"PRIMO!" -malakas na tawag ko at humahangos na tumakbo sa kinaroroonan nito nang makompirmang ang Magic 8 ang nagligtas sa amin mula sa mga bantay na ngayon ay wala ng mga buhay na nakabulagta sa lupa Ngunit agad rin akong napahinto ng makita ko si Dorothy sa tabi nito at ang pagkapit nito sa braso ni Primo. "Astrid are you okay?" -kaagad kong nilingon si Ethan at mabilis na tumakbo papunta sa kinaroroonan nito at niyakap ito Kasabay ng pagkubli ko sa mga mata ng mga naririto ay ang sunod-sunod na pagtulo ng aking mga luhang hindi ko na napigilan. Mula sa simula ay palaging si Ethan na ang tagapagligtas ko sa anumang gulo na mapapasukan ko. At hanggang ngayon, sa kabila ng lahat ng mga nangyari ay niligtas niya parin ako. Hindi man sa gulo, ngunit sa totoong nararamdaman ko. Nang makabawi na ay kaagad akong kumalas mula sa pagkakayakap at hinarap ang mga nasa paligid. "Kailangan nating makalabas upang makahingi ng tulong. Hindi sapat ang mga lakas natin upang lumaban. Ang importante ngayon makalabas tayo ng buhay dito sa Manderstein." -saad ko sa mga ito "Ano ba kasi ang nangyayari? Hindi ko maintindihan?" -tanong ni Emmy "Wala na tayong oras para alamin pa kung ano ang mga nangyayari. Kailangan na nating kumilos. It's getting dangerous here!" -determinadong saad ni Ethan "There's a secret exit for us. It's a shortcut way. We should go there!" Napalingon kaming lahat sa biglaang pagsasalita ni Primo. Di inaasahang magtagpo ang aming mga mata ngunit agad rin namang naputol nang nauna na itong maglakad papunta sa sikretong daan na sinasabi nito. Agad kaming sumunod kay Primo. Tahimik at maingat kaming naglalakad sa gitna ng madilim at maingay na gabi dito sa Manderstein. Dahil sa mga oras na ito ay rinig parin sa buong unibersidad ang tunog ng mga pagsabog at putok ng mga baril. Ngunit hindi pa man kami masyadong nakakalayo ay sinalubong kaagad kami ng mga bantay ni Senyor Hutton. Kaagad na inatake ni Ethan ang isang bantay na kukunin sana ako. Nadis-armahan niya ito at binugbog. Tutulungan ko sana ito ngunit agad akong hinila ni Cindy palayo sa mga ito. Kaagad naming nakita si Leanna na nakahiga sa lupa. Nabugbog kasi ito ng isa sa mga bantay na umatake sa amin. Buti nalang at nakita ito ni Riggs at ngayon ay kasalukuyang nakikipaglaban sa bantay na umatake kay Leanna. Naalala ko ang mga narinig ko sa pag-uusap ni Senyor Hutton at ni Cindy. Iniutos noon ni Senyor Hutton na dakpin lang at hindi papatayin ang mga miyembro ng Magic 8 kaya ngayon tanging lakas lang ang gamit ng mga bantay upang dakpin ang lahat ng mga miyembro ng Magic 8. Agad naming pinuntahan ang kinaroroonan ni Leanna at tinulungan ito. "Kailangan nating makalayo rito!" -saad ni Cindy sa aming dalawa Kaagad niya kaming hinila palayo sa kinaroroonan ng Magic 8 na ngayon ay kasalukuyang nakikipaglaban sa mga bantay. Naiwan doon ang natitirang mga miyembro ng Magic 8 kasama si Dorothy. Kasalukuyan kaming tumatakbo ni Cindy at Leanna sa madilim at masukal na parte ng unibersidad. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga nangyayari. Dahil sa malalim na iniisip ay hindi ko napansin ang paglitaw ng isa sa mga bantay mula sa likuran ko dahilan upang mahuli ako nito. Kaagad na sumibol ang matinding kaba sa aking dibdib. Kaagad akong nagpanic at di sinasadyang masiko ang bantay na nakahawak sa akin sa bandang ilong nito. Napasigaw ito sa sakit at di sinasadyang mapakawalan ako. Kaagad kong kinuha ang oportunidad na iyon upang makatakas mula sa kanya at tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Cindy. Ngunit hindi pa man ako nakakaabot sa kinaroroonan ni Cindy ay nalito ako nang salubungin ako nito at mabilis na hinatak dahilan upang magpalit kami ng puwesto kasabay ng pag-alingawngaw ng isang malakas na putok ng baril. Kaagad akong nanigas ng dahil sa narinig. Nakita ko ang pag-atake ni Leanna sa bantay ngunit blangko ang aking nararamdaman. Unti-unti kong tiningnan si Cindy at nakitang nakangiti ito sa akin. Kaagad kong tiningnan ang ibabang bahagi nito at napaluha ng may tama ito sa kanang balikat. "I'm fine Astrid. Daplis lang ito." -nakangiting saad nito sa akin tila pinapalakas ang aking loob Napansin siguro nito ang pagkatulala ko sa mga nasaksihan. Kaagad na pinunit ni Leanna ang ibabang bahagi ng palda nito at itinakip sa tama ni Cindy. Noon ko lang napansin na patay na pala ang bantay na nakabaril kay Cindy. Napabalik ako sa realidad nang makita kong inalalayan ni Leanna si Cindy. "Let's continue walking." -utos ni Leanna Hindi ko mapigilan ang pagbabadya ng aking mga luha sa pagpatak dahil sa kalagayan ni Cindy ngunit wala akong ibang magawa kundi tatagan ang sarili upang makalabas kami dito ng buhay. Kinakailangang may makalabas ni isa sa amin para makahingi ng tulong bago maging huli ang lahat.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (46)
Park Yunah
Need more po!
02/04/2025
0
Joan Sison
ang ganda ng binasa ko and at medyo nakakatakot
04/07/2024
0
Sainodin Batua
pumunta ako sa school nakita ko si crush sobrang saya ko at palagi ko siyang tinitignan kung anong nangyari sa kanya kaya palagi niya ako nakikita at nagkakatitigan kami kaya nakikita niya ako at nakikita kodin niya na nakangiti kaya nakingiti din ako sobrang saya ko palagai
Need more po!
02/04/2025
0ang ganda ng binasa ko and at medyo nakakatakot
04/07/2024
0pumunta ako sa school nakita ko si crush sobrang saya ko at palagi ko siyang tinitignan kung anong nangyari sa kanya kaya palagi niya ako nakikita at nagkakatitigan kami kaya nakikita niya ako at nakikita kodin niya na nakangiti kaya nakingiti din ako sobrang saya ko palagai
19/04/2024
0Tingnan Lahat