Chapter 43

NARRATOR'S POV
Muli na namang nagbukas ang panibagong taon sa unibersidad ng Manderstein. Mag-iisang taon na rin mula nang mangyari ang nasabing pag-atake at ilang buwan lang ang nakalipas mula nang mangyari iyon, ay muling nakabangon ang unibersidad sa trahedyang naranasan.
Marami na rin ang nagbago pagkatapos ng trahedya. Mas pinalaki at pinaganda ang buong unibersidad. Naging mas mahigpit rin ang pamamahala ng seguridad sa Manderstein dahil narin sa nangyaring pag-atake. At si Adonis na kasama ang Council, ang siyang bagong namamahala sa unibersidad.
"Girl andito na ang Magic 8!"
"Ang gagwapo't gaganda parin nila!"
"Lalo na si Ethan!"
"Hindi! Mas gwapo parin si Primo!"
"Sana mapansin nila tayo!"
Rinig sa buong paligid ang mga bulong-bulongan ng mga estudyante sa pagpasok ng Magic 8 kasama na si Dorothy, sa mismong hallway ng unibersidad.
Pagkatapos nang lahat ng nangyari at sa pagkawala ni Astrid, ay naging manhid si Primo mula sa lahat. Hindi na ito masyadong nagsasalita at palaging gustong mapag-isa. Mas kinatatakutan ito nang lahat ng mga estudyante ngayon dahil mas madali itong magalit at mawalan ng pasensiya.
Napagdesisyunan kasi ng totoong ama ni Astrid na si Adonis na ilayo na muna ang anak mula sa Manderstein. Mas nauna itong nagising kay Primo at nang magising ito ay wala na itong maalala. At ang masaklap pa ay sa tuwing nakakakita ito ng bampirang kakilala niya ay nagwawala ito dahil sa sobrang sakit ng ulo. Kaya napagdesisyunan ni Adonis na ilayo na muna si Astrid. Wala ni isa ang nakaka-alam kung saan ang lugar na pinagdalhan nito, maging si Primo o ang mag-asawang Vanderweele na siyang tumayong magulang ni Astrid bago pa malaman ng lahat ang totoong pagkakilanlan ng dalaga ay wala ring alam kung nasaan na ngayon si Astrid.
At nang magising na nga si Primo ay si Astrid ang unang hinanap nito. Ngunit sa kasamaang palad ay naka-alis na ito sa lugar na pinagdalhan ng ama. Noong mga unang araw ay nagwawala pa ito dahil sa hindi matanggap ang balitang wala na nga si Astrid kaya palagi itong tinuturukan ng pampakalma dahil mahirap itong pigilan dahil sa lakas nito. Ngunit nang lumaon ay tumigil ito sa pagwawala, kasabay rin nito ang pag-iiba ni Primo. Naging mas tahimik ito kaysa noon na halos hindi na nito kinakausap maging ang mga matalik nitong kaibigan. Parang may kung ano sa loob nito ang nawala. Ang dating mabangis at kinatatakutan na Primo ay mas lumala pa.
........
Pagkatapos ng klase niya sa araw na ito ay kaagad na umalis si Primo sa unibersidad. Imbes na dumiretso sa dormitoryo nito ay nagpunta ito sa isang pangpang kung saan nangyari ang kasalan nila ni Astrid sa mismong Stella Corona, noong hindi pa nangyari ang pag-atake. Araw-araw ay nagpupunta ito rito dala-dala ang isang pulang bulaklak, nagbabakasakaling sa pagpunta nito ay madatnan niya doon si Astrid, ngunit araw-araw rin itong umuuwing bigo at luhaan.
Tahimik at mabagal itong naglalakad habang tinatahak ang daan papunta sa pangpang. Nang marating na nito ang lugar ay kaagad nitong tinahak ang dulo at tahimik na pinagmasdan ang paligid. Kalaunan ay pinili nitong ipikit ang mga mata. Ito ang nagsisilbing pampakalma ni Primo sa ilang buwan mula nang magising at malamang dinala si Astrid sa isang lugar na walang nakakaalam kahit ni isa kung saan.
Kahit ilang beses siyang nagmakaawa kay Adonis na makita si Astrid ay hindi siya nagawang pagbigyan nito. Halos nagamit na nga niya ang koneksiyon at kapangyarihan ng kanilang angkan para lamang mahanap ang minamahal ngunit bigo parin ito.
"They say, when you get married at Stella Corona you will forever be tied with each other. You didn't believed that at first, I didn't too."
Isang tinig ng babae ang sumira sa katahimikan ng paligid. Kasabay rin noon ang mabilis na paglingon ni Primo sa pinanggagalingan ng boses nito.
"But here I am, getting married to someone for real. If he will accept it."
Kasabay noon ay ang tuloy-tuloy na pagdaloy nang masasaganang luha mula sa mga mata ni Primo.
"Can I be with you? Not just for today but for the rest of your life."
"Astrid!"
-nasasabik na bigkas ni Primo sa pangalan ng babae. Kitang-kita sa mukha nito ang saya at pagkasabik dahil sa pagdating ng babae
Kaagad na kinuha ng babae ang singsing mula sa bulsa at ito na mismo ang nagsuot sa daliri nito.
"I do!"
-saad ng babae
Isang ngiti ang sumilay sa labi ng babae kasabay nang mabilis na paglapit nito at ang pagdampi ng labi nito sa labi ni Primo.
"I love you Carrion Primo Farquharson."
-saad nito pagkatapos
Niyakap ito ni Primo ng mahigpit. Yakap ng isang lalaking nasasabik sa muling pagbabalik ng minamahal. Nangyari na nga ang propesiya, pero para sa dalawa, ang pagtatagpo ng mga landas nila ay hindi dahil sa isang kasunduan na nangyari ilang libong taon na ang nakalilipas. Hindi itinakda, ngunit isang tadhana

Komento sa Aklat (46)

  • avatar
    Park Yunah

    Need more po!

    02/04/2025

      0
  • avatar
    Joan Sison

    ang ganda ng binasa ko and at medyo nakakatakot

    04/07/2024

      0
  • avatar
    Sainodin Batua

    pumunta ako sa school nakita ko si crush sobrang saya ko at palagi ko siyang tinitignan kung anong nangyari sa kanya kaya palagi niya ako nakikita at nagkakatitigan kami kaya nakikita niya ako at nakikita kodin niya na nakangiti kaya nakingiti din ako sobrang saya ko palagai

    19/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo