logo text

RED FLAVOR TWELVE

KAHIT na sabihin pang halos pinagkakaisahan na ng mga babae si Raine ay ipinakita pa rin niya sa lahat na wala siyang pakialam sa mga sinasabi nila laban sa kanya. Hindi niya ipinahahalatang apektado siya kaya paunti-unti ring namatay ang mga isyung ibinabato sa kanya. Iyon nga lang, halata namang may iba pa ring mga babae na hindi masaya sa closeness nilang dalawa ni Juris.
“Pinabibigay ni Yuan sa iyo,” sambit ni Juris nang tumabi na siya sa dalaga. “Huwag mo raw tanggihan iyan.”
Nangunot na lamang ang noo ni Raine nang sandaling iyon. Sa pagkakaalam niya ay hindi naman niya birthday kaya hindi niya alam kung bakit may ipinabibigay si Yuan sa kanya. Mas kumunot pa ang noo niya nang nakita niyang red ang pambalot na ginamit ng binata.
“Kung hindi pa rin obvious ang sagot ay ako na ang magsasabi sa iyo,” sambit ni Juris in a blunt tone. “Nililigawan ka na niya.”
“Teka, pinagbawalan ko na ang kumag na iyon ah!” sagot naman ni Raine.
“Alam mo, kahit na pagbawalan mo pa siya ay hindi rin siya makikinig,” sambit ni Juris. “Baka raw kasi maagaw pa kita kung hindi siya kikilos. You know, ako pa rin ang pinagseselosan niya, wala nang iba.”
Gusto na lang puntahan ni Raine ang binata sa klase nito upang bigyan ng isang malakas na batok. Seriously, naisip pa talaga ni Yuan na aagawan siya ni Juris kahit na ilang beses pa nilang sinabi pareho na hindi sila talo dahil magkapatid lang ang turingan nilang dalawa ng nasabing binata.
“Batukan mo man si Yuan ay hindi mo pa rin mapipigilan ang pagiging seloso niya,” sambit ni Juris. “Unless, papayagan mo na siyang manligaw sa iyo formally.”
“Para mo na ring sinabi sa akin na kailangan ko nang magpahabol sa itak ng tatang ko,” sagot naman ni Raine.
“Bakit? Sinabi ko bang ikaw ang ipapahabol ko sa itak ng tatang mo?” tanong ni Juris na sinagot na lamang ni Raine ng isang marahas na iling. “Of course, dahil supportive ako sa kaibigan ko ay siya ang ipapahabol ko. Siya naman ang manliligaw sa iyo at sa tatang mo kung sakali eh.”
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Raine nang sandaling iyon. Ramdam na niya ang malapit na pagkasira ng bait niya niya dahil na rin sa mga suhestiyon ni Juris sa kanya.
“Alam mo, mas mainam na ring magpakilala kaagad si Yuan sa tatang mo para maging legit na ang panliligaw niya sa iyo,” sabi ni Juris nang nakita niyang napapailing na lamang si Raine nang sandaling iyon. “Hindi ka na rin naman niya titigilan eh.”
“Ganyan din ba ang ginawa niya sa ex-girlfriend niya noon?” tanong naman ni Raine.
“Hindi, alam kong niligawan niya pero hindi naman ganyan ka-effort lalo na sa pagseselos,” sagot naman ni Juris. “Ngayon ko nga lang siya nakitang ganyan eh.”
“Hindi nga?” hindi makapaniwalang tanong ni Raine sa binata.
“Matagal na kaming magkaibigan ni Yuan kaya alam kong ngayon lang siya nag-effort para sa isang babae,” sambit ni Juris sa dalaga. “He has his own pride naman pagdating sa pag-ibig.”
“Eh pero hindi ba sa pagkakaalam ko ay minsan na rin naman siyang naloko noon,” sabi agad ni Raine. “How come na -”
“Masyado lang siyang curious noon sa pagpasok sa isang relasyon kaya nakipagrelasyon siya sa ex niya,” paliwanag ni Juris. “Nagkataon lang din na pahulog na sana siyang tunay ngunit inilaglag pa siya ng dati niyang girlfriend.”
Napatango na lamang si Raine sa narinig niya nang sandaling iyon. Hindi pa rin niya alam kung tama bang payagan na si Yuan sa panliligaw sa kanya hangga’t hindi pa ito nasusuri ng tatang niya. Of course, tatang pa rin naman niya ang may final say pagdating sa pag-ibig dahil ito naman ang ama niya. Kahit na sabihin pang mabait ito ay natatakot pa rin siya sa maaari nitong gawin kung sakaling susuwayin niya ang sinasabi nito palagi sa kanya.
“SA tingin ko ay kailangan mo munang makaharap si Tatang bago ka pa man manligaw sa akin,” sambit ni Raine nang nagkita silang dalawa ni Yuan sa kalaliman ng gabi. “Siya rin naman kasi ang magbibigay sa iyo ng go signal kung pwede kang manligaw o hindi eh.”
“Wala namang kaso sa akin kung gusto mo akong ipakilala sa kanya,” sagot naman ni Yuan. “As long as may assurance na ring sasagutin mo ako kaagad kapag nakuha ko ang approval niya.”
“Ayos ka ring mag-isip ah, ginawa mo pa yata akong collateral bago ka pa man makipagkita sa tatang ko,” sambit ni Raine sa binata.
“Collateral? Hindi ah, naniniguro lang na sasagutin mo ako kaagad kapag nagpakilala na ako sa tatang mo,” sagot naman ni Yuan. “Para kapag nagpakilala na ako ay future manugang na ang babanggitin ko sa kanya.”
Muntik nang batukan ni Raine ang manliligaw niya nang oras na iyon, “Lakas din ng self-confidence mo eh, ‘no? Talagang future manugang na agad-agad?”
“Yeah, para wala ka nang kawala!”
Hindi alam ni Raine kung bakit bigla na lang uminit ang magkabilang pisngi niya nang oras na iyon. Gusto man niyang sabihing dulot lang iyon ng mainit na panahon ay alam naman niyang hindi lang iyon ang dahilan ng biglaang pag-init ng pisngi niya. May epekto sa kanya ang mga sinabi ni Yuan nang sandaling iyon.
“Paano ka naman nakasisiguro na ikaw na nga ang magiging future manugang ng tatang ko ?Eh hindi naman natin alam kung ano ang mangyayari sa kinabukasan,” sambit ni Raine sa binata. “Bata pa tayo pareho kaya marami-rami pang pwedeng mangyari sa mga susunod na panahon.”
“Oo nga naman, marami-rami pa ngang pwedeng mangyari sa mga susunod na panahon,” sagot naman ni Yuan. “Pero sigurado naman akong hindi mo ako bibitawan na lang nang ganoon kadali dahil kakaiba ang pinagsimulan ng kwento natin.”
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Raine nang sandaling iyon. Gusto man niyang panghawakan ang sinasabi ni Yuan ay natatakot siyang baka sa umpisa lang magaling ang binata. Natatakot siya na baka hindi nito mapanindigan ang mga sinasabi nito sa kanya.
“Kung sakali mang hindi ko mapanindigan ang mga pangakong bibitawan ko sa tatang mo ay pwede mo naman sigurong ipaalala sa akin kung bakit ikaw ang nagustuhan ko, right?” tanong ni Yuan. “Kailan mo nga pala ako balak ipakilala sa tatang natin?”
“Next weekend, uuwi kasi ako sa amin,” sagot naman ni Raine. “Ipapakilala na kita kay Tatang para mabalatan ka na niya nang buhay. Ang kulit mo kasi eh!”
“Next weekend? Sige, aabsent na lang ako sa PE para makasama ako sa iyo,” sambit ni Yuan. “Maaga yata ang alis mo eh.”
Binatukan na nga ni Raine si Yuan, “Para namang umaga ang alis natin. Magkaklase tayo sa PE ui!”
“Ang akala ko ay aabsent ka na sa PE class natin kaya aabsent na lang din sana ako para sabay na tayong makauwi,” depensa naman ni Yuan. “Isa pa, alam mo namang hindi ako mahilig sa social dance kaya wala namang problema kung aalis na agad tayo.”
“Kapag ginawa ko naman ang nasa isip mo ay baka maapektuhan ang grades ko,” sagot naman ni Raine. “Isang oras lang naman ang PE class natin eh. Kung wala ka nang klase pagkatapos noon saka tayo aalis.”
“Isa lang ang klase ko bukas kaya makakaalis tayo kaagad,” sambit ni Yuan sa dalaga.
TULOY-TULOY na sana ang pagdaloy ng mga alaala ni Yuan sa nakaraan kung hindi lang sumagi sa isipan niya ang tungkol sa pagpapakilala niya sa ama ni Raine bilang future manugang nito. He still shudders in fright kapag naaalala niya kung paano siya hinabol noon ni Raul ng itak dahil lang sa sinabi niya. Ganoon pa man ang nangyari ay pumayag pa rin naman itong ligawan ag dalaga. Iyon nga lang, may kondisyon noon si Tatang. Papayag lang itong maligawan ang anak nito kung papayag naman siyang sasagutin lang siya ni Raine pagkatapos ng college days nila. Well, hindi rin naman nasayang ang effort niya dahil kahit na naghintay pa siya nang matagal ay sinagot pa rin naman siya ni Raine, right after their graduation.
Sa ngayon ay magkasama na nga sila sa iisang company, which is Lion Heart Publishing Company pero magkaiba naman ang department nila. Inadopt agad ni Juris ang dalaga bilang isang editor samantalang siya naman ay nasa sales department. Magkaiba man sila ng department ay hindi na iyon nangangahulugang hindi gagamitin ni Juris ang charms ng girlfriend niya laban sa kanya. Alam na niyang kapag nagkainitan na sila sa unang meeting ay isasama agad ni Juris ang girlfriend niya sa nasabing meeting para manahimik kaagad siya.
Naputol na lamang ang daloy ng mga iniisip niya nang biglang nag-ring ang phone niya. Nangunot pa ang noo ni Yuan nang nakita niyang may tumatawag sa kanya sa kalagitnaan ng gabi. Mas kumunot pa iyon nang napagtanto niya kung sino ang tumatawag nang oras na iyon.
“Bakit tumatawag ka? Sa pagkakaalam ko ay pinapatulog na kita ah,” sambit agad ni Yuan nang sinagot niya ang phone.
“Naistorbo ba kita?” tanong naman ni Raine.
“Hindi naman, bakit? May napanaginipan ka bang masama?” sunod-sunod na tanong ni Yuan in a worried tone. “Gusto mo bang puntahan na kita riyan?”
“Hindi na, hindi lang talaga ako makatulog ngayon,” sagot naman ni Raine na halatang may ginawang kababalaghan sa boses nito.
“Umamin ka, nanood ka na naman ba ng horror movie mag-isa?” tanong agad ni Yuan na expected na ang sagot mula sa dalaga.
Nang napansin niyang nanahimik agad si Raine ay nakumpirma na agad ni Yuan ang hinala niya, “So nanood ka nga?”
“Oo…”
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Yuan nang sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya dahil alam naman niyang mahina palagi ang loob ng girlfriend niya pagkatapos ng bawat horror movies na pinapanood nito.
“Just make sure na bukas ang mga ilaw ngayong gabi,” sambit ni Yuan sa dalaga. “And sleep, huwag mo nang isipin iyon.”

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    j******o@gmail.com

    nice one

    07/10/2022

      0
  • avatar
    QueenSamarra

    Catchy ng blurb! Very memorable din ng first meeting nina Raine at Yuan! I just found a gem, will be reading more of the author's stories for sure! 🥰

    13/07/2022

      0
  • avatar
    Virgllio Enriquez

    oo malakas

    19/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata