Homepage/Manderstein University/
Chapter 41
NARRATOR'S POV:
Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng gabi ng pag-atake at hanggang sa mga oras na ito ay hindi parin nagigising si Astrid at si Primo.
Tahimik na naroroon ang pitong miyembro ng Magic 8 kasama si Dorothy sa silid na kinaroroonan ng dalawa. Napagdesisyunan ng lahat na ipagsama sa iisang kuwarto ang dalawa dahil sa mga sunod-sunod na pangyayari.
Noong unang linggo ay magkaiba ang mga silid na pinaglagyan ni Astrid at ni Primo. At sa loob ng mga panahon na iyon ay papalit-palit ang dalawa sa pagpasok sa emergency room ng pagamutan. Isang beses ay nag-abot sila doon at parang isang himala ang nangyari nang parehong naging stable ang kanilang mga kondisyon kaya simula noon ay hindi na ipinaghiwalay ang dalawa.
"They really love each other."
-saad ni Ethan
Kaagad na tumahimik ang paligid.
"Wait, is this the ring in the prophecy right?"
-gulat na tanong ni Emmy nang mapansing suot-suot ito ni Astrid
"It's been years since that was lost. When did Primo found it?"
-tanong naman ni Paola
"I think Primo gave it to her."
-saad ni Riggs
Ang singsing na tinutukoy ng mga ito ay ang singsing sa propesiya. Halos lahat ng bampira ay alam ang propesiya na ito.
Ilang libong taon na rin ang nakalilipas nang magkaroon ng kasunduan ang mga ninuno ni Adonis at ni Veronica. Mula pagkabata ay matalik nang magkaibigan hindi lang ang mga ninuno ng mga ito ngunit pati narin ang mga pamilya nila. Gustuhin man ng dalawang pamilya na ipagsanib ang dalawang angkan ay hindi maaaring mangyari dahil parehong lalaki ang anak ng mga ito.
Kung kaya isang araw ay napagdesisyunan ng dalawang magkaibigan na magkaroon ng isang kasunduan. Isang kasunduan na lumabong at naging isang propesiya paglipas ng maraming panahon.
Sa panahon na ang kanilang mga angkan ay magka-anak ng lalaki at babae ay ipapakasal ang mga ito. Nangyari na iyon sa panahon ni Adonis at Veronica kaya inasahan ng lahat na sila ang magkakatuluyan. Ngunit isang malaking pagkadismaya nang magdesisyung magpakasal si Adonis kay Bethany, ang totoong ina ni Astrid, at si Veronica rin sa iba.
Nang magkaroon ng lalaking anak si Veronica at babaeng anak si Adonis ay nabuhay muli ang usapan tungkol sa propesiya. Ngunit kaagad rin namang naglaho nang makarating sa lahat nang dako ng Vampire World ang balitang pinatay ang asawa't anak ni Adonis.
Mula noon ay hindi na pinag-usapan pa ng kahit na sinumang bampira ang tungkol sa propesiya. Naisip ng lahat na baka ay simpleng biruan lamang ito ng dalawang magkaibigan noon at imposibleng magkatotoo.
"Astrid is the real daughter of the Lincoln clan, while Primo is the son of Farquharson clan. In short, they are the second generation with a girl and boy in their clans at the same time. The prophecy is really true!"
-manghang saad ni Leanna
Lahat ay namangha sa sinabi ng babae. Hindi sila makapaniwala na totoo talaga ang propesiya.
"This is not just a mere coincidence, this is fate."
-saad naman ni Riggs na ikinangiwi ng lahat
"Too cheesy dude!"
-reklamo ni Ethan kasunod ng pagtawa ng lahat
Malakas ang tawanan at biruan ng mga bampirang nasa loob ng silid ng dalawa. Ngilid sa kaalaman ng mga ito ay ang biglaan at sabay na paggalaw ng pang-apat na daliri ng mga ito kung saan naroroon ang singsing na suot-suot ni Astrid.
........
Nagising ako sa isang lugar na hindi pamilyar. Suot ang isang puting bestida at hawak-hawak ang isang puting bulaklak ay tinahak ko ang daan na bago sa aking mga mata. Narating ko ang isang hardin na punong-puno ng mga bulaklak. Sobrang ganda ng tanawin na nakikita ko na gugustuhin ko na lamang na tumira dito panghabang-buhay.
Binusog ko ang aking mga mata sa tanawin sa paligid. Nang maglaon ay umupo ako sa damuhan at ipinagpatuloy ang pagtingin sa tanawin sa paligid.
"Astrid!"
-mahinang tawag ng isang pamilyar na boses
Kaagad akong tumayo at nilingon ang pinanggagalingan ng boses. Kaagad na sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang makita si Primong nakatayo di kalayuan mula sa aking kinaroroonan. Tulad ng sakin, puti rin ang kulay ng kasuotan nito.
Kaagad kong tinakbo ang distansiyang nakapagitan sa aming dalawa upang salubungin ito sa isang mainit na yakap. Ngunit nabigla ako nang lumagpas ako rito at tanging hangin lamang ang yumakap sa akin pabalik.
Muli ko itong sinubukang hawakan ngunit bigo ako. Tanging hangin lamang ang sumasalo sa mga kamay ko.
"Primo anong nangyayari?"
-litong tanong ko
"Thank you for everything."
-nakangiting saad nito
Unti-unting dumaloy ang luha sa aking mga mata. Ano ang ibig sabihin nito?
"Primo! Ano ba!"
-galit na saad ko rito habang pilit itong hinahawakan ngunit bigo parin ako
Mas lalo akong nalito at kinabahan nang unti-unting maglaho ang imahe nito sa aking paningin. Pilit ko itong yinayakap, tinatawag at hinahampas ngunit tanging ang hangin lamang ang sumasalo ng mga ito.
Naging mas malabo ito hanggang hindi ko na makita pa ang imahe nito.
"Primo!"
"Primo!"
"PRIMOOOOOOOO!"I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (46)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Need more po!
02/04/2025
0ang ganda ng binasa ko and at medyo nakakatakot
04/07/2024
0pumunta ako sa school nakita ko si crush sobrang saya ko at palagi ko siyang tinitignan kung anong nangyari sa kanya kaya palagi niya ako nakikita at nagkakatitigan kami kaya nakikita niya ako at nakikita kodin niya na nakangiti kaya nakingiti din ako sobrang saya ko palagai
19/04/2024
0Tingnan Lahat