Chapter 28

Rainer Ada Montero
Kinabukasan ay muli akong nagising na may ngiti sa labi. Puno ng saya ang puso ko dahil sa wakas ay nakilala ko na ang mga tunay kong magulang. Nakapag-usap na rin kami kahapon at naitanong ko na sa kanila ang mga katanungan na matagal kong kinimkim.
Nalaman ko rin kahapon mula sa kanila na may mga kapatid ako, pero nasa Canada ang mga ito. Si Ate Gabriela Wills ang panganay na ngayon ay happily married na at may dalawang anak. Ang bunso naman ay si Lucas Oah Wills na kasalukuyang nag-aaral sa isang all boys school sa Canada.
Sobrang saya ko no'ng nagkwento sina Mama at Papa tungkol sa mga kapatid ko. Nakakatuwa lang isipin dahil may dalawa na akong kinikilalang pamilya.
Habang nag-aayos ako ng kama ay bigla kong naalala ang sinabi ng tunay kong mga magulang. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ang alok nila na sumama sa kanila papuntang Canada. Hindi ko kasi kayang iwan ang mga taong nagpalaki sa akin. Kahit gusto kong makasama ang tunay kong mga magulang, sa tuwing naiisip ko naman sina Mama't Papa ay hindi ako makapag-desisyon.
Idagdag pa ang panliligaw ni Nathan kaya hindi talaga ako makapag-desisyon ng maayos. Sasabihin ko na lang siguro sa kanila ang desisyon ko kapag muli silang bumisita dito sa bahay. Sa ngayon ay itutuon ko muna ang buo kong atensyon sa lalaking 'yon.
Napabalik ako sa reyalidad no'ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko ito sa ibabaw ng lamesa. Napangiti ako no'ng mabasa ko ang pangalan ni Nathan. Walang pagdadalawang-isip ko itong sinagot at itinapat sa'king tenga.
"Good morning!" Masiglang pagbati ko dito.
"Good morning, Ma Moitié!" Tugon nito at napahikab pa. "I'll pick you up later, hm. Gusto kitang ihatid sa kompanya na pinapasukan mo."
Napangiti ako no'ng marinig ang sinabi niya. Pakiramdam ko'y bumalik ako sa pagiging teenager dahil sa ginagawa nito. Hindi naman na niya ako kailangan pang ihatid papunta sa trabaho dahil sanay naman akong mag-commute. Ngunit, sa palagay ko ay ayos rin ang sinabi niya dahil ginagawa naman 'yon ng ibang nanliligaw. 'Yung iba nga ay hatid-sundo pa.
"Sige po. Hintayin kita," tugon ko na may ngiti sa labi.
Nag-usap pa kaming dalawa ng matagal hanggang sa napagpasiyahan naming mag-ayos na ng sarili. Nakalimutan ko pa ngang sabihin sa kanya 'yung tungkol sa tunay kong mga magulang. Siguro ay sa susunod na lang o kaya mamaya, tutal susunduin niya naman ako.
Nandito na ako sa labas ng bahay at kasalukuyang inaabangan ang pagdating ni Nathan. Nag-text ito na nasa byahe na daw siya at sinabi niya rin na siya mismo ang nagmamaneho ng kotse na labis kong ipinagtaka. Sa tuwing nagkikita kasi kami lagi siyang may kasamang bodyguard tapos ngayon, siya lang mag-isa. Sinabihan ko na lang ito na mag-ingat siya sa byahe, lalo na kung hindi siya sanay magmaneho.
Habang naghihintay ako kay Nathan, napatingin ako sa gate ng aming kapitbahay no'ng lumabas mula doon si Bronimir. Nakasuot ito ng white long sleeves na naka-tucked in sa kulay itim nitong slacks habang bitbit naman sa isang kamay ang coat na kulay itim.
Naglakad ito papunta sa kinatatayuan ko no'ng makita ako. Humalimuyak ang bango nito no'ng makalapit sa akin. Para tuloy itong naligo ng pabango.
"Mukhang may lakad ka, ah. Grabe kung maka-porma, e. Sinong ka-date?" Pagbibiro ko na nagpatawa dito at napakamot pa sa ulo.
"Ikaw sana kung papayag lang sila Madam."
Mabilis na kumunot ang nodahidahil sa sinabi nito. Hindi ko alam kung alin ang papansinin ko sa sinabi niya. Medyo na-intriga kasi ako doon sa sinabi niyang "madam". Pakiramdam ko'y nagtatrabaho siya sa isang pamilya dahil gano'n naman minsan ang tawag sa ibang amo.
"Oh, natameme ka? Kilig ka 'no?" Pang-aasar ni Bronimir at sinundot pa ang tagiliran ko. Dala ng kiliti ay hindi ko napigilan na matawa.
"Gago! Kilig mo mukha mo!" Singhal ko at napailing.
Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ko no'ng makita ko ang kotse na laging ginagamit ni Nathan. Hindi ko man lang namalayan na nakaparada na ito sa harapan namin habang nakabukas ang bintana at seryosong nakatingin sa aming dalawa ni Bronimir.
Napalunok ako no'ng bumaba ito at naglakad papunta sa gilid ko. Naramdaman ko ang paghawak nito sa aking bewang saka ako hinapit padikit sa kanya. Tiningala ko ito ng tingin at pinaningkitan ng mata. Hindi ako nakakuha ng sagot mula dito dahil halik sa labi ang aking nakuha.
Ngumisi ito saka binalingan ng tingin si Bronimir. Yumuko naman ako no'ng maramdaman ang mabilis na pag-iinit ng mukha dahil sa ginawa nito. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa sa mga oras na ito.
Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili bago nag-angat ng tingin. Nagpapalit-palit ang tingin ko kina Nathan at Bronimir no'ng makita kong pareho silang nakatingin sa isa't-isa at may matalim na tingin.
"Ehem!" Pagtikhim ko upang putulin ang pagtitinginan nila, pero hindi man lang sila natinag. Sinubukan ko ulit tumikhim at sa pagkakataon ay nilakasan ko.
"Ehem! Ehem!"
Nakahinga ako ng maluwag no'ng maputol ang pagpapalitan nila ng matalim na tingin. Umiwas ng tingin si Bronimir, habang si Nathan naman ay tumingin sa'kin. Napailing ako at inikutan ito ng mata. Napatingin ako kay Bronimir no'ng tawagin nito ang pangalan ko.
"I'll go ahead. Baka hinihintay na nila ako," pagpapaalam nito. Hindi pa man ako nakakasagot ay tumalikod na ito sa amin saka naglakad papunta sa kinaroroonan ng kotse niya.
Pinagmasdan ko na lang ang pag-alis ng kotse nito. No'ng makalayo ang sasakyan ni Bronimir, inalis ko na ang kamay ni Nathan na nakahawak sa bewang ko saka ito hinarap. Taas-kilay ko itong tiningnan habang nakapamewang.
"Anong pakulo 'yon, mister?" Pagtatanong ko.
"Why?! Nilalandi niya ang asawa ko kaya hindi ako papayag! That f*cker!"
Umawang ng bahagya ang labi ko dahil sa biglaan nitong pagsigaw. Ramdam na ramdam ko ang galit sa boses nito. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil ngayon ko lang siya nakitang nagselos.
O baka naman nagselos na rin siya noon kaso nga lang hindi pa siya nanliligaw. Pero ang kapal naman ng mukha ko kung mag-a-assume ako na nagselos na siya noon. Sambit ko sa aking isipan.
Napabalik ako sa reyalidad no'ng marinig ko ang pagbagsak ng pinto no'ng kotse ni Nathan. Nakita ko itong nasa loob na habang masama pa rin ang awra na bumabalot dito. Naglakad ako paikot sa harapan ng kotse nito papunta sa kabilang pinto saka sumakay.
Nagsuot kami pareho ng seatbelt bago niya pinaandar ang kotse. Wala itong imik habang nagmamaneho, seryoso lang itong nakatingin sa unahan pero mahahalata ang diin ng pagkakahawak nito sa manibela. Sa tingin ko ay galit pa rin ito hanggang ngayon.
Huminga ako ng malalim at nag-isip ng paraan upang hindi na ito magalit o magselos. Kinulbit ko ito sa braso pero hindi ito lumingon sa akin.
"Huwag kang magulo, nagmamaneho ako." Malamig nitong saad. Para akong sinaksak ng maraming kutsilyo dahil sa pakikitungo nito.
"Sige, bahala ka diyan." Saad ko saka sumandal sa upuan. Tumingin ako sa bintana at doon na lang itinuon ang buong atensyon.
Maglalambing na nga 'yung tao tapos gano'n ang pakikitungo niya? Bahala siya! Hindi na ako mag-aaksaya ng oras para lambingin siya. Naiinis kong saad sa aking isipan. Pasimple kong sinilip si Nathan at inirapan ito nang makitang hindi man lang ito tumitingin sa'kin.
Nang makarating kami sa parking lot ng kompanya, agad kong tinanggal ang seatbelt na suot ko. Hinawakan ko ang bukasan ng pinto at tangka ko na sana itong bubuksan kaso mabilis akong pinigilan ni Nathan. Hawak nito ang braso ko kaya napalingon ako dito.
Hinila ako nito at kinulong sa kanyang braso. Hinalikan nito ang noo ko habang yakap ako ng mahigpit. Kahit naiinis ay tinugon ko ang yakap nito.
"Sorry na sa pakikitungo ko kanina, Ma Moitié. Oo, aaminin ko na nagseselos ako sa aking nakita kanina kaya ako gano'n. Pero aside from that, gusto ko lang makarating tayo ng ligtas kaya todo focus ako sa pagmamaneho. Ayoko kasing may mangyaring masama sa asawa ko," saad nito habang hinahaplos ang buhok ko.
"Sorry rin po kung nagselos ka sa nakita mo kanina. Hindi mo naman kailangan magselos, e, dahil simula pa lang ay sa'yo na ako." Tugon ko at kumalas sa pagkakayakap.
Pinulupot ko sa batok nito ang aking braso at pinatakan ng halik ang labi nito. Gumuhit sa labi nito ang matamis na ngiti dahil sa ginawa ko. Napansin ko rin ang pamumula ng tenga nito.
No'ng makaalis ang sinasakyang kotse ni Nathan ay naglakad na ako papasok ng kompanya. Binati ko ang mga kapwa ko empleyado na nadadaanan ko habang papunta sa elevator.
Nang makarating ako sa opisina namin, unang bumungad sa akin ay ang mukha ni Leah na nakasandal sa cubicle ko. Kumunot ang noo ko at hindi makapaniwala na hanggang ngayon ay nandito pa rin siya. Mukhang napansin nito ang pagdating ko dahil bigla itong tumigil sa paggamit ng cellphone at tumingin sa direksyon ko.
Nakangisi ito habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. Nang makarating nito ang kinatatayuan ko, isang malakas na sampal ang natanggap ko mula dito. Napasinghap ang mga katrabaho namin dahil sa gulat, habang ako naman ay napahawak sa'king pisngi. Naramdaman ko ang pamamanhid nito at nalasahan ang dugo sa ibabang labi.
"Pumasok lang talaga ako sa bulok na kompanyang ito para ibigay 'yan sa'yo, Rain. Sa totoo lang, kulang pa 'yan. Kaya dapat mong abangan ang mga susunod ko pang gagawin." Saglit itong tumigil sa pagsasalita at hinawakan ang panga ko. Napadaing ako dahil sa mariin nitong pagkakahawak.
"Uumpisahan ko sa taong mahal mo, Rain. Walang iba kung hindi si Governor Nate Boromeo," nakangisi nitong dugtong at patulak na binitawan ang pagkakahawak sa aking mukha.
Tumingin ako sa paligid at kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang hindi nila narinig ang pangalan na binanggit ni Leah. Lahat kasi sila ay nagkumpulan sa isang tabi habang nakatingin sa amin, halatang umiiwas sa gulo na maaaring mangyari.
Ibinaling ko ang aking tingin sa babaeng bruha na nasa harapan ko at ngumisi rin dito.
"Go, b*tch. Tingnan na lang natin kung magagawa mo siyang makuha mula sa'kin. Ihanda mo na rin ang sarili mo... dahil hindi mo kilala ang binabangga mo," sambit ko saka naglakad papunta sa aking cubicle, binunggo ko pa ang balikat nito.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay mabilis nitong kinapitan ang buhok ko.
"Hindi pa ako tapos! Bwiset kang bakla ka!" Singhal nito habang sinasabunutan ako.
Todo daing naman ang ginagawa ko habang inaalis ang pagkakahawak nito sa aking buhok. Narinig ko ang mga ingay mula sa paligid namin at halatang natataranta ang mga ito. Gustuhin ko man na patulan ang pananabunot sa akin ni Leah pero kahit papaano naman ay may respeto ako sa mga babae. Ayokong masira ang reputasyon ko dito sa kompanya dahil lang pinatulan ko ang baliw na 'to.
"What's happening here?!" Dumagundong sa apat na sulok ng opisina ang nakakabinging sigaw ni Mr. Sanchez.
Binitawan ni Leah ang pagkakahawak sa buhok ko at hinarap ang Boss namin. Naramdaman ko naman ang paghawak nang kung sinong tao sa balikat ko. Tumingin ako sa direksyon ni Boss at halatang nagulat ito nang makita si Leah.
"What are you doing here in my company, Ms. Bautista?! Paano ka nakapasok dito?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Mr. Sanchez. Tumingin ito sa isa naming katrabaho at sinenyasan na bumaba upang tawagin ang guard.
"Bakit? Masama bang bumisita dito sa bulok mong kompanya na pinamumugaran ng mga salot sa lipunan?" Panghuhusga ni Leah at tumingin pa sa'kin saka ako inirapan.
Gandang tanggalan ng mata. Nanggigigil kong saad sa aking isipan.
"Are you okay?"
Napatingin ako sa aking tabi kung saan nakatayo ang taong nakahawak sa magkabila kong balikat. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na lumayo mula dito. Kahit nakasuot ito ng face mask at shades, kilalang-kilala ko kaagad ang boses nito.
"Anong ginagawa mo dito, Nathan?" Bulong ko at pinaningkitan ito ng mata. Tumingin ako sa mga katrabaho namin at lahat sila ay nakatingin sa lalaking nasa tabi ko. Ang iba naman ay nakikita kong nagbubulungan.
"Later ko na lang ipapaliwanag, Rain. For now, fix your hair. We will talk later, okay? Nasa office lang ako ni Mr. Sanchez," saad nito sa mahinang boses.
Nahuli kong nakatingin sa amin si Leah habang nakakunot ang noo. Siguro'y nagtataka kung bakit kami nagbubulungan ng lalaking ito. Ginantihan ko ito ng pag-irap at itinuon ang tingin kay Nathan.
"Omygosh! What's happening here? Hoy, bruhalditang p*kpok! Anong ginawa mo sa kaibigan namin? Bakit namumula ang pisngi niya? Sinampal mo, 'no? Kapal talaga ng p*kpek mong p*ta ka! Masagasaan ka sana mamaya ng 10 wheeler truck!"
Lahat kami ay napalingon nang marinig ang malakas na boses ni Benjie. Nasa likuran nito sina Mika, Bryan at Lester na pinagsasabihan siyang tumigil. Tinabig lang nito ang kamay ng boyfriend niya at naglakad papunta sa harap ni Leah.
"Kung makaasta ka akala mo ang ganda mo na? Hoy, nene! Ang chaka mo! Walang halong biro pero kamukha mo si Imaw ng Encantadia!"
Lahat ay nagtawanan no'ng marinig ang sinabing iyon ni Benjie. Hindi ko maintindihan kung saan ito kumukuha ng lakas ng loob para sabihan ng gano'n si Leah. Sinenyasan ko sina Mika at Bryan na lumapit sa'kin. Nakuha naman nito ang senyas ko.
"Anong nakain niyan? Bakit parang ang lakas ng loob niya ngayon?" Naguguluhan kong pagtatanong.
"Nako, Rain. Ganyan talaga kalakas ang loob niyan kapag nakakainom ng alak. Siraulo ang bakla dahil uminom muna ng alak bago pumasok dito." Naiiling na saad ni Mika habang nakatingin kay Benjie na ngayon ay kumakawala mula sa pagkakahawak ni Lester.
Bigla itong napalingon sa direksyon namin at napanganga no'ng bumaling ang tingin sa lalaking nasa tabi ko. Nakakarinding tili ang kumawala sa bibig nito saka mabilis na naglakad papunta sa amin.
"Ehe! Hello, Fafa! I'm Benjie and you are? Ay huwag mo na pala sagutin kasi alam ko na kaagad ang sagot... You are my future husband. Sheesh!" Saad nito na nagpailing sa'kin. Bigla kaming natawa nina Mika at Bryan no'ng magsalubong ang kilay ni Lester dahil sa narinig.
"Bakit ang landi ko? May boyfriend na nga pala ako tapos ang laki pa ng t*te. Rawr!" Walang pakundangan na saad ni Benjie dahilan para manlaki ang mga mata naming lahat. May narinig pa akong nagsabi na "share naman" kaya binalingan ito ni Benjie ng matalim na tingin.
"Hindi ako caring kaya walang sharing na magaganap. Tadyakan ko bahay-bata mo diyan, e!"
"Shit naman! Baby, tumigil ka na nga sa kakadaldal. Nagagalit na si Boss." Pagsaway ni Lester sa jowa niya na walang tigil sa pag-iingay. Hindi na ito nakapagtimpi kaya tinakpan na niya ang bibig nito gamit ang isang kamay.
"B-Boss?"
Napatingin ang lahat sa guard no'ng dumating ito. Kitang-kita sa mga mata nito ang kaba na nararamdaman.
"Sino ang nagsabi sa'yo na pwede mong papasukin ang tao na 'to dito sa kompanya ko?" Galit na pagtatanong ni Boss. Nahalata ko ang panginginig nito dahil siguro'y ito ang unang beses na mapapagalitan siya ng amo namin.
"H-Hindi ko ho alam na n-nakapasok siya, Boss. Wala ho kasi ako sa pwesto ko kanina dahil nagbanyo muna ako saglit. Pasensya na ho." Paghingi nito ng tawad at hindi magawang tumingin kay Boss.
"Ayoko ng maulit ito. Sa susunod na makita ko ang babae na 'to na nandito sa loob ng kompanya ko, lahat kayo ay tatanggalan ko ng trabaho. Palabasin mo yan!" Seryosong saad ni Boss at maawtoridad na inutusan ang guard upang ilabas si Leah.
Lumapit ang guard sa kinatatayuan ni Leah. Akma niya sana itong hahawakan pero tinabig nito ang kamay niya.
"Don't touch me dahil kaya kong maglakad mag-isa." Mataray na saad ni Leah. Bago ito maglakad palabas ng opisina namin, hinarap muna ako nito saka ngumisi.
"Hindi pa tayo tapos, Rain. Hindi pa dito natatapos ang paghaharap natin. May mga susunod pa kaya ihanda mo rin ang sarili mo dahil sigurado akong masasaktan ka ng lubusan."

Komento sa Aklat (14)

  • avatar
    PeriabrasRochelle

    next chapter plllsss

    15/08/2024

      0
  • avatar
    Angelo Geque

    At lastttt nahanap ulit account n’yo 😍😍

    01/09/2022

      0
  • avatar
    GasconAristal

    hahahah omegaverse btw update Po please .bitin eh

    20/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata