Homepage/RED FLAVORED LOVE/
RED FLAVORED NINETEEN
LITERAL na nagulat si Raine nang ibinigay sa kanya ni Yuan ang dalawang ticket na nakuha nito mula kay Juris. Hindi niya inaasahan iyon lalo na at sa pagkakatanda niya ay nagkaroon naman na sila ng honeymoon noon bago pa man nagbalik ang lalaki sa nasabing kumpanya. Isa pa, hindi rin naman niya nagagawang makapag-contribute nang maayos sa Lion Heart dahil busy na siya sa pagiging housewife ni Yuan. Hindi na nga niya alam kung ano na ba ang current issues sa loob.
"Sigurado ba si Bossing na galing sa higher ups ang mga ticket na ito?" tanong ni Raine sa asawa. "Baka may iba pang ikinasal bukod sa atin tapos nalito lang sila dahil hindi na ako pumapasok."
"Hindi ito ibibigay ni Juris kung alam niyang hindi ito para sa atin," sagot naman ni Yuan sa asawa. "You know your own boss, right?"
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Raine nang sandaling iyon, "Kilala ko naman si Bossing. Kaso nga lang kasi..."
"Unusual ang kilos nila?" tanong agad ni Yuan na tinanguan na lamang ni Raine. "Na para bang hindi nila iyon kayang gawin?"
"Oo."
"Well, ang sabi sa akin ni Juris ay additional regalo raw iyan ng higher ups dahil maganda ang performance ng sales department," sambit ni Yuan sa asawa. "Mas mabuti na raw na kunin na natin ang opportunity hangga't may pagkakataon pa tayo."
Napaawang na lamang ang labi ni Raine sa narinig. Alam naman niyang deserved ni Yuan ang reward na iyon ng Lion Heart. Iyon nga lang, hindi siya sigurado kung tama bang tatanggapin na lamang niya iyon gayong may iba pang mas deserving sa nasabing reward na iyon.
"Kung ang iniisip mo ay unfair para sa mga subordinates ko ang reward na ito ay huwag kang mag-alala, hindi lang naman kasi tayo ang magbabakasyon," sabi ni Yuan na kabisado na ang kilos ng asawa.
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Raine sa asawa.
Hindi na lamang nagsalita si Yuan at sa halip ay inilabas pa niya ang ibang mga ticket na nasa possession niya nang sandaling iyon.
"Kabisado na ako ni Juris kaya nasabihan na niya kaagad ang mga nakatataas na hindi ko tatanggapin ang reward na ibinibigay nila kung hindi rin magkakaroon ng reward ang mga kasamahan ko," paliwanag ni Yuan sa asawa. "Nauna lang tayo sa schedule dahil kailangan ako sa department kapag nag-uumpisa na ang red cycle natin."
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Raine dahil sa narinig. Wala na siyang pakialam kung mauuna na sila sa reward na sinasabi ng asawa niya dahil alam na niyang may pagkakataon din ang iba na makapagbakasyon mula sa trabaho kahit na sa loob lamang iyon ng tatlong araw.
"Ang bait talaga ng asawa ko kahit na madalas na may toyo kapag umaga!"
Nagulat na lamang si Yuan nang bigla siyang sinunggaban ni Raine sa mukha para lamang halikan sa labi. He is willing to return that kiss fervently kung nanaisin lang niya. Iyon nga lang, bago pa man niya magawang ibalik ang halik na iyon ay humiwalay na ang labi ni Raine sa labi niya.
"Gustuhin ko mang magbabad ang labi mo sa labi ko ay hindi pwede, baka marinig tayo nina -"
Hindi na lamang pinatapos ni Yuan sa pagsasalita ang asawa at sa halip ay binigyan ito ng isang mabilis na halik sa labi. Masamang siya ang nabibitin sa halik lalo na at alam niya sa kanyang sarili na mangggigigil lamang siya sa labi ni Raine.
" Alam mo naman na siguro kung gaano kasama para sa akin ang mabitin sa halik na pwede mong ibigay sa akin," sabi ni Yuan sa asawa. "You know what? Mas maganda kung itutuloy na natin ito sa kwarto bago pa man magising ang mga kasama natin sa bahay."
Hindi na nagawa pang makapalag ni Raine nang bigla na lamang siyang binuhat ng asawa niya papunta sa kwarto. Napayakap na lamang siya sa asawa niya nang wala sa oras. Wala naman sigurong masama kung pagbibigyan nila ang kanilang mga sarili ngayong gabi, basta hindi sila maririnig ng mga kasama nila sa bahay.
KINABUKASAN...
IPINAALAM kaagad ni Yuan sa mga magulang ni Raine ang tungkol sa nakuha niyang reward sa trabaho. Sinabi na niya iyon kaagad para kung may ibang plano ang mga biyenan nila ay silang mag-asawa na ang mag-aadjust ng araw ng kanilang bakasyon. Nahihiya rin naman kasi silang iwanan sa dalawang matanda ang mga anak nila.
"Huwag ninyo nang alalahanin pa ang tungkol sa mga anak ninyo," sabi ni Aling Mildred sa lalaki. "Kayang-kaya namin silang aalagaan."
"Pero Inang, nakakahiya naman po kung basta na lamang naming iniwanan sa inyo ang mga bata," sagot naman ni Yuan. "Pwede naman po akong bumili pa ng extra tickets para magkasama namin kayo."
Umiling na lamang si Aling Mildred sa suhestiyon ng manugang, "Magastos at hindi praktikal para sa mga bata ang biyahe. Kayong dalawa na lamang ni Raine ang tumuloy sa bakasyon."
Bago pa man makapagsalita si Yuan ay naunahan na siya ni Mang Raul, "Huwag ninyo na kaming alalahanin pa dahil kaya naman naming aalagaan ang mga bata. Hindi kami mahihirapan lalo na at may babysitter pa kayong kinuha."
Napakamot na lamang ng ulo si Yuan, "Kahit na po. Iba pa rin po kung kasama namin kayo sa bakasyon naming mag-asawa."
"Naiintindihan naman namin ang nais mo pero isipin mo na lamang ang additional expenses na dadagdag sa budget mo kung sakaling isasama mo kami," paliwanag ni Mang Raul. "Samantalahin ninyo na lamang ni Raine ang pagkakataong ibinigay sa inyo para makapag-relax ka na rin kahit pa paano."
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Yuan nang sandaling iyon. Gustuhin man niyang isama ang mga biyenan niya ay sila na rin ang tumatanggi sa alok niya. Wala namang problema para sa kanya ang gastos dahil alam naman niyang deserved din naman nila ang isang magandang bakasyon.
"Kami na ang bahala sa mga bata kapag na tuloy na kayo sa bakasyon," sabi ni Aling Mildred sa manugang. "Hindi namin sila pababayaan."
"Narinig mo na ang sinabi ng Inang mo kaya huwag mo na kaming isipin pa," susog ni Mang Raul. "Wala namang kaso sa amin ang pag-aalaga sa mga apo namin."
Wala nang nagawa si Yuan nang oras na iyon kundi ang tumango na lamang. Kahit na sabihin pa ng dalawang matanda na walang kaso para sa kanila ang pag-aalaga sa mga anak nila ni Raine ay ibang usapan pa rin kapag involved na ang salitang bakasyon. Sa tingin niya ay hindi rin sila mag-eenjoy dahil first time rin naman nilang malalayo sa kanilang mga anak kung sakali. Para sa kanya ay mas karapat-dapat ang mga biyenan niya sa nasabing bakasyon. Nagkataon lang na nasabi niya agad sa asawa ang tungkol sa mga plane ticket na nakuha niya.
"OO nga ano? Halos hindi na rin pala nakapag-unwind sina Tatang at Inang buhat nang pumunta sila rito," sabi ni Raine nang sinabi ng asawa ang tungkol sa sitwasyon. "Unfair nga naman kung hindi natin sila kasama sa bakasyon or hindi sila magkakaroon ng break mula sa pag-aalaga ng mga apo nila."
"Kaya nga eh," pagsang-ayon naman ni Yuan. "Kung tutuusin ay responsibilidad naman na natin ang mga bata, pero pinaalagaan pa natin sa kanila."
"May punto ka naman, kaso may punto rin sila na dagdag gastos kung sakaling bibili pa tayo ng additional tickets," sambit ni Raine. "Hindi ba pwedeng ibigay na lang natin sa iba ang tickets na mayroon tayo?"
Nangunot na lamang ang noo ni Yuan sa narinig. "Hindi ako sigurado kung pwede ba iyon. Wala namang sinabi si Juris tungkol sa bagay na iyon."
Napaisip na lamang si Raine nang sandaling iyon. Sa pagkakaalam niya ay wala namang ibang nabanggit ang asawa bukod sa mga ticket nila. Scheduled naman ang magiging bakasyon nila kaya sa tingin niya ay pwede namang magawan ng paraan ang problema nila.
"Wala namang sinabi si Bossing na dapat ay gamitin natin ang ticket kapag nagbakasyon tayo, tama?" pagkumpirma ni Raine sa asawa.
Umiling na lamang si Yuan, "Ang sabi lang niya sa akin ay samantalahin na natin ang pagkakataon hangga't pwede pa tayong magbakasyon."
Napangiti na lamang si Raine. May nakita na siyang butas na pwede nilang tapalan para masagot ang problema nila.
"Ibahin na lang natin ang plano para sa bakasyon para makasama rin natin ang mga anak natin," nakangiting sabi ni Raine sa asawa. "Pwede naman siguro tayong umakyat sa Baguio kaysa sa lumabas pa tayo ng bansa para lang sa bakasyon mo. Mas mainam iyon para lahat tayo ay nakabakasyon. Walang maiiwan na kahit sino."
Napangiti na lamang si Yuan sa sinabi ng asawa. Oo nga naman, pwede naman silang magbakasyon sa mas malapit para maipasyal din nila ang kanilang mga anak at biyenan.
" Ngayon ay alam ko na kung bakit ang tindi ng tama ko sa iyo, " nakangiting sabi ni Yuan sa asawa. "Lagi mo akong nahahanapan ng solusyon sa bawat problema ng mayroon ako."
"At nambola na naman ang magaling kong asawa," natatawang sagot ni Raine. "Bolahin mo man ako ay hindi ako kikiligin."
"Talaga bang hindi ka kikiligin?" tanong kaagad ni Yuan.
"Hindi, nagsabi lang ako ng solusyon eh," prangkang sagot ni Raine na muling tinawanan ni Yuan. "Huwag ka ngang tumawa riyan at hindi pa natin alam kung lulusot ang nais nating mangyari."
"Lulusot iyan," sambit ni Yuan in a confident tone. "Ano pa ba ang silbi ng koneksyon ni Juris kung hindi niya tayo mapag bibigyan?"
"You mean?"
"May mga writers ang editing team na hindi pa naglalabas ng kanilang manuscript," sabi ni Yuan. "At sigurado akong magagawa niyang sabihin sa higher ups ang plano natin kapag sinabi kong hahabaan ko pa ang pasensiya ko sa mga writer nila. Pero kung hindi niya iyon masasabi ay bibigyan ko na lamang ng tatlong buwang palugit ang mga pasaway na writer."
Napalo na lamang ni Raine sa braso ang asawa, "Loko ka talaga."
"Well, mas mabuti na ring maging loko kaysa naman sa lagi tayong guilty kapag naiwan silang lima rito," sagot ni Yuan. "Trust me, papayag sila sa gusto natin."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice one
07/10/2022
0Catchy ng blurb! Very memorable din ng first meeting nina Raine at Yuan! I just found a gem, will be reading more of the author's stories for sure! 🥰
13/07/2022
0oo malakas
19/06/2022
0Tingnan Lahat