Homepage/Secretly Chasing The Governor [BL]/
Chapter 31
Chapter 31
Rainer Ada Montero
Pagkapasok na pagkapasok namin ni Nathan sa loob ng kanyang bahay, bumangad kaagad sa paningin ko ang mga maids na nakahanay sa magkabilang gilid. Sabay-sabay silang bumati kay Nathan, gano'n rin sa akin. Bahagya naman akong nagbow sa kanila bilang paggalang na rin.
"Ayos na po ba ang pinagawa ko sa inyo, Manang Rosing?" Pagtatanong ni Nathan sa may katandaang babae. Siguro ay ito ang head ng mga maids dito sa bahay niya dahil napansin ko na ito lang ang may naiibang kasuotan.
"Yes, Seniorito. Nakahanda na po ang lahat sa rooftop tulad ng sinabi niyo. Kayo na lang po ang hinihintay doon," magalang nitong tugon.
"Mabuti naman kung gano'n. Maraming salamat, Manang." Saad ni Nathan at binalingan ako ng tingin. Bigla nitong hinawakan ang kamay ko saka ako hinila paakyat ng hagdan.
"S-Saan tayo pu-pupunta?" Nauutal kong pagtatanong dahil sa kaba.
"Sa kwarto. Nagugutom ako kaya gusto kong kumain," sagot nito. Nakita ko kung paano umangat ang gilid ng labi nito, hudyat na may naiisip siyang kalokohan.
"H-Hindi ka nakakatuwa, Nathan! Uuwi na lang ako!" Sambit ko na naging dahilan para mataranta ito ng husto.
"Wifey naman. I'm just kidding po. Pupunta lang tayo doon dahil may importante akong kailangang kunin," saad nito habang hawak-hawak ang magkabila kong kamay.
"Sigurado ka na 'yon lang?"
"Yes, wifey. Promise 'yon lang. Kahit hintayin mo na lang ako sa labas ng pintuan para maniwala ka po," sagot nito at inangat pa ang kanang kamay. Tumango na lang ako na nagpangiti naman dito.
Muli kaming naglakad papunta sa kwarto niya. Nang makarating kami sa tapat nito, agad niya itong binuksan saka pumasok. Nanatili naman akong nakatayo dito sa labas at hindi makapag-desisyon kung papasok rin o hindi na. Sumilip na lang ako sa pinto upang ilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto niya. Hindi ko maiwasang mapanganga dahil sa sobrang laki nito. Halos pwede na itong gawin na dalawang kwarto dahil sa sobrang laki. May sarili pang banyo at walk-in-closet.
"Tumutulo na ang laway mo, wifey,"
Mabilis kong kinapa ang aking bibig nang marinig ang sinabing iyon ni Nathan. Tiningnan ko ito ng matalim dahil wala naman akong nakapa na laway. Tumawa lang ito habang nakahawak pa sa kanyang tiyan. Napairap na lang ako at muling pinagmasdan ang kwarto niya.
"Bakit ang laki ng kwarto mo? Ikaw lang naman ang gumagamit nito, 'di ba?" Pagtatanong ko kay Nathan at pumasok sa loob. Naisipan ko kasing libutin ang kwarto niya kaya napag-desisyunan kong pumasok.
"'Di mo sure," tugon nito kaya mabilis akong napalingon sa kanya na naniningkit ang mata at salubong ang kilay.
"Gusto mong maputulan ng kaligayahan, Nathan?"
Agad itong napahawak sa gitnang bahagi ng kanyang katawan at sunod-sunod na umiling dahil sa naging pagbabanta ko.
"Ang bilis talaga magbago ng mood mo, wifey. Nagbibiro lang po ako. Sa katunayan, ikaw pa lang ang nakakapasok dito sa kwarto ko. At, para sagutin ang tanong mo, pinasadya ko po ito para marami tayong pwesto kapag gumagawa ng babies," walang preno nitong saad na ikinalaki ng mata ko.
"S-Sinasabi mo d-diyan?!" Nauutal kong singhal dala ng kaba.
"What? It's true naman, e. Look!" Saad nito at itinuro ang buong kwarto niya. "Oh, 'di ba, ang lawak! Marami tayong pwesto, wifey. Pili ka na lang," nakangisi nitong dugtong no'ng lingunin ako.
Dumagundong ng mabilis ang dibdib ko at hindi makapaniwala sa mga sinasabi nito. Hindi ko inaasahan na gano'n kaagad ang iniisip niya. Hindi pa nga kami magkarelasyon pero paggawa na kaagad ng anak ang nasa isip niya. Jusko po!
"Uy, tulala siya! Iniisip mo na siguro kung saan magandang pumwesto, 'no, wifey? Suggest ko ay sa kama muna tayo para komportable ka,"
Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang kalokohan na sinabi ni Nathan. Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan, lalo na no'ng makita ko ang pagngisi nito. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pag-umbok ng gitnang bahagi ng katawan nito na nagpainit ng mukha ko. Dali-dali akong naglakad papunta sa pintuan. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit doon, mabilis na siyang humarang sa harapan ko.
Nagulantang ang buo kong pagkatao dahil sa biglaan nitong ginawa. Hinawakan nito ang likod ng ulo ko at dinampian ako ng halik sa noo. Pagkatapos no'n ay marahan nitong hinaplos ang aking mukha gamit ang isa niyang kamay habang nakatitig sa akin.
"Don't get mad, okay? I'm just teasing you, wifey. I don't want to ruin your mood because we have a dinner date later," masuyo nitong saad na naging dahilan para bumalik sa normal na tibok ang puso ko.
"Nakuha mo na ba ang sinadya natin sa kwarto mo?" Pagtatanong ko kay Nathan habang sabay kaming naglalakad paakyat sa rooftop nitong bahay niya.
Lumingon siya sa akin na may malapad na ngiti. "Yes, wifey." Pagsagot nito at kumindat pa.
Pagkatapak namin ni Nathan sa huling baitang ng hagdan, agad ako nitong pinigilan sa pagbubukas ng pinto. Kunot-noo ko itong tiningnan at napabuntong-hininga no'ng maglabas ito ng panyo.
"Na naman?"
Tanging pagngiti lang ang iginawad nito sa akin saka ako piniringan sa mata. Pagkatapos nitong piringan ang mata ko, binuksan na niya ang pinto ng rooftop at inalalayan akong pumasok. Sumalubong sa amin ang malamig na hangin kaya bigla akong napayakap sa aking sarili. Narinig ko naman ang mahinang pagmumura ni Nathan dahil siguro sa naging reaksyon ng katawan ko sa lamig.
"Hello, Manang. Paki-dala naman ho dito sa rooftop 'yung electric heater and also, the jacket na pinalaba ko. Thank you po." Mga salitang narinig ko mula kay Nathan hudyat na may kausap ito.
Ilang segundo lang ang lumipas, nakarinig ako ng yabag na papunta sa kinatatayuan namin ni Nathan.
"Sir, ito na po 'yung pinapakuha niyo."
"Salamat, Ate Gina. Maaari na kayong bumaba,"
utos ni Nathan sa dumating na kasambahay.
Narinig ko ang pagsara ng pinto dito sa rooftop at kasabay no'n ay ang pagpapasuot sa'kin ni Nathan ng jacket. Kahit papaano ay napawi no'n ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Nathan sa bewang ko at ang pag-alalay nito sa akin.
"Bawal pa bang tanggalin itong blindfold?" Pagtatanong ko nang makaupo kami.
"Shit! I forgot hehe," sambit ni Nathan bago ko narinig ang pagtunog ng upuan nito hudyat na tumayo siya. Naramdaman ko ang presensiya nito sa likuran ko at ilang saglit lang ay tinanggal na nito ang pagkakapiring ko.
Bumungad sa akin ang magandang set-up dito sa rooftop. Napapalibutan kami ng mga ilaw na nakahugis puso at nasa gitna nito ang table kung saan kami nakaupo. Para akong maluluha sa mga oras na ito dahil hindi ko inaasahan ang lahat ng 'to. Hindi ako makapaniwala na makaka-date ko sa gabing ito ang gobernador ng aming lugar.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na isang gobernador ang taong minamahal ko. Para bang lahat ng plano ko noon ay biglang nawala na parang bula. Hindi ko siguro kakayanin na ilahad sa publiko ang tunay niyang pagkatao, lalo na't parte na rin ako ng buhay niya. Ayokong masira ang reputasyon niya dahil lamang sa'kin.
Hihintayin ko na lamang ang araw na siya mismo ang magpakita at magpakilala sa mga tao.
"Do you like it?"
Napabalik ako sa reyalidad at tumingin kay Nathan na ngayon ay nakaupo na ulit. Gumuhit sa labi ko ang matamis na ngiti 'tsaka kinikilig na tumango. Napangiti ito.
"Akala ko hindi mo magugustuhan ang inihanda ko. Sayang sana ang effort ko na gawin ang lahat ng ito."
"I-Ikaw... Ikaw ang gumawa ng mga ito?!" Nanlalaki ang mata kong saad dahil sa pagkabigla. Napakamot ito sa kanyang batok bago tumango.
Nakamamanghang isipin na ang isang gobernador na gaya niya ay may itinatago palang ganitong side. Hindi ko akalain na magagawa niya ang ganitong bagay na siya lang mismo. Sa tingin ko ay may kasama siya sa pag-aayos ng mga ito, nahihiya lang siyang sabihin. Imbes na magtanong ay pinagsawalang-bahala ko na lang iyon.
May kasama man siya sa pag-aayos nito o wala, siguradong magugustuhan ko pa rin. Lalo na't siya ang taong makaka-date ko.
"Nabusog ako doon, ah." Masaya kong saad habang nakasandal sa upuan at hinihimas ang tiyan. Katatapos lang naming kumain ni Nathan at isa lang ang masasabi ko.
Sobrang sarap niya!
I mean 'yung pagkain na inihanda. Kasalanan 'to ni Benjie!
"May dessert pa tayo, mahal." Natatawang saad ni Nathan habang nakatingin ito sa'kin. Umawang ang labi ko dahil sa sinabi nito at mabilis na umiling.
"Ayoko na. Busog na ako. Balak mo ba akong katayin kaya pinapakain mo ako ng marami?" Salubong ang kilay kong pagtatanong. Tumigil ito sa pagtawa at sumandal sa kanyang inuupuan.
"Binubusog lang kita para marami kang lakas para mamaya," sabi nito at kinindatan pa ako.
Nagtaasan ang balahibo ko sa braso dahil sa ginawa nito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Anong ibig niyang sabihin? Bakit kailangan ko ng lakas? Ito na ba ang panahon para isuko ko ang aking sarili? Isusuko ko na ba ang bataan sa lalaking ito gaya ng sinabi ni Benjie noon?
"Rain?"
Napaigtad ako dahil sa gulat nang maramdaman ang paghawak ni Nathan sa balikat ko. Hindi ko man lang namalayan na nakatayo na ito sa gilid ko habang may nag-aalalang ekspresyon sa mukha. Siguro'y kanina pa nito tinatawag ang pangalan ko pero 'di ko narinig dahil sa pagiging okupado ng aking isipan.
"Are you okay? Natulala ka." Nag-aalala nitong pagtatanong 'tsaka lumuhod. Hinawakan pa nito ang kamay ko.
"A-Ayos lang ako. Don't worry," pagpapagaan ko sa loob nito 'tsaka hinaplos ang kanyang pisngi. Ngumiti ako ng matamis at hindi maiwasang kiligin.
Bakit ba ang gwapo nitong lalaking ito? Bagay na bagay sa kanya ang balbas dahil mas nakikita ang pagiging Daddy figure niya. Kapag sa iba kasi, parang gagawa ng masama. Joke!
Habang sinasaulo ko ang kabuuan ng mukha ni Nathan, bigla akong nakarinig ng music dito sa rooftop. Namatay ang lahat ng kandila na pumapalibot sa amin na naging sanhi upang dumilim ang paligid namin. Ngunit, ilang sandali lang ay biglang umilaw ang paligid sa tulong ng mga LED lights na nakadikit sa pader. Napaawang ang labi ko dahil hindi ko man lang napansin ang mga ito kanina.
Kung kanina ay maganda na ang set-up dito sa rooftop, ngayon naman ay mas lalo itong gumanda.
Napaangat ang tingin ko kay Nathan no'ng bigla itong tumayo. Nagtataka ko itong tiningnan, lalo na no'ng inilahad nito sa harap ko ang palad niya. Nang maproseso ng utak ko ang gusto nitong ipahiwatig, agad kong ipinatong sa palad niya ang kamay ko. Nakangiti niya iyong hinawakan at ginabayan ako sa pagtayo.
Nang makatayo ay mabilis nitong kinabig ang katawan ko. Naging dahilan iyon para magdikit ang katawan namin, lalo na ang aming mukha. Nagkatitigan kami ni Nathan at parehong natawa. Pinalo ko pa ito sa braso dahil sa pagiging pilyo nito.
Pinulupot nito sa likuran ko ang kanyang kamay habang ako naman ay nakahawak sa kanyang balikat. Nagsimula kaming sumayaw ng mabagal habang sinasabayan ang mahinang tugtog. Nakatingin lang kami sa isa't isa at hindi mawala sa ekspresyon ng mukha ang nag-uumapaw na kasiyahan.
"I love you, Rain." Puno ng sinseridad na saad ni Nathan.
"I love you too." Tugon ko na ikinangiti nito ng malapad.
Habang nagsasayaw kami ay biglang pumasok sa isipan ko ang plano ko ngayong gabi. Minsan lang mangyari ang ganitong bagay sa buhay ko kaya naman 'di ko na sasayangin ang pagkakataon na ito. Sa tingin ko ay ito na ang tamang oras para patigilin ko siya sa panliligaw. Huminga ako ng malalim at inihanda ang mga salitang bibitawan ko.
"May tanong ako, Nathan." Panimula ko.
"Ano po, mahal?" Puno ng kuryusidad nitong pagtatanong. Tumigil ito sa pagsasayaw kaya napatigil rin ako pero gano'n pa rin ang posisyon namin.
"Anong date ngayon?" Pagtatanong ko.
"May 2 po. Why?"
"May 2? Anniversary pala natin next year, ano?" Pagtatanong ko na may ngiti sa labi.
Nakatingin lang ako kay Nathan habang pinagmamasdan ang ekspresyon ng mukha nito. Nakakawili itong pagmasdan dahil halatang pinaprocess pa nito ang sinabi ko. Ilang sandali pa ay bigla nitong ibinaling ang tingin sa'kin na may nanlalaking mga mata.
"A-A-Anniversary?" Nauutal nitong pagtatanong at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
No'ng tumango ako ay bigla ako nitong niyakap at kasabay no'n ay ang pag-angat ng mga paa ko sa ere. Hindi naman ako magkanda-mayaw sa pagtawa dahil sa naging reaksyon nito. Nang lumapat ang paa ko sa semento, bigla itong yumakap sa akin ng mahigpit at pinaulanan ako ng halik. Pagkatapos no'n ay hinawakan nito ang pisngi ko at agad akong hinalikan sa labi.
"I love you, mahal. I love you so much." Sinsero nitong saad habang magkadikit ang aming noo.
"I love you more, My Governor." I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (14)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
next chapter plllsss
15/08/2024
0At lastttt nahanap ulit account n’yo 😍😍
01/09/2022
0hahahah omegaverse btw update Po please .bitin eh
20/08/2022
0Tingnan Lahat