Homepage/Playful Destiny/
Chapter 17
"Dylan! I'm really really sorry! Please gumising ka na!"
Isang pamilyar na boses ang gumising sa natutulog kong diwa.
Masakit man ang ulo ko ay pilit kong iminulat ang aking mga mata at ganoon na lamang ang gulat ko nang tumambad sa aking mukha ang umiiyak na itsura ni Trixie.
Agad akong napaupo nang bangon at naitulak ko siya papalayo sa akin.
"T-Trixie? Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?" tanong ko.
"Thank God! Finally, nagising ka na rin!" Akma pa sana itong lalapit sa akin pero nakaramdam agad ako ng takot nang maalala ko ang mga nangyari kaya agad akong sumigaw upang tawagin si Mama kung nasa labas man siya.
Napagtanto ko na nasa ospital ako ngayon matapos akong itulak ni Trixie sa tulay sanhi upang mahulog ako sa malalim na ilog. Mabuti na lamang at dumating bigla si Dylan noong gabi na iyon at iniligtas ako sa bingit ng kamatayan.
"Ma!" sigaw ko kahit hindi ako sigurado kung nasa labas ba sila mama.
Hindi naman ako nabigo dahil agad bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babaeng mukhang mataray na ina ni Dylan.
"Dylan? what happened? Oh! Thank God, gising ka na!" wika nito sabay yumakap sa akin nang mahigpit.
Kinabahan ako bigla.
Salitan kong tinignan sina Trixie at ang ina ni Dylan.
Bakit ba nila ako tinatawag na Dylan? eh, ako si Scarlet?
"I-ilang araw po ba ako tulog?" takang tanong ko na lamang.
"Dylan, you've been in coma for almost a year. Wait, I'll call you doctor," Mabilis na lumabas anh ina ni Dylan.
Lumapit sa akin si Trixie at walang paalam na hinawakan ang aking mga kamay.
"Dylan, ang saya ko dahil okay ka na. Promise, magiging mabuting girlfriend na ako sa iyo," naiiyak na sabi nito.
"Please, leave me alone! Lumabas ka rito. Hindi ko pa nalilimutan ang mga ginawa mo sa akin!" galit kong sigaw rito kahit naguguluhan na rin ako.
Mangiyakngiyak naman itong sumunod at lumabas ng room.
Tinanggal ko ang nakakabit na suero sa aking kamay at bumaba ako sa kama.
Mukhang private room ito dahil may sariling cr at sofa sa loob ng room ko.
Naiihi na ako kaya agad akong umupo sa toilet bowl kahit na gustong-gusto ko nang humarap sa salamin upang malaman ko kung ano ba ang itsura ko at bakit nila ako tinatawag na Dylan.
Matapos kong umihi ay iniangat ko na agad ang suot kong panty pero nagtaka ako nang tumama ang likod ng aking hinlalaki sa isang bagay sa gitna ng hita ko.
Pagbaba ko ng tingin, ganoon na lamang ang gulat at kaba ko nang makita ko na imbes na perlas ang nasa gitna ko ay isang mataba, malaki at mahabang 'ahas' ang meron ako!
"Shocks! kaninong alaga ito!" bulalas ko.
Napapikit pa ako at halos mandiri ako nang muli kong isuot ang suot kong brief! hindi pala panty ang suot ko kung hindi brief!
Ano ito at nasa katawan ako ng isang lalaki?
Mabilis akong humarap sa salamin at laking gulat ko nang makita ko sa aking harapan ang guwapong mukha ni Dylan!
Napahawak ako sa sarili konv mukha. Kinurot-kurot ko pa ang aking sarili dahil baka nananaginip na naman ako.
Last night kasi bago ako magising kanina ay isang nakakatakot na panaginip ang aking napanaginipan.
Akala ko ay totoong nawala na ang mga tao sa aking paligid at ako na lamang at si Dylan ang natitira nang matakpan ng Saturn ang buwan. Wait! si Trixie pala ang biglang dumating sa aking panaginip bago ako nagising kanina.
Ang weird ng panaginip ko dahil hindi naman ganoon ang mga nangyari nang gabi bago ang insidente. Inaway at inihulog ako ni Trixie sa ilog no'ng gabi na iyon kung saan ay iniligtas ako ni Dylan.
Dylan...
Oo nga pala! si Dylan, nasaan na ba siya kung nasa akin ang katawan niya?
Ang seksi kong katawan, nasaan na kaya iyon?
Oh no! hindi kaya nagkapalit kami ng mga katawan?
Hindi maaari, hindi niya p'wedeng makita o manyakin ang aking katawan!
Napatili ako dahil sa isiping iyon.
Isang malalakas na katok ang pumukaw sa akin kaya nagbalik ako sa katinuan.
"Dylan! Anong nangyayari sa'yo. Open this door!" natatarantang sigaw ng ina ni Dylan sa labas ng cr.
"Are you okay? bakit ka sumisigaw or should I say tumitili? Anak? are you a gay now?" maarteng tanong nito sa akin at pinagmasdan pa ako nang maigi.
"N-no, M-Mommy. May nakita lang po akong ipis," pagsisinungaling ko.
"Ipis? this is a private hospital. We maintain the cleancliness around here. Anyway, I'm so glad na gising ka na but we will have some test to make sure that every things is okay," wika ng doktor na guwapo.
Lumabas na ako ng cr. Hindi ko na lamang pinahalata ang aking pagkapahiya sa sinabi ko na may ipis dahil hindi naman talaga iyon totoo.
Umupo na lamang ako sa may sofa.
Malakas naman na ako at pakiramdam ko ay wala ng problema maliban lang sa maling katawan ko na ito.
"I feel okay now. Please, I wanna go home," Hinawakan ko ang kamay ng ina ni Dylan at baka sakaling mapaamo ko ito.
Hindi ko alam kung ano bang personality meron si Dylan pagdating sa mga magulang niya basta, sasakyan ko na lamang sila at a-acting ako bilang si Dylan.
Hindi naman kasi sila maniniwala kung ipagtatapat ko sa kanila na hindi ako si Dylan.
Matapos ang ilang mga test na ginawa sa akin ay nakalabas na ako ng ospital. Mabuti na lamang at napakiusapan ko ang mga magulang ni Dylan na huwag muna palalapitin sa akin si Trixie kaya sinunod naman nila lalo na nang ipagtapat ko sa kanila ang tunay na mga nangyari.
Galit na galit sila kay Trixie nang malaman nila na ito ang naging dahil kung bakit muntik na mamatay ang kaisa-isa nilang anak na si Dylan o sa mas tamang sabihin na kaming dalawa ni Dylan.
Sasampahan na sana nila ng kaso si Trixie pero pinigilan ko muna at nakiusap na lamang ako na gusto kong malaman at madalaw si Scarlet.
I need to see my own body. Nasisiguro ko na naroon sa aking katawan si Dylan.
Hindi naman ako nabigo dahil nalaman ko na katabi lamang ng room na pinaglagian ko ang room ng totoong Dylan.
Hindi na ako nagpatumpiktumpik pa at agad akong bumalik sa ospital upang dalawin at makita ang aking katawan. Gusto ko rin makumpirma kung totoo bang nagkapalit kami ng mga katawan nito.
Marahan akong kumatok pagkatapat ko sa pintuan at agad naman bumukas ang pinto.
Si Mama ang nagbukas habang maang itong nakatingin sa akin. Gusto ko sana siyang yakapin dahil sobra ko na siyang na-mi-miss pero nag-alangan ako na gawin iyon dahil nasa katawan ako ni Dylan.
"Good afternoon po, maaari ko po bang dalawin si S-Scarlet?"
"Walang problema, pumasok ka Dylan. Masaya ako na gising ka na sa wakas at magaling," malungkot akong inihatid nito sa kinahihigaan ng aking katawan.
Ganoon na lamang ang sakit na naramdaman ko nang makita ang walang malay kong katawan pero nakaagaw-pansin sa akin ang kwintas na suot nito.
Iyon ang kwintas na bigay ng matanda sa aking panaginip!
Hinila agad ako papunta sa ni Paul nang makita ako nito sa loob pagkarating niya at galit ako nitong pinagsabihan na laguan ko na raw si Scarlet.
As if naman na magagawa ko iyon sa sarili kong katawan. Kinausap na lamang ako ni mama nang masinsinan sa labas ng room nang iwan na kami ni Paul.
Nalaman ko na ilang buwan na rin palang hindi nagigising si Dylan sa aking katawan at nakiusap ito na layuan ko muna ang anak niya habang hindi pa raw ito nagkakamalay para na rin sa kaligtasan nito dahil wala pa pala silang idea kung ano ba talaga ang nangyari.
Nasaktan ako nang sobra sa aking nalaman pero ang mas masakit sa akin ay ang makitang nalulungkot at umiiyak si mama.
Kung alam niya lang na ligtas ako at narito na ako sa tabi niya ay hindi na ito malulungkot pa pero hindi ko maaaring sabihin iyon dahil gusto kong alamin muna ang katotohanan sa likod ng mga misteryong ito pati na rin ang totoong dahilan sa pagkamatay nila papa at Iya noon sa sunog.
Ang magiging susi ko ay si Trixie.
Nalaman ko na ama nito ang gobyernador namin noon sa bayan na dati namin tinitirahan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (19)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang ganda ng story na ito,subrang ganda
30/11
0sana tapos na para patuloy ang pag babasa ko author. dalian muna kase bitin.
21/07/2024
0next pls
08/07/2023
0Tingnan Lahat