Homepage/Pantasya ni Natasha (Natasha's Fantasy)/
Chapter 13 CR: sCaRy
[Dexter]
"Hoy Dexter, paabot nga ako ng tubig diyan sa likod!" Sigaw sa akin ni ate Jade habang nilalakbay ko ang aking paningin sa kalsada.
"P-Po?" Sagot ko lang sa kanya. Narinig ko naman 'yung sinabi niya kaso baka kasi, mali ang pagkakarinig ko kaya nagtanong na lang ako.
"Bingi ka ba? Ang sabi ko, kunin mo 'yung tubig diyan!" Sumigaw na siya sa akin. Agad naman akong nataranta at kinuha ko na ang bottled water na nasa gilid ko at agad na inabot kay ate Jade. Umirap siya sa akin pero hindi ko na kang pinansin.
"Malapit na ba tayo Gunnar?" Tanong ni ate Natasha kay kuya Gunnar. Tumango naman si kuya Gunnar bilang sagot. Ito rin ang naging senyales ko na malapit na kami sa aming pupuntahan.
"Excited na akong bumali ng buto." Biglang sabi ni ate Julia na nasa tabi ng drivers seat kung saan nakaupo si kuya Gunnar.
Excited na sila? Ako nga kinakabahan, eh. Hindi naman ako kasali sa manghuhuli sa target pero parang ako pa ang mas kinakabahan sa kanila. Dumagdag pa 'tong sprain ng kanang braso ko. Hayst! Ano ba 'to!
"Psst... Kinakabahan ka 'no?" Biglang sabi ni ate Julia. Napansin kong sa akin siya nakatingin kaya inakala ko na ako ang tinatanong niya.
"A-Ako? H-Hindi ah!" Utal-utal kong sagot. Ano ba 'yan halata namang kinakabahan ako, eh. Bakit pa ba ako nagsinungaling? Malamang halata nila 'yon.
"Weeh? Talaga ba?" Pangaasar pa niya sa akin. Hindi na lang ako sumagot para iwas na lang sa away.
--------
Habang binabaybay namin ang kahabaan ng kalsada, mayroong pumara sa aming kasundaluhan. Sumaludo muna ito sa amin bago nito ilabas ang kanyang hawak na flashlight. Agad namang tumigil si kiya Gunnar sa pagmamaneho at itinigil ang sasakyan sabay bukas ng bintana nito.
"Magandang gabi ho, sir Gunnar." Bati ng isang sundalo na pumara sa amin.
"Kami po ang team Alpha at Beta. Kami po ang re-rescue sa inyo kung sakaling may mangyaring masama. Kami na rin po ang back up ninyo. Nag-disguise po kami bilang isang checkpoint para po hindi masyadong halata sa target." Paliwanag ng sundalo sabay turo sa isang road sign na may nakalagay na "Police Checkpoint".
"Ingat po kayo sa mission niyo ma'am, sir!" Sabi ng sundalo sabay muling saludo sa amin.
"Ingat din po kayo rito!" Sagot ni kuya Gunnar at sumaludo rin sa sunalo. Agad din namang itinigil ni kuya Gunnar ang pagsaludo sa sundalo at isinara na muli ang bintana ng kotseng sinasakyan namin at agad pinagpatuloy na ang pagmamaneho.
Ilang minuto rin ang lumipas bago sabihin ni kuya Gunnar na nandito na pala kami sa destinasyon. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Ewan ko ba talaga kung bakit nangyayari 'to.
*Tok! Tok! Tok!
Nagulat ako dahil sa biglang may kumatok sa sasakyan na sinasakyan namin. Muling ibinaba ni kuya Gunnar ang bintana upang kausapin ang lalaki na nasa labas——Ito ay si June Domisi. Ang espiyang nakuha namin na medyo matapang ang amoy ng pabango kanina.
"Are you guys ready?" Tanong ni kuya June na nasa labas.
"Of course, we're ready." Sagot ni ate Julia at lumabas na sasakyan. Sumunod namang lumabas sila ate Jade at ate Natasha.
"Good luck!" Sabi ni kuya Gunnar sa kanila. Ngumiti naman sila kay kuya Gunnar at pumasok na sa venue.
"June! 'Wag mo kaming bibiguin!" Sigaw naman ni kuya Gunnar kay kuya June. Itinaas naman ni kiya June ang kanyang hinlalaki bilang sagot bago siya pumasok sa venue.
Pagkapasok na pagkapasok nilang apat, agad na isinara ng guard ang gate at naging madilim na muli dito sa parking lot at wala nang ilaw na dumampi sa buong paradahan.
"Psst Dexter, dito ko na, oh!" Sabi sa akin ni kuya Gunnar sabay tapik sa couch na nasa tabi ng driver's seat kung saan siya nakaupo.
Tumango naman ako at binuksan ang pinto na nasa tabi ko at lumipat sa unahan katabi ng driver's seat. Medyo nagmadali akong lumipat ng upuan dahil sobrang dilim na nga ng buong parking lot. Pakiramdam ko 'nung lumabas ako ng kotse, parang posibleng may humablot sa akin na kung ano mang elemento at patayin ako.
"Tayong dalawa na langang nandito. Maghanda ka kung mayroong nagaganap, ah!" Sabi ni kuya Gunnar sa akin pagpasok ko ng sasakyan muli. Tumango naman muli ako bilang sagot. Teka? Tinatakot niya ba ako?
*Kshhhhhk! Biglang tumunog ang walkey talkey ni kuya Gunnar na nakakabit sa mga accessories ng mga kasamahan naming mga babae kaya naman agad niya itong kinuha at sinagot.
"Nakapasok na kami. Napakahigpit pala ng security dito kaya medyo natagalan kaming makapasok. 'Wag kayong mag-alala, hindi nabisto ang mga dala naming baril at kutsilyo kaya walang problema sa security ngayon." Boses ni ate Julia ang narinig namin sa walkey talkey. Agad namang namatay ang volume ng walkey talkey at wala nang sumunod na nagsalita.
"Yes! Nakapasok na sila. Wala na tayong po-problemahin sa security. Kailangan na muna nating i-report 'to sa Alpha at Beta team." Sabi ni kuya Gunnar at pumundot ng mga button sa kanyang telepono para ma-contact ang kasundaluhang naka-back up sa amin.
Habang nagre-report si kuya Gunnar sa mga kasundaluhan, inilibot ko ang aking paningin dito sa garahe. Hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam sa labas ng kotse. Nakakatakot pa rin at napakadilim. At ang tanging ilaw lang na nakabukas ay ang ilaw ng public CR sa sulok ng garahe.
"Boooo!!" Napasigaw ako sa gulat nang biglang simigaw si kuya Gunnar para gulatin ako. Tawa naman siya ng tawa pagkatapos niya akong gulatin. Talagang trip nila na paglaruan ako 'no? Hindi kaya 'yon nakakatuwa!
"Ano, gulat ka 'no?" Sabi niya sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya sa akin. Alam ko namang pinagti-tripan niya lang ako.
"'Wag kang mag-alala kay Baby Natasha mo, malakas na babae naman 'yon, eh. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya." Sabi niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa kanya.
"B-Baby Natasha?" Tanong ko kay kuya Gunnar habang pinipilit kong pigilan ang ngiti ko. Teka lang! Parang naging kamatis ang pisngi ko 'don, ah! Alam ko naman kasi kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Weeeh? Kunwari hindi alam ang tinutukoy ko..." Pangaasar pa niya sa akin. At dahil nga sa simabi niya, mas lalo tuloy ako napangiti at nahiya.
"Ayiiiieee kinikilig! Ship ko kayo, gusto mo? Pero hoy Dexter, paalala ko lang ah, bata ka pa. Tatlong taon ang tanda sa'yo ni Natasha. 18 ka, 21 siya. Alam ko namang age doesn't matter pero Paano na ang pag-aaral mo? 'Wag mong hayaang sirain ka ng pag-ibig mo.." Biglaang payo ni kuya Gunnar sa akin.
"Alam ko naman po 'yon kuya, eh. A-At wala naman po akong balak na gawing girlfriend si ate Natasha. M-Mas more on crush lang po." Utal-utal kong sagot sabay iwas ng tingin ko sa kanya.
"M-Magbabanyo lang po ako..." Biglaan kong paalam.
"Samahan na kita." Agad na sabi ni kuya Gunnar. Ngunit agad akong tumanggi.
Agad kong binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas mula dito. Pagkasara ko ng pinto, isang buntong hininga ang aking ginawa at dumiretso na sa Boys restroom.
Pagkapasok ko sa banyo, tumambay lang ako sa tapat ng lababo ng restroom. Hindi naman kasi ako pumunta dito dahil gagamit ako ng banyo, eh. Pumunta ako rito para makaalis ako sa mga katanungan ni kiya Gunnar tungkol sa pagkagusto ko kay ate Natasha. Sa tuwing tinatanong niya ako, feeling ko nasa talk show ako sa TV, eh.
Binuksan ko ang gripo ng lababo at hinugasan ko ang aking kamay ng walang dahilan. Wala lang, sinabi lang ng utak ko sa akin na hugasan ko ang mga kamay ko. Napatingin ako sa pintuan ng Restroom dahil may napansin akong pumasok dito.
"Ohh, Hello there! Dito ako gagamit ng CR kasi akala ko walang tao, Meron palang tao. Isa ka ba sa mga visitors sa party ko?" Sabi ng lalaking naka blaizer din at naka pants. Mayroon siyang braces na nakakabit sa kanyang ngipin. At habang tinitignan ko naman siya, mas lalo ko siyang nakikilala at kinatakutan.
"Billy Dawson?" Agad kong tawag sa kanyaI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (7)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ganda😊
12/07/2022
0love you
11/07/2022
0good story
30/06/2022
0Tingnan Lahat