Chapter 27

Ilang araw na rin mula ng makabalik si Dorothy sa Manderstein. At sa loob ng mga panahon na iyon, nakikita kong lagi lang itong nakabuntot kay Primo. Hindi ko pa man siya lubusang nakikilala pero naiinis na ako sa kanya. Dahil narin siguro naaawa ako kay Ethan sa tuwing nakikita kong hindi niya ito pinapansin o kahit tapunan man lang ng tingin. Kita ko sa mga mata ng kaibigan ko ang sakit sa kabila ng mga ngiti at tawang ipinapakita nito. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nagagalit ako sa tuwing nakikita kong magkasama sila ni Primo. Ang dami namang puwedeng lapitan diyan! Marami pang mga lalaking miyembro ng Magic 8 ngunit bakit kay Primo siya palaging lumalapit?
Kagaya ngayon. Kasalukuyan kaming andito sa dining hall ng unibersidad habang nanananghalian kasama ang lahat ng mga estudyante sa Manderstein--------at siyempre si Dorothy na parang tuko kung makakapit kay Primo. Ang aming lamesa ang pinakamalapit na lamesa mula sa kinaroroonan ng Magic 8 kaya naman ay rinig na rinig ko ang pag-iinarte ni Dorothy para lang makuha nito ang atensiyon ni Primo.
"Primo eat this!"
"Primo you got something on your face."
"Primo could you help me with this one."
"Primo say aah!"
PRIMO!
PRIMO!
PRIMO!
PRIMO!
WALANG KATAPUSANG PRIMO!
Hindi niya ata napapansin na naaagaw na niya ang atensiyon ng lahat ng mga estudyante sa loob ng dining hall.
Nagmamadali na ako sa pag-ubos ng pagkain. Naririndi na talaga ako sa boses ng Dorothy na iyan. Nang matapos na akong kumain ay kaagad akong tumayo dahilan upang marahas na mapa-atras ang upuan na aking inuupuan at magdulot ito ng malakas na ingay na umalingawngaw sa buong dining hall. Pero imbes na mahiya at humingi ng paumanhin sa nagawa ay marahas kong kinuha ang aking mga gamit at galit na nagmartsa palabas ng kuwartong iyon.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Lakad lang ako ng lakad. Pinili kong hindi muna pumasok sa panghapon na klase at mapag-isa sa isang tahimik na lugar. Mabuti nalang rin at hindi na nagdesisyun si Cindy na sundan ako. Wala rin akong balak makipag-usap sa kung sinuman. Naiinis ako!
Tinahak ng mga paa ko ang lugar papunta sa parke ng unibersidad pero agad ring napatigil ng maalala kong alam ni Riggs at Kendric ang lugar na iyon. Baka ay magpunta na naman ulit iyon doon at mangulit na naman. Hindi naman sa ayaw ko silang kausap o kasama. Pero ngayon, ang gusto ko mapag-isa na muna.
Napagdesisyunan kong magpunta sa likod ng unibersidad. Naalala kong wala palang masyadong nagpupunta roon na mga estudyante.
Mabilis kong narating ang likod ng unibersidad. At kung sinusuwerte ka nga naman ay wala ni isang estudyante o kahit na sino ang naroroon.
Agad akong nagtungo at naupo sa isa sa mga upuan na andoon. Hindi naiinitan ang lugar na aking inuupuan sapagkat nasa lilim ito ng isang punongkahoy na siyang dahilan kung bakit hindi direktang tumatama ang sinag ng araw sa aking balat.
Habang nakaupo ay naalala ko ang mga pangyayari mula ng magbalik si Dorothy sa Manderstein. Simula ng araw ng kanyang pagbabalik ay hindi ko na rin muling nakausap kahit niisa kay Ethan at kay Primo. Masyado ata silang naging abala sa pag-aasikaso kay Dorothy na nawalan na sila ng panahon kahit man lang ang pagkumusta sa akin.
Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng pagmumuni-muni nang biglang may tumabi sa akin. Kaagad akong napa-atras sa gulat.
"Sino k-------- Aziel?"
Tumawa lamang ito
"Bakit ka andito? Bawal ka pumasok diba? Baka mamaya may makakitang iba sayo at magsumbong!"
-sunod-sunod na bulong ko rito
Nginitian ako nito at bahagyang ginulo ang aking buhok.
"What did I tell you the last time were together?"
-tanong nito
"I'll see you again?"
-patanong na sagot ko
"That's why I'm here!"
-nakangiting saad nito
Agad ko itong niyakap ng di sinasadya. Masaya lang ako na meron paring nagbibigay ng oras at panahon para lang makasama ako.
"Thank you Aziel."
-saad ko at kumalas na sa pagkakayakap
"You miss me so much huh?"
-nakangiting saad nito
Pero agad rin namang naglaho ang mga ngiting iyon ng mapadako ang tingin nito sa aking dibdib. Awtomatikong iniharang ko ang dalawa kong kamay sa aking dibdib habang masamang nakatingin sa kanya.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?"
-mataray na saad ko
"Why didn't you wear the necklace I gave you?"
-malungkot nitong saad
Agad kong ibinaba ang aking mga kamay na nakaharang sa aking dibdib dahil sa kahihiyan. Masyadong madumi ang utak ko para pag-isipan ito ng masama.
"Andun sa kuwarto tinago ko. Susuotin ko iyon bukas promise!"
-saad ko rito
"Promise?"
-parang batang tanong nito
"Promise nga!"
-saad ko na nagpabalik ng ngiti nito
Pero agad rin naman itong nagpa-alam na aalis na.
"I need to go Astrid. Sumama lang ako sa mga bampirang naghatid sa inyo ng mga supply ng pagkain at gamot."
-paalam nito
"I'll see you again!"
-dagdag na saad nito
Pero bago pa man ito umalis ay hinalikan ako nito sa pisngi na ikinabigla ko dahilan upang mapako ako sa aking kinatatayuan.
Nang makabawi na sa mga pangyayari ay agad akong bumalik sa pagkakaupo habang hawak-hawak ang parte ng pisngi na hinalikan nito.
Anong nangyayari?

Komento sa Aklat (46)

  • avatar
    Park Yunah

    Need more po!

    02/04/2025

      0
  • avatar
    Joan Sison

    ang ganda ng binasa ko and at medyo nakakatakot

    04/07/2024

      0
  • avatar
    Sainodin Batua

    pumunta ako sa school nakita ko si crush sobrang saya ko at palagi ko siyang tinitignan kung anong nangyari sa kanya kaya palagi niya ako nakikita at nagkakatitigan kami kaya nakikita niya ako at nakikita kodin niya na nakangiti kaya nakingiti din ako sobrang saya ko palagai

    19/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata