Homepage/Pantasya ni Natasha (Natasha's Fantasy)/

Pantasya ni Natasha (Natasha's Fantasy)
MinioticAnimal
Chapter 1: Unexpected Mission
News live!
Dalawangpu't dalawang (22) tao, patay sa isang sikat na fast food chain matapos lagyan daw ng ilegal na sangkap ang kanilang mga pagkain. At ang kataka-taka pa rito, ang mismong food manager ng fast food chain ang nagutos sa mga crew na ilagay ang nasabing kemikal.
At ilang oras pagkatapos ng interview natin sa food manager, siya po ay namatay dahil sa isang car accident. Wala pang panayam ang mga pamilya ng mga biktima at tuloy pa rin ang imbestigasyon.
-----
Ako si Natasha. Minsan ang pangalan ko ay Shasha, minsan Nats, minsan Angel, minsan Princess, minsan Marie, Minsan Mary, minsan Jude, at napakarami pang iba. Halos magamit ko na nga lahat ng pangalan ng babae, eh. Pero kung ako ang tatanungin mo, ang totoo kong pangalan ay Natasha. Well, 'yon kasi ang nakalagay sa birthcertificate ko.
Ano ang tanong mo? Bakit marami akong pangalan? Marami akong pangalan na gamit dahil minsan kapag nasa misyon ako, kailangan kong mag-disguise.
Isa akong tauhan ng gobyerno. Dati akong sundalo, na kinuha mismo ng presidente upang lumutas ng mga kaso ng patayan. Parang spy ba.
Bakit ako ang kinuha ng gobyerno para sa proyektong ito? Aba'y 'wag ako ang tanungin mo! Dahil kung ako ang tatanungin mo, simple lang ang sagot ko. Dahil isa akong magaling na sundalo? Sa totoo lang 'di ko alam.
"G-Good moring po ma'am Natasha." bati sa akin ng lalaking halos kasing tangkad ko lang. may suot siyang salamin at may magulong buhok. Ang pangalan ng lalaking tinutukoy ko ay Dexter.
tumango na lamang ako sa kanya bilang pagtugon sa kanyang bati. Dahil medyo ayaw ko sa mga walang ayos, hinawakan ko ang kaniyang ulo at inayos ang kanyang buhok. Hindi naman ako nahirapang ayusin ang kanyang buhok dahil mas matangkad naman ako sa kanya.
Nang tumingin ako sa kaniyang mukha, Nakita ko ang namumula niyang mukha. Hindi rin niyang kayang humarap sa akin. At nakita ko rin na pinipigil niya ang kanyang mga ngiti.
Hindi sa nagi-ilusyon ako o assumera ako pero matagal-tagal na ring kumakalat dito na may gusto sa akin 'tong si Dexter. Lagi ring naiku-kuwento sa akin ng mga kaibigan ko dito na si Dexter ang nagiiwan ng mga chocolates at mga flowers sa office locker ko. Well siguro hinihintay ko na lamang siyang umamin sa akin.
Pero kung ako ang tatanungin, Ayaw kong maging kasintahan si Dexter. in short, AYAW KO SA KANYA! Bakit kamo? hmmm....
Well, dahil isa siyang malaking LAMPA!
Punong-puno ng kabaitan 'tong si Dexter. Maayos din ang pagka-talino. Guwapo rin at may hitsura. Kaso...Saksakan ng pagkahinhin at kalampahan. Sa sobrang bait, hindi na marunong lumaban.
Lagi nga siyang napagtitripan ng mga tao rito, eh. Kahit ang mga boss at mga kaibigan ko, tuwang-tuwa tuwing napagtitripan 'tong si Dexter.
Doon pa lang, hindi na agad siya pasok sa category ng "Dream guy" na gusto ko.
"Categories of my dream guy" :
-Mabait
-Matalino
-Guwapo at may hitsura
-Kaya akong ipaglaban
So 'ayon na nga, makukumpleto na dapat ni Dexter ang category ng pagiging dream guy ko. Mabait naman si Dexter, Matalino, May ka-guwapuwan naman na maipapakita. Eh, ang kaso, Hindi niya ako kaya ipaglaban.
Hindi ako kayang ipagtanggol ni Dexter. eh, baka nga ako pa ang makipag sapakan para lang maipagtanggol siya eh.
"Nasaan si Mr. Evangilista?" Tanong ko kay Dexter at tinanggal ko ang aking kamay sa kanyang ulo.
"P-Po?" 'ayun lang ang naisagot ni Dexter.
"Nasaan si Mr. Evangilista? paguulit ko sa aking sinabi.
"Umm.. Nandoon po siya sa opisina niya, Nandoon din po si Mr. President." sagot nito na tila ba hindi niya narinig ang una kong tanong kaya kailangan ko pa itong ulitin. sumagot rin siya na parang ayaw niyang ipakita ang kanyang mukha. Hindi kasi siya makatingin sa akin ng diretso.
nginitian ko na lamang siya at lumakad papalayo upang makarating sa opisinang tinutukoy ni Dexter.
habang lumalakad ako papalayo, naisipan kong lumingon sa aking likuran. At nakita ko si Dexter na hawak ang kanyang ulo at pangiti-ngiti pa. At nung nakita niya na nakatingin pa rin ako sa kanya, agad siyang tumalikod at tumakbo papalayo.
"Weirdong Isip bata." Sabi ko na lamang sa aking sarili. Sa bagay, si Dexter naman ang pinaka bata dito sa organization namin sa gobyerno. Mga 17 or 18 years old pa lang ata siya. nag-aaral pa nga siya, eh.
Tulad ko, ang mismong presidente rin ang kumuha sa kanya. Ang presidente na rin ang nagpapa-aral kay Dexter. "anak" na raw ang turing sa kanya ng presidente. May mga magulang naman 'tong si Dexter, Kaso nasa ibang bansa. At ang magulang ni Dexter, pina-alaga kay Mr. president 'nung 'di pa siya presidente. At nagkataong naging presidente si Mr. President, kaya 'yon. Para tuloy naging anak sa labas ni Mr. President 'tong si Dexter.
Bakit ko alam? Siyempre ako ang pinag-asikaso ng mga papeles ni Dexter dati 'no. Kaya siyempre dapat alam ko ang back ground story nitong batang 'to.
Dahil sa pagi-isip ng kung ano-ano, 'di ko namalayang nasa tapat na pala ako ng opisinang sinasabi ni Dexter. May mga bantay sa pintuan kaya naman, ipinakita ko ang aking identification card. Hindi naman nag-tagal, bumukas ang pinto at pinapasok nila ako.
Bumungad sa akin ang isang babaeng hanggang balikat lang ang buhok. Kasing-tangkad ko lang siya. Ang pangalan ng babaeng tinutukoy ko ay Jade. Isa siya sa mga matatalik kong kaibigan. we're friends since high school. Sabay din kaming pumasok ng Army. Biruin mo, sabay kaming nakikipaglaban sa mga sindikato. At ngayon, sabay rin kaming nagtat-trabaho bilang agents.
"Natasha! 'Buti at nandito kana. kanina ka pa namin hinihintay." Bati agad ni Jade sa akin.
"Dito tayo." sabi niya sa akin.
Agad ko naman siyang sinundan at kami ay nagpunta sa isa pang kuwarto sa loob ng opisina.
Kinuha ko ang identification card ko at ito ay itinapat ko sa isang detector. At pagkatapos nito ay bumukas ang pinto.
Pagbukas ng pinto. May dalawang tao ang nagtinginan sa amin. ito ay si Mr. evangilista at si Mr. president.
"Please have a seat." walang anomang sabi ng presidente.
Agad naman akong umupo sa isang upuan katabi si Jade.
"Natasha, I want you to sign these papers." sabi ng presidente.
"What is this Mr. President?" tanong ko na may halong pagtataka.
itinabi niya ang mga papel na dapat raw ay pirmahan ko at nagpakita pa ng isang papel na mayroong letrang ginupit-gupit na siguro ay galing sa magazine.
"This is a letter from the mysterious group called "EGANAM". Ang sabi rito sa letter, mayroon silang brother group na sumuway sa kanilang boss at nagpadala ng mga criminals upang magpakalat ng illegal drugs and liquid potions na puwedeng pumatay ng mga tao." paliwanag ng presidente sa akin.
"Nabalitaan mo naman siguro ang pagtakas ng dalawang lalaki at isang babae sa preso 'diba? Ang dalawang lalaki at isang babaeng 'yon ang naatasan daw para magpakalat ng mga illegal liquid drugs na 'yon. Kaya naman humihingi ng tulong sa atin ang grupong "EGANAM" na 'yon para mapuksa raw 'yung grupong sumuway sa boss nila" sagot naman sa akin ni Jade.
"Teka Mr. President, hindi po ba kataka-taka na ang grupo ng sindikato manghihingi ng tulong gobyerno? Hindi po ba parang magiging trap ito para sa atin?" Tanong ko.
"Naku Natasha, pati ako nagtataka na rin. Pero nagbigay sila ng listahan ng mga corrupt na mga mayor, at mga negosyante. At kapalit ng listahan na 'yon ay ang tulong para sa misyon na ito." paliwanag ng presidente.
"Nagpadala na rin kami ng mga espiya sa grupo nila para malaman ang galaw ng grupo, kaya naman safe kayo at walang disgrasya sa misyong ito." Dugtong nito.
"At Natasha, hindi malabong totoo ang balitang ito. dahil mayroon nang isang fast food chain ang nagkaroon ng kaso ng food poisoning at death dahil raw sa mga illegal liquid potions na ito. at ang sabi ng food manager nila, may nagbigay sa kanya ng isang maliit na container na may lamang iba't-ibang kulay na likido. Ang sabi sa kanya ng babae, puwede itong ilagay sa pagkain upang mas sumarap ang pagkain na inihahanda sa masa. At dahil naengganyo siya, nilagay niya ito sa mga ingredients ng pagkain nila, at sinerve sa mga customers. And lahat ng customers after eating the dishes, they collapse and died." paliwanag ni Jade habang ipinapakita ang video ng mga taong nalason sa isang sikat ng fast food chain.
"So... What can I do?" I asked.
"Natsaha, I want you to join Jade and Dexter to search and arrest the 3 prisoners that escaped. And prevent them to spread the illegal liquid potions that can harm and kill people." The president explained.
"Ano? Kasama si Dexter!" angal ng katabi kong si Jade.
"Bakit Jade? May problema ba sa pagsali ni Dexter? Muka namang maayos mag-trabaho ang anak-anakan ko, ah?" Tanong ni Mr. President kay Jade.
"Ah.. W-Wala naman po Mr. President." sagot agad ni Jade.
"So gagawin mo ba ang inutos ko Natasha?" tanong ni Mr. president.
"Yes sir, I will do this job." sagot ko.
Dahil sa sagot ko, lumawak ang ngiti ng presidente. Tila bang masaya siya sa sagot ko.
"Pero Mr. President, Paano po kung nakapatay kami?" tanong ko.
Kumalat ang katahimikan sa loob ng opisina. Hindi ko alam kung inasahan nila ang tanong ko hindi.
"It's okay Natasha, You can kill anyone. This paper is my concent that you, Jade and Dexter can kill anyone during this mission. Nandito ang pirma ko at ang thumb mark, kaya naman sigurado na safe kayo sa concent na ito." Pagbasag ng presidente sa katahimikan.
Napangiti naman ako sa sinabi ng presidente. Ang saya lang pakinggan na "I can kill anyone during this project".
napatingin naman ako sa papel at itinapat ito sa akin.
"Okay sir, i will do my best to make this mission perfect." sagot ko sa presidente.
Agad ko namang pinirmahan ang paepl at nilagyan na rin ng thumb mark. napansin ko rin na mayroon nang pirma at thumb mark sila Dexter at Jade kaya inisip ko na pumayag sila sa project na 'to.
Maybe this project is the best project i will do. So me, Jade and Dexter will bend the earth for this project huh?
But i hope this is just my fantasy or just a dream. So if this is, Welcome to Natasha's fantasy.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (7)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ganda😊
12/07/2022
0love you
11/07/2022
0good story
30/06/2022
0Tingnan Lahat