Homepage/Secretly Chasing The Governor [BL]/
Chapter 30
Rainer Ada Montero
Ilang oras pa lang ang nakakalipas mula no'ng ihatid ako ni Nathan dito sa bahay. Kasalukuyan akong naghahanap ng susuotin para sa magaganap mamayang gabi. Mula kanina at hanggang ngayon ay hindi ko maitago ang saya na nararamdaman ko.
Pagkapasok ko nga kanina dito sa bahay ay nagtataka sina Mama at Papa kung bakit ang laki ng pagkakangiti ko. Pareho ko lang silang niyakap at hindi na sinagot pa. Umakyat rin ako kaagad pagkatapos ko silang yakapin habang kumakanta-kanta pa. Ewan ko pero ang saya lang sa pakiramdam dahil ito ang unang beses na may nag-aya sa akin na lumabas.
Hindi ako makapaghintay sa mga mangyayari. Excited na ako! Hindi ko mapigilan na banggitin sa aking isipan.
"Ano ba ang kadalasang sinusuot kapag nakikipag-date?" Tanong ko habang sinusuri ang mga inilatag kong ternong kasuotan sa kama. Napakamot ako sa aking ulo dahil wala man lang akong mapili mula sa mga ito. Parang lahat sila ay gusto kong suotin.
"Anak!"
Napaigtad ako dahil sa gulat nang marinig ang pagsigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. Mabilis kong hinila ang comforter ng kama at tinabunan ang mga damit na nakalatag. Kinalma ko ang aking sarili bago naglakad papunta sa pintuan saka ito binuksan.
"Ma, bakit po?" Pagtatanong ko.
"May ginagawa ka pa ba?" Balik nitong tanong.
Lumingon ako sa direksyon ng kama saka muling lumingon kay Mama at umiling. "W-Wala na po, Ma. Kakain na po ba?"
"Oo, 'nak. Bumaba ka na doon para makakain na tayo," pag-uutos nito saka nag-umpisang maglakad.
"Susunod na lang po ako, Ma. May aayusin lang po ako," sambit ko kaya napatigil ito sa paglalakad at napalingon sa kinaroroonan ko.
"Oh, siya sige. Sumunod ka na doon pagkatapos mo diyan," tugon nito na tinanguan ko naman.
Muli kong isinara ang pinto no'ng makababa na si Mama ng hagdan. Mabilis akong naglakad papunta sa kama at tinanggal ang comforter na nakataklob sa mga kasuotan na pinagpipilian ko. Pinasadahan ko ulit ng tingin ang mga ito saka dinampot ang napili kong susuotin.
"Bahala na!" Bulong ko sa aking sarili habang nakatingin dito. Inilatag ko ulit ito sa kama saka dinampot ang ibang mga damit at ibinalik iyon sa closet ko. Huminga ako ng malalim pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko. Bago lumabas ng kwarto ay nag-ayos muna ako ng sarili.
"Maupo ka na dito, anak, para makakain ka na rin," utos ni Mama nang makita nito ang pagdating ko. Tumango ako at umupo sa kabilang side ng lamesa.
Habang kami ay kumakain, hindi nawawala ang mga asaran at tawanan. Pasimuno sa pang-aasar ay si Papa na ang laging inaasar ay si Arkie tungkol sa pagbibinata nito. Parang kailan lang kasi, humihingi pa ito ng pasalubong sa amin pero ngayon ay hindi na. Sa sobrang bilis ng panahon, hindi ko man lang namalayan na lumalaki na ang dalawang bata na inaalagaan namin.
Si Annix ay tuluyan na naming kinupkop pero hindi ito pumayag na papalitan namin ang dinadala niyang apelyido. Wala naman kaming nagawa tungkol sa gusto nito dahil tama rin naman ang naging desisyon niya.
Sa tuwing nagkakausap kaming dalawa, ramdam ko na nasasaktan pa rin siya sa pagkawala ng Nanay niya, gano'n rin ang Tatay niya na nagpakamatay sa loob ng kulungan. Pero kahit maaga siyang nawalan ng mga magulang, araw-araw naming pinaparamdam sa kanya na nandito lang kami para gabayan at suportahan siya sa lahat ng gusto niya. Inamin niya pa nga sa akin na may gusto siya sa kapatid ko pero sikreto lang daw naming dalawa 'yon.
Dahil sa alaalang 'yon, napatingin ako sa pwesto nina Arkie at Annix at nakitang masiglang kumakain ang mga ito. Minsan ay nahuhuli kong nakatitig si Annix sa kiapatid ko pero agad rin itong umiiwas saka iiling. Napangiti na lang ako ng lihim dahil halata talaga sa mga mata nito na gusto niya nga ang kapatid ko.
Ipagpapatuloy ko sana ang pag-ubos sa pagkain, ngunit hindi ko na nagawa nang makarinig ako ng pagbusina ng kotse sa labas ng bahay. Dumagundong ng malakas ang dibdib ko nang maalala ang sinabi ni Nathan bago ito umalis kanina.
'Susunduin kita later, mahal. Be ready!'
Dahan-dahan akong tumingin kina Mama at Papa at halata sa mukha ng mga ito ang labis na pagtataka. Dahil sa ekspresyon ng mukha nila, doon ko nakumpirma na wala silang inaasahang bisita ngayong gabi. Ibig lamang sabihin no'n, si Nathan na nga ang taong bumubusina sa labas ng bahay.
Shit! Anong gagawin ko? Bakit pumunta siya kaagad? Gano'n ba siya ka-excited para sa date naming dalawa? Hindi pa nga ako nakakapag-ayos ng sarili tapos pumunta na siya kaagad. Kaasar naman!
"Arkie, silipin mo nga muna sa pinto kung sino 'yon." Narinig kong pag-utos ni Mama sa kapatid ko. Bago pa tumayo si Arkie, inunahan ko na kaagad ito.
"A-Ako na lang po, Ma. Kumakain pa po si Arkie, e," pagpresinta ko saka mabilis na naglakad papunta sa main door.
Huminga ako ng malalim bago ito binuksan. Lumabas ako ng bahay at naglakad papunta sa gate upang ito ay buksan.
"Diba mamaya pang gabi ang date na— M-Mom?!" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa taong nakatayo sa harapan ko. Kung kanina ay nakangiti ito ng malapad, ngayon ay napalitan iyon ng pagtataka. Mukhang pati ito ay nagulat rin dahil sa sinabi ko.
"M-Mom, g-good eveing po," nauutal kong pagbati sa totoo kong ina saka nagmano dito. Napansin ko ang paglapit sa amin ni Daddy na kakababa pa lang ng kotse. Bumaling ako ng tingin dito at binati rin ito.
"P-Pasok po kayo," pag-anyaya ko sa kanilang dalawa. Tumango si Daddy at nauna na itong pumasok. Si Mommy naman ay nananatiling nakatingin sa akin kaya hindi ko maiwasan na kabahan.
"Sinong ka-date mo mamayang gabi, hmm?" Pagtatanong ni Mommy sa malambing na boses. Parang bula na bigla na lang nawala ang kaba na nararamdaman ko dahil sa tono ng pananalita nito.
Napakamot ako sa aking ulo at nahihiyang ngumiti dito. Sasagutin ko na sana ang tanong nito pero bigla naman kaming tinawag ni Mama mula sa labas ng pinto.
"Kumare! Rain! Pumasok na kayo dito, dali."
Pareho kaming napalingon ni Mommy sa kinaroroonan ni Mama at sabay na naglakad. Nang makapasok kami sa loob, dumeretso kaagad kami sa kusina.
"Hindi man lang kayo nagsabi na pupunta pala kayo ngayon. Edi nakapaghanda sana ako ng marami," kamot-ulong saad ni Mama habang kumukuha ito ng mga pinggan.
"Hay nako, kumare. Biglaan lang din ang pagpunta namin dito. Namiss ko kasi itong anak ko kaya naman inaya ko 'yang si Luke para bumisita kami dito," tugon naman ni Mommy at nakangiting tumingin sa'kin.
"Mabuti na lang at napapayag mo si kumpare na pumunta dito? Halatang kauuwi pa lang niyan galing sa kompanya niyo, e," natatawang saad ni Mama at inabot sa akin ang pinggan na kinuha niya. Agad naman akong tumalima at inilapag ito sa harap nina Mommy at Daddy.
"Nako, kung alam niyo lang. Hindi ko pa nga naipapasok ang kotse sa gate, nakaabang na 'yang si Shenna sa labas at agad akong sinabihan na gusto niyang bumisita kami dito," naiiling na tugon ni Daddy kaya mahina itong napalo ni Mommy sa braso. "Why? Totoo naman 'yon, hon."
Inirapan lang ito ni Mommy.
Napuno ng tawanan ang hapag-kainan namin dahil sa hindi matapos-tapos na pag-aasaran nina Mommy at Daddy. Nakikinig lang naman ako sa usapan nilang lahat, hanggang sa napunta ito sa sinabi ko kanina no'ng dumating sila.
"Sino nga pala ang ka-date mo mamayang gabi, anak?"
Lahat ay napako ang tingin sa pwesto ko nang marinig ang tanong na nagmula kay Mommy. Nakakunot ang noo nina Mama at Papa, habang si Arkie naman ay pinipigilan ang pagtawa habang nakatingin sa akin. Sarap tirisin!
"Sino ang maswerteng tao na 'yan, hmm?" Pagsingit naman ni Daddy. "Kayo, kumpare? Kilala niyo ba kung sino ang ka-date ng anak nating lahat?"
Sabay na umiling sina Mama at Papa habang nananatiling nakatingin sa akin. Lihim akong napalunok dahil muling bumalik ang kaba na nararamdaman ko kanina.
Akala ko "why should we hire you?" lang ang mahirap sagutin, pero bakit pati ang tanong ni Mommy, hindi ko masagot? Paano ko malulusutan ang tanong nila?
Naputol ang pag-iisip ko nang may narinig kaming pagbusina ulit ng kotse mula sa labas ng bahay. Agad na tumayo ang mga magulang ko at sabay-sabay na naglakad palabas ng kusina. Napatayo rin ako dahil pakiramdam ko'y si Nathan na ang taong dumating.
Sinundan ko ang mga magulang ko paglabas ng bahay at nang makarating kami sa tapat ng gate, agad iyong binuksan si Daddy. Bumungad sa amin ang nakaporma na si Nathan habang may hawak pa itong bulaklak. Kitang-kita sa mukha nito ang gulat nang makita ang mga taong nasa harap niya.
"G-Good e-evening po," nauutal na pagbati ni Nathan sa mga magulang ko at bahagya pang nagbow. Ramdam ko ang kaba na nararamdaman niya sa mga oras na ito.
"Para ba sa anak namin ang bulaklak na 'yan?" Seryosong pagtatanong ni Daddy kaya nakita ko ang mariing paglunok ni Nathan at halatang naguguluhan.
Tumingin ito sa direksyon ko pero tanging pagngiti lamang ng tipid ang nagawa ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin para mailayo siya mula sa mga magulang ko dahil pareho lang kaming kinakabahan. Muli nitong ibinalik ang tingin sa mga magulang ko at marahang tumango.
"Y-Yes, Sir." Tugon nito na medyo nautal pa.
"Hindi naman patay ang anak namin, bakit may bulaklak kang ibibigay?" Muling pagtatanong ni Daddy. Bago pa man magisa ng mga tanong si Nathan, sumingit na ako kaagad sa usapan kaya sa akin napunta ang tingin nila.
"B-Bakit hindi po muna tayo pumasok sa loob? M-Mas maganda po doon mag-usap... hehe," suhestyon ko kaya nagkatinginan silang lahat at sabay-sabay na tumango. Napatingin naman ako kay Mommy dahil sa pagiging tahimik nito.
Nakakapanibago. Bakit bigla siyang naging tahimik?
"Oh, siya! Pumasok muna tayo sa loob," pagsang-ayon ni Daddy saka binalingan ng tingin si Nathan. "Marami pa akong itatanong sa'yo, Mister, kaya ihanda mo 'yang sarili mo," dugtong pa nito na may himig ng pagbabanta.
Sabay-sabay silang naglakad papunta sa bahay habang kami naman ni Nathan ay naiwan dito sa labas ng gate. Napatingin ako dito nang marinig ang pagbuntong-hininga nito ng malalim. Napapunas rin ito ng noo.
"Ah! For you, Rain." Sambit nito at inabot sa akin ang bulaklak na kanina pa niya hawak. Napangiti ako at tinanggap ito.
"T-Thank you," nauutal kong pasasalamat dahil sa kilig na nararamdaman. Pasimple kong inamoy ang bulaklak at mas napangiti ng malapad dahil amoy na amoy ko dito ang pabango na ginagamit niya.
"Who are they, mahal?"
Napatigil ako sa pag-amoy sa bulaklak nang marinig ang tanong na 'yon ni Nathan. Nakatingin ito sa main door bago ibinaling ang tingin sa'kin.
"My biological parents," sagot ko.
"Ahhh," tumango-tango ito at maya-maya lang ay napatigil habang nanlalaki ang mga mata. Siguro'y ngayon lang na-proseso ng utak niya ang sinabi ko. "W-What?! They are your real parents? H-How?" Naguguluhan nitong pagtatanong.
"I'll tell you later. Sa ngayon, pumasok na muna tayo sa loob dahil sigurado akong naghihintay na sa'yo ang mga maiinit na katanungan," saad ko na may halo pang pananakot. Hindi ko maiwasan na mapangisi dahil sa paglunok nito.
Sabay kaming naglakad papasok ng bahay at sa pagpasok namin, mga seryosong mukha ang bumangad sa paningin namin. Nakaupo ang dalawa kong pamilya sa sofa habang nakatingin sa amin. Nagkatinginan kami ni Nathan at sabay na napalunok.
"Paupuin mo dito ang bisita mo, Rain," maawtoridad na saad ni Daddy at itinuro ang bakanteng sofa na napapalibutan nila. "Tapos ikaw naman, umakyat ka sa taas at mag-ayos ng sarili. Bago kayo makalabas niyang bisita mo, kailangan muna niyang masagot ang mga tanong namin."
Hinawakan ko sa braso si Nathan at marahan itong pinisil. Ngumiti ako at tumango. Naglakad ako paakyat ng hagdan pero mabagal lamang iyon. Bumilis lang ang pag-akyat ko nang marinig ang pagsigaw ni Daddy.
Nakakatakot pala siya kapag seryoso. Sambit ko sa aking isipan nang makapasok ako sa loob ng kwarto.
Sumandal ako sa pinto at tinapat ang tenga doon. Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil wala man lang akong marinig na pag-uusap mula sa baba. Naglakad ako papunta sa kama at tiningnan ang susuotin ko para sa date namin ni Nathan. Habang nakatitig dito, hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Napailing ako saka ipinatong sa kama ang bulaklak at naglakad papunta sa banyo upang makapag-ayos na ng sarili.
Habang nakaharap ako sa salamin at nag-aayos ng buhok, nakarinig ako ng pagkatok sa pinto. Naglakad ako papunta sa pintuan saka ito binuksan. Bumangad sa paningin ko si Mama at Mommy na malapad ang pagkakangiti.
"Tapos ka na ba mag-ayos, anak?" Pagtatanong ni Mama.
Naguguluhan man sa nangyayari, umiling na lang ako bilang sagot sa tanong nito. Ang weird nila. Ano kaya ang napag-usapan nilang lahat sa baba? Bakit ganito na lang kung makangiti ang dalawa kong ina?
"Nako, anak! Bilisan mo ang pag-aayos. Hindi mo dapat pinaghihintay ang manliligaw mo, lalo na kung gano'n kagwapo at kakisig," saad ni Mommy.
"A-Ah—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol na kaagad iyon ni Mommy.
"Dali na! Bilisan mo ang pag-aayos tapos sumunod ka kaagad sa baba, ha. Naghihintay si Nathan doon," saad nito bago sila sabay na naglakad ni Mama pababa. Nagbubulungan pa silang dalawa habang bumababa at halatang kinikilig sa pinag-uusapan.
Napakamot na lang ako sa aking ulo at muling isinara ang pinto. Tulad ng sinabi ni Mommy, binilisan ko ang pag-aayos ng sarili. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto saka bumaba.
Pagkababa ko ng hagdan, bumangad kaagad sa pandinig ko ang tawanan na nagmumula sa dalawa kong magulang at kay Nathan. Tumikhim ako na naging dahilan para mapunta sa akin ang atensyon ng mga ito. Agad na tumayo si Nathan saka nagpaalam sa mga magulang ko. Ngunit ang gumulat sa buo kong pagkatao ay ang itinawag nito sa kanila.
"Aalis na po muna kami, mga Mama at Papa. Ibabalik ko rin po kaagad dito ang anak ninyo pagkatapos ng aming date," nakangiting pagpapaalam ni Nathan.
"Ano ka ba, hijo! Ayos lang kahit bukas mo na iuwi ang anak namin. Alam naman naming nasa mabuti siyang kamay," tugon ni Mommy at sabay-sabay silang tumawa. Napakamot naman ng batok si Nathan at sumulyap sa kinatatayuan ko.
Kasalukuyan na kaming bumabyahe ni Nathan papunta sa lugar kung saan kami magdi-date. Kanina ko pa napapansin ang ngiti nito na hindi man lang nawala. Pakiramdam ko ay may napag-usapan sila ng mga magulang ko kaya hindi mawala-wala ang ngiti niya. Dala ng kuryusidad, hindi ko na napigilan ang aking sarili na magtanong.
"Ano palang pinag-usapan niyo ng mga magulang ko?"
Saglit itong sumulyap sa akin at muling ibinalik ang tingin sa daan. Gabi na kaya naman kailangan naming mag-ingat.
"Sinabi lang nila sa akin 'yung tungkol sa kanila, mahal. Napansin siguro nila na naguluhan ako kanina dahil sa biglaang pagtatanong ni Papa," sagot nito.
"'Yon lang?" Taas-kilay kong tanong. Bigla nitong hinawakan ang kamay ko na hindi tumitingin sa akin saka iyon itinaas papunta sa tapat ng labi niya at hinalikan ang likod nito.
"Huwag ko daw po sabihin sa'yo ang napag-usapan namin, e. Kapag sinabi ko, hindi na sila boto sa akin," sagot nito at muling hinalikan ang likod ng kamay ko.
"Damot!" May pagtatampong saad ko. Mahina naman itong tumawa.
"Nandito na ba tayo?" Nagtataka kong pagtatanong kay Nathan no'ng tumigil ang kotse namin sa gilid ng kalsada. Sumilip ako sa bintana pero wala naman akong makitang restaurant o kahit anong kainan, kung hindi mga naglalakihang bahay lang.
"5 minutes pa bago tayo makarating doon kaya naman kailangan na kitang suotan ng blindfold," narinig kong pagsagot nito kaya agad akong napatingin dito. Bigla niya namang isinuot sa akin ang isang blindfold.
"W-Wait! P-Para saan 'to? Bakit kailangan pa nito, Nathan?" Sunod-sunod kong pagtatanong habang itinatali nito sa likod ng ulo ko ang magkabilang dulo ng panyo.
"Shhh! Quiet, mahal. Sigurado akong matutuwa ka kapag nakarating na tayo doon," sagot nito at inumpisahang muli na paandarin ang kotse. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan itong magmaneho.
Sana lang walang kalokohang naiisip ang siraulo na 'to. Bakit pa kasi kailangan nito? Pwede namang wala na.
Lumipas ang ilang minuto, naramdaman ko ulit ang pagtigil ng kotse. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse, hudyat na lumabas si Nathan. Maya-maya lang ay pinto naman sa gilid ko ang narinig kong bumukas, kasabay no'n ang paghawak ni Nathan sa kamay ko. Inalalayan ako nitong bumaba dahil hindi ko naman kaya kasi nga naka-blindfold ako.
"We're here, mahal." Narinig kong saad ni Nathan bago nito tinanggal ang suot kong blindfold.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkamangha habang nakatingin sa malaking bahay na nasa harap namin. Bahagya pang umawang ang aking labi dahil sa sobrang laki nito. Ngunit mas dumoble ang panlalaki ng mata ko, lalo na no'ng sinabi ni Nathan kung kanino ang bahay na 'to.
"Welcome to my house, Rain. Dito natin gaganapin ang ating first ever date, kaya naman sana ay maging masaya ka sa gabing ito."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (14)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
next chapter plllsss
15/08/2024
0At lastttt nahanap ulit account n’yo 😍😍
01/09/2022
0hahahah omegaverse btw update Po please .bitin eh
20/08/2022
0Tingnan Lahat