UMANGAT na lamang ang isang kilay ni Juris nang bigla na lamang pumasok sa bahay niya si Yuan nang walang pasabi. Sa unang tingin ay aakalain ng lahat na wala siyang pakialam sa kung ano man ang bitbit ng binata. Iyon nga lang, kabisado na siya ng asawa niyang si Sunny. The moment na nangunot ang noo niya ay nilapitan na siya ng buntis niyang asawa para lang bulungan. “Magbebake raw siya ng proposal cake para kay Raine, magpapaturo sa akin,” mahinang sambit ni Sunny sa asawa. “Huwag kang mag-alala, hindi naman ako dehado dahil may suhol na agad siya sa amin ni Baby.” “Ano namang suhol ang pinagsasabi mo riyan?” tanong naman ni Juris sa asawa na malawak lang ang pagkakangiti nang oras na iyon. “Hindi ba, tanda mo na humihingi ng tulong sa atin si Lerie para makapasok siya sa sales team ng Lion Heart Publishing Company bilang isang intern?” tanong agad ni Sunny na nagpakunot sa noo ni Juris. “Iyon ang hiningi kong kondisyon para turuan ko siya.” Muntik nang mapatampal sa noo si Juris dahil sa narinig. Hindi niya inakalang mabilis na papayag si Yuan sa kondisyon ng asawa niya. Kadalasan, bago pa man tanggapin ni Yuan ang isang bagong tao sa department niya ay dumadaaan pa ito sa isang masusing background check dahil ayaw rin naman nito ng isang pasaway na magpapasakit lang sa ulo ng lahat. Sa pagkakatanda rin niya ay ilang beses din siyang inilaglag ni Lerie noon sa pamilya ni Sunny bago pa man sila ikasal. Hindi niya sigurado kung magkakasundo ang dalawang lalaki. “Hindi siya makakatanggi sa akin dahil alam niyang kailangan niya ako,” mayabang na sabi ni Sunny. “Isa pa, sinabihan ko na rin siya na kung kailangan niyang ipabackground check ang pinsan ko ay wala namang problema sa akin as long as hindi naman lalagpas sa stalking.” Napatango na lamang si Juris nang sandaling iyon. Hindi nga lang niya alam kung anong uri ba ng cake ang ibebake ni Yuan nang oras na iyon at kailangan pa nito ang tulong ng asawa niya. Sa pagkakatanda rin naman niya ay sanay naman magluto ang kaibigan niya kaya siguradong hindi na talaga nito kailangan pa ang tulong ng asawa niya Iyon nga lang, bago pa man siya makapagsalita nang oras na iyon ay inunahan na siya nito sa pagsasalita. “Magkaiba ang skills sa pagluluto at sa baking,” sambit ni Sunny sa asawa. “Sa baking kailangang tantiyado mo na agad lahat ng gagawin mo.” Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Juris bago pa man siya nagpasyang sundan na lamang ang dalawa sa kusina. May tiwala naman siya sa asawa niya pagdating sa kusina, kaso nga lang, iba na sa ngayon dahil may baby na ngang parating. Ayaw naman niyang maaksidente ang mag-ina niya habang nasa kusina sila. He wants to make sure na magiging ligtas ang kitchen habang nagbebake ito. Nakahinga lang siya nang maluwag nang nakita niyang malayo sa disgrasya ang hitsura ng nasabing lugar. And since wala rin naman siyang magawa ay napagpasyahan na rin niyang kulitin si Yuan tungkol sa ginagawa nito. “I have to do this kung gusto kong maalok ng kasal si Raine,” sambit ni Yuan nang tinanong siya ni Juris tungkol sa cake na ibebake niya. “Hindi pwedeng unahan niya ako sa pag-aalok ng kasal.” “At saan mo naman nakuha ang ideyang uunahan ka ni Raine sa pag-aalok ng kasal?” tanong naman ni Juris sa binata. “You know her, she can defy anything basta nagustuhang gawin,” sagot ni Yuan. “Saka, wala namang problema kung magpapakasal na kami. Sigurado naman na akong siya na nga ang babaeng nakalaan sa akin.” Napatango na lamang si Juris nang sandaling iyon. Alam naman niyang totoo ang sinasabi ng kaibigan niya lalo na at si Raine lang din naman ang tumanggap nang buo sa kaibigan niya. Ni wala nga itong pakialam kung may pagka-OA si Yuan kadalasan. “Kung talagang sigurado ka na tungkol sa pagpapakasal ay tumuloy ka na,” sabi ni Juris sa kaibigan. “Matagal na rin naman kayong may relasyon ni Raine. Sigurado namang hindi ka na hahabulin ni Uncle ng itak kapag inalok mo na ng kasal ang anak niya.” IPINAKITA ni Yuan na hindi lang basta-basta ang ginagawa niya para sa proposal marriage na iaalok niya sa kanyang girlfriend. He is making sure na perfect ang ginawa niyang cake na siyang paglalagyan niya ng engagement ring. Pinapalo pa nga niya ang kamay ni Juris sa tuwing magtatangka itong pakialaman ang nasabing cake. “Hindi nga kasi para sa iyo ito kaya tigilan mo,” sambit ni Yuan sa kaibigan. “Baka masira mo pa ang cake eh.” Natawa na lamang si Juris sa sinabi ng kaibigan niya. Hindi naman niya ginugulo ang kaibigan niya dahil gusto niyang kainin ang ginawa nito. Alam naman niyang iginawa na siya ng asawa niya. Gusto lang talaga niyang malaman kung seryoso na ba talaga ang kaibigan niya sa plano nitong pagpapakasal sa girlfriend nito o hindi. “Sige manggulo ka pa at sasabihan ko si Sunny na palabasin ka sa kwarto ninyo ngayong gabi,” pagbabanta pa ni Yuan sa kaibigan bago pa man niya inilagay sa gitna ng isang watermelon shaped cake ang isang red na singsing. “Talaga ngang seryoso ka na sa gusto mong gawin, huh?” tanong naman ni Juris. “Pero hindi kaya makain lang din ni Raine ang singsing?” “Hindi,” sagot naman ni Yuan. “May sense naman si Raine kaya sigurado akong makikita agad niya ang singsing.” “Makikita niya ang singsing kung hindi mo ginawang red,” sabi ni Juris. “Isa pa, sigurado ka na bang magpapakasal siya sa iyo? Paano kung magdalawang-isip siya dahil sa tingin niya ay hindi pa siya handa?” “If that is the case, handa akong maghintay hanggang sa sabihin na niyang handa na siyang magpakasal sa akin,” sagot naman ni Yuan. “Paano kung ikaw naman pala ang hindi handa?” tanong ulit ni Juris na talagang sigurista na nang oras na iyon. “Hindi naman madali ang pag-aasawa ah.” “Sa tingin mo ba ay gagawin ko ito kung hindi pa ako sigurado sa kanya?” tanong naman pabalik ni Yuan. “By the way, tungkol nga pala sa pinsan ng asawa mo, sabihan mo na siyang magpasa ng resume for internship para maging formal ang pagpasok niya sa Lion Heart. Alam mo namang ayaw kong maging kwestiyonable ang mga taong ilalagay sa department ko,” pag-iiba agad ni Yuan sa usapan nilang dalawa ng kaibigan. “I see, idadaan mo pa rin ba siya sa masusing background checking kahit na alam mong pinsan siya ni Sunny?” tanong ni Juris sa binata. “Of course, kailangan ko pa rin siyang idaan sa background checking,” sagot naman ni Yuan. “Alam mo namang hindi ako basta-basta kumukha ng mga tao kahit na sabihin pang tinanggap na sila ng admin. Kailangan ko munang malaman kung ano ang attitude niya sa trabaho.” Napatango na lamang si Juris nang sandaling iyon. Well, kaya rin naman niyang gawin ang sinasabi ni Yuan na ipabackground check muna ang mga taong inilalagay ng admin sa department niya, pero hindi na niya iyon ginagawa kadalasan dahil alam niyang hassle lang iyon sa part niya. Isa pa, nagdadaan din naman sa evaluation ng HR ang mga aplikante kaya kampante naman siyang matino ang ibinibigay ng admin sa editing department. May mga baguhan nga lang na kung minsan ay kailangang turuan para hindi sila magmukhang tanga sa ginagawa nila. “Hindi ba hassle sa iyo ang gagawin mong pagcheck sa background niya?” tanong agad ni Juris sa binata. “Of course not, kailangan kong gawin iyon para kung sakali mang hindi siya fit sa department ko ay mabilis ko siyang maibibigay sa ibang department,” sambit ni Yuan sa lalaki. “Kung sakali mang makapasok siya as intern ay hindi naman iyon nangangahulugang bibigyan agad siya ng mabigat na trabaho. Baka nga wala pa akong ipagawa sa kanya kung sakali.” YUAN’S plan for his proposal is plain and simple. Hindi na niya kailangang lumuhod pa dahil nasa ibabaw lang ng cake ang engagement ring na ibibigay niya sa dalaga. Titingnan muna niya kung ano ang magiging reaksyon ng girlfriend niya kapag nakita nito ang singsing. If he receives a negative reaction ay hindi na niya itutuloy pa ang alok niya, pero kung sakaling isuot agad iyon ni Raine ay saka niya ito aalukin sa isang simpleng paraan. He is just praying na tanggapin na rin ni Raine ang singsing na ibibigay niya, hindi dahil sa napilitan lang ito sa kagustuhan niya. Gusto niyang tanggapin ng dalaga ang singsing dahil sigurado na ito sa kanya. Tulad nang inaasahan ni Yuan, natawa talaga si Raine sa simpleng wedding proposal na natanggap niya. Hindi niya inakalang ilalagay na lamang ni Yuan ang singsing sa ibabaw ng cake na ipinatitikim nito sa kanya. “So patutunayan mo talagang hindi mo kailangang maging dramatic para lang patunayan sa akin na handa ka nang magpasakal este magpakasal sa sakin,” sambit ni Raine habang kinukuha ang singsing mula sa cake. “At mukhang ipinasadya mo pa talaga ang design ah.” “Wala namang masama kung red ang ibibigay ko sa iyong singsing, right?” tanong naman ni Yuan. “At least alam mong seryoso talaga ako sa iyo. Akin na muna ang singsing at ilahad mo ang kamay mo kung handa ka nang magpakasal sa akin. Ikuyom mo naman ang kamao mo kung hindi ka pa handa.” Napaisip na lamang si Raine nang sandaling iyon. Sigurado na siyang handa na siyang magpakasal sa binata. Medyo takot nga lang siya dahil kahit na sabihin pang kilalang-kilala na niya ang boyfriend niya ay siguradong maninibago pa rin siya kapag naikasal na sila. Iniisip pa nga niyang bigyan ng prank si Yuan kaso nagbago ang isip niya. Alam niyang seryoso ang binata sa nais nito kaya isang matinong sagot dapat ang ibigay niya sa binata. Iyon nga lang, kailangan niyang maglatag ng isang kondisyon bago pa man siya tuluyang pumayag sa alok nito. “Papayag lang akong magpakasal sa iyo kung ikaw ang magsusuot ng wedding dress sa kasal natin, gusto kong magsuot ng tuxedo,” sambit ni Raine na hindi na ikinagulat pa ni Yuan. “Kung hindi ka payag ay walang engagement na magaganap.” Natawa na lamang si Yuan, “Useless ang kondisyon mo dahil kahit na ano pa ang ipasuot mo sa akin ay tatanggapin ko, makasal lang tayo.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
j******o@gmail.com
nice one
07/10/2022
0
QueenSamarra
Catchy ng blurb! Very memorable din ng first meeting nina Raine at Yuan! I just found a gem, will be reading more of the author's stories for sure! 🥰
nice one
07/10/2022
0Catchy ng blurb! Very memorable din ng first meeting nina Raine at Yuan! I just found a gem, will be reading more of the author's stories for sure! 🥰
13/07/2022
0oo malakas
19/06/2022
0Tingnan Lahat