Chapter 59

Chapter 59
Chie's Pov
Umiyak ako kaharap ng dalawang kong matalik na kaibigan ngayong malapit na silang ikasal. Masaya ako na napangasawa ni Roy ang taong mahal niya. 
"Congratulations." Binabati ko sila. Niyakap ko sila. Nandito kami ngayon sa E and C Mini Restaurant, kung saan ginanap ang kanilang reception. Ang venue ang unang ginamit, at talagang may palive pa sila. Habang ang mga kasama ko ay nagpuyat halos ihanda ito. Maging si Jake ay nagalit sa akin na halos hindi na ako umuwi. Hindi ko ito palalampasin. Ito ang bagay na maaari kong gawin upang matulungan sila tulad ng ginawa niya para sa akin.
 "Congrats din." Magkasama pa rin sila. Nakasimangot ako, pinagsasabi nila. Seryoso ang sinabi nitong dalawa. 
"What congrats," sabi ko sa kanila. Tinawanan lang nila ako. 
Napakunot-noo na lang ako sa kanila. Parang may mali—kilala ko ang mga ito. May ginagawa silang hindi ko alam. Iyon ang aalamin ko.
"Hindi ko gusto ang tingin mo, Bessy."
"Tsk! Naglilihim kayo sa akin." Muli nila akong tinawanan.
"May something talaga," nakasimangot kong sabi sa kanila.
"Wag ka nang magdrama diyan. Hindi ka ba masaya para sa amin?"
"Iniiba mo ang usapan. Syempre, masaya ako para sa inyo."
"Love ka talaga namin, Bessy." Napayakap na lang ako sa kanila.
"Basta, Bessy, wag na wag mong papaiyakin si Erika, kung hindi, malilintikan ka sa akin."
"Magagawa ko ba iyon? Mahal na mahal ko ang Bessy mo. Diba, love?"
"Oo na, wag maglandi sa harap ko." Tumawa ulit kami.
Sobrang proud ako na sila ang naging Bessy ko. Habang pasimple akong nakatingin sa kanila, kita kong mahal na mahal nila ang isa't isa. Hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako sa kanila. Mula nang makilala ni Roy si Erika, naging mabait ang loko at niligawan niya ito hanggang sa hindi na niya pinakawalan pa.
Si Roy lang ang nagpatunay na bihira lang ang lalaking kuntento sa iisang babae. At si Erika lang ang bukod-tanging minahal niya.
"Napakaraming tao." Lumapit sa amin si Reiver na ngayon ay may dalang maraming pagkain. Tatapusin ba niya ito? Nagkatinginan lang kami ni Roy. Napahiling siya sa katangahan ng kan'yang mga kaibigan; sila lang ang naririnig ng boses. 
"Tawag na kayo?" sabi ko sa dalawa. Iniwan nila ako. Napatingin ako sa dalawang mag-asawa. Mayroong ilang mga tradisyon sa kanila na ginagawa tulad nito, kung saan ang mga bagong kasal ay sumasayaw sa pamamagitan ng pantumina. Natatawa ako sa bawat sayaw ni Roy. Hindi kasi siya marunong sumayaw. Nakasalubong ang dalawa paa, pero nag-enjoy kaming lahat. 
"Kanina ka pa nakatayo diyan. Aliw na aliw ka ah!" Napatingin lang ako kay Raygie. Nakakatawa ang loko. 
"Siyempre masaya ako sa dalawa.. Akalain mong hindi sila bumitaw. Parang wala akong matandaan na nag-away ang dalawa. Naniniwala ako sa destiny. Imagine never silang nag-away diba?" 
"Parang kayo ni Jake." 
"Oh!" sabi ko sa kan'ya. Tinawanan niya lang ako. 
"Hindi pala, ikaw lang pala. May ex si Jake," sabi ni Raygie. Nanahimik ako. 
"I mean." 
"Huwag kang magpaliwanag, alam ko." 
"Teka Jake, nasaan ang tanga? Hindi ko pa nakikita." Seryoso akong tumingin kay Raygie. Napansin kong hindi ko pa siya nakikita kahit si Baby Jachi. Hindi ko pa nakikita ang mag-ama na magkasama.”
"Hala Chie, baka tumakas si Jake at nagbago isip. Ang bagal mo sumagot sa kan'ya. Ang tanga naman naiinip." Nasabunutan ko si Raygie kasi panira rin kasi Eh. Kinabahan ako. Tumingin ako sa paligid at wala akong nakita. 
"Huwag kang mag-alala, nasa paligid mo lang ito; alam mong may ginawang milagro na nagpapasaya o nagagalit." 
"Umalis ka na dito. Ginugulo mo utak ko." Tinawanan niya ako. 
"Sige, bye, alis na ako." Napaiwas na lang ako ng tingin kay Raygie. Inanyayahan niya ang kan'yang mga kasama; Hindi ko alam kung saan sila pupunta dahil umalis na sila. Gusto ko silang sundan? Kinabahan ako dahil paglingon ko narinig ko ang boses ni Rafael dahil siya ang host. Tinitigan ko siya. 
"Good morning everyone. Nag-enjoy ba kayo? Binabati ko ulit ang bagong kasal. Congratulations sa inyo. Ma'am/Sir, please send messages to each other." Sabay tumayo ang dalawa. Nakangiti talaga. 
"Good morning, everyone here. Nagpapasalamat kami sa lahat ng tumulong para maging maganda at matagumpay ang aming kasal. Nagpapasalamat ako sa team ng asawa ko. Salamat sa suporta niyo sa amin. Sa pamilya ko, salamat sa nag-iisang kaibigan ko Best friend. Thank you for the friendship. Nawa'y maging masaya ka na. Jake, sinasabi ko sa'yo, sa oras na saktan mo ang bestfriend ko, ako ang makakalaban mo. At sa huli, sa mga kaibigan ko, F7: Salamat sa inyo, Paul, Rom, Raygie, Reiver, John, at sa mortal kong kaaway, si Jake. Thank you Jake. Jake hindi ko na ito patatagalin alam ko na hindi ka na mapakali. At sumigit ka pa sa celebration ko." Lalong tumawa si Jake. Nagtatawanan silang lahat. Tinitigan ko sila. Umalis na silang lahat. Hindi ko alam kung anong trick ang ginamit nila. Para akong estatwa na mag-isa sa gitna nilang lahat. Maya maya may lumapit sa akin. Binigyan ako ni Rafael ng pulang bulaklak hanggang sa sinundan ako ng mga kaibigan ni Jake. Kinuha ko ‘yong bulaklak sa kanila. 
"Congratulations, Chie." Sabay bigay sa akin ni Roy ng bulaklak. Ngayon ko napagtanto na may sorpresa pala si Jake para sa akin. Umiyak ako sabay yakap kay Roy. 
"Hindi ba ito ang pangarap mo?" Ngumiti lang sa akin si Roy. Nakatalikod sila sa akin. Hanggang sa maging heart shaped na sila. nanginginig ako; Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Nang may narinig akong boses. Paglingon ko nakita ko si Jake na hawak si Baby Jachi at ,’yong bulaklak na nakayakap kay Baby Jachi. Naglakad sila palapit sa akin. Napatingin ako sa kanila. Natawa ako nang may intro ang mga kaibigan ni Jake. Sumasayaw sila habang napapalibutan kami ni Jake. Natawa ako sa ginawa nila hanggang sa umalis na sila sa harapan namin. Napatingin ako kay Jake. 
"Chie, hindi ko alam kung paano simulan ang munting talumpati ko sayo." Natawa naman ako sa sinabi ni Jake. Ramdam ko ang panginginig ni Jake. 
"Chie, unang beses pa lang kitang makita, para kang anghel na dumating sa buhay ko. Bawat ngiti mo ay nagpapasaya sa akin. Naalala ko tuloy ang pagbisita mo sa amin para magdala ng bulaklak sa mommy ko. 
Nakita kita natutulog sa ilalim ng malaking puno, at alam mo, nilapitan kita. Ang ganda mo. Simula noon, tuwing nandiyan ka, pasimple akong sumusulyap sa'yo. Bata pa lang tayo, gusto na kita at pinangarap ko noon na makasama ka. Madalas kitang tanungin sa mga magulang ko hanggang sa nahalata nila ako. Simula noon, madalas nila akong tinutukso sa'yo. May isa pa akong kasalanan sa'yo. Sorry ah! Ang dami ko nang kasalanan sa'yo. Ang hirap mo kasing abutin. Natatakot akong lumapit sa'yo, lalo na't kabilang ako sa grupo ng gangster, at madalas nilang dinadamay ang mga taong mahalaga sa akin. Gusto kitang lapitan. Gusto kitang hawakan. Gusto kitang makausap. Gusto kitang yakapin, pero hindi ko magawa—takot akong madamay ka. Pero sa tagal ng lihim kong pagtingin sa'yo, hindi ko maiwasang layuan ka. Chie, ako ang kumausap sa mga magulang mo para makilala kita. Ako rin ang may pakana na dalhin ka sa bahay at magpanggap na fiancée ko. Ito lang ang paraan para masabi ko sa'yo ang nararamdaman ko at mapalapit ako sa'yo. Inaasar kita at inuutusan sa harap ng maraming tao para isipin nila na binu-bully kita, pero Chie, masakit iyon para sa'kin. Pero iyon ang paraan para mapansin mo ako. Hindi ka ba nagtataka na tuwing tayong dalawa lang, madalas akong sweet sa'yo? Iyon ay dahil iyon ang nararamdaman ko para sa'yo." Natawa pa siya sa sinabi ko.
"Isa pa, ako rin ang may pakana na iwan tayo nina Manang at Manong. Gusto ko lang kasi sulitin ang araw na magkasama tayo. Di ba may nagbunga sa pagmamahalan natin? Pero ako rin naman ang may kasalanan. Sorry, Chie." Naiyak ako sa huli niyang sinabi.
"Chie, I'm sorry. Sana mapatawad mo ako. Ito na ang huling pangako; wala akong itinatago sa iyo." Maya-maya, may kinuha siya na hindi na niya kaya kunin. Natawa ako sa kan'ya. Kinuha ko si Baby Jachi, para hindi siya mahirapan. Ngumiti lang siya sa akin, at maya-maya ay lumuhod siya habang nakatingin sa akin. 
"Chie, will you be my wife?" Natigilan ako sa sinabi ni Jake. 
"Chie, anong sagot?" Nilingon ko si Raygie na ngayon ay may hawak na banner. Talagang lahat ng ito ay suporta para sa isang kaibigan. 
"Hindi mo pa ba ilalagay sa kamay ko?" Tumayo si Jake at lumapit sa akin. Ngumiti lang ako sa kan'ya. 
"Anong sagot, best friend? Oo o hindi." 
"Eh! Atat!" sigaw ko kay Roy. Tinawanan niya lang ako. 
"Nangangalay na kamay si Jake, uy!" 
"Ano ang sagot mo?" sabi ko kay Roy. 
"Ang sagot ko, ‘Hindi, pinaiyak ka." Natawa naman ako nung binatukan ni Reiver si Roy. 
"Gago ka! Panira kasi iyan si Jake. Moment ko, nakikisawsaw sa'kin. Tuloy, parang hindi ko event ito."
"Sino may-ari nito?" sagot ng isa. Palitan ng dalawa, at ang ending, nagtalo sila. Natawa ako.
"Ano ba Chie ang sagot?"
"Ang dami mong sinasabi. Suot mo na." Mabilis na kumilos si Jake at isinuot sa akin. Umiyak ang baby namin. 
"Naiyak si Baby Jachi; ayaw ka niyang sagutin." 
"Baby, payag ka naman diba?" Ngumiti si Baby Jachi. 
"Kasi tinakot mo ako." 
"Hoy! Ang dami mong excuses. Oo o hindi?" 
"Obvious? Nasa akin na." Pinakita ko kay Roy. 
“Anong masasabi mo? Konti na lang ang speech. Paano kayo nagsimula? Tangina, nagulat ako nang malaman kong may relasyon kayo at sinaktan ka pa. Masyado kang lihim, bessy. 
"Gago, parehas lang tayo. Ikaw ang naglihim na si Chie ang matalik mong kaibigan. Baka sakali ka pa. Chie lang ang tinutukoy mo." Natawa ako kay Roy. 
“Wala kasalanan si Roy. Ako ang may sabi sa kanya na lihim ang pagkakaibigan namin. Ayaw ko kasi na nakadikit ang pangalan ko sa kanya, lalo na't kilala si Roy. Ayaw ko rin na kinukulit ako ng fans niya, minsan na ginagawa sa amin ni Erika." Natawa ako ng maalala ko ang ginawa ni Erika. Noon, si Erika ay may lihim na pagnanasa kay Roy. Simula noon, tinutukso ko na siya kay Roy, at nag developan na ang dalawa, at ngayon ay wagas na ang kanilang pagmamahalan.
 "Tumatawa ka." Napalingon ako kay Jake. Ngumiti ako sa kan'ya. 
"Nakilala ko si Jake noong bata pa ako. Pero hindi ko talaga siya gusto dahil alam kong bully si Jake noong bata pa ako. Hindi ko siya pinansin. Tuwing kasama ko sila, madalas kong hinahanap si Kuya Jay Dee. Ang bait kasi ni Kuya Jaydee, hindi katulad ni Jake na ang sama ng ugali. Tapos nadagdagan ang inis ko kay Jake dahil sa paraan ng pag-bully niya kay Jarrie. Dumaan lang ang mga tao, at hindi ko na napigilan ang pagtulong sa mga tao simula noon na-bully ako. Ang dahilan kung bakit ko tinulungan si Jarrie ay dahil ayaw ko ng gulo lalo na't sila lang ang may-ari ng paaralang ito. Pero nagbago ito nang makilala ko siya nang tumira ako sa kanila. Pinakamahusay na aktor. At naniwala talaga ako sa kanya. Kahit gaano pa kasama ang ugali niya, natutunan ko siyang mahalin. Na palihim ko siyang tinitingnan kahit may Joana siya sa buhay niya. Nasaktan ako sa isang bagay na nagpapasaya sa akin nawala pa. Galit ako sa'yo, Jake. Nagsisisi ako na minahal kita. Kinamuhian kita, at ikaw ang sinisi ko noon. Umalis ako dahil kung hindi ko ito gagawin, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa'yo. Pero Jake, tinuruan mo akong maging matapang; tinuruan mo akong lumaban mag-isa. nagpapasalamat ako sayo. Jake, handa akong i-bully ka kung kasama kita. Mahal na mahal ka ng anak namin. Salamat sa pagmamahal." 
"Mahal din kita; Handa din akong i-bully ka." Tumawa kaming dalawa. 
"Linya ko ‘yan. Ganito ako. Bully ang fiancé ko." Nagyakapan kami ni Jake.
Chapter 60- Special Chapter 
Jake's Pov
5 years... 
Five years ago, maraming pagsubok na pinagdaanan namin ni Chie. Pagsubok na nagpapatatag sa aming samahan. Napatunayan na namin na kaya naming lampasan ang anumang hamon sa buhay. Ngayon ay mayroon kaming dalawang chikiting na sobrang malambing, may mabuting puso sa ibang tao, at inuuna ang kapakanan ng ibang tao, lalo na kapag Pasko. Sila ang nangunguna sa pagtulong sa mga batang nangangailangan ng tulong. Madalas kaming nasa kalye para magbigay ng pagkain. 
"Daddy!" Nagulat ako sa sigaw ni Jachi sa akin. Nawala aking iniisip. 
"Hindi ka pa po ba tapos? Malapit na dumating sina Lola at Lolo." 
"Wag mong istorbohin ang daddy mo." Nakakunot-noo lang ako kay Chie, iniisip ko kung saan nanggaling, at ngayon lang bumalik. Lumapit sa akin si Chie, tinawanan lang ako. Tinignan ko siya ng masama. Ngumiti lang siya sa akin. 
"Before you react pumunta ako sa house ni bessy, and we are together with Barkada. Alam mo ba ang narinig ko sa kanila? Ikakasal na rin daw si Raygie ang loko next month." Nagulat ako sa nalaman ko.
Loko mga iyon. Nandito na pala sila. Akala ko sa Cebu mag holiday. 
“Ang pinsan mo, sina Janzen at Reiver, may napupusuan na daw. Tinamaan ang mga loko. 
"Nga pala si Rom, Paul, Rafael, at si John kumusta ang lovelife nila?" 
“May mga napupusuan naman daw sa dating app. Huwag mong sabihin na wala kang balita sa kanila. Anong klase ng kaibigan ka?"
"Dating app?" inulit ko. 
Tumango lang si Chie. 
"Mahal, minsan dumalaw tayo sa Paradiso. Bakit hindi mo dalawin si Bakla? Alam ko namang miss mo na siya."
Napatingin lang si Chie sa akin. Kahit hindi niya sabihin, alam kong sabik na sabik siyang makita ang mga taong naging bahagi ng buhay niya.
"Paano trabaho mo?" 
"Wag mo na isipin ito. Isa pa gusto ko naman ipasyal natin ang dalawang chikiting sa buhay natin?" 
"Sige, sorpresahin natin si Bakla. Huwag mong sabihin sa mga kaibigan mo. Alam mo naman, may pagkatsismoso ang mga iyon."
"Para sa’yo, Mahal, gagawin ko ang lahat para sumaya ka—syempre, pati na rin ang dalawang baby natin."
"Thank you, Mahal." Niyakap lang ako ni Chie.
“Mommy, Daddy! Mag-uusap na lang ba kayo?" Napatingin ako kay Jachi na nakakunot ang noo. 
Kahit kailan, mainipin din ang isang ito. Nagmana sa mommy niya—bugnutin.
"Tulungan mo ako." mahinang sabi ko kay Chie. 
Sinundan lang ako ni Chie hanggang sa maging maayos na ang lahat. Simpleng salo salo  lang ang inihanda namin para sa pagtitipon tipon namin to share with our little dinner and now they came. Lumapit ang mga anak ko kay mommy at daddy kasama ang pasaway kong kuya Jay dee.
“Late na ba kami?" sigaw ni Charl. 
Muli kami napalingon. Dumating na rin ang family ni Chie. 
Napatingin ulit ako sa pamilya ko. Habang masaya nakikipaglaro ang anak ko sa kanila, mas napalapit ako sa pamilya ko. 
"Tara, gutom na ako." Pag-iiba ni Chie sa usapan. 
Nagtatalo kasi ang mommy ko at ang mommy ni Chie kung kanino kamukha ang mga anak ko.
Sumunod na lang kami kay Chie. At ngayon ay masaya kaming ibahagi ang aking nilutong fried chicken, na paborito ng mga bata na may spaghetti. At nagluto din ako ng kare kare at bulalo, isang espesyal na recipe ni Chie. 
"Maligayang Pasko sa inyong lahat." Introduction ko. Kahit hatinggabi pa ang Pasko. 
"Merry Christmas din." Sabay silang bumati. 
Nakisama na rin ang mga bata kahit hindi nila alam ang pinagtatawanan nila. After a little talk, nagpahinga na rin sila, at kami na lang ni Chie ang naiwan sa labas. Nakatulog na rin ang princesa at ang little boy namin si Baby Jacie na 2 yrs old.  
"Sana palagi na lang ganito." Nakayakap pa rin sa akin si Chie. 
“Ano kaya, Mahal ko, gawa ulit tayo ng baby?" Hinampas ako ni Chie. 
"Dalawa na nga, hirap na ako. Tigilan mo ako, Jake. Okay na ako sa prinsesa at prinsipe natin." Panay ang pangangalabit ko sa kaniya. 
"Ano ba, Jake! Tigilan mo ako. Huwag kang makulit."
"Mahal, gusto mo pang dagdagan ng dalawa—isang babae at isang lalaki."
"Ano?! Huwag ka ngang malandi. Dalawa talaga?!"
"Iyon na nga, Mahal, para may kalaro sina Jachi at baby Jacie. Sundan agad natin."
"Tigilan mo ako, Jake. Isa nga lang ang inaalagaan ko, hirap na hirap ako, kambal pa kaya!"
"Kambal?" Nalito ako sa sinabi ni Chie.
"Oo, sabi mo dalawa."
"Oo, sabi ko babae at lalaki. Pero okay na rin ang kambal, Mahal, para marami tayo. Masaya iyon, Mahal! Tapos, gawa ulit tayo ng triplets sa susunod!"
Napaatras ako nang batukan ako ni Chie.
"Lumayo ka nga sa akin!" Tinawanan ko lang siya.
"Mahal, sige na, isang round pa."
"Jake!" sigaw ni Chie
Napalayo ako nang may video call. Agad ko namang sinagot. Bumulaga sa akin mga kaibigan ko. Magkasama sila mga loko ito.
"Merry Christmas!" Bati nila sa akin. 
"Bakit! Bakit ngayon mo lang naisip ang magpakasal?" Bungad ko agad sa kanila.
"Ngayon lang kami nabigyan ng pagkakataon, at ngayon lang kami nagkaroon ng sapat na pera." Natatawa na lang ako sa pakulo ni Raygie. 
"Naunahan na tayo ni Chie—sinabi na niya kay Jake."
"Gago ka kasi, si Roy ang ingay. Kahit kailan, hindi ka maaasahan."
"Huwag mong sabihin na ayaw mong ibalita sa akin."
Tinawanan lang ako ng mga kaibigan ko.
"Pumunta kayo ni Chie."
"Makakaasa kayo. Pupunta kami ni misis ko!"
“Nagdrama pa siya.”
"Gago," sabi ko na lang kay Roy.
Tinawanan niya lang ako. Marami kaming pag-uusapan. Hanggang sa nagpaalam na sila. 
"Matulog na tayo, mahal." Sabay lapit ko Kay Chie.
"Matulog ka na. May gagawin pa ako mamaya." 
"Bukas na ‘yan."
"Hindi pa ako inaantok. Mauna ka na. Tsaka maghihintay ako ng pasko. Nangako ako sa mga bata na gigisingin ko sila."
"I love you, mahal." Tinawanan lang ako ni Chie. 
"I love you din, Mahal. Sige na, matulog ka muna. Gigisingin na lang kita mamaya."
"Sasamahan kita. Tsaka, ang ganda tumingin sa kalangitan."
Nakatingin lang kami sa langit. Hanggang sa tumingin ako sa orasan. Malapit na mag 12 am. Ginising ko ang mga bata. Masaya silang panoorin ang mga firework. Masaya silang tumatalon. 
"I Love you and merry Christmas. Mommy, daddy." Lumapit kami ni Chie at niyakap ang mga anak namin. 
"Maligayang Pasko, at  I Love you." Sabay kami ni Chie. Hanggang sa sabay naming sinabi na I Love you.
      End  
Maraming salamat po! Nakakataba po ng puso ang bawat comment ninyo. Sobrang saya ko po. Hindi ko po in-expect na kahit papaano, may nagbabasa ng storya ko.
Muli, maraming salamat, readers!

Komento sa Aklat (83)

  • avatar
    Efren Gregas

    good novel

    14/06

      0
  • avatar
    Mylene Mente Mallari

    nice 🙂

    08/06/2025

      0
  • avatar
    AnibanMelanie

    thanks

    02/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo