan, eh. Kaya ko lang nalaman na may daan sa kusina dahil nakita namin ang pinto na 'yon sa kusina." Sagot ko sa kanya. Narinig ko naman ang maikling sagot nito at saka pinatay ang tawag. Iniligay ko naman ang aking telepono sa bulsa ng dress ko. Humabol naman ako kila Jade at bumaba na papunta sa basement.
*BANG! Napayuko ako dahil hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng hagdan, mayroon na agad akong narinig na putok ng baril. At dahil sa narinig ko, nagmadali na akong bumaba ng hagdan at pinasok na ang basement.
Pagkapasok na pagkasok ko sa basement, bumungad sa akin ang napakalaking espasyo. Parang isang venue ang laki nito at mayroon pang mga ilaw sa paligid. Wala ring mga gamit sa buong espasyo kaya naman malakas ang echo sa buong lugar.
Nang lumingon ako sa gawing kanan, nakita ko si June na nakahandusay sa sahig. Sa pagkakakita ko, may tama siya ng bala sa kaliwang balikat niya. Nang tumingin naman ako kay Billy ay may hawak na rin siyang baril. At dahil nga sa nakita ko, hinablot ko agad ang baril sa aking bag at itinutok ito kay Billy. Lumapit na rin ako kila Jade para itanong kung ano ang nangyayari.
"Hindi namin alam kung ano ang nangyari. Basta pagkapatapak pa lang ni June sa basement, binaril na niya agad si June." Ulat sa akin ni Julia habang hawak din niya ang kanyang baril na nakatutok din kay Billy.
"Isa lang ang alam namin, 'Wala dito si Dexter.' Dahil kung nandito siya, sana nakita na natin siya agad." Sagot naman ni Jade sa akin habang hawak naman niya ang isang kutsilyo.
"Girls.. Anong pinagbubulungan niyo diyan? 'Sali niyo naman ako!" Sabi ni Billy habang kinamot pa ang kanyang ulo gamit ang baril.
"Sayo? Anong balita? Bakit tumatawag si Gunnar?" Tanong ni Jade sa akin. Kinasa ko naman ang aking baril bago ako magsalita.
"Alam niyo na, kailangan natin ngayon ng back-up. So I let Gunnar join the party." Sagot ko habang tinututok ko pa rin ang baril kay Billy.
Habang nakikipagtitigan ang mga baril namin sa isa't-isa, isang tanong ang pumasok sa isip ko. At para malaman ang kasagutan, agad kong binitawan ang tanong kay Billy.
"Billy! Kung alam mong kami ang kalaban mo, bakit mo dinamay si June?" Pasigaw kong tanong. Ngunit imbis na sumagot siya'y tumangka siyang lumapit sa amin kaya naman napa-atras kami sa kanya.
Paikot ang atras naming apat kaya naman parang naglalaro lang kami sa malaking basement na 'to.
Ilang sandali pa ang lumipas saka lang namin napagtanto na si June pala ang target ni Billy. Kaya naman wala kaming nagawa kun'di itutok lang kay Billy ang aming mga sandata sa malayo.
"Tinatanong mo kung bakit 'tong Gag*ng 'to ang binaril ko?" Sagot ni Billy sabay hablot sa buhok ni June na nakahandusay pa rin sa sahig at iniinda pa ang sakit ng balang tumama sa kanya kanina.
"'Diba kasabwat niyo siya?" Tanong ni Billy. Natikom naman ang bibig namin dahil sa sinabi niya.
"Ohh... So 'di niyo siya kasabwat?" Tanong niya na tila nagbago ang mukha. At dahil sa kinikilos ni Billy, parang naka-isip ng taktik si Julia kung paano siya malalamangan.
"Sino bang nagsabi sayo na kasabwat namin siya?" Tanong ni Julia at bahagyang tumawa. Mas lalo namang sumimangot ang mukha ni Billy sabay tingin kay June na nakahandusay pa rin at pilit na tumatayo.
"Hindi ka nila kasabwat?" Tanong ni Billy kay June. Tumango naman si June bilang tugon.
"S-Sino ba'ng nagsabi s-sayo na kasabwat nila ako?" Utal-utal na sabi ni June. At dahil sa sagot nito, tinulungan ni Billy si June na tumayo.
Ilang sandali pa, nabalot ng ingay ang buong basement dahil sa sigaw ni Billy.
"Aaaaakkkkk! Put*ng ina mo!" Nagulat kami nang biglang sinaksak ni June si Billy sa likod. Dinamdam naman ni Billy ang sakit ng pagkakasaksak sa kanya.
Sinubukan naman naming umaksiyon ngunit parang huli na ang lahat.
"TRAYDOR KANG GAG* KA!"
*BANG!
Nanlaki ang mga mata naming tatlo nang kumalat ang dugo sa puting sahig ng basement. Binaril kasi ni Billy si June sa Ulo. Kitang-kita naming tatlo ang pagtalsik ng dugo ni June sa sahig. Napasigaw kami agad pero alam naming walang magagawa ang paghiyaw namin sa sitwasyong 'to.
"Ano na? Sinong sunod?" Ginamit na naman ni Billy ang kanyang malamig at nakakatakot na boses sabay lingon sa amin. Mas lalo akong nakaramdam ng malamig na hangin nang lumingon si Billy sa amin habang siya ay may talsik ng mga dugo ni June sa mukha.
"Ibaba mo ang baril mo!" Sigaw ni Jade kay Billy ngunit kataka-takang ibinaba niya nga ang baril niya at sinipa pa ito papunta sa puwesto ni Julia. Ilang segundong titigan din ang naganap bago muling nagsalita si Julia.
"S-Sumusuko ka na ba?" Tanong ni Julia sa kanya. Tumawa muna si Billy kay Julia bago sumagot.
"Siguro? Napatay ko na ang tumraydor sa akin kaya tapos na ako. T*ng ina, buong buhay ko, ako na lang ang masama! Ako ang laging tinatraydor! Ako lahat!" Sabi niya sabay taas ng kamay. May tumulo na ring luha sa kanyang mga mata at agad itong gumapang sa kanyang mga pisngi. Kinuha ko naman ang posas na nasa hand bag ko para iposas na siya.
"Anong gusto mong gawin namin sa'yo?"Tanong ko sa kanya.
"Gust kong imbistigahan niyo ulita ang kaso ko. Dahil 'di naman talaga ako ang pumatay sa asawa ko, eh." Sagot nito sa akin. Tumango na lang naman ako sa kanya at walang isinagot.
"Knife." Pasimple kong hiniram ang hawak na kutsilyo ni Jade para kung sakaling maglaban pa rin si Billy, may sandata ako.
Unti-unti akong lumapit kay Billy at pinakaramdaman kung lalabanan pa rin niya ako. Ngunit, sa kabutihang palad, hindi na siya lumaban at sumuko na lang.
Kinuha ko ang isang monoblock chair na nasa sulok ng basement at pinaupo siya doon at doon ko na siya pinosas. Pinosas ko rin sa silya ang kanyang dalawang paa upang siguradong hindi na talaga siya makatakas.
"Wala ba kayong itatanong sa akin 'tungkol sa anak ng presidente o kaya sa mga 'Liquid-017'?"
*Liquid-017-- Pronounced as "Liquid dash zero seventeen". Ito ang potion drugs na kailangan naming kumpiskahin sa mga target. Ito ay ang mga kulay pulang likido na kapag ito ay nainom mo, na-inject sa'yo o nahalo sa pagkain mo, sigurado makikita mo na si San Pedro.
"Alam na namin kung nasaang kuwarto nakatago ang mga Liquid-017. Ang tanong ko na lang ay kung nasaan si Dexter." Sagot ko kay Billy habang itinutok ko sa kanya ang kutsilyo na hiniram ko kay Jade. Napangiti naman si Billy sa akin.
"Sa isang kondisyon... Ihagis mo 'yang hawak mong kutsilyo sa traydor kong kaibigan."
*BANG!
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang binaril ni Julia ang bangkay ni June. Tumawa naman ng tumawa si Billy pagkatapos ng nangyari.
"Hahahaha... Isa pa nga! Hahaha!" Sigaw pa niya. Ngunit dahil nabuwisit ako, hinagis ko na rin ang kutsilyo na hawak ko sa bangkay ni June. At dahil sa tulis ng kutsilyo, bumaon agad ito sa balat ni June. Para sa akin, wala na atang pakiramdam ang katawan ni June dahil magsa-sampung minuto naman na ang lumipas pagkatapos siyang lagutan ng hininga.
"Alam niyo ba na gusto kong pumalakpak sa mga ginawa ninyo. Ang galing! And as a reward.... Ang anak ng presidente ay nasa room 8 sa second floor. Better find him! Pero wait, there's more! I just want to say to you that beware of guards in that room. Siyempre may security guards din ako 'no! I'm not that cheap like you!" Sabi pa niya. Lumakad naman kaming tatlo papalabas ng basement at iniwan siyang nakaposas sa silid.
"GOOD LUCK!" Sigaw pa ni Billy bago pa kami tuluyang makalabas.
---------
Disclaimer
The chemical named "Liquid-017" is fictional and not true!
The chemical used in this story doesn't reflect as a real deadly weapon.

Komento sa Aklat (7)

  • avatar
    Leanida B Nava

    Ganda😊

    12/07/2022

      0
  • avatar
    John Benedict Toos

    love you

    11/07/2022

      0
  • avatar
    TernidaJonalyn

    good story

    30/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata