Homepage/RED FLAVORED LOVE/
RED FLAVOUR EIGHTEEN
MABILIS na lumipas ang mga araw at nakikita na ni Yuan ang pagbabalik ng asawa niya. Sa kanyang palagay ay malaki ang naging kontribusyon ng mga magulang nila para hindi na ma-stress si Raine sa pag-aalaga sa kanilang triplets. Well, mas mabuti na ring may nakaagapay sa kanilang mas may karanasan na sa pagiging magulang. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung sakaling hindi niya naalagaan ang asawa niya at ang kanilang mga anak. Mas lalong hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung mawawala siya ng oras para sa kanila.
"Sir, hindi na po ba kayo sasama sa dinner ng sales department team?" tanong ni Lerie sa kanya.
Umiling na lamang si Yuan, "Hinihintay na ako ng asawa ko sa bahay. I cannot miss the opportunity to be with them sa mga ganitong araw na hindi tayo ginagahol. Just enjoy the night without me."
Bago pa man makapagsalita si Lerie ay tinalikuran na siya ng boss niya. Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan niya lalo na at hindi rin naman niya naiintindihan kung bakit ganoon na lamang katindi ang kagustuhan nitong makauwi kaagad sa bahay.
"Malalaman mo rin ang dahilan kung bakit mas inuuna niya ang asawa niya kapag nakita mo na ang katapat mo," sambit ni Juris sa isang nanunuksong tinig. "Who knows, baka nasa tabi mo lang pala ang taong magpapatibok diyan sa pihikan mong puso."
Napanguso na lamang si Lerie sa sinabi ng asawa ng kanyang Ate Sunny. Gusto man niyang awayin si Juris ay siguradong siya lang din ang matatalo lalo na at mas may alam na ito sa buhay pag-ibig kaysa sa kanya na halatang pihikan masyado sa buhay.
Tulad nang inaasahan ni Yuan, sinalubong kaagad siya ng asawa niyang si Raine pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng bahay. Hindi na nito iniinda kung malagkit man ang katawan niya galing sa trabaho.
"Kumusta naman ang araw mo, hmmm? Marami ka na naman bang nakaaway sa editing department?" sunod-sunod na tanong ni Raine sa asawa. "Baka pinahirapan mo na naman ang mga kasamahan ko."
"Tsk, hindi magandang mang-away sa kanila kung wala ka roon," sagot naman ni Yuan. "Walang thrill. Ang mga bata nga pala? Tulog na? "
Napangiti na lamang si Raine sa tanong ng asawa. Kahit na sabihin pang pagod si Yuan ay naalala pa rin nito ang mga anak nila.
"Of course, tulog na kaagad sila, wala pa naman silang kakayahan magpuyat eh," sagot ni Raine. "Bagong silang pa lang sila, remember?"
Isang mahinang tawa na lamang ang pinakawalan ni Yuan dahil sa sinabi ng asawa niya. Well, hindi naman na niya pwedeng bulabugin ang mga anak nila lalo na at sila rin naman ang mahihirapan sa pagpapatulog sa kanila kung gagawin niya iyon.
" Sina Inang at Tatang?" tanong niya agad nang hindi niya nakikita ang mga magulang ng asawa. "Umuwi na ba sila?"
Umiling si Raine bago pa man siya sumagot, "Nasa kwarto na sila ng mga bata. Sila na ang nagpatulog sa tatlo."
Kahit na sabihin pang humingi ng tulong si Yuan sa mga magulang ni Raine ay nakararamdam pa rin siya ng guilt nang oras na iyon. Hindi niya maiwasan lalo na at sa pagkakaalam niya ay may responsibilidad pa rin siya sa mga anak nila. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang pinitik ng asawa niya sa noo.
"Guilty ka na naman dahil sila na naman ang nagpatulog sa mga bata," naiiling na sabi ni Raine sa asawa. "Ang sabi ni Inang ay hayaan na raw natin sila at masaya naman daw sila sa ginagawa nila."
"Pero nakakapagod ang mag-alaga ng tatlong bata," pangangatuwiran ni Yuan. "Ni hindi ko man lang sila matulungan sa pag-aalaga kahit saglit."
Isang matamis na ngiti na lamang ang ibinigay ni Raine sa asawa, "Ano pa ba ang ginagawa ng maganda mong misis? Ako na ang representative mo sa pag-aalaga sa kanila kaya wala ka nang dapat pang alalahanin. Sapat naman na sa akin ang ginagawa mong pag-aalaga sa kanila kapag weekends."
"Pero..."
"Huwag ka nang kumontra pa dahil alam ko namang mabigat din ang trabaho mo," sabi ni Raine. "Take this opportunity para makapagpahinga ka nang maaga."
MABILIS na lumakad ang mga araw nang hindi namamalayan ni Yuan dahil sa pagiging busy niya sa trabaho. Sinisiguro niya kaagad na maayos ang trabaho nila para hindi na sila magkaroon pa ng overtime. Alam niyang mas lalong hindi sila gaganahan sa pagtatrabaho kung lagi na lamang silang pagod sa buong araw.
"Lerie, natapos mo na ba ang ipinagagawa ko sa iyo? Nakausap mo na ba ang mga dapat kausapin sa printing office?" sunod-sunod na tanong ni Yuan sa binata. "Ayaw kong mahuli tayo sa schedule."
"Everything is set na para sa bagong libro," sagot naman ni Lerie. "Wala ka nang dapat alalahanin dahil napasunod ng editors ang mga writer na hawak nila."
"Mabuti naman kung ganoon," sambit ni Yuan. "Mas mapapaaga ang pagpapahinga natin ngayong araw."
"Nga pala, ang sabi po ni Sir Juris ay dumaan ka mamaya sa department nila kapag pauwi ka na," sambit ni Lerie sa lalaki. "May ibibigay raw po siya sa inyo."
Nangunot na lamang ang noo ni Yuan sa narinig. Para siyang nabingi na hindi niya maintindihan sa huling pangungusap na binanggit ni Lerie sa kanya. Kilala niya si Juris. Hindi ito basta-basta nagbibigay ng kahit na ano sa isang tao, unless may kakaiba itong request sa kanya.
"Kung susuhulan lang niya ako para sa isang writer niya ay tigilan na niya," sabi ni Yuan sa binata. "Alam naman niyang hindi niya mababago ang extension na ibinibigay ko kahit sa paborito niyang writer."
"Hindi po, wala raw pong suhulang magaganap," sagot naman ni Lerie sa lalaki. "Hindi po related sa trabaho ang bagay na ibibigay niya sa iyo mamaya."
Nangunot na lamang ang noo ni Yuan sa narinig. Hindi niya malaman kung matatawa ba siya o maiinis dahil sa sinabi ni Lerie. Ang alam lang niya nang sandaling iyon ay kailangan niyang daanan si Juris sa editing department kung gusto niyang malaman ang kalokohan pumasok sa utak nito.
"Fine, dadaanan ko na mamaya ang isang iyon bago ako umuwi," sabi ni Yuan in a resigned tone na tinanguan na lamang ni Lerie.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na rin ang oras ng uwian. Since, natrabaho naman na ng team niya lahat ng dapat trabahuhin ay sinabihan na niya ang kanyang subordinates na umuwi na.
"Kung sa tingin ninyo ay may kaunti pa kayong naiwang trabaho na sa tingin ninyo ay hindi pa naman kailangang-kailangan ay gawin ninyo na lang iyon bukas," sabi ni Yuan sa kanyang department. "Naabot naman na natin ang goal of the month kaya pwede kayong magrelax kahit pa paano."
"Yes, Sir."
"Kung wala na rin naman kayong katanungan ay mauuna na ako sa inyo," sabi ni Yuan sa mga kasamahan. "May dadaanan pa ako sa editing department.
TULAD nang inaasahan ni Yuan, isang makalat na working area na naman ang naabutan ni Yuan nang pumasok siya sa editing department. Halata niya sa mukha ng mga editors ang salitang stress. Sigurado siyang mas marami pa ang pasaway sa mga writer na hawak nila kaysa sa matitino.
"Nandiyan ka na pala," sabi ni Juris na hindi na makita ni Yuan dahil sa dami ng nakatambak na papel sa harapan nito. "Pagpasensiyahan mo na ang kalat namin. Alam mo naman sigurong nasa amin ang pinakamalaking trabaho."
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Yuan bago pa man siya nagsalita nang oras na iyon, "Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandiyan na iyan. Halatang wala pa ring pinagkakatandaan ang mga kasamahan mo."
"Well, wala na akong magagawa kung sobrang bait nila sa mga writer nila, to the point na naabuso na sila," sagot naman ni Juris.
"Bakit mo nga pala ako pinapunta rito? I am sure na hindi sila ang pag-uusapan natin," sabi ni Yuan in a serious tone.
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Juris bago pa man siya nagsalita, "How's life being a family man? Ang balita ko ay madalas kang umuwi nang maaga."
"Ano pa ang gagawin ko rito kung nagawa naming tapusin nang maaga ang mga trabahong nakalagay sa mga balikat namin?" tanong ni Yuan sa kaibigan. "We just know how to manage our time properly."
Isang mahinang tawa na lamang ang pinakawalan ni Juris nang sandaling iyon, "Malaki na ang ipinagbago mo sa iyong working attitude buhat nang ikinasal kayo ni Raine. And I am proud to witness that."
"Huh?!"
"Hindi mo ba napapansin na nabawasan na ang pagiging workaholic mo?" tanong ni Juris sa kaibigan. "Mabilis ka nang nawawala sa aking paningin, hindi katulad noon na kailangan ka pang ayain ng asawa mo para umuwi."
"Thanks to your team at lagi kaming overtime," sambit ni Yuan. "At sigurado akong mananatili lamang kami sa ganoon kung susundin namin ang writers ninyo."
"Well then, ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo sa department mo at kami na ang bahalang sumunod sa inyo," sabi ni Juris. "Alam naman na nila ang mangyayari kung hindi makasusunod ang mga writer sa schedule na ibinigay ninyo."
Akmang tatayo na si Yuan sa pag-aakalang tapos na ang pag-uusap nilang dalawa ni Juris. Nagulat na lamang siya nang pinigilan siya ng kaibigan.
"Bago ka pa man umalis ay kunin mo na ito," sabi ni Juris sabay labas ng dalawang plane tickets. "Ipinabibigay ng company sa inyo ni Raine."
Umangat na lamang ang isang kilay ni Yuan, "Ipinabibigay ng company? Ano ang nakain nila at naisipan nilang ipadaan sa iyo ang tickets na iyan?"
"Well, the higher ups know your personality and they are simply afraid of the word rejection," sabi ni Juris. "Alam nilang ibabalik mo iyan."
"What?!"
"Ang sabi nila ay kailangan mo ring magbakasyon so they are giving you some days off with your wife," nakangiting sabi ni Juris. "Samantalahin mo na ang pagkakataong ito hangga't maluwag ang work load mo."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice one
07/10/2022
0Catchy ng blurb! Very memorable din ng first meeting nina Raine at Yuan! I just found a gem, will be reading more of the author's stories for sure! 🥰
13/07/2022
0oo malakas
19/06/2022
0Tingnan Lahat