logo text

RED FLAVOR THIRTEEN

NANGUNOT na lamang ang noo ni Juris nang napansin niyang puyat na puyat naman si Raine. Hindi niya alam kung ano na naman ang pinagpuyatan ng dalaga lalo na at sa pagkakaalam niya ay maaga rin namang inihatid ni Xander ang nasabing editor sa bahay ng mga magulang nito. Imposible namang pinuyat ng kaibigan niya ang nasabing dalaga lalo na at sa pagkakaalam niya ay maaga rin ang schedule ng gawain nito para sa sales department. But still, hindi niya pwedeng pabayaang magtrabaho ang nasabing editor dahil baka magkamali pa ito sa mga gagawing pag-eedit sa mga kwentong hawak nito. Ayaw niyang umulit lang sila ng trabaho dahil wala sa huwisyo ang kasama niya sa editing team.
“Raine, you better take some nap bago ka pa man magsimula sa pag-eedit ng mga kwento,” sabi agad ni Juris nang nakita niyang pabagsak na ang mga mata ng dalaga. “Hindi pa naman yata kasama sa cycle ang ineedit mo.”
“Hindi nga kasama, pero kailangan ko na ring ayusin ito,” sagot naman ni Raine. “Alam mo namang dalawa ang katumbas ko ngayon dahil wala ang asawa mong si Sunny ngayon. Ayaw kong matambakan.”
“Sino ba kasi ang may sabi sa iyo na ikaw ang gagawa ng trabaho niya?” tanong naman ni Juris sa dalaga. “If I am not mistaken ay si Sunny na mismo ang nagsabi na work-from-home ang gagawin niya para hindi siya bored sa bahay.”
“Hindi ba delikado para sa kanya ang gagawin niya?” tanong agad ni Raine.
“Nope, hindi naman maselan ang pagbubuntis niya,” sagot ni Juris. “Isa pa, sinala ko naman na ang mga kwentong ipapa-edit ko sa kanya. I gave her the writers that are easy to deal with.”
Napatango na lamang si Raine nang sandaling iyon. Mukhang nawawala na sila sa main point ng usapan nila dahil nabanggit na niya ang pangalan ng asawa ni Juris. She is somehow thankful kay Sunny dahil nagagamit niya itong weapon laban sa asawa nito. Iyon nga lang, bago pa man siya makapagdiwang ay naalala na ni Juris ang tunay na dahilan kung bakit siya kinausap nito.
“Mas makabubuti kung magpapahinga ka na muna sa ngayon para hindi na lumutang pa iyang utak mo,” sambit ni Juris sa dalaga. “Hindi pa naman kasama ngayon ang mga librong ginagawa mo.”
“Hindi nga kasama, pero -”
Hindi na nagawa pang tapusin ni Raine ang depensa niya dahil isang masamang tingin na ang ibinigay ni Juris sa kanya. She has no other choice kundi ang sumunod na lamang muna sa nasabing lalaki. Siya rin naman kasi ang lugi kapag nakipag-argumento pa siya sa kaibigan niya.
“You better take my advice now kung ayaw mong maisumbong pa kita kay Yuan,” sambit ni Juris in a friendly and threatening tone. “Kilala mo si Yuan kapag nalalaman niyang pinababayaan mo ang sarili mo.”
“But, I still -”
“Kapag sinabi ni Boss na kailangan mo nang magpahinga ay magpapahinga ka na,” sabi agad ni Michael na nakikinig pala sa usapan ng dalawa. “Nasa busy week na tayo ngayon at hindi namin kailangan ng isang leon na susugod lang dito dahil sa isang pasaway na ayaw na sumunod kay Boss.”
Magpoprotesta pa sana ni Raine ngunit nagbago ang isip niya. Sa totoo lang ay kailangan na talaga niya ang salitang tulog lalo na at hindi rin naman siya nakatulog nang nakaraang gabi dahil sa horror movie na pinanood niya mag-isa. Bago pa man siya makapunta sa isang space na ginagawa nilang tulugan ay narinig niya ulit ang boses ni Juris.
“Huwag kang mag-alala, pagtatakpan kita kay Yuan kapag nagpunta siya rito para lang alamin kung ano ang ginagawa mo,” sambit ni Juris. “Siguraduhin mo lang na hindi ka na magpupuyat pa mamayang gabi.”
NAPANGITI na lamang si Yuan nang nakita niyang magaganda ang sales sa bawat bookstore na puntahan niya nang sandaling iyon. As expected from the writers of Lion Heart Publishing Company, sinisiguro nilang satisfied ang mga readers nila sa bawat kwentong inilalabas nila.
“Hindi mo naman kailangang icheck palagi kung kumusta na ang sales ng mga libro ng Lion Heart Publishing Company,” sambit ni Sandra na dating ex ni Yuan. “They are always performing well sa bawat paglabas nila. Kadalasan pa nga ay kami ang nauubusan ng stocks dito.”
Napangiti na lamang si Yuan nang sandaling iyon, “Well, hindi naman gaganda ang sales dito kung hindi rin maganda ang promotion na ginagawa ninyo. Thank you for giving us the best place here in your bookstore.”
“Do not mention it anymore,” sagot naman ni Sandra. “Deserve ninyo naman ang magkaroon ng magandang pwesto rito lalo na at hindi rin naman biro ang quality ng mga inilalabas ninyong libro. Kahit na cookbooks ay mabilis maubos basta sa inyo nanggaling.”
“I guess combined na ang effort na ginagawa ng writers at editors para lang lumabas ang pinakamagandang kulay ng isang libro,” sambit ni Yuan. “By the way, kumusta na ang sales ng bagong librong inedit ni Raine? Magaganda pa rin ba ang feedback?”
“Of course, magaganda ang feedback lalo na at kilala rin naman ang author niya,” sagot naman ni Sandra. “Wala ring maipipintas sa kanya bilang isang editor dahil halata mo namang hindi niya minamadali ang editing sa mga ibinibigay sa kanya.”
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Yuan bago pa man siya nagsalita, “Hindi ko inakalang fan ka rin pala niya.”
“Why not? I love her editing skills!” puri pa ni Sandra. “Hindi ko nga alam kung paano sila nagkakasundo ng authors niya eh.”
“Sabihin na lang nating madugo rin ang proseso ng pag-eedit niya dahil kapag hindi talaga niya nagugustuhan ang nasa loob ng kwento ay pinipilit niyang ipabago sa authors niya ang isang detail kahit na sabihin pang minor lang iyon,” sagot naman ni Yuan.
“Wala namang masama sa ginagawa niya lalo na at iyon naman ang trabaho niya,” sabi agad ni Sandra. “By the way, ang balita ko ay magpapakasal na kayong dalawa ni Raine. Wala pa ba akong invitation?”
Napakamot na lamang ng ulo si Yuan, a habit na hindi na niya natanggal pa, “Saan mo nabalitaan iyan? Hindi pa ako nakakaluhod sa harapan niya na may kasamang singsing.”
Natawa na lamang si Sandra, “I just assumed na ikakasal na kayo dahil naunahan na kayo ni Juris sa paglagay sa tahimik.”
“Actually, may plano naman na talaga akong alukin siya ng kasal, hindi ko nga lang alam kung paano ko siya aalukin,” sagot naman ni Yuan.
Natawa na lamang si Sandra nang sandaling iyon, “Problemado ka? Hindi halata ah!”
Isang masamang tingin na lamang ang pinakawalan ni Yuan dahil sa sinabi ni Sandra, “Ano naman ngayon kung problemado ako? Hindi ko nga alam kung papayag na ba siyang magpakasal sa akin eh.”
Napailing na lamang si Sandra nang sandaling iyon, “Sure akong papayag ang isang iyon. Hindi naman siya mananatili sa tabi mo kung hindi niya napagtitiisan ang ugaling mayroon ka. Isa pa, wala rin naman siyang pakialam sa kung paano mo siya aalukin, ang mahalaga lang sa kanya ay ang masigurong inalok mo siya.”
“Paano ka naman nakasisigurong papayag na siyang magpakasal sa akin?” tanong ulit ni Yuan.
“Sabihin na lang nating hindi pa pumapalya ang instincts ko,” sagot naman ni Sandra. “Kaya nga sigurado na akong malapit na ring tumunog ang wedding bells para sa kasal ninyo. Huwag mo nga lang hahayaang maunahan ka niya sa proposal.”
“Huh?!”
“Trust me, mas gugustuhin mo pang ikaw ang maunang makapagpropose sa kanya kaysa naman sa siya ang mag-alok sa iyo,” sabi agad ni Sandra sa binata. “Huwag mo lang sanang kalimutang bigyan ako ng imbitasyon at gawing ninang sa magiging anak ninyo.”
“SINABI niya talaga iyon?” amused na tanong ni Raine nang sinabi sa kanya ni Yuan ang tungkol sa naging pagkikita nilang dalawa ng ex-girlfriend nitong si Sandra. “Bakit parang minamadali niya tayo?” tanong pa niya sa boyfriend.
“I do not know, pero tatanggihan mo ba ako kapag inalok na kita?” tanong naman ni Yuan in a casual tone. “I mean, naunahan na tayo ni Juris sa paglagay sa tahimik.”
“Inggit at selos ka na naman,” pang-aasar agad ni Raine sa binata.
“Hindi ako naiinggit, nagtatanong lang ako,” sagot naman ni Yuan. “You know, naiisip ko lang ang future nating dalawa.”
“Well, wala namang masama kung naiisip mo na rin ang tungkol diyan,” sambit ni Raine. “Matagal na rin naman tayong magkarelasyon. Marami na rin naman tayong ups and downs at tampuhang pinagdaanan. Kaso nga lang, handa na ba tayo pareho sa isang malaking responsibilidad?”
“Hindi naman natin masasabi kung ano ba ang naghihintay sa atin kung hindi natin susubukan, right?” tanong agad ni Yuan sa dalaga. “Mas mukha pa nga yata tayong mag-asawa noong nasa college tayo eh.”
“Mag-asawa talaga?” natawang tanong ni Raine sa boyfriend.
“Because, why not? Ilang buwan din naman tayong nagkasama sa iisang dorm room, hindi nga lang magkatabi sa pagtulog,” sagot naman ni Yuan in an innocent tone.
“Excuse me, bakla ang tingin mo sa akin noon kaya -”
Hindi na nagawa pang tapusin ni Raine ang sasabihin niya dahil hinalikan na siya ng binata. Tinangka pa niyang ipaglaban ang side niya ngunit hinuhuli lang ni Yuan ang labi niya.
“Sa pagkakaalam ko ay may kasalanan ka pa sa akin dahil nagpuyat ka kagabi,” sambit ni Yuan sa dalaga.
“Wala akong kasalanan,” painosenteng sagot ni Raine. “Napuyat lang ako dahil sa horror movie.”
“Iyon ang kasalanan mo, hindi mo ako inayang manood,” sambit ni Yuan. “Next time, kung gusto mong manood ng horror movie, sabihan mo ako at nang natatakpan ko ang mata mo kapag takot ka na sa nakikita mo.”

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    j******o@gmail.com

    nice one

    07/10/2022

      0
  • avatar
    QueenSamarra

    Catchy ng blurb! Very memorable din ng first meeting nina Raine at Yuan! I just found a gem, will be reading more of the author's stories for sure! 🥰

    13/07/2022

      0
  • avatar
    Virgllio Enriquez

    oo malakas

    19/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata