Chapter 34

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng unibersidad nang makitang naglalakad rin si Primo papunta sa direksiyon nankinaroroonan ko. Agad akong nagpanic at mabilis na bumalik sa lugar na aking pinanggalingan at tinungo ang daan papunta sa dining hall ng unibersidad.
Kumawala ang isang malakas na buntong hininga ng makapasok na ako sa mismong dining hall ng unibersidad at masigurong walang Primo na nakasunod. Hangga't maaari ay ayaw ko na munang makausap siya o kahit makita man lang ito. Sa tuwing nakikita ko kasi ito ay bumabalik sa akin ang ala-ala ng halik na pinagsaluhan nila ni Dorothy na nagiging dahilan ng paninikip ng aking dibdib sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw. Nahihirapan akong intindihin ang mga kinikilos ko sa tuwing si Primo na ang pinag-uusapan.
Matagal-tagal narin noong huli kaming magka-usap ni Ethan. Nakakalungkot dahil kahit ito ay abala rin sa pag-aasikaso kay Dorothy. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya at nakakalimutan ako bigla ng mga taong importante sa akin. Sa kabila ng mga mabibigat na iniisip ay napansin ko pa rin ang pagpasok ni Cindy sa dining hall ng unibersidad.
Kaagad ako nitong binati ng makita akong naka-upo sa isa sa mga upuan sa gilid na parte ng kuwarto. Kaagad itong lumapit sa aking kinauupuan at umupo sa tabi ko.
"Nabigay mo na yong gamot kay Primo?"
-kaagad na tanong nito
Hilaw akong napangiti sa tanong nito sa akin.
"Ah eh, oo."
-pagsisinungaling ko
Wala na akong balak na ibigay pa ang gamot na iyon kay Primo. Balita ko ay magaling na naman ito. Masyado sigurong magaling ang nag-alaga sa kanya kaya naman ay madaling nawala ang sakit nito. Sa sobra ngang bilib at pasasalamat nito sa nag-alaga sa kanya ay nagawa niya itong halikan! Napakagaling!
"Kaya pala gumaling agad!"
-nakangiting saad nito
Muntik nang maparolyo ang mata ko sa naging tugon nito.
"Oo nga eh! Salamat talaga sa ibinigay mong gamot ah!"
-saad ko rito.
Salamat sa gamot mong hindi naman nagamit. Hindi naman kasi sinabi na halik lang pala ang tatalab na gamot!
Agad rin naman kaming nagpunta sa aming klase nang marinig na namin ang hudyat para simulan na ang pang-umagang klase.
Nang matapos rin ang lahat ng klase ko sa araw na iyon ay napagdesisyunan kong umuwi na kaagad sa aking dormitoryo. Nauna na ako kay Cindy na abala pa sa paggawa ng mga takdang-aralin na namiss niya noong mga araw na wala siya. Hindi ko alam kung bakit nagagawa pa niyang gumawa ng mga ganon kung alam rin naman niyang masisira ang unibersidad na ito pagdating ng araw ng pag-atake.
Imbes na problemahin pa si Cindy ay ibinaling ko ang aking atensiyon sa pag-atake. Hindi ko alam kung nakakabuti bang pinapatagal ko ang pagpapa-alam sa mga estudyante lalong-lalo na sa Magic 8 ng tungkol sa mangyayaring pag-atake. Siguro ay kinakailangan ko na talagang maipaalam ito sa iba para naman may katulong ako sa pagpaplano kung paano mapigilan ang pag-atake. Ngunit hindi ko alam kung paano ito sasabihin dahil noong sinubukan kong sabihin ito kay Primo ay nakakita ako ng isang bampirang tila nakikinig sa aming usapan.
Kung gayon ay kailangan kong mag-isip ng isang mabisang paraan para masabi ko lahat ng mga nalalaman ko nang hindi nahuhuli ng mga bantay ni Senyor Hutton o ng kung sinuman na gustong mapabagsak ang lahat ng mga malalakas na clans sa mundo naming mga bampira.
Pagkatapos nang pananghalian ay kaagad rin akong bumalik sa aking silid. Iniisip ko kung sa anong paraan ko malalaman ang mismong araw ng pag-atake. Kung puwede lang na komprontahin si Cindy at itanong iyon sa kanya ay matagal ko ng ginawa. Ngunit kung gagawin ko naman iyon ay baka mas lalong manganib ang lahat ng mga estudyante ng Manderstein at pati narin ang lahat ng mga bampira. Malaki pa ang posibilidad na ikukulong nila ako o di kaya ay ililigpit. Hindi na ako makakalabas pa ng buhay sa unibersidad kung ganon. Pano na ang mga magulang ko?
Halos sasabog na ang aking ulo sa dami ng aking mga iniisip. Bakit kasi ako pa ang nakaka-alam sa plano ng mga ito. Sa dami ba naman ng mga estudyante sa Manderstein, bakit ako pa? Bakit hindi nalang ang Magic 8? Kasi kung sila lang ang nakaalam sa pinaplanong pag-atake ay nasisiguro kong mas malaki ang posibilidad na mapipigilan nila ang nasabing pag-atake.
Kaagad akong tumayo at binuksan ang bintana ng aking kuwarto upang makalanghap ng sariwang hangin. Sa tingin ko ay kailangan ito upang kumalma sa dami ng mga iniisip ko simula noong araw na sinundan ko si Cindy papunta sa lumang building na iyon at malaman ang mga pinaplano ng mga ito. Ngunit agad rin namang nabaling ang aking atensiyon sa babaeng naglalakad sa labas ng dormitoryo.
Babalik ba ulit siya sa lumang building?

Komento sa Aklat (46)

  • avatar
    Park Yunah

    Need more po!

    02/04/2025

      0
  • avatar
    Joan Sison

    ang ganda ng binasa ko and at medyo nakakatakot

    04/07/2024

      0
  • avatar
    Sainodin Batua

    pumunta ako sa school nakita ko si crush sobrang saya ko at palagi ko siyang tinitignan kung anong nangyari sa kanya kaya palagi niya ako nakikita at nagkakatitigan kami kaya nakikita niya ako at nakikita kodin niya na nakangiti kaya nakingiti din ako sobrang saya ko palagai

    19/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata