LITERAL na napanganga nang napagtanto niyang ilang beses na niyang nahuli si Raine sa pagpapanggap nito bilang isang bakla. Iyon nga lang, dahil na rin sa paniniwala niyang lalaki ito ay hindi na niya inintindi pa ang mga senyales na iyon. Iyon nga lang, dahil sa pagbabalewala niya sa mga nasabing senyales ay hindi na niya namalayan pang naging awkward na pala sa dalaga ang mga wala sa lugar niyang pagseselos. Hindi excuse ang pagiging ignorante niya dahil kahit naman sabihin pang hindi niya alam na babae si Raine ay offensive pa rin ang paghalik niya lalo na at first kiss din naman kasi ng dalaga ang kinuha niya. But still, may kasalanan din ang dalaga sa kanya dahil hindi naman nito sinabi sa kanya kung ano ba talaga ang tunay nitong kasarian. “Kung sa unang pagkakataon pa lang na tinawag na kitang bakla ay kinumbinsi mo na akong babae ka, eh di sana ay hindi na ako naging marahas pa sa iyo,” sambit ni Yuan sa dalaga habang ginagamot nito ang mga pasa niya. “Aray! Talagang ipinararamdam mo sa akin ang galit mo, huh?!” “Hindi ako galit,” kalmado namang sagot ni Raine. “Nanggigil lang ako sa iyo dahil ako pa ang sinisisi mo ngayon.” “May kasalanan ka rin naman kasi,” depensa ni Yuan. “Ni hindi ka na nga nag-abala pa yatang pumunta sa admin para sabihin sa kanilang babae ka.” “Nagpunta na ako sa kanila kaso ang sabi nila ay wala na ring bakanteng kwarto sa dorm ng mga babae,” sagot naman ni Raine. “Mukha rin naman kasi akong lalaki kaya hindi na nila napansin pa ang pagkakamali nila noon.” “At kung sakali palang may iba pang bakanteng kwarto sa dorm ng mga babae ay lilipat ka,” sambit ni Yuan in a hissing tone lalo na at talagang pinupuntirya ni Raine ang pumutok na labi ng binata. “Malamang, babae pa rin naman ako eh,” sagot naman ni Raine. “Huwag ka ngang mag-inarte riyan at hindi tayo matatapos sa paggamot sa iyo kung panay naman ang reklamo mo.” “Dahan-dahan naman kasi! Alam namang binugbog mo na nga ako ay ididiin mo pa ang paggamot sa akin,” pagrereklamo naman ni Yuan. “Kaya kita napagkakamalang bakla nang wala sa oras eh.” “Kita namang pinatitigil ko na ang pagdaloy ng dugo mo eh magrereklamo ka pa,” naiiling na sabi ni Raine. “Seriously, maling katawan yata ang napasukan ng mga kaluluwa natin. Daig mo pa ako sa pag-iinarte mo eh.” Isang glare kaagad ang ibinigay ni Yuan sa dalaga. Bago pa man siya makapagsalita ay nahagip na ang atensyon niya ng isang nagmamalaki at nagmamagandang pulang band aid. “Pula na naman?!” angal agad ni Yuan nang nakita niyang gagamitin iyon ni Raine sa kanya. “Hindi ko palalagyan ng band aid ang labi ko hangga’t nakikita kong pula iyan!” Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Raine nang sandaling iyon, “Sasapakin ulit kita dahil sa pag-iinarte mo ngayon,” pagbabanta niya kaagad sa binata. “Wala namang masama kung pula ang gamit mong band aid ngayon. Ang mahalaga lang ay matatakpan iyang sugat mo.” “Bakit naman kasi pula?” tanong ni Yuan sa dalaga. “Neutral color na lang sana ang kinuha mo.” Isang annoyed look ang ibinigay ni Raine sa binata, “Hindi mo ba alam na personal ko ng gamit ang ginagamit ko sa paglilinis ng sugat mo? Libre ka nga sa band aid eh magrereklamo ka pa. Neutral color ba ang gusto mo, may stock ako. Babayaran mo nga lang.” “Magkano naman ang ibabayad ko?” tanong naman ni Yuan sa dalaga. “Bente, kung wala kang bente manahimik ka at tanggapin ang katotohanang inililibre na kita sa panggagamot ko sa sugat mo,” pambabara agad ni Raine sa binata. Wala nang nagawa si Yuan kundi ang manahimik na lamang nang oras na iyon at tanggapin ang katotohanang pula ang band aid na gagamitin sa kanya ni Raine. Mas mabuti na iyon kaysa naman sa magbayad siya ng bente pesos para sa isang maliit na band aid. HINDI rin nagtagal at kusa na ring bumalik si Raine sa dorm unit nilang dalawa ni Yuan. As expected, hindi pa rin natatanggal ang awkward moments nila lalo na kapag nagsasabi ang dalaga na maliligo na siya. Mas napapadalas pa nga ang paglabas ng binata dahil lang doon lalo na at gusto rin naman niya itong bigyan ng privacy para makapagbihis ito nang maayos. Iyon nga lang, may mga pagkakataong naiisip niya kung ano ang hitsura ni Raine habang ito ay naliligo. Hindi niya mapigilan ang pagdurugo ng ilong niya kapag ganoon na ang nasa isipan niya. “Mukhang napapadalas ang pagkakaroon mo ng nosebleed ah,” sambit ni Raine nang nakita na naman niyang nagdurugo ang ilong ng binata. “Maysakit ka na ba?” “Hindi porke’t napapadalas ang pagdugo ng ilong ko ay maysakit na ako,” masungit na sagot ni Yuan. “Nagkataon lang na mainit masyado ang panahon kaya dumudugo ang ilong ko.” palusot pa niya sa dalaga. Nangunot na lamang ang noo ni Raine nang sandaling iyon. Hindi siya naniniwalang mainit lang ang panahon kaya nagdurugo ang ilong nito. May hinala na siyang maysakit ito na hindi pa nito nalalaman. Ginulat pa niya si Yuan nang bigla niyang hinipo ang noo nito. Mas nangunit pa ang noo niya nang nasalat niyang mainit ang singaw ng katawan nito. “Mainit ka, baka may -” Hindi na pinatapos pa ni Yuan si Raine sa sasabihin nito sa kanya. “Mainit ako dahil buhay ako,” sabi agad ni Yuan sa dalaga. “Matakot ka na lang kapag biglang lumamig ang singaw ng katawan ko nang walang dahilan.” “Pero mainit nga kasi ang singaw ng katawan mo!” saad ni Raine sa binata. Isang seryoso at inis na tingin ang ibinigay ni Yuan sa dalaga nang sandaling iyon bago pa man siya nagsalita, “Isa pang sabi na maysakit ako ay hahalikan kita riyan. Wala na akong pakialam kung mapagkamalan pa tayong bakla pareho.” Imbes na magulat ay isang ngisi ang ibinigay ni Raine sa binata nang sandaling iyon. Kahit na ilang beses pa siyang pagbantaan ni Yuan ay alam naman niyang hindi nito gagawin ang pagbabanta nito sa kanya. She wiggles her eyebrows as if he is challenging him. “Talaga bang kaya mo na akong halikan, hmm?” tanong ni Raine sa binata. “Baka naman puro ka lang banta sa akin.” Alam na kaagad ni Raine na talo na ang binata sa kanya kapag napapaiwas na ito ng tingin sa kanya. Well, alam naman niya ang dahilan kung bakit umiiwas ito ng tingin sa mata niya. Hindi man nito aminin ay alam niyang namumula na ito dahil sa panunukso niya. “Ang cute-cute mo talaga kapag namumula ka!” sambit agad ni Raine sa binata. “Para kang kamatis!” “At sino ang sinasabihan mong kamatis?!” inis na tanong ni Yuan sa dalaga. “Sino pa ba ang nangangamatis sa ating dalawa ngayon?” nanunuksong tanong ni Raine sa binata. “You -” Hindi na nagawa pang tapusin ni Yuan ang sasabihin niya dahil pinisil na ni Raine ang magkabilang pisngi niya. Sinubukan niyang tanggalin ang mga kamay ng dalaga sa pisngi niya ngunit hindi rin ito nagpatinag sa kanya. Ramdam na ramdam din niya ang mas pagpula ng mukha niya dahil sa ginagawa nito sa kanya. “Mas nagmumukha ka ng kamatis ngayon sa sobrang pula mo!” sambit ni Raine sa binata. “Ayaw mo sa kulay pula pero grabe ka mamula, as in!” DAHIL sa hindi rin naman kalat ang tunay na gender ni Raine ay marami ang nahiwagaan sa kakaibang closeness nilang dalawa ni Juris. May kumakalat na ring mga usapin sa loob ng campus na ginayuma ng dalaga ang binata na siyang naging dahilan kung bakit naging bakla ito nang wala sa oras. Iyon nga lang, dahil sa mga tsismis na iyon ay laging foul ang mood ni Yuan na para bang malaki ang kasalanang ginawa ng dalawa sa kanya. “Ano, nagseselos ka na naman?” tanong ni Juris nang nakita niyang maasim ang pagmumukha ni Yuan. “Tsismis lang iyon, walang katotohanan.” “Hindi ako nagseselos,” nakangusong sagot ni Yuan. “Dumistansya ka na lang para hindi na kayo mapagtsismisan.” Napailing at napangiti na lamang si Juris nang sandaling iyon, “Bakit naman ako didistansya? Gusto mo bang mas lumala pa ang tsismis sa aming dalawa?” “Of course not! Basta lumayo ka na lamang muna!” sagot naman ni Yuan. “Bakit ako lalayo?” tanong ni Juris. “Nagseselos ka lang yata sa akin eh.” Isang glare na lamang ang ibinigay ni Yuan sa kaibigan niya. Hindi nga lang nagtagal ang glare na iyon dahil isang challenging look naman ang isinagot ng binata sa kanya. “Tama nga si Raine, mukha kang kamatis kapag namumula ka na,” natatawang sabi ni Juris sa binata. “Sabihin mo na lang kasing nagseselos ka na para maiclear na kaagad ang tsismis na kumakalat tungkol sa aming dalawa. Hindi ko rin naman pinangarap na maging bakla sa paningin ng lahat.” “Para namang papayagan kitang pangarapin mo iyon,” sagot naman ni Yuan. “Ako ang madalas na kasama ni Raine kaya dapat sa akin siya natsitsismis, hindi sa iyo.” “At gusto mo pa talagang matsismis kayong dalawa ah,” amused na sabi ni Juris. “Mukhang possessive ka masyado sa kanya.” “It is not like that, hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kayong dalawa ang natsismis eh normal lang naman ang interaksyon ninyo sa isa’t isa,” sambit ni Yuan. “Kung hindi mo naiintindihan ay mas lalong hindi ko naiintindihan,” sagot ni Juris. “Ang alam ko lang ay imposible talaga sa akin ang mahulog sa kanya dahil hindi kami talo.” “Kaya nga dumistansya ka para mamatay nang kusa ang tsismis sa pagitan ninyo,” giit naman ni Yuan na halatang-halata ang pagseselos sa kaibigan.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
j******o@gmail.com
nice one
07/10/2022
0
QueenSamarra
Catchy ng blurb! Very memorable din ng first meeting nina Raine at Yuan! I just found a gem, will be reading more of the author's stories for sure! 🥰
nice one
07/10/2022
0Catchy ng blurb! Very memorable din ng first meeting nina Raine at Yuan! I just found a gem, will be reading more of the author's stories for sure! 🥰
13/07/2022
0oo malakas
19/06/2022
0Tingnan Lahat