Tatalikod na sana ako upang pumasok ulit sa dormitoryo pero huli na dahil nakita na nito ako. "Hey!" -mahinang tawag nito sa akin Hilaw akong ngumiti sa pagtawag nito sa akin. "Hi." -tipid na saad ko "You haven't attended your morning class." -saad nito "Ah medyo sumama kasi ang pakiramdam ko kanina pero okay na naman ako ngayon." -sagot ko "Alis na ako." -dagdag na saad ko at nagsimula ng maglakad Hindi ko alam kung bakit parang wala lang sa kanya ang nangyari kagabi. At hindi ko rin alam kung bakit nagsisimula na akong mailang sa kanya. Dumagdag pa ang mabilis na naman na pagtibok ng aking puso. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay muli itong nagsalita sa bandang likuran ko. "I'll walk with you." -saad nito "Okay." -tanging nasagot ko Napipilitan man ay wala na rin akong nagawa kundi umuo. Binilisan ko na lamang ang aking paglalakad upang madali kaming makarating sa unibersidad. Habang nagtatagal kaming magkasama ay mas lalong lumalala ang kakaibang nararamdaman ko sa aking dibdib. Tahimik lang kami sa paglalakad hanggang sa tuluyan naming narating ang pasukan ng unibersidad. Akala ko ay matatapos na ang kakaibang nararamdaman ko sapagkat maghihiwalay na kami ng landas pero nagkamali ako. Imbes na lumiko ito sa kanan dahil naroon ang kanilang building ay tinahak nito ang direksiyong kapareho ng tinatahak ko. Agad akong napatigil sa paglalakad ng dahil sa napuna at nagtatakang tinitigan ito. "Diba doon ang building niyo?" -tanong ko "I'll take you to your classroom." -saad nito na ikinagulat ko Nauna na itong maglakad sa akin. Naguguluhan man ay sinundan ko nalang ito. Tahimik akong naglalakad sa likuran nito ng nakayuko kaya hindi ko napansin ang biglaang pagtigil nito dahilan upang di sinasadyang mabangga ako sa likod nito. "Sorry." -paghingi ko ng paumanhin "Come here." -saad niya at iminuwestra ang gilid nito Unti-unti akong lumapit sa direksiyon na tinutukoy nito. Nakayuko lang ako, pilit na iniiwasang makasalubong ang mga titig nito sa akin. "Closer." -saad nito sa nag-uutos na boses Imbes na sumunod ay nanatili lang ako sa aking puwesto. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. Nang makitang hindi ko sinunod ang sinabi nito ay mabilis itong lumapit sa akin at hinawakan ang aking bewang at agad na itinulak palapit sa kanya. "Better." -nakangising saad nito Nang dahil sa gulat sa nangyari ay agad ko itong itinulak ngunit masyado itong malakas para matibag sa kinatatayuan nito. Hindi man lang ito napa-atras sa ginawang pagtulak ko. "Bitaw sabi!" -reklamo ko habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak nito sa akin. Pero imbes na sundin ang sinasabi ko ay nagsimula na itong maglakad dahilan upang mapilitan na rin akong sumabay sa paglalakad nito. Habang naglalakad papunta sa aking klase ay pilit ko paring kinukuha ang kamay nito sa aking bewang. Halos ginamit ko na ang lahat ng lakas ko ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ako nakakawala sa pagkakahawak nito sa akin. "Ano ba Primo! Bitaw!" -galit na saad ko Sa buong paglalakad namin ay wala akong ibang ginawa kundi gumalaw-galaw upang makawala sa pagkakahawak nito sa akin. Nang marating na nito ang pintuan ng aking silid-aralan ay sa wakas binawi na nito ang kamay nitong nakahawak sa aking bewang. Pumasok ako sa aking silid-aralan sa pag-aakalang wala na si Primo pero nagulat ako ng maramdaman ko ang isang kamay na naka-akbay sa akin. Agad kong nilingon kung sino iyon at nagulat ng makitang si Primo ang naka-akbay sa akin. Nagsimula ng magturo ang aming guro ngunit na kay Primo at sa akin parin ang atensiyon ng nakararami. Maging ang aking atensiyon ay nalipat kay Primo na nakaupo sa bandang likuran ko. Pagkapasok namin kanina ay agad na sumunod ang aming guro. Maging ito ay nagulat hindi lang dahil narito si Primo kundi dahil narin naka-akbay ito sa akin. Agad naman na nagpa-alam si Primo na makikiseat-in sa aming klase. Pero imbes na magtaray ang aming guro gaya ng nakagawian ay ngumiti lang ito at umuo kay Primo. Ngunit imbes na makinig si Primo sa leksiyon ng aming guro gaya ng ipinagpaalam nito ay naging abala ito sa pagkulikot ng aking buhok. Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin upang sana ay tumigil sa ginagawa. Tumigil naman ito yon nga lang tinawanan ang aking pagsusungit. Muli kong itinuon ang aking atensiyon sa harap ngunit kasabay rin nito ay ang muli na namang panggugulo ni Primo sa aking buhok. Imbes na lingunin ulit ito upang pagalitan ay hinayaan ko na lamang ito sa kanyang ginagawa. Napagod narin ako sa pagsaway dito, hindi rin naman ito makikinig. Nang matapos na ang klase ay agad rin namang lumabas ang aming guro. Napagdesisyunan ko na ring tumayo para makapunta na sa aking susunod na klase. Nang makitang tumayo na ako ay agad rin namang sumunod sa akin si Primo. Wala ngayong linggo si Cindy. Ang sabi umuwi daw sa kanila dahil may emergency. "What's our next class?" -tanong nito sa akin "Bakit mo ba ako sinusundan? May klase ka rin naman dun ka pumasok!" -inis na bulong ko dito Inilapit nito ang mukha sa aking tenga. "I just want to be with you." -saad nito
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (46)
Park Yunah
Need more po!
02/04/2025
0
Joan Sison
ang ganda ng binasa ko and at medyo nakakatakot
04/07/2024
0
Sainodin Batua
pumunta ako sa school nakita ko si crush sobrang saya ko at palagi ko siyang tinitignan kung anong nangyari sa kanya kaya palagi niya ako nakikita at nagkakatitigan kami kaya nakikita niya ako at nakikita kodin niya na nakangiti kaya nakingiti din ako sobrang saya ko palagai
Need more po!
02/04/2025
0ang ganda ng binasa ko and at medyo nakakatakot
04/07/2024
0pumunta ako sa school nakita ko si crush sobrang saya ko at palagi ko siyang tinitignan kung anong nangyari sa kanya kaya palagi niya ako nakikita at nagkakatitigan kami kaya nakikita niya ako at nakikita kodin niya na nakangiti kaya nakingiti din ako sobrang saya ko palagai
19/04/2024
0Tingnan Lahat