logo text

RED FLAVOR FINALE CHAPTER

HINDI inakala ng mga magulang ni Raine na isinama pa rin sila ni Yuan sa plano nitong bakasyon. Nagkatinginan na lamang ang mag-asawa nang sandaling iyon. They are asking each other kung tama lang ba na sumama pa sila sa bakasyong ipinagkaloob ng kumpanya sa mag-asawa bilang regalo sa kanila.
Wala naman pong kaso sa amin kung kasama namin kayo sa bakasyon,” sambit ni Yuan nang nakita niya ang pag-aalinlangan sa mga mata nila. “Deserved ninyo rin naman po iyon dahil hindi na rin naman kayo nakapagpahinga buhat nang inalagaan ninyo ang triplets namin.”
Isang mahinang tawa na lamang ang pinakawalan ni Mang Raul nang narinig niya ang sinabi ng kanyang manugang, “Pahinga na ang pag-aalaga namin sa kanila,” sambit niya kay Yuan. “Hindi na kailangan pa ang isang engrandeng bakasyon para lang masabing nakapagpahinga kami.”
“Kung ayaw ninyo po talagang mamasyal ay mas maigi na rin po kung mananatili na lamang kaming mag-asawa rito sa bahay,” sabi ni Yuan sa dalawang matanda. “I mean, gagamitin ko na lang p ang bakasyong ibinigay sa akin para makasama ko ang mga bata.”
Natawa na lamang si Mang Raul sa sinabi ni Yuan. Halatang-halata sa mukha ng kanyang manugang ang pagiging inosente nito sa pag-aalaga ng mga bata. Kung hindi pa siya binigyan ni Aling Mildred ng isang pinong kurot sa tagiliran ay hindi niya mamamalayang nakatingin na pala si Yuan sa kanya. Tumikhim na lamang siya bago pa man siya nagsalita.
“Kung iyan ang iyong nais ay pwede naman kitang pagbigyan,” sabi ni Mang Raul sa manugang. “Kailangan mo lang siguraduhing hindi ka magrereklamo kapag dumating na ang araw na iyon.”
“Ano po ang ibig ninyong sabihin?” tanong agad ni Yuan.
“Maiintindihan mo lamang ang sinabi ko kapag naranasan mo na ang isang buong araw na pag-aalaga sa kanilang tatlo.”
Bago pa man makapagsalta si Yuan ay iniwanan na siya ng mag-asawa. Ayaw man niyang isiping hinahamon siya ng kanyang biyenang lalaki ay iyon na ang nararamdaman niya nang sandaling iyon. Pakiramdam niya ay sinusukat na ni Mang Raul ang magiging pasensiya niya kapag siya na mismo ang nag-asikaso sa tatlong anak nila ni Raine.
Sa isang banda…
Napailing na lamang si Aling Mildred nang napagtanto niyang nang-aasar lang ang asawa niyang si Mang Raul. Inakala pa niyang mag-aaway ang dalawang lalaki dahil lamang sa pag-aalaga ng mga bata.
“Kahit naman gustuhin kong nakadikit sa akin ang tatlo sa lahat nang oras ay hindi iyon pwede,” sabi ni Mang Raul sa asawa. “Mayroon silang ama na kailangan nilang makilala sa kanilang tabi.”
“Alam ko naman iyon, pero hindi naman iyon nangangahulugang kailangan mo na siyang asarin,” sermon ni Aling Mildred sa asawa. “Alam mo naman sigurong first time lang niyang magkaroon ng anak.”
“Alam ko naman iyon. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko lalo nan ang nakita ko ang determinasyon sa mukha niya,” sagot naman ni Mang Raul. “Gusto ko rin naman kasing malaman kung totoo ba siya sa sinasabi niya na gusto niyang alagaan ang mga anak nila.”
“Paano kung ningas-kugon lang pala si Yuan? Sa umpisa lang magaling?” sunod-sunod na tanong ni Aling Mildred sa asawa.
“Kung iyan ang magiging kaso ay wala na akong ibang mapagpipilian,” sambit ni Mang Raul sa isang seryosong tinig. “Alam na niya siguro kung ano ang kalalabasan noon kapag nagpabaya siya.”
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Aling Mildred. Naiintindihan naman niya kung bakit protective ang asawa niya sa mag-iina. Iyon nga lang, sa tingin niya ay mas maganda kung hahayaan nila si Yuan na gawin ang tungkulin nito sa kanilang anak at mga apo. Wala namang masama kung magtitiwala sila sa kanilang manugang.
“Huwag mo sanang masamain pero may tiwala ako kay Yuan,” sabi ni Mildred sa asawa. “Sigurado akong hindi niya tayo bibiguin.”
DUMATING ang araw na pinakahihintay ni Yuan, ang mga araw na makakasama niya sa isang buong araw ang mga anak nilang dalawa ni Raine. He is feeling giddy inside lalo na at hindi rin biro ang excitement na nararanasan niya nang sandaling iyon. Alam niya sa kanyang sarili na kaya niyang alagaan ang mga bata. Hindi siya magrereklamo kung sakali mang mahihirapan siya sa tatlong bata.
“Sigurado ka ba na gusto mong maging full-time daddy ngayong araw?” tanong ni Raine sa asawa. “Pwede ka pang umatras kung gugustuhin mo.”
“Bakit naman ako aatras?” tanong agad ni Yuan kay Raine. “Hindi ka ba naniniwala sa kakayahan ko?”
Isang pang-asar na ngiti na lamang ang ibinigay ni Raine bago pa man siya nagsalita, “Hindi naman sa wala akong tiwala. Nagkataon lang na alam ko kung gaano kahaba ang pasensiya mo.”
“Aba’t –“
Hindi na hinayaan pa ni Raine na makapagsalita ang asawa niya sa pamamagitan ng isang halik sa labi. As usual, hindi pinalampas ni Yuan ang panunukso niya kaya siniguro niyang mabilis niyang mailalayo ang kanyang labi sa labi ng asawa.
“Kung gusto mo talaga akong halikan ay siguraduhin mong hindi ka maiinis sa mga gagawin nila sa iyo, okay?”
Hindi na nakapalag si Yuan nang biglang pumasok ang mga biyenan niya para ibigay ang isa sa mga anak niya. Since they are related by blood, inaasahan na niyang hindi siya iiyakan ng kanyang anak. Iyon nga lang, dahil sa hindi naman siya madalas makasama ng mga bata ay bigla na lamang itong umiyak sa kanyang bisig. Nataranta kaagad siya nang wala sa oras. Isang helpless look na lamang ang naibigay niya sa tatlo nang sandaling iyon.
“Mas umiiyak ang bata kapag nararamdaman niyang hindi siya safe sa taong mayhawak sa kanya o kapag wala silang koneksyon,” sambit ni Mang Raul sa lalaki. “You better calm down first para makapag-establish kayo ng koneksyon.”
“Ikaw pa rin naman ang tatay niya kaya sigurado akong mayroon kayong mabubuong koneksyon,” sabi ni Raine in an encouraging tone. “Huwag mo lang ipahalatang first time mo lang sa pag-aalaga ng bata.”
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Yuan upang mapakalma ang kanyang sarili. Kailangan niyang kumalma kung gusto niyang masiguro na magkakaroon sila ng koneksyon ng mga bata.
Inumpisahan niya ang pagpapatahan sa bata sa pamamagitan ng isang heleng narinig nya noon sa sarili niyang ina noong siya ay maliit pa. Kahit na hindi siya sigurado sa umpisa ay natuwa siya nang paunti-unting tumigil ang pag-iyak nito. Natuwa pa siya nang napansin niyang para siyang nginitian ng sarili niyang anak.
“See, I told you,” panunukso ni Raine sa asawa. “Hindi mo kailangang mataranta sa isang simpleng bagay.”
“Sabihin mo na lamang iyan kung hindi ka nataranta noon sa kanilang tatlo,” panunukso ni Aling Mildred sa sariling anak. “Tandang-tanda ko pa kung paano ka nataranta sa kanila noon.”
Namula na lamang si Raine sa sinabi ni Aling Mildred. Halatang hindi niya napaghandaan ang banat nito sa kanya.
"Sigurado akong kakayanin na ni Yuan ang pag-aalaga sa tatlong bata," sambit ni Aling Mildred sa anak. "Mabilis naman niyang natutunan kung ano ang dapat gawin eh."
MABILIS na lumipas ang isang buong araw at nakita na lamang ni Yuan ang kanyang sarili na inilalagay sa crib ang triplets. Hindi pa rin siya makapaniwala ng nagawa niyang aalagaan ang tatlo kahit na sabihin pang mahirap iyong gawin sa simula. Ilang beses siyang nataranta dahil sabay-sabay lagi ang iyak nila kapag nagugutom o di kaya ay puno na ang kanilang diapers. Thankfully, laging nakagabay sa kanya ang asawa kaya hindi niya ramdam ang pagod.
Nagulat na lamang siya nang may naramdaman siyang yumakap mula sa kanyang likurang. Hindi na niya kailangang silipin pa kung sino iyon dahil sigurado naman siyang ang asawa niyang si Raine iyon. Napangiti na lamang siya nang naramdaman niya ang isang maliit na halik na ibinigay nito sa kanyang likod.
"You did well today," sambit ni Raine sa asawa nang hinarap na siya ni Yuan. "Halatang hindi mo kami binigo kahit natataranta ka. Ilang araw ka pang mag-aalaga ng triplets."
"Well, wala namang kaso sa akin kung ako ang mag-aalaga sa kanila," sagot ni Yuan. "Bakasyon pa naman ako."
"But still, lagi ka pa ring pagod," depensa ni Raine. "Sayang lang ang nakuha mong bakasyon dahil hindi ka nakapagpapahinga."
"Sabi nga nina Inang at Tatang, bakasyon na nila ang pag-aalaga sa mga bata," sambit ni Yuan. "So, iyon na rin ang break ko mula sa trabaho. Isa pa, sa tingin ko ay kailangan din naman nila ng break sa pag-aalaga ng tatlong makukulit."
Hinampas na lamang ni Raine si Yuan sa dibdib nang sandaling iyon, "Kailan pa naging makukulit ang tatlo? Hindi nga ako hirap kapag ako ang nag-aalaga sa kanila eh."
"Well, that is simply because ikaw ang mas kilala nila kaya ganoon," depensa ni Yuan. "Ikaw ang nanay nila eh."
"Ako nga ang nanay nila," pagsang-ayon naman ni Raine. "Pero ikaw ang tatay nila kaya hindi ka rin nila pinaghirapan masyado. Slight lang."
Natawa na lamang si Yuan sa huling sinabi ni Raine. Halata niyang sanay na sanay na ang asawa sa ginagawa nito. Akmang hahalikan niya ang kanyang asawa nang nagsiiyakang muli ang kanilang mga anak. Nagkatinginan na lamang silang dalawa nang sandaling iyon.
"Mukhang hindi sila papayag na mayroon tayong gawing milagro ngayong gabi," sabi ni Yuan sa asawa.
Tulad nang inaasahan ni Yuan, hinampas na naman siya ng asawa bago siya sinabihang loko. Isang mahinang tawa na lamang ang pinakawalan niya bago pa man niya binalingan ang tatlong bata.
"Mukhang miss na ako ng mga anak natin ah," sabi ni Yuan sa asawa. "Ako na ang bahala sa kanilang tatlo. Magpahinga ka na. Sulitin mo na ang mga araw na nasa bakasyon pa ako."
Natawa na lamang si Raine sa sinabi ng asawa. Well, masasabi niyang napakaswerte na niya sa asawa niya at responsable ito. Kung papipiliin man siyang muli sa susunod na niyang buhay ay sigurado na siyang si Yuan pa rin ang kanyang pipiliin.
"You know what, sabay na natin silang patulugin para walang lamangan," sabi ni Raine bago pa man niya kinuha ang isa pa nilang anak. "I love you."
WAKAS

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    j******o@gmail.com

    nice one

    07/10/2022

      0
  • avatar
    QueenSamarra

    Catchy ng blurb! Very memorable din ng first meeting nina Raine at Yuan! I just found a gem, will be reading more of the author's stories for sure! 🥰

    13/07/2022

      0
  • avatar
    Virgllio Enriquez

    oo malakas

    19/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo