Chapter 30

Chapter 30  
Jake's Pov
“Gising ka na, alis na tayo." Napatingin ako sa kan'ya. "Aalis na tayo o matutulog ka na lang?" Sa inis ko, hinampas ko si Reiver. Ako napapagod sa kan'ya. Tinawanan lang ako ng loko. 
“Maligo ka na. Para makita mo si Chie na fresh, sinabi ko sa iyo na si Chie ang naka-assign. Naglilinis siya ng kuwarto mo. Pasalamat ka pinakingan ang aking kahilingan, ngunit mayroon akong tip. Ikaw bahala na sa allowance ko." sabay tawa ng baliw.
"Ako din. Sagot mo bro. Kumain ka na. Bilisan mo." 
"Gagi ka, para kang kabute—saan-saan ka sumusulpot. Wag mo siyang ilibre, wala naman siyang hambag
"Gago ka." Hinampas ni Kuya Jaydee si Reiver. Iniwan ko na sila kung mananatili ako, baka nga totohanin niya na iwan ako. Pumasok ako sa kuwarto ko. Mabilis akong naligo. Kinuha at nilabas ang mga gamit ko. Tinignan nila ako ng seryoso, hindi ko na lang sila pinansin, nagmamadali na lang ako at inilabas ang mga gamit ko.
Katulad nila, nasa labas na ang gamit. Mukhang ready na kaming umalis, pero nagtataka ako bakit dalawang maleta ang dala ni Reiver. Wala ba siyang balak umuwi? Ang gago, ako nga, iilan lang ang dinala ko. Ang bigat kaya magdala ng bagahe, tapos siya, mukhang easy lang sa kanya.
Kung tutuusin, hindi nakakapagtaka na mahilig siya sa party, for sure sariling party lang ang dala niya. Nilagay ko na sa kotse ang bagahe. Si Manong ang magda-drive sa amin. Pagkatapos, nilagay ko na rin ang bagahe nila at bumalik ako sa loob. 
Nasa sala na ang dalawa, kumakain ng ice cream. Tumuloy na ako sa kusina at kumain. Napangiti ako nang naamoy ko ang adobong baboy na ulam ko. Bigla akong natakam at kumain na ako; ang dami kong nakain. Sobrang busog ako. Nilapitan ko sila, na ngayon ay nanonood na ng TV. Nalilito ako kay Kuya Jaydee dahil hindi siya naka focus sa iisang channel.
"What the hell? Kuya Jaydee, patayin mo na ‘yan. Nahihilo ako sa'yo." Lumingon si Reiver, at tinawanan niya lang ako. 
"Nag-text na sa akin, Tara na. Nandiyan na daw siya, naghihintay lang sa atin." Tumayo si Reiver. Hindi nagbibiro ang mukha Ng loko . Minsan kapag seryoso siya, madalas prank lang. Ngayon totoo na. Sinundan ko siya. Bago ako umalis ay nagpaalam muna ako kay Manang hanggang sa makaalis na kami ng makarating kami sa lugar na hindi ko pamilyar. 
Hindi na lang ako nag-usisa. Bago kami umalis ay nagpaalam muna ako kay Manong. Sinundan ko lang si Reiver hanggang sa makasakay kami ng eroplano. Tahimik lang ako habang walang tigil na nagkuwekuwentuhan sina Reiver at Kuya Jaydee. Habang papalapit ako kay Chie, may kung ano akong nararamdaman sa puso ko. Ang daming what ifs sa isip ko. Mapapatawad pa ba ako ni Chie? Alam kong hindi madali para sa kan'ya na patawarin ako sa ginawa ko sa kan'ya.
"Bro!" napalingon ako kay Kuya Jaydee. Ngumiti lang siya sa akin. Alam kong ramdam niya ang kaba ko. 
"Relax ka lang; magkakaayos kayo ni Chie. Chie pa rin ba?" 
“Gago, nauntog na si Chie, kaya nga iniwan siya.” Sarap din sapakin itong isa. Kailangan pa bang ipaalala?
"Ang tanga mo." Hinampas ni Kuya si Reiver. Nag-asaran na naman silang dalawa hanggang sa makarating kami. Para akong duwag; Ayokong bumaba. 
“Tara, hoy!” sabi sa akin ni Reiver. Sa huli, sinundan ko sila. Ngayon lang ako ka duwag. "Tangina Jake, ayusin mo ang sarili mo? Ang torpe mo."
Hindi ko na lang pinansin si Reiver. Ang tanging magagawa ko lang ay sundan siya hanggang sa makasakay kami sa bangka; may magpareserve na pala sa amin. Biglang tumibok ang puso ko sa kaba. Hindi ko magawang ngumiti sa ang mga kasaama ko habang masaya silang tumatawa. Ang daming gumulo sa utak hanggang sa makita namin ang isla ng barangay paraiso. 
"Handa ka na ba?" Seryosong sabi sa akin ni Reiver; Hindi ako naka sagot sa kan'ya. 
"Huwag mo siyang kakausapin," mahinang sabi ni Kuya Jaydee kay Reiver. Hindi ko alam kung anong trip nila sa akin. Nagtatawanan lang ang dalawa.
"Ito ay isang laro. Huminga ng malalim. Isa, dalawa, tatlo. Nagsimula na ang laro, Jake. Welcome to Barangay Paraiso," sigaw ni Reiver. Napalingon ang iilang naliligo sa dagat dahil sa malakas na hiyawan.
"Tara na." sabay hila ni Kuya Jaydee. Bumaba na kami. Sinalubong kami ng ilang staff. Paulit-ulit akong naghahanap pero hindi ko makita si Chie. 
“Wag ka na magsayang ng oras hanapin siya dahil day off niya. Bukas mo pa siya makikita.” Sabi ni Reiver.
Bigla akong nanghina. Akala ko makikita ko na siya pero bukas pa pala. Lumingon ako at may kausap si Reiver. Hinintay namin ni Kuya Jaydee. saglit para hintayin ang loko. Tumagilid ako at tumingin sa mga tao. 
"Tara pahinga na muna kami ni Kuya Jaydee.” Hanggang sa inihagis niya sa akin ang susi ng kuwarto ko.
“Salamat, mabait ako. Mayroon kang silid na nag-iisa; walang gulo sa inyo ni Chie, at kami ni Kuya Jaydee ang magkasama. Dahil mabait ako, inisip ko rin ang mga gastusin. Huwag maging high blood sa gastos! Libre naman kapag nasa iisang kuwarto kami. Syempre hindi ko makakapaglandi nito kasama ko si Kuya Jaydee." 
"Stupid." Sabay bangga ni Kuya Jaydee sa kan'ya. Tumawa lang ang loko. Hindi pinansin si Reiver. Pumasok ako sa assigned room ko at ni-lock ito, pera walang gawin itong dalawa. Biglang na lang pumasok sa kuwarto para makialam sa mga gamit ko. 
Nang maayos na, napalapit ako sa terrace at napatingin sa mga tanawin. Ang gaganda ng view, akala mo nasa isang flower farm ka—ang daming iba't ibang bulaklak, at may mga paruparo na nag liliparan at humahalik sa mga bulaklak.

Komento sa Aklat (84)

  • avatar
    Efren Gregas

    good novel

    14/06

      0
  • avatar
    Mylene Mente Mallari

    nice 🙂

    08/06/2025

      0
  • avatar
    AnibanMelanie

    thanks

    02/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata