KAHIT na sabihin pang dumistansya si Juris kay Raine ay hindi pa rin namatay ang mga tsismis sa kanilang dalawa, sa halip ay mas tumindi pa nga iyon dahil ang kumalat namang tsismis ay palihim na silang nagkikita sa gabi kapag tulog na ang mga tao sa dorm. And to make the matters worse, may mga lumabas pang pictures para lang patunayang silang dalawa ang magkasama. Totoo naman kung tutuusin ang mga kumakalat na larawan. Iyon nga lang, hindi naman si Juris ang kasama ng dalaga, si Yuan. “Bulag ba sila? Bakit hindi nila malaman na magkaiba ang mga likod naming dalawa ni Juris?” inis na tanong ni Yuan nang nakita na niya ang kumakalat na pictures nilang dalawa ni Raine. “Malay ko,” sagot naman ni Raine. “Wala naman akong pakialam kung ano ang mga kumakalat na tsismis sa aming dalawa eh.” “Wala ka ngang pakialam, pero ako may pakialam ako,” sambit ni Yuan. “Sa ibang lalaki ka natsitsismis eh. Buti sana kung sa akin ka natsitsismis.” “Ano naman ang gagawin ko kung tamang hinala ang mga kaklase naming dalawa?” tanong agad ni Raine. “Hindi naman pwedeng iwasan ko na lang siya palagi dahil lang sa ganiyan.” “Paano kung sasabihin kong ako ang nagseselos? Lalayo ka na ba sa kanya?” sunod-sunod na tanong ni Yuan sa dalaga. Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Raine nang sandaling iyon. Hindi niya inakalang mas malala pa sa isang babae ang pagseselos ni Yuan. Pakiramdam niya ay siya ang lalaking nanloloko sa relationship nila. Bago pa man siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Yuan. “Alam ko namang imposible ang sinasabi ko eh, magkaklase kayo ni Juris,” sambit ni Yuan. “Lalong hindi iyan mamamatay kung bigla na lang kayong mag-iiwasan. Baka mapagkamalan pa kayong may LQ nang walang dahilan. Mas mahirap naman iyon.” “Ano naman ang gusto mong mangyari ngayon?” tanong ni Raine sa binata. “Liligawan kita,” diretsong sagot ni Yuan nang sandaling iyon. “Huh?!” “Hindi ko alam kung bingi ka na ba o kung ano, ang sabi ko ay liligawan na kita,” sabi ni Yuan sa dalaga. “Hindi dahil sa gusto ko lang matigil ang tsismis sa inyo ni Juris. Liligawan kita dahil gusto kitang ligawan.” “Seryoso ka ba sa sinasabi mo?” gulat na tanong ni Raine. “Manliligaw ka nga?!” “Sasabihin ko ba kung hindi ako seryoso sa gusto kong gawin?” tanong naman pabalik ni Yuan sa dalaga. “Wala namang magagalit sa akin kung sakaling liligawan na kita, right?” Umasim na lamang ang mukha ni Raine nang sandaling iyon. Hindi niya alam kung wala nga bang magagalit dahil sa totoo lang ay nagpakalalaki nga siya ng hitsura para hindi siya masundan ng kahit isang manliligaw. Siguradong kagagalitan siya ng tatang niya kapag nalaman nitong nagpapaligaw siya sa school, hindi sa bahay. “Mukhang may magagalit yata kapag nanligaw ako,” sambit ni Yuan sa isang maasim na tinig. “Huwag mong sabihing may girlfriend ka na kaya -” Hindi na nagawa pang tapusin ni Yuan ang sasabihin niya dahil binatukan na siya ni Raine nang sandaling iyon. “Mukha lang akong lalaki sa paningin mo pero sigurado akong lalaki rin ang hanap ko,” mabilis na sabi ni Raine. “Hindi lang ako pwedeng pumayag sa gusto mo dahil siguradong magagalit ang tatang ko. Bawal pa raw akong magpaligaw hangga’t hindi ako nakakapagtapos ng pag-aaral.” Napatango na lamang si Yuan nang sandaling iyon. Sa tingin niya ay wala namang masama sa sinabi ng dalaga lalo na at ang priority naman nila pareho ay ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng matinong trabaho. SA paglipas ng mga buwan ay paunti-unti na ring inililipat ni Raine ang mga gamit niya sa dorm na nakalaan para sa mga babae. May sarili na siyang kwarto roon kaya hindi na niya karoommate pa si Yuan. Hindi na rin kasi pwedeng manatili pa sa dorm ng mga lalaki ang nasabing dalaga lalo na at kumalat na rin sa buong campus ang tungkol sa tunay niyang kasarian. Iyon nga lang, ramdam ng dalaga na hindi siya welcome sa lilipatan niyang dorm dahil pinagseselosan siya ng ibang mga babaeng naka-stay na roon. “Huwag mo na lang kasi silang pansinin,” sambit ni Yuan nang minsang napansin niyang malungkot ang dalaga. “Hindi ka naman nagpapaapekto sa mga ganyan noon ah.” “Hindi nga ako nagpapaapekto noon dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginagawang masama,” sagot naman ni Raine. “Kaso nga lang kasi para namang may kutsilyo ang paningin ng karamihan sa kabilang dorm, mostly mga kaklase pa namin ni Juris ang may matutulis na tingin. Sarap bigwasan ng isandaan sa ngala-ngala.” pagrereklamo niya sa binata. “Pinagseselosan ka lang nila dahil ikaw lang ang pinayagan ni Juris na lumapit sa kanya,” sambit ni Yuan. “Allergic naman na kasi sa babae ang isang iyon.” “Hindi ka nagseselos?” tanong naman ni Raine sa binata. “Magseselos ako kung sa kanya ka nagrereklamo ngayon, hindi sa akin,” sagot naman ni Yuan. “Isa pa, sa akin ka naman umuuwi kaya okay lang na hindi na ako magselos.” Binatukan na lamang ni Raine si Yuan nang sandaling iyon, “Kung makapagsalita ka ay parang committed na tayo sa isa’t isa. Hindi pa nga kita pinapayagang manligaw eh!” “Pumayag ka man o hindi na manligaw ako ay nanliligaw naman na ako sa iyo, ano naman ang ipinagkaiba noon?” tanong ni Yuan sa dalaga. Hindi na napigilan pa ni Raine ang pag-ikot ng mata niya nang sandaling iyon. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis sa pinagsasabi ng binata sa kanya. Ang alam lang niya ay magiging hell na ang buhay kolehiyo niya ngayong out na ang tunay niyang kasarian. “Sabihin mo lang sa akin kung may tatawag sa iyong malandi, ako na ang sasapak sa kanila,” sambit ni Yuan sa dalaga. “Hindi na kailangan,” confident na sagot ni Raine. “Huwag mo nang dungisan pa ang kamao mo dahil baka isang pitik ko pa lang sa kanila ay mag-iyakan na agad sila.” “Iyan ang gusto ko sa iyo eh, alam na alam mo na kung ano ang gagawin mo sa mang-aaway sa iyo,” sambit ni Yuan. “Good luck na lang sa kanila.” Napailing na lamang si Raine nang sandaling iyon. Of course, wala naman siyang balak na pitikin ang mga mang-aaway sa kanya lalo na at hindi na niya problema pa kung magseselos man sila. Hindi naman niya ilalabas ang kamao niya kung hindi naman kailangan. Well, pwede naman niya iyong gamitin kung may kakanti sa mga taong mahalaga sa kanya. “Dito ka na lang kasi,” sabi ni Yuan na pumutol na sa daloy ng mga iniisip ni Raine. “Pagbibigyan ka naman siguro ng admin kapag sinabi mong hindi ka komportable roon.” “Hindi na talaga ako pwedeng manatili rito,” sagot naman ni Raine. “Babae ako at lalaki ka, bawal pagsamahin sa loob ng iisang kwarto.” “Hindi naman isyu noon ah,” depensa ni Yuan sa dalaga. “Isyu na siya ngayon dahil halata na rin naman ang pagiging babae ko,” sagot ni Raine. “Kung hindi ka ba naman kasi sira ulo at pinagsuot mo ako ng masisikip na damit.” “Malay ko ba naman kasing hindi tunay ang pagiging flat mo,” sambit ni Yuan. “Kung alam ko lang, puro damit ko na lang sana ang ipinasuot ko sa iyo para wala nang ibang nakapansin. May makakaribal pa ako dahil sa nangyari eh.” Napailing na lamang si Raine nang sandaling iyon. There are times talaga na gusto na lang niyang batukan sa ngala-ngala ang binatang nagpupumilit na manligaw sa kanya dahil sa pagiging messy ng utak nito. Well, she has no other choice kundi sundin na lang din ang gusto ng admin lalo na at hindi rin naman pwedeng magkasama sila palagi ni Yuan. “Huwag kang mag-alala, wala kang magiging karibal at mukhang tomboy naman na ang ipakikita ko sa kanila,” sambit ni Raine sa binata. “Tingnan ko lang kung masabihan pa nila ako ng kung ano-ano eh.” KAHIT na sabihin pang mukhang tomboy si Raine sa bago niyang dorm ay hindi pa rin iyon naging dahilan upang hindi siya paringgan ng mga kaklase niyang babae. Minsan nga, kahit na palabas pa lang siya ng kanyang kwarto ay nakaririnig na agad siya ng mga patamang alam naman niyang hindi totoo. May mga pagkakataon nga lang na nagpapanting ang tenga niya kapag nasasabihan na siyang malandi dahil pinagsasabay raw niya ang dalawang lalaki. Hindi na nga lang niya iyon sinasagot dahil alam naman niya kung ano ang totoo. Hindi niya kailangang magpapansin sa mga lalaki dahil literal namang one of the boys siya. “Gusto mo bang pagsabihan ko na sila?” tanong ni Juris nang nakita niyang apektado na ang kaibigan niya sa mga naririnig. “Pagsabihan? Nah, kapag ginawa mo pa iyon ay mapapahamak ka lang din,” sagot naman ni Raine. “Hindi ko naman kailangang lumebel sa ugaling mayroon sila. Isa pa, hindi naman lahat eh ganyan sa akin. Tanging mga gustong magpapansin lang sa iyo ang gumagawa noon.” “Oh? Talaga, ituro mo nga para masampulan ko lang,” sabi ni Juris. Binatukan na lamang ni Raine ang binata dahil sa sinabi nito, “Umiiwas na nga ako sa gulo tapos kayo naman ni Yuan ang lumalapit. Ayos kayo ah! Ano, hati lang ba kayo sa iisang brain cell?” “Ipinagbilin ka na sa akin ni Yuan kaya obligasyon ko na siguraduhing hindi ka nila pariringgan o sasabunutan,” sagot naman ni Juris. “Para namang masasabunutan nila ako eh napakaiksi na nga ng buhok ko,” sabi ni Raine. “Hayaan mo na lang sila at sila rin naman ang kusang titigil kapag nakita nilang hindi ako apektado sa kaartehan nila. Baka mabalian ko pa sila ng buto kapag pinatulan ko sila, ako pa ang magdala sa kanila sa clinic.” “Kunsabagay, knowing your strength, siguradong hindi sila basta-basta makapapalag sa iyo kahit na magsabay-sabay pa sila.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
j******o@gmail.com
nice one
07/10/2022
0
QueenSamarra
Catchy ng blurb! Very memorable din ng first meeting nina Raine at Yuan! I just found a gem, will be reading more of the author's stories for sure! 🥰
nice one
07/10/2022
0Catchy ng blurb! Very memorable din ng first meeting nina Raine at Yuan! I just found a gem, will be reading more of the author's stories for sure! 🥰
13/07/2022
0oo malakas
19/06/2022
0Tingnan Lahat