Chapter 32

5 months later...
Limang buwan na ang nakalilipas no'ng naging opisyal kaming magkasintahan ni Nathan. Ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ko ang araw na naging kami. Sa loob ng limang buwan ay naging masaya ang pagsasama namin ni Nathan. Nakilala na rin pala siya ng mga kaibigan ko pero 'di ko sinabi sa kanila ang tunay nitong pagkatao. Hindi ko sinabi sa kanila na isa itong gobernador.
Ang tanging alam lang nila ay ang pangalan nito at syempre, bilang boyfriend ko.
Napag-usapan rin kasi naming dalawa na hangga't ayaw niyang makilala siya ng publiko, gagalangin at irerespeto ko ang desisyon niya. Wala rin naman akong karapatan para ilabas ang tunay niyang pagkatao. Kung noon ay plano ko ang ipakilala siya sa publiko, ngayon ay hindi na. Nagbago ang lahat ng iyon no'ng nagsimula siyang manligaw sa akin.
"Anak, nandito ang boyfriend mo!"
Narinig kong sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. Dahil sa sinabing iyon ni Mama, mabilis kong sinave ang ginagawa kong report sa laptop 'tsaka ito isinara. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin 'tsaka nag-ayos ng sarili. Nang matapos ay tumayo na ako at naglakad papunta sa pintuan.
Huminga muna ako ng malalim bago ko ito binuksan. Napaigtad ako dahil sa gulat nang makita ang pigura ni Nathan sa harapan ko. Napangiti ito no'ng makita ako 'tsaka ako sinalubong ng yakap. Napaatras naman ako ng bahagya. Nakita ko ang pagsara ng pinto no'ng sipain niya ito.
"I miss you," bulong ni Nathan sa mismong tenga ko habang nananatili itong nakayakap sa akin.
"I miss you too," tugon ko at niyakap ito ng mahigpit.
Halos ilang linggo rin kasi kami hindi nagkitang dalawa dahil masyado itong naging busy sa kanyang tungkulin bilang gobernador. Nagkaroon ulit kasi ito ng proyekto sa ibang barangay kaya naman sa pamamagitan lang ng cellphone kami nakakapag-usap. Minsan pa nga ay nakakatulugan ako nito kapag tumatawag siya, pero hinahayaan ko na lang dahil alam ko namang pagod siya.
"Bakit ka pala napapunta dito? Hmm?" Pagtatanong ko kay Nathan habang hinahaplos ang mukha nito.
Kasalukuyan na kaming nakahiga at nakaunan pa ako sa braso nito. Nakatagilid ako habang ito naman ay nakatihaya. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan ang likuran nito.
"May pupuntahan po kasi tayo, mahal. Kailangan magkasama tayo," sabi nito. Napakunot ang noo ko dahil sa kuryusidad.
"Saan?"
"We will visit our condo,"
Mabilis akong napabalikwas ng upo dahil sa gulat. Napasigaw pa ako kaya naman sinenyasan ako nito na tumahimik. Tinapik nito ang braso niya hudyat na bumalik ako sa pagkakahiga. Hindi naman ako umangal at muling humiga sa tabi nito.
"Anong condo? Bakit may gano'n tayo? Bakit hindi ko alam ang tungkol sa bagay na 'yan?" Sunod-sunod kong pagtatanong dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi nito.
"It is a surprise." Nakangiti nitong tugon at dinampian pa ng halik ang noo ko. Napaikot na lang ako ng mata 'tsaka ito niyakap ng mahigpit.
Inabot kami ni Nathan ng ilang minuto bago ko naisipang mag-ayos ng sarili. Sinabihan ko itong mahiga na lang muna para kahit papaano ay marelax siya. Tumango naman ito at ngumuso senyales na gusto niyang halikan ko siya. 'Di naman ako nagpakipot at dinampian ng halik ang labi nito. Pagkatapos no'n ay pareho kaming napangiti.
"Maliligo na muna ako. Dito ka lang," habilin ko dito na tinanguan niya lang.
Pagkababa ko ng kama ay napatili ako no'ng bigla nitong paluin ang pang-upo ko. Mabilis ko itong nilingon ngunit nakadapa na ito habang nakapaling ang ulo sa kabilang side ng kama. Napailing na lang ako dahil sa kalokohan na ginawa nito.
Habang ako ay nandito sa loob ng banyo at naliligo, narinig ko ang pagkatok ni Nathan sa pinto. Pinatay ko ang shower upang marinig ang sinasabi nito.
"Mahal, naiihi ako. Can i c*m in — I mean, come in?"
"Gusto mong maglakad mamaya na iika-ika?" Tugon ko.
"Mahal, naiihi na talaga ako. 'Di ko na mapigilan," pangungulit nito habang sinusubukang buksan ang doorknob.
"Sa baba ka na gumamit ng banyo."
"No! I-I mean... Shit! Dito ako iihi mahal, if you will not open this f*cking door!"
Napailing na lang ako dahil sa pagbabanta nito. Kinuha ko ang towel na nakasabit sa likod ng pintuan at ipinulupot ito sa aking bewang. Mabuti na lang at nakapagbanlaw na ako no'ng kumatok ito, pero gusto ko pa kasing maligo kaya naman ayokong buksan ang pinto. Ngunit naging mapilit ito kaya wala akong magawa.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay dali-daling pumasok sa loob si Nathan. Mabilis itong pumuwesto sa harap ng toilet bowl. Napatalikod naman ako no'ng ibaba nito ang zipper ng suot niyang sinturon hanggang sa marinig ko ang pag-agos ng ihi niya. Narinig ko rin ang paghinga nito ng maluwag. Siguro nga ay kanina pa niya pinipigilan ang kanyang ihi.
Nang matapos si Nathan ay nanatili pa rin akong nakatalikod. Humarap lang ako dito no'ng marinig ko na ang pagsara ng zipper ng pantalon na suot nito. Ngunit sa pagharap ko ay hindi ko inaasahan ang makikita ko. Buong akala ko ay nakasara na ang zipper nito, ngunit nagkamali ako.
Hindi niya pa pala ito tuluyang isinasara.
"Nathan!" Singhal ko at mabilis na napatakip ng mata. "Isara mo nga 'yang zipper mo!" Dagdag ko.
"Nakasara naman, ah. Opss— hindi pala," tugon nito at natawa pa sa kalokohan na ginawa niya.
Ilang sandali lang ay 'di ko na ito narinig na tumawa kaya naman inalis ko ang pagkakatakip ng kamay sa mata ko at humarap ako dito. Sa pagharap ko ay halos maduling ako dahil sa mukha nito na sobrang lapit sa'kin. Nakaukit ang ngiti sa labi nito habang nakatitig sa buong mukha ko.
"You're so cute, mahal. Kay sarap mong asarin. I'm happy to be with you." Mabulaklak nitong saad at hindi ko napigilan na mapangiti.
"B-Bolero. Lumabas ka na nga." Ang tanging nasagot ko dahil sa sobrang kilig. Natawa naman ito at mabilis na kinabig ang batok ko 'tsaka sinabisab ng halik ang aking labi. Hindi kaagad ako nakapag-react sa ginawa niyang iyon pero kalaunan ay tinugunan ko rin.
Pagkatapos akong halikan ni Nathan ay lumabas na ito ng banyo. Agad namang namula ang mukha ko nang mahagip ng mata ko ang umbok sa harapan nito.
"Anong oras kayo uuwi mamaya, mga anak?" Pagtatanong ni Mama habang nandito kaming tatlo sa labas ng gate. Tumingin ako kay Nathan upang alamin kung anong oras kami makakauwi.
"Baka gabi na po, Mama. Plano ko rin po kasing ayain si Rain na kumain sa labas." Sagot ni Nathan at inakbayan pa ako. Napangiti naman ako dahil sa sinabi nito.
"Napakahilig talaga nitong mambigla. Kaasar!" Saad ko sa aking isipan.
"Oh siya! Basta mag-ingat kayong dalawa, ha." Habilin ni Mama at pareho kaming niyakap ni Nathan.
"Bakit ka pala bumili ng condo, mahal?" Pagtatanong ko kay Nathan habang nasa kalagitnaan kami ng byahe.
"For our privacy," saad nito. Sinulyapan ako nito at kinindatan.
Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung ano ang ibig nitong ipahiwatig sa salitang privacy. Napalunok rin ako habang tinatanong ang sarili kung handa na ba akong isuko ang sarili ko sa kanya. Sa loob ng limang buwan kasi ay wala pang nangyayari sa pagitan namin ni Nathan. Oo, naghahalikan kami, pero hanggang doon lang 'yon.
"Rain?"
Agad akong napatingin kay Nathan nang marinig ang pagtawag nito sa pangalan ko at mabilis na iwinagayway sa harapan nito ang aking kamay.
"A-Ayoko pa, Nathan. M-Masakit daw 'yon sabi ni Benjie. Baka hindi ako makapasok sa trabaho ng ilang araw." Halos maluha kong saad.
"What do you mean, mahal?" Naguguluhan nitong saad habang pasulyap-sulyap sa akin.
"H-Huh? A-Ah, wala! Charot lang 'yon. Umaakting lang ako," parang tanga kong saad dahil sa sobrang kahihiyan.
Upang hindi makita ang ekspresyon ng mukha ni Nathan, ibinaling ko na lang sa labas ng bintana ang aking tingin at napapikit ng mariin kasabay ng pagmumura ko sa aking isipan. Napasapo ako sa noo at paulit-ulit na umiling.
Ano bang pumasok sa utak ko at sinabi ko 'yon? Lintek, nakakahiya! Alam kong boyfriend ko siya kaya hindi dapat ako nahihiya pero... Argh! Baka isipin niya na iniisip ko 'yung pwedeng mangyari sa amin kaya ko nasabi 'yon.
Dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko, buong byahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nag-uusap pa rin naman kaming dalawa ni Nathan pero pinipigilan ko na huwag tumingin dito. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako at naabutan ang sarili na nakahiga sa sofa.
Habang nakahiga ay nakaamoy ako ng pagkain mula sa kusina. Umupo ako sa sofa at nagpalinga-linga sa buong paligid. Agad na nanlaki ang mga mata ko at napatayo nang mapagtanto ko kung nasaan ako. Dali-dali akong naglakad papunta sa kusina at nakita ko mula doon si Nathan na nagluluto.
Nakatalikod ito mula sa direksyon kung nasaan ako kaya naman hindi ako nito nakita. Dumoble ang panlalaki ng mata ko at bahagya pang napaawang ang labi dahil sa nakikita ko. Nakahubad-baro ito at tanging apron lang ang suot na pang-itaas. Bahagya akong nakaramdam ng panghihinayang dahil likuran lamang nito ang nakikita ko.
Dapat pati harapan para hindi ko na kailangan kumain. Katawan pa lang niya, busog na ako. Charot!
"Enjoying the view?"
Napaayos ako ng pagkakatayo no'ng marinig ang malalim na boses ni Nathan. Nakangisi ito habang deretsong nakatingin sa'kin. Hindi ko naman mapigilan na pamulahan ng mukha kaya imbes na salubungin ang ipinupukol nitong tingin, umiwas na lang ako at naglakad papunta sa lamesa 'tsaka umupo ako sa isang upuan.
Napansin ko ang paglapit ni Nathan sa kinaroroonan ko. Nakatayo na ito ngayon sa harapan ko. Itinukod niya sa lamesa ang kanyang dalawang palad 'tsaka bahagyang yumuko at pinipilit na kunin ang atensyon ko. Hindi pa ito nakuntento at malumanay na hinawakan ang baba ko 'tsaka iniangat. No'ng magtama ang mga mata namin, bigla itong ngumiti at agad na dinampian ng halik ang labi ko.
"Nahihiya ka pa rin hanggang ngayon sa'kin, mahal. It's been 5 months since you say yes. No need to feel shy sa tuwing kasama mo ako," sambit nito sa malambing na boses. Tumango na lang ako at sinuklian siya ng matamis na ngiti.
Muli itong bumalik sa pwesto niya kanina upang ipagpatuloy ang pagluluto. Ako naman ay nakatingin lang dito at sinusundan ang bawat galaw niya. Hindi ko maiwasan na kiligin dahil sa tuwing magkasama kami, ibang Nathan ang nakikita ko. Sobrang sweet niya to the point na pati asin ay lalanggamin. Maalaga rin siya at itinuturing akong reyna. Hindi rin siya nauubusan ng mga surpresa na nagiging dahilan para mahalin ko pa lalo siya ng lubusan. Wala naman akong pinagsisisihan dahil araw-araw rin naman niyang ipinaparamdam sa'kin kung gaano niya ako kamahal na labis kong ipinagpapasalamat.
Ang hiling ko lang ay walang sumira sa relasyon namin. Ngunit kung mangyayari man ang kinakatakot ko, handa akong tapusin ang meron sa amin, 'wag lang magkaroon ng sakitan.
Handa akong iwan siya... kung hihilingin niya.
Naputol ang pag-iisip ko nang maramdaman ko na may kamay na biglang humawak sa pisngi ko.
"Why are you crying? Hmm?" Nag-aalalang tanong ni Nathan habang pinupunasan ang pisngi ko. Hindi ko man lang napansin na lumuluha na pala ako dahil sa mga naiisip ko.
Umiling lang ako sa tanong ni Nathan at tahimik itong niyakap. Wala akong binitawang salita. Alam kong nagulat ito sa ginawa ko pero kalaunan ay niyakap rin ako nito ng mahigpit. Hinagod pa nito ang likod ko. Tumagal kami sa gano'ng posisyon ng ilang minuto bago namin naisipang kumain.
Nang matapos kaming kumain, ako na ang nagpresinta na maghugas. Habang si Nathan naman ay nagtungo sa dining area upang mag-ayos ng mga gamit na naka-kahon pa. Ito 'yung mga gamit na halatang kabibili pa lang at talagang hinintay niya pa na pumunta kami dito para maayos naming dalawa.
Pagkatapos kong maghugas ay nagtungo na rin ako sa dining area. Naabutan ko doon si Nathan na busy sa pag-aayos ng mga gamit. Pawisan ito habang seryosong nakatuon ang pansin sa kanyang ginagawa. Hinanap ko kung nasaan ang remote ng aircon at nang makita ay nilakasan ko ang temperature nito. Pagkatapos no'n ay naglakad ako papunta sa kinaroroonan ni Nathan at pinunasan ang pawis nito.
Habang pinupunasan ko siya ng pawis ay tuloy pa rin ito sa kanyang ginagawa. Pagkatapos kong punasan ang kanyang mukha, nagtungo naman ako sa kanyang likuran upang punasan ang likod niya. Napailing pa ako no'ng makitang basang-basa na ng pawis ang damit nito.
Hindi ko maiwasan na magtaka habang pinupunasan ito. Hindi naman kasi ako pinagpawisan habang naghuhugas ng pinggan pero itong lalaking 'to ay grabe kung pagpawisan. Akala mo'y tumakbo ito ng mahabang oras o kaya naman ay nag-gym.
"Maligo ka mamaya, hubby. Grabe ka kung pagpawisan," napapailing kong saad. "Hindi ka na lang sana nagsuot ng damit at hinayaang nakahubad-baro ka," dagdag ko pa.
"You want to see me naked?" Nakangisi nitong saad nang lingunin ako. Nagtaas-baba pa ang kilay nito.
"Hi-Hindi, ah! Tingnan mo kaya, oh. Basang-basa ka ng pawis, bukas naman ang aircon kanina." Tugon ko at pinigilan ang sarili na hindi mautal. Feeling ko naman ay nagawa ko iyon.
"Bukas nga, mahina naman. 'Tsaka, ang hirap ayusin nitong lamesa, wifey." Nagrereklamo nitong saad at muling ibinaling ang tingin sa guide kung paano buohin 'yung lamesa na binili niya.
Tumingin rin ako doon. Mabilis na kumunot ang noo ko dahil kahit ako ay hindi maintindihan ang mga nakasulat doon.
"Hindi naman tayo chinese kaya paano natin ito maiintindihan. Ipasara ko kaya 'yung shop na 'yon. Tsk!"
Nang marinig ang sinabing iyon ni Nathan ay pinalo ko kaagad ito sa braso. Napadaing naman ito at nagtatakang tumingin sa'kin.
"Baliw ka! Aalisan mo pa ng trabaho 'yung mga empleyado doon." Mataray kong saad. Hindi ito nagsalita at sinimulan na lang ulit ayusin ang lamesa. Tinulungan ko na lang ito upang 'di na magreklamo.
"Shit! Finally!" Sigaw ni Nathan nang matapos naming buohin ang lamesa.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nag-unat ng katawan. Gano'n rin ang ginawa ni Nathan, pagkatapos ay pabagsak na umupo sa sofa. Tumingin ito sa akin at tinapik ang tabi niya sinyales na maupo rin ako doon. Pagkaupo ko ay mabilis itong humiga at ginawang unan ang hita ko.
"Hindi ka ba muna maliligo? Makakatulog ka niyan," sambit ko habang pinagmamasdan ang mukha nito. Nakapikit ito kaya naman hindi niya nakikita ang ginagawa kong pagtingin sa kanyang mukha.
"Sabay na lang tayo mag-shower later," sagot nito na ikinalaki ng mata ko.
S-Sabay? K-Kami?
No!

Komento sa Aklat (14)

  • avatar
    PeriabrasRochelle

    next chapter plllsss

    15/08/2024

      0
  • avatar
    Angelo Geque

    At lastttt nahanap ulit account n’yo 😍😍

    01/09/2022

      0
  • avatar
    GasconAristal

    hahahah omegaverse btw update Po please .bitin eh

    20/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo