Sa kabila ng lakas at dagungdong ng sunod-sunod na pagsabog ay rinig ko parin ang pag-iyak ni Cindy at paulit-ulit na paghingi nito ng tawad. "Huli na ang lahat!" "Huli na ang lahat!" "Huli na ang lahat!" -paulit-uli na saad nito na para bang isang baliw Kung gayon ay nangyari na nga ang kinatatakutan ko. Ngayong gabi ang pag-atake! Hinawakan ko ang mga kamay nito upang kumalma. "Hindi pa huli ang lahat Cindy! Magtulungan tayo, mapipigilan pa natin ito!" -saad ko rito "Nangyari na Astrid! Wala na tayong magagawa pa para mapigilan pa ito. Tumakas ka na! Habang may oras pa, tumakas ka na Astrid!" -saad nito habang tinutulak ako palayo sa kanya "Pag hindi natin ito pipigilan mas lalong lalala at nasisiguro kong lalawak ang pag-atake hanggang sa labas ng Manderstein. Kapag mangyari iyon Cindy, marami ang mamamatay. Kaya dapat natin itong mapigilan bago pa man makalabas ang pag-atake sa unibersidad. Kaya natin ito Cindy! Magtulungan tayo!" -saad ko rito Bakas sa mukha nito ang pagkalito sa kung ano ba ang dapat na gawin. "Isa pa, malalakas ang Council at iba pang mga clans. Kapag nakalabas ang pag-atake, nasisiguro kong mapapatay nila si Senyor Hutton." -dagdag na saad ko Nang dahil sa pagbanggit ko sa pangalan ng tumayong ama nito ay napatingin ito sa akin. Ang kanina'y nalilitong mukha ay napalitan ng determinadong Cindy. Kalaunan ay agad itong tumango at naunang maglakad papunta sa kinaroroonan ng mga pagsabog. Maingat na naglalakad kami papunta sa unibersidad kung saan nanggagaling ang mga pagsabog. Habang papalapit kami sa unibersidad ay mas nakikita namin ang pinsala ng pag-atake. Halos kalahati ng unibersidad ay nasira na. Nakikita rin namin ang mga estudyanteng nagtatakbuhan sa kawalan. Nalimutan kong may pagtitipon pala sa unibersidad pagkatapos ng hapunan. Kaya ba tinipon nila ang mga estudyante para hindi na mahirapan ang mga ito sa pagpatay? Hindi ko tuloy malaman kung suwerte ba ako dahil wala ako sa unibersidad noong mangyari ang pagsabog. O balewalang lang rin dahil nandito pa rin ako sa loob ng Manderstein. Kaagad kaming nagtago nang makakita ng mga bantay na papunta sa aming kinaroroonan. Munti na akong mapasigaw ng makita kong puwersahang dakpin ng mga bantay ang lahat ng mga estudyanteng pakalat-kalat sa labas. Nang masiguro naming nakalayo na ang mga bantay mula sa aming pinagtataguan ay kaagad kaming lumabas mula rito at napagdesisyunang magtungo sa dormitoryo ng Magic 8. Nagbabakasakali kami ni Cindy na tulad namin, ay hindi rin pumunta ang mga ito sa nasabing pagtitipon sa unibersidad. Ngunit halos manlumo kami nang makita namin sa malayuan na nasira narin maging ang dormitoryo ng mga ito. Imbes na lumapit pa roon ay pinili na lamang naming pagmasdan ang dormitoryo ng Magic 8 sa malayuan dahil narin sa mga bantay na nakapalibot doon. Ngunit agad na nabaling ang aking atensiyon sa bagay na hawak ng mga ito. "Baril ba ang mga hawak nila?" -nagtatakang tanong ko kay Cindy "Hangga't maaari, kinakailangang mapatay namin ang lahat ng mga estudyante dito sa Manderstein. Kaya may dala silang mga baril. Ngunit hindi na muna pinapatay kaagad ang mga miyembro ng Magic 8 dahil sila ang gagamiting pain para mapabagsak ang lahat ng mga malalakas na clans, maging ang Council." -mahabang paliwanag nito Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. Kung gayon ay nasisiguro kong buhay pa sina Ethan, Primo at lahat ng miyembro ng Magic 8. Sana nga lang ay hindi sila nadakip ng mga bantay ni Senyor Hutton. Napagdesisyunan namin ni Cindy na magtungo papunta ng kagubatan. Wala na kaming ibang pagpipilian dahil nasisiguro naming sa mga oras na ito ay sira na ang aming dormitoryo maging ang mga natitira pa. Ligtas kaming nakapagtago sa masukal na parte ng Manderstein nang hindi nahuhuli ng mga bantay. Habang nagtatago ay nagulat ako ng hampasin ako ni Cindy. "Tama!" -saad nito "Anong tama?" -nalilitong tanong ko rito "May dala nga pala akong cellphone!" -masayang saad nito na tila ba ito ang solusyon sa lahat ng aming mga problema Mahina akong napatili nang marinig ang mga sinabi nito. "Tatawagan ko si Daddy!" -masayang saad ko at mabilis na tinanggap ang telepono ng ibigay ito sa akin Ilang ring lang ay sinagot na agad ni Daddy ang tawag. "Hello. Who's this?" -pormal na bungad ni daddy "Daddy! Its me, Astrid!" -mahinang saad ko "Astrid anak! Kamusta ka na?" -masayang tanong nito sa akin "Dad. We have no time. May nangyayaring pag-atake dito sa loob ng Manderstein at kagagawan ito ni Senyor Hutton. Please send us help!" -mabilis na saad ko kay Daddy "Hur-------." "Hoy!" -putol na sigaw sa akin ng mga bantay Kaagad ako nataranta nang malamang natunton ng mga bantay ang aming pinagtataguan. Nang dahil sa kaba at sa gulat ay di sinasadyang matapon ko ang teleponong aking hawak at mahulog sa kung saan. Gustuhin ko mang hanapin ito ngunit hindi ako nakagalaw ng tutukan kami ni Cindy ng baril ng mga ito. Agad na ibinaba ng dalawang bantay ang baril na nakatutok sa amin ng makilalang si Cindy pala ang kasama ko. "Maam Cindy, bumalik ka na sa hide-out. Kami na ang bahala dito!" -saad ng isa Hindi parin ako makagalaw dahil kahit na binaba na ng dalawang bantay ang mga baril nitong nakatutok sa amin kanina ay nakatutok parin sa akin ang baril ng ikatlong bantay. "Hindi ako babalik roon. Pabayaan niyo na ako!" -saad ni Cindy "Utos ito ni Senyor Hutton, kinakailangang sumama ka sa amin Maam Cindy!" Ngunit hindi parin natinag si Cindy sa kinaroroonan nito. "Siguro naman ay sasama ka na sa amin pag napatay na namin itong kasama mo!" -saad ng ikatlong bantay habang unti-unting pinipihit ang gatilyo ng baril nitong nakatutok sa akin Kasabay ng pagsigaw ni Cindy ay ang pag-alingawngaw ng tatlong sunod-sunod na putok ng baril. Marahil ay ito na nga ang magiging katapusan ko. Ngunit nagulat ako dahil pagkatapos ng mga ingay ng putok ng baril ay buhay parin ako. Agad kong tiningnan ang paligid at nagulat nang makitang nakabulagta na sa lupa ang tatlong bantay na kanina lang ay tinutukan pa kami ni Cindy ng baril.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (46)
Park Yunah
Need more po!
02/04/2025
0
Joan Sison
ang ganda ng binasa ko and at medyo nakakatakot
04/07/2024
0
Sainodin Batua
pumunta ako sa school nakita ko si crush sobrang saya ko at palagi ko siyang tinitignan kung anong nangyari sa kanya kaya palagi niya ako nakikita at nagkakatitigan kami kaya nakikita niya ako at nakikita kodin niya na nakangiti kaya nakingiti din ako sobrang saya ko palagai
Need more po!
02/04/2025
0ang ganda ng binasa ko and at medyo nakakatakot
04/07/2024
0pumunta ako sa school nakita ko si crush sobrang saya ko at palagi ko siyang tinitignan kung anong nangyari sa kanya kaya palagi niya ako nakikita at nagkakatitigan kami kaya nakikita niya ako at nakikita kodin niya na nakangiti kaya nakingiti din ako sobrang saya ko palagai
19/04/2024
0Tingnan Lahat