Chapter 54

Chapter 54
Jake's Pov
"Ayaw mo talagang lumabas ng kuwarto buong araw. Ano bang pinagkakaabalahan mo? Buong araw kang naka-laptop." Tuwing papasok ako, nagtataka ako kay Chie na lagi niyang isinasara ang laptop. Madalas siyang ganyan. Kapag nagising ako sa kalagitnaan ng gabi, madalas kong nakikita si Chie na may hawak na telepono; maya-maya magrereply siya tapos kukunin ‘yong laptop; Hindi ko siya matanong. Alam kong hindi niya ako sasagutin ng maayos. Abala si Chie sa ibang bagay na hindi ko alam. Noong isang araw, nag-aalala si Roy na patuloy na nakangiti si Erika sa telepono nang mag-isa sa hatinggabi. Minsan daw ay busy siya sa laptop at hindi naman office hours. Baka may kinalaman ang dalawa; kung ganoon, kailangan ko itong malaman. Kakausapin ko si Roy; pareho silang may iba't ibang agenda, at kailangan kong malaman ang tungkol dito. Baka mamaya mapahamak sila. Sa ngayon, sasakyan ko muna ang trip ni Chie. Mamaya ko na kakausapin si Roy dahil magkikita rin naman kami.
"Ano ‘yan, Chie?"  
"Hindi ka ba marunong kumatok," sabi ni Chie na nakakunot ang noo. Bakit kailangan kong kumatok last time I Check pamamahay ko ito? ‘Yon sana ang isasagot ko kay Chie. Nakasimangot ang mukha. 
"Ano bang pinagkakaabalahan mo? Buong araw mong hawak ang CP mo at ang laptop." 
"Download ko lang ‘yong favorite movie ko. Eh! Mabagal kasi ang loading." Talagang sinisi pa ang loading.
"Hoy! Naku, Chie, tigilan mo nga ako sa palusot mo." 
"Hindi, huwag kang maniwala sa akin." Nanahimik na lang ako. Mahirap makipagtalo sa isang buntis; baka ma-stress pa ako. 
"Tara kain muna tayo, hapon na!" 
"Mauna ka na, maya-maya pa ay tapos na ako." Nakatutok siya sa laptop, hindi man lang makatingin sa akin. 
"Naku siya. May pupuntahan lang ako!" 
"Ok!" sabi niya lang sa'kin. Hindi man lang tanungin kung saan ako pupunta. aalis na ako; Kailangan kong makausap ng maigi si Roy. Tinawag ko siya, pero ang loko hindi siya sumasagot. Ilang beses na akong nag-dial. Nag-iwan lang ako ng messages sa kan'ya. Maghihintay ako sa maliit na bahay kung saan kami magkakaibigan. Dito namin dinadala ang mabibigat na problema na madalas naming pinupuntahan bilang magkakaibigan. Sumandal ako sa isang puno sa tabi ng aming kubo. Nakatulog ako sa hangin na para kang dinuduyan. Nang may tumapik sa akin. Napansin kong seryoso ang mukha ni Roy. Naka-shorts pa ang tanga at sando lang. 
"Ano ba yang text mo sa akin. Naguguluhan ako sa text mo. 
"Naguluhan ka, nagtext lang ako ASAP! Ano bang pinagsasabi mo?”
“Ano nga! Ako pa talaga ang ginulo mo. Nababaliw na ako sa inyong lahat.
Sa bahay, halos hindi ko makausap si Erika na walang tigil sa phone at laptop. Maraming dahilan. Mas lalo ka ngayon."
"Hindi lang ikaw ang may problema. Dahil katulad din sa akin ang problema. Kaya kita tinawagan. Posibleng may ginagawa sina Chie at Erika na hindi natin alam." 
"Wait, you mean Chie? Hawak ba naman niya ang phone at CP niya buong araw at minsan nakangiti pa." 
"Oo, kaya nag-aalala ako sa kanila. Kailangan nating bantayan ang mga mahal natin sa buhay." 
"Hindi na kailangan. May tiwala ako sa kanila. Ikaw ba, Jake, wala ka bang tiwala kay Chie. Hayaan mo silang mapagod sa binabalak nila at sasabihin din nila sa atin, pustahan tayo?"
"Hindi ka natatakot sa ginagawa ni Erika." 
"Natatakot ako, pero kilala ko si Erika. Hindi niya sisirahin ang pinagsamahan namin." 
"So! Hindi mo ako tutulungan." 
"Hindi! Ayokong maramdaman ni Erika na wala akong tiwala sa kan'ya. 
 "Pero hindi ka ba nag-aalala sa ginagawa nila?" 
"Hindi! Kilala ko si Erika; hindi siya gagawa ng bagay na ikagagalit ko. Kilala ko rin si Chie. Magtiwala lang tayo sa kanila."
"Sabi mo stressed ka! Ngayon hinayaan mo na lang si Erika na gawin ang lahat."
"Na-stress ako; bakit hindi ka mistress? Iyon ang inihanda niya para sa tanghalian; ‘yon ang ginawa niyang tanghalian merienda sa araw."
"Ganoon din naman si Chie. Dinadalhan ko siya ng pagkain kada oras, tapos magagalit siya kapag pumapasok ako nang walang paalam. Tapos bigla niyang isinara ang laptop. Nakakatuwa ang dami niyang palusot." 
"Nagtanong ka?"
"Oo, pero wala akong mahanap na sagot para sa kan'ya." 
"Sa tingin mo, sasagot sila? Hindi! Kaya nga hindi ko tinatanong si Erika." 
"Bahala ka; basta ako, gagawa ako ng paraan. Ang hirap na may gawin sila sa huli." Tinawanan lang ako ni Roy.
"See! Aminin mo kasi, selos na selos ka, 'di ba? Kay Chie, na animoy may kalandian."
"Wala akong sinabing ganyan!"
"Wala pero, ‘yon ang nararamdaman nila." 
"Pero kasi! Iba ang kutob ko." 
"Fine! Para sa ating katahimikan. Ano ang gagawin natin nang hindi nila nalalaman?" 
"Susundan natin sila, kunwari nauna tayong umalis, para hindi tayo mahalata."
"Bakit tayo mag-e-spy sa kanila?"
"Ilang beses ko na siyang nahuli. Iba ang suot niya," seryosong sabi ko habang ang sira ulo, nakaupo pa rin habang tumatawa habang hawak ang kamay sa tiyan niya. 
"Ang lakas ng trip mo Jake! Kung trip ni Chie, magpalit ng damit. Problema mo sa damit ni Chie. Tara! Walang patutunguhan ang usapang ito. Nagpaalam lang ako na magkikita kita." 
"Anong sabi?"
"Wala, sinabihan lang niya ako ng goodluck." 
"Si Chie naman, tumango lang siya." 
“Good luck, Jake. Bawasan mo na ang pagiging seloso. Si Chie pa ba?”
"Selos ba?" 
"Oo, selos lang ‘yan. Natatakot ka na maagaw si Chie. Kung tutuusin, maganda naman ang best friend ko, at deserve ng best friend ko na mahalin siya ng tapat at handang ipagtanggol siya sa anumang problema." Ayan na naman siya sa past issue. Ang hilig ni Roy, isiningit sa nakaraan. 
"Oo nga eh. Kasalanan ko." Tinawanan lang ako ni Roy. 
"Good luck sa'yo Jake." Tinalikuran na ako.
"Saan ka pupunta?"
"May date pa ako." Sumunod na lang ako sa kan'ya. Napa-wow ako sa bago niyang motorsiklo. Mahilig siyang magmotor habang si Erika naman ay mahilig magbisikleta. 
"Hanep ah! Yayaminin bro." 
"Pinaghanda ko lang. Naglakad ka lang ba? Hindi ko napansin ang sasakyan mo." 
"Malapit lang naman naglakd na ako." 
"Sumakay ka na bago pa magbago ang isip ko." sumakay na ako. Wala pa ring kupas sa pagmamaneho ng isang ito. Akala mo hawak niya ang daan. Ito ang bagay na ayaw sumakay ni Erika sa kaniya. Hinatid niya ako sa bahay nang nagkatinginan kami ni Roy, at napansin namin na naglalakad si Chie kasama si Erika, kumakain ng mga fishball na dala nila. Ibig sabihin bumili sila naparaming fishball. Habang si Chie ay nahihirapang maglakad dahil sa kan'yang kalagayan. Mahirap ang pagbubuntis ni Chie. Nang nasa tapat na sila sa amin. Nagkatinginan ang dalawa. 
"Ginagawa mo dito?" Sita ni Erika kay Roy. 
"Hoy, anong ginawa mo dito? Tsaka naiwan kita sa bahay!" 
"Sabi mo kasi mabilis ka lang aalis." 
"Umalis ka ng hindi ko alam." 
"Chie lang pinuntahan ko!" 
"Sana nagpaalam ka na. Uuwi ako, wala ka sa bahay." Napatingin ako kay Roy na nakakunot ang noo. Sabi niya, 
wag sitahin ang babae, siya ang dapat sitahin. Iyon ang ginagawa niya. Ang sarap iuntog ng isang 'to, para naman maalala niya ang mga pinagsasabi niya.
"Hoy! Ako ang tumawag kay Erika. Nagpasama ako para bumili ng fishball."
 "Ano!" sabi ko sa kanila.
"Fishball!" Paulit-ulit kong sinabi sa kanila. 
"Oo, fishball nakita mo naman."
"Oo, nakikita ko, at nakikita rin ni Roy. Pero maubos mo ba iyan?" 
"Malamang hindi!" pilosopong sabi ni Chie sa amin. 
"So! Bakit ang dami mong binili niyan?" 
"Face testing! Ipapatikim namin di ba, Erika. Tsaka share kami ni Erika niyan. "Tara na." Sabay hila ni Chie at Erika. Naiwan kami ni Roy sa labas. 
"See! May tinatago sa atin ‘yong dalawa." 
"Hayaan mo na sila. Magkasama ang dalawa." 
"Gago mo Roy, sasampalin na kita dahil wala kang pakialam sa kanila." 
"Ang tanga mo, may tiwala ako sa kanilang dalawa. Ikaw lang ang nag-iisip ng iba. Don't worry, hindi nila tayo papalitan. Nakita mo ang ginagawa nila." 
"Fishball." 
"Pumasok na tayo." Iniwan ako ni Roy. Sinundan ko lang sila. Kumunot ang noo ko sa kanila habang si Roy naman ay naka-relax lang na nakayakap kay Erika. Maya-maya ay lumabas si Chie dala ang fish ball. Ang daming nilapag ni Chie nakakunot ang noo ko. Pero iba ang fishball. Kulay orange at dilaw, at nilagyan din ni Chie ng sauce. Mukha bago niyang luto ito habang mainit pa lumapit ako, hindi ko na napigilan, kumuha ako ng fishball at isinawsaw sa bago sauce ni Chie. Tumigil ako sa pagnguya sa sarap ng sauce ni Chie. Sweet and sour tapos iyong fishball. 
"Masarap ba?" 
"Ang sarap." 
"Talaga," sabi ni Chie. Nakayakap pa rin siya sa akin. 
"Sabi ko sa'yo, Chie, patok ito. Alam niyo ba? Carrot na giniling at patatas ito, para raw kakaiba ang fishball.”
"Oh!" Sabi ni Roy. "Diba galing kayo sa labas? Hindi Fishball ang tawag dito." 
"What the hell! Makisama ka." 
"Bahala ka. Ang sabi ko hindi fishball ito. Gumagaya lang kayo." 
"Pero masarap ba talaga Jake?" 
"Oo tikman mo Roy." Kinuha naman ni Roy. 
"Parang alam ko na ang lasa nito. Ikaw ang nagluto nito Chie. Teka! Naguguluhan ako sinabi niyo binili niyo sa labas. Ngayon ikaw ang nagluto nito. May tinatago ba kayong dalawa?" Napatingin ako kay Roy. Kailangan daw pagkatiwalaan ‘yong dalawa tapos siya ‘yong unang nag tanong. Ang sarap din iuntog isa ito.
"Oo nga! Bakit kayo magkasama?" sabi ko din sa kanila. 
"Aba, magkasama din kayo. Kain na tayo sa dami niyong sinasabi. Nagtatanong lang kami kung masarap ba o hindi." 
"Fine, ang sarap niya," sabi ko kay Chie. Tumabi lang ako sa kan'ya. Kumain kami ng hindi nagsasalita, nag-iisip din itong isang 'to. Nang may tumawag kay Chie, agad niyang sinagot. Iyong number lang nakita ko tumatawag sa kaniya. Ibig sabihin ibang tao. Pinakinggan ko ang conversation nila.
"Basta ah! Dumalo bukas. magagalit ako. Sabihin mo na rin kay Kuya Kier at Bakla.” Ngumiti lang siya sa akin. 
"May gagawin ka ba bukas?" 
"Sino?" Sabi ni Roy. 
"Kayong dalawa. Sama kayo sa amin," sabi ni Erika." 
"Sama saan?" Hindi ko na napigilang magsalita. 
"May pupuntahan lang kami ni Erika. I need a driver. Puwede ba kayong maging driver? Syempre, sa akin si Jake ko, tapos kay Erika si honey love niya."
"Hindi! Gagawin mo na lang akong driver nitong guwapong lalaki ko." 
"Ang arte naman. Bahala ka kung ayaw mo. Hanap na lang ng iba, Erika, para magmaneho saiyo." 
“Ano pa ba?” natawa ako sa reaksyon ni Roy. Nakasalubong ang dalawang kilay niya. 
"Subukan mo at magka kaalaman na." Tinawanan lang siya ni Erika para hindi madala sa sinabi niya,Roy. 
"Tara, Roy. Tumigil ka na sa pag-arte." 
"Fine! "Natawa na lang kami sa arte ni Roy dahil hindi man lang niya magawang sumabay sa kanilang dalawa kahit naguguluhan ako sa mga kinikilos niya. Namalayan na lang namin na naubos na pala ang fishball na inimbento nilng dalawa na akalain mo carrot at patatas giniling pa nila. Kung tutuusin, ito ay mabuti rin para sa kalusugan ng lahat. Marami kaming napag-usapan, madalas kaming hindi magkasundo ni Roy sa mga kalokohan ng dalawa, at nauwi kami sa panliligaw sa kanila. Hanggang sa pauwi na sila ni Erika dahil gabi na at may importanteng gagawin sila ni Chie. Tumango lang kami ni Roy. 
"Salamat sa hapunan, Chie, busog na ako kahit hindi kumain ng kanin." 
"Oo nga!" " Nag-apir pa ang dalawa.
“Oh, hey, Chie, kita na lang tayo bukas. You're wearing the best gown; you know we'll meet again." 
"Oo, ito na ang pagkakataon natin." Yung dalawa natatawa pa rin. Para bang sinasadya nila kaming marinig. 
"Kaya nga kayong mga boys, sinasabi ko sa inyo eh! Magsuot din kayo ng best clothes para mahalata kayong dalawa."
 "Hindi ko kailangan ng papansinin. Subukan mo lang si Erika." Nagtatawanan lang sila. 
"Umalis ka na; magpapahinga na ako. Kailangan kong magmukhang maganda." Umalis ang dalawa. Kami lang ni Chie ang naiwan sa ending, iniwan niya ako. Nakakamot na lang ako. Hinugasan ko ,’yong ginamit ni Chie. Pagkatapos kong maghugas. Pumasok ako sa kuwarto ko pagpasok ko tulog na si Chie. Tinanong lang. Pumasok na lang ako sa C.R para maghugas ng katawan at nagbihis. Nakatulog ako habang nakayakap kay Chie.

Komento sa Aklat (83)

  • avatar
    Efren Gregas

    good novel

    14/06

      0
  • avatar
    Mylene Mente Mallari

    nice 🙂

    08/06/2025

      0
  • avatar
    AnibanMelanie

    thanks

    02/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata