logo text

RED FLAVOR FIFTEEN

UMARIBA ang tuksuhan sa loob ng Lion Heart Publishing Company nang inilaglag ni Juris ang balita tungkol sa pagiging engaged ni Raine sa head ng sales department. Hindi nila expected iyon lalo na at minsan na rin nilang inakalang lalaki si Raine. Mas lalo pang nagpawindang sa mga utak nila ang katotohanang softie lang si Yuan pagdating sa nasabing babae.
“Ano ba iyan? Ako na lamang ba ang mananatiling single dito?” naiiling na tanong ni Michael kay Juris. “Wala nang natirang single sa department natin ah!”
“Mayroon pang single, si Anthony,” sagot naman ni Raine. “Baka naman -”
Hindi na nagawa pang tapusin ni Raine ang sasabihin niya dahil lumipad na agad sa ulo nya ang isang manuscript na galing pa sa direksyon ni Juris.
“You better start editing that bago ka pa man magbigay ng kakaibang ideya sa mga lalaking single pa rin hanggang ngayon,” sabi ni Juris sa dalaga.
“Single na babae ang hinahanap ko, hindi basta single lang,” mabilis na sabi ni Michael bago pa man siya maunahan ni Raine sa pagsasalita. “Kung alam ko lang na babae ka na noong bagong pasok ka pa lang ay niligawan na sana kita.”
“Malabong mangyari ang mga gusto mong mangyari,” sambit ni Juris. “Baka bago ka pa man makaporma kay Raine ay hinabol ka na ni Yuan ng itak.”
“Huh?!”
“What I mean is hindi ka na pwedeng pumorma ng panliligaw sa kanya dahil magkarelasyon na sila ng sales department head bago pa man sila pumasok dito,” sambit ni Juris sa binata. “Hindi nga lang sila halata dahil napagkamalan ninyo ngang lalaki si Raine. Inakala ninyo pa ngang magkabarkada sila noon dahil naloko kayo ng mga paningin ninyo.”
Natawa na lamang si Raine sa huling sinabi ni Juris. Mas lumawak pa nga ang pagkakangiti niya nang nakita niya ang pagnguso ni Michael nang sandaling iyon. Malinaw naman kasi ang ipinahiwatig ng kaibigan niyang kahit na magtangka pang manligaw ang binata sa kanya ay wala na rin itong tsansa dahil sinecure na ni Yuan ang pwesto nito sa puso at buhay niya.
“Wala na bang ipapadalang ibang babaeng editor dito sa team natin?” tanong ni Michael. “Bossing, hindi ba pwedeng magrequest ka ng isang babaeng editor?”
“As if namang pakikinggan nila ang request ko para lang sa iyo,” sagot naman ni Juris. “Hindi ka pa ba nahuhulog sa writer na madalas mong ireklamo sa amin?” tanong pa niya na may kasamang panunukso.
“Para namang mahuhulog ako sa isang weird na writer, eww!” pagrereklamo naman ni Michael. “Baka kung ano pa ang gawin niya sa akin sa ngalan lang ng mga akda niya.”
“In fairness, kahit na sabihin mo pang weird ang writer na iyon ay mabenta naman ang mga akda niya dahil makatotohanan ang ginagawa niya,” sagot naman ni Raine.
“Makatotohanan my ass! Puro nga bromance ang laman ng utak noon!” pagrereklamo pa ng binata. “Kahit na sabihin pang siya na lamang ang matitirang babae sa mundo, hindi ko pa rin siya papatulan.”
Binatukan na lamang ni Raine si Michael nang sandaling iyon, “Huwag ka munang magsalita nang tapos at baka kainin mo lang din iyang sinabi mo. Baka ikaw pa ang maghabol sa kanya kapag nalaman mong maganda siya inside and outside.”
Umikot na lamang ang mata ni Michael sa narinig, “Maganda lang siya outside, pero inside, nah. Huwag mo na akong tanungin. Anyway, make sure na imbitado kaming lahat kung ayaw mong mawalan ng desk dito sa editing department.”
TATAWA-tawa pa si Raine nang nakita na niya ang design ng wedding gown na gagamitin ni Yuan para sa kasal nilang dalawa. As expected, napasubo talaga ang binata sa naging kondisyon nila para lang mapapayag siya sa alok nitong kasal.
“Mukhang magiging sexy ang mapapangasawa ko sa araw ng kasal namin ah,” nakangiting panunukso ni Raine kay Yuan. “Sigurado ka bang isusuot mo iyan?”
“Para namang makakaatras pa ako eh baka ikaw naman ang umatras kapag sinabi kong hindi ako sigurado kung isusuot ko nga ba iyan,” nakasimangot na sagot ni Yuan. “Baka mailang pa ang paring magkakasal sa atin nito.”
“Kunsabagay, maiilang talaga ang pari lalo na kung baligtad ang suot nating dalawa,” sambit ni Raine. “Ganito na lang, ako ang magsusuot ng wedding gown pero dapat shocking red ang kulay para masaya!”
“Kung hindi pa sapat ang pulang nakikita mo para sa kasal, sige, ipaayos mo na sa designer ang wedding gown na gusto mo,” sagot naman ni Yuan. “Basta ba hindi na ako ang magsusuot eh.”
Napanguso na lamang si Raine nang sandaling iyon. Hindi niya inakalang tatanggihan na talaga ni Yuan ang kagustuhan niyang makita itong nakasuot ng wedding gown. Kunsabagay, kahit na mas madalas pa ang ugaling babae nito ay tunay namang lalaki ang boyfriend niya. There is no way in hell na talagang papayag ito sa lahat ng weird na bagay na magugustuhan niya. Niyakap na lamang niya ang mapapangasawa niya nang sandaling iyon.
“Sorry,” sambit ni Raine na ikinagulat ni Yuan nang oras na iyon.
“Bakit ka nagsosorry?” tanong naman ni Yuan sa dalaga.
“Eh kasi binigyan pa kita ng kondisyon na kakaiba para lang mapapayag ako sa alok mo,” sagot naman ni Raine. “Ngayon ko lang narealize na childish pala ang hiniling ko sa iyo. Dehado ka kung isusuot mo iyon.”
“Buti naman at naisip mong dehado ako,” sagot naman ni Yuan. “But still, alam mo namang bibigay agad ako sa kagustuhan mo kung sakaling pipilitin mo ako eh.”
“Huwag na, kasal natin iyon kaya dapat mas gwapo sa akin ang mapapangasawa ko,” mabilis na sabi ni Raine. “Baka mailang ang mga bisita kapag nakita nilang mas maganda ang groom kaysa sa bride.”
Isang mahinang chuckle na lamang ang pinakawalan ni Yuan nang sandaling iyon. Nawalang bigla ang init ng ulo niya dahil lang sa sinabi ng mapapangasawa niya.
“Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa past life ko at naging swerte ako masyado sa iyo,” sambit ni Yuan kay Raine.
“Swerte ka na dahil ako ang lucky charm mo,” sagot naman ni Raine na hindi rin halatang bilib na bilib sa sarili. “Kung hindi siguro kita sinagot noon ay para ka pa ring ipinaglihi sa sama ng loob.”
“Malakas din masyado ang confidence mo eh,” naiiling na sabi ni Yuan. “Teka, sigurado ka na ba sa design na gusto mo para sa gown mo?”
“Oo naman, ayos na iyon,” sagot naman ni Raine. “Hindi ko naman kailangang bonggahan ang gown dahil shocking red na nga ang kulay na napili ko.”
Napatango na lamang si Yuan nang sandaling iyon. Alam naman niyang maninibago ang nobya niya lalo na at ni minsan ay hindi niya nakitang nagsuot ng dress si Raine. Well, since wala naman yatang problema para kay Raine ang wedding gown ay papayagan na lang niya itong magsuot ng sneakers sa kasal nila. Sigurado naman kasing hindi makakatagal si Raine sa pagtayo kung high heels pa ang gagamitin nito.
ISANG malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Yuan nang dumating na ang takdang oras para sa kasal nilang dalawa ni Raine. As expected, nagulat ang lahat ng mga naunang dumating dahil nakita nilang pula ang tuxedo na suot niya. Well, wala naman na siyang pakialam pa kung gulat sila dahil siguradong madadagdagan pa ang pagkagulat nila kapag nakita na nila ang bride niya. And he is proud of it already.
“Sir, pila na tayo sa entourage at nandiyan na ang iyong bride,” saad ng wedding organizer sa groom. “Para makapag-start na po tayo.”
Tumalima kaagad si Yuan sa sinabi ng kanilang organizer. Wala na siyang dapat pang aksayahing oras dahil pareho naman nilang pinaghandaan ang araw na iyon.
Lumawak na lamang ang pagkakangiti ni Yuan nang nakita na niya ang bride niyang naglalakad na papunta sa kanya. As expected, ihahatid si Raine ng mga magulang nito sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang nadarama niya nang nakita niya kung gaano kaganda ang bride niya. Isang mahigpit na yakap at bilin ang ibinigay ni Raul sa kanya bago pa man nito iniabot ang kamay ng anak sa kanya.
“Alam ko kung gaano kahalaga sa iyo ang anak ko at nagpapasalamat ako dahil ikaw ang ibinigay para sa kanya,” sambit ni Raul sa magiging manugang. “Alagaan mo siya at mahalin tulad nang ginawa namin noong bata pa siya.”
“Makakaasa po kayo na hindi ko po sasaktan ang anak ninyo kahit na ano ang mangyari,” sagot naman ni Yuan.
Nakangiting tinanggap ni Raine ang kamay na nakalahad sa harapan niya. Masaya siya dahil tanggap siya ng lalaking pakakasalan niya kahit na minsan pa siya nitong napagkamalang lalaki dahil lang sa hitsura niya. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamagandang bride nang oras na iyon lalo na at swerte na siyang tunay sa mapapangasawa niya.
Dahil na rin sa kasiyahang nadarama nila ay hindi nila namalayan ang pagdaloy ng oras. Their ceremony is very solemn lalo na at naramdaman ng lahat ang sincere na pangako nila sa isa’t isa lalo na nang nagpalitan na sila ng singsing. Nagkagulatan na lang sila pareho nang idineklara na ng pari na kasal na sila sa mata ng Diyos at sa mata ng tao.
Inangat agad ni Yuan ang belong tumatakip sa mukha ni Raine nang sinabihan na siya ng pari na pwede na niyang halikan ang kanyang asawa.
“I love you,” iyon ang sinambit ni Yuan sa kanyang asawa bago pa man niya ito hinalikan sa labi. “Hindi na ako makapaghihintay pa na magkaroon ng pamilya kasama ka.”
“I love you too…” sagot naman ni Raine nang naputol na ang maiksing halik na ibinigay ng asawa niya sa kanya.
Napangiti na lamang sa isa’t isa nang sandaling iyon. Wala na silang pakialam kung may mga bisita na bang gusto nang pumunta sa reception nang oras na iyon. Hindi naman nila kailangang magmadali dahil araw na nila iyon. Siniguro rin naman nilang walang ibang susunod na sched sa venue so they are free to look at each other first bago pa man nila pinagsaluhang muli ang isang matamis na halik na siyang sinisimbolo ng kulay ng wedding attire nila.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    j******o@gmail.com

    nice one

    07/10/2022

      0
  • avatar
    QueenSamarra

    Catchy ng blurb! Very memorable din ng first meeting nina Raine at Yuan! I just found a gem, will be reading more of the author's stories for sure! 🥰

    13/07/2022

      0
  • avatar
    Virgllio Enriquez

    oo malakas

    19/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata