Homepage/Secretly Chasing The Governor [BL]/
Chapter 27
Rainer Ada Montero
"Woah! Paano mo nalaman kung nasaan ang bruhalditang Leah na 'yon, Rain?" Nabibilib na pagtatanong ni Benjie.
Nandito kaming lima sa isang fast food restaurant upang magpalipas ng oras. Bago kasi umalis si Boss kasama si General Monroe at ang mga pulis, sinabihan kami nito na wala muna kaming pasok ngayong araw. 'Yung iba naming katrabaho ay nagsi-uwian na, samantalang 'yung iba naman ay may sari-sariling lakad na pinuntahan.
Uuwi na nga rin dapat ako kanina para makapagpahinga, kaso pinigilan ako ng apat na 'to. Wala na akong nagawa no'ng hilahin na nila ako papunta dito sa fast food restaurant. At ngayon nga ay tinatanong nila kung paano ko nalaman ang lokasyon nang kinaroroonan ni Leah.
"Connection," simple kong tugon na nagpalaki sa mga mata nila. Nakatingin silang apat sa akin at parang hindi makapaniwala sa kanilang narinig.
"Iba ka, Rain! Akala ko isa ka lang ordinaryong bakla sa mundong ito tapos malalaman namin na may mga connection ka?!" May kalakasang saad ni Benjie bago uminom sa inorder niyang coke.
"Anong password? Gusto ko rin ng connection," saad pa nito at inabot sa akin ang cellphone niya.
Napailing na lang ako lalo na no'ng makita ko ang wallpaper nito. Litrato lang naman iyon ng kanyang boyfriend at tanging brief lang ang suot nito habang nakahiga ito sa kama at natutulog.
"Ano kayang mangyayari kay Leah?"
Lahat kami ay napatingin kay Mika dahil sa tanong nito. Nakapangalumbaba ito habang nakatingin sa ibang direksyon.
"Ay nako, sis! Sana tanggalin na siya ni Boss sa trabaho. Hindi niya deserve ang work, pero ang kulungan... Ay pak! Bongga! Bagay sa kanya. Deserve na deserve!" Tugon ni Benjie at pumalakpak pa.
"Sabagay. May point ka bakla. Sana nga tanggalin siya ni Boss sa trabaho para naman wala ng feeling reyna sa kompanya," masungit sa saad ni Mika.
"True!" Pagsang-ayon ni Benjie.
Tahimik lang kaming nakikinig nina Lester at Bryan sa pinag-uusapan nilang dalawa. Kahit gusto kong makisali sa usapan nila, hindi ko na ginawa. Ayoko ng dagdagan ang mga tumatakbo sa isip ko dahil masyado na akong maraming iniisip.
Una ay 'yung tungkol sa mga tunay kong mga magulang. Gusto ko ng simulan ang paghahanap sa kanila pero hindi ko naman alam kung saan at paano ako magsisimula. Pangalawa ay 'yung pagpunta no'ng mag-asawang hindi ko alam ang apelyido o kahit man lang ang pangalan ng mga ito. Pangatlo ay 'yung tungkol sa Lolo ni Nathan na akala mo'y siya ang gumawa dito para lang kontrolin niya.
At ang panghuli ay 'yung tungkol sa amin ni Nathan. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa magiging takbo ng buhay namin, lalo na kung nandiyan ang Lolo niya na maaaring gumawa ng paraan para sirain kami. Nakakatakot pero kailangan kong patatagin ang loob ko.
Hindi pa naman siguro 'yon gagawa ngayon ng ikakasira namin ni Nathan. Nanliligaw pa lang naman ang apo niya kaya wala pa siyang masisira. Saad ko sa aking isipan upang pagaanin ang loob.
"Ingat kayo!" Sambit ko at kumaway sa papaalis na jeep kung saan sumakay ang mga kaibigan ko. Kumaway rin sila pabalik bago tuluyang umandar ang sinasakyan nila.
Habang naghihintay ako ng jeep na masasakyan pauwi ay bigla akong napatingin sa matanda na dumating dito sa waiting shed. Base sa suot nito ay mahahalata mo kaaagad na mayaman ang tao na ito. Muli kong itinuon ang aking pansin sa pag-aabang ng masasakyan, hanggang sa marinig ko na nagsalita ang matanda.
Tiningnan ko ito habang nakaturo ako sa aking sarili. "Ako po ba ang kinakausap niyo, Lolo?" Pagtatanong ko dito.
Bumaling ito ng tingin sa akin at hindi ko maiwasang makaramdam ng takot dahil sa pagiging seryoso nito. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito at parang may sama ng loob sa mundo.
"May iba pa ba tayong kasama dito na pwede kong kausapin?" Sarkastikong tugon nito na ikinagulat ko ng husto.
Masama na ba magtanong ngayon? Nagtatanong lang naman ako dahil nagsasalita siya, e hindi naman ako interesado na kausapin siya. Mga matatanda talaga. May halong inis kong saad sa aking isipan.
"Anyways, tulad nga ng sinabi ko kanina... ano ang trabaho mo?" Pag-uulit nito sa itinanong niya kanina.
"Journalist po," tipid kong saad at muling tumingin sa kanang bahagi ng highway.
Hindi ko mapigilan na mainis dahil sa jeep na sobrang tagal dumating. Gusto ko ng makauwi dahil hindi ko maiwasang mailang dito sa matandang kasama ko. Pakiramdam ko kasi ay nasa isang akong interview dahil sa mga tanungan nito.
"Journalist, huh?" Sambit nito na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
Mas dumoble ang inis na nararamdaman ko sa mga oras na ito pero pinigilan ko ang aking sarili. Kailangan kong isipin na matanda ang kausap ko at hindi ang kaedaran ko. Ayokong pumatol kaya minabuti ko na lang na magpaalam dito. May nakita na rin kasi akong jeep na dadaan dito sa waiting shed.
"Mauna na ho ako, Lolo. Mag-ingat ho kayo pauwi dahil iba na ang panahon ngayon kaysa sa panahon ninyo noon. Wala pa naman ho kayong kasama," saad ko at pinara ang jeep na paparating.
No'ng tumigil ito sa harap namin ay sumakay na ako kaagad. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at pinakalma ang sarili no'ng makaupo ako. Hindi rin naman nagtagal at tuluyan ng nawala ang inis na kanina ko pa nararamdaman.
Kasalukuyan na akong naglalakad papunta sa bahay, ngunit napatigil ako dahil sa kotse na nakaparada sa harap ng bahay namin. Hindi ito pamilyar sa paningin ko dahil ito ang unang beses na nakita ko 'to. Malabo namang pagmamay-ari ni Nathan ang kotse na 'to at malabo rin na pumunta 'yon ngayon dito. Sinabi niya kasi kagabi sa'kin no'ng tumawag ako na marami siyang gagawin sa munisipyo.
Napatingin ako sa katabi naming bahay no'ng bumukas ang gate nito at iniluwa mula doon si Bronimir na may hawak-hawak na garbage bag.
"Bronimir!" Pagtawag ko dito kaya napalingon ito sa direksyon ko. Ibinaba nito sa gilid ng gate ang hawak niyang garbage bag at naglakad palapit sa kinaroroonan ko.
"Hmm?" Tugon nito at sumandal sa pader. Nakahalukipkip ang magkabilang braso nito sa bandang dibdib habang nakatingin sa'kin.
"Nakita mo ba kung kaninong kotse ito?" Pagtatanong ko at itinuro ang kotse na nasa harapan namin. Napakamot ito sa kanyang sintindo habang sinusuri ang kotse.
"Hindi, e. Busy ako sa paglilinis ng bahay kanina, kaya nga naabutan mo pa akong may bitbit na garbage bag. Pumasok na lang tayo sa bahay ninyo para malaman natin kung kanino 'yan. Makiki-chismis lang ako," natatawang saad nito na ikiniling ko.
"Wait lang. Itatapon ko lang 'yung basura," dugtong pa nito at muling binalikan ang garbage bag saka iyon itinapon sa basurahan.
Napaikot ako ng mata no'ng makita ko na naglabas ito ng alcohol mula sa bulsa ng suot niyang board short. Lumapit ito sa akin at inakbayan ako bago kami sabay na pumasok sa loob ng gate.
"Ma! Pa! Nandito na ho ako!" May kalakasan kong saad. Inalis ni Bronimir ang pagkaka-akbay sa akin no'ng lumabas sina Mama at Papa mula sa kusina.
"Oh, ang aga mo yata ngayon, anak? Wala kayong pasok?" Nagtatakang tanong ni Mama. Nagmano muna ako sa kanilang dalawa bago sumagot.
"Opo. May importante po kasing pinuntahan ang Boss namin kaya hindi na muna kami pinapasok," tugon ko.
"Oh, Bronimir. Mabuti naman at naisipan mong pumunta dito sa bahay. Ang tagal na kitang inaanyayahan na pumunta dito sa bahay tapos itong panganay ko lang pala ang makakapag-papunta sa'yo dito," saad ni Mama no'ng mapansin nito si Bronimir. Napakamot lang naman sa batok si Bronimir.
"Ay oo nga pala, Ma. Kanino palang kotse 'yung nakaparada sa tapat ng bahay natin?" Pagtatanong ko na puno ng kuryusidad. Napatingin si Mama kay Papa at tinanguan naman siya nito. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa mga ito.
Habang nakatingin ako kina Mama at Papa, dalawang tao naman ang bigla na lang lumabas sa kusina na nagpalaki ng mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na muli ko silang makikita dito sa bahay. Nagbow ako ng ulo at binati ang mga panauhin namin.
"Hi, Rain. Nice to meet you again," nakangiting pagbati no'ng babae bago ako nito nilapitan at niyakap. Bahagya akong nagulat pero kalaunan ay tinugunan ko rin ang pagkakayakap nito. Sunod naman na lumapit sa akin ay 'yung lalaking kasama nito at gano'n rin ang ginawa.
"Maupo po muna kayo, Ma'am Shenna at Sir Luke," sambit ni Mama at inilahad ang kamay sa direksyon ng mga sofa. Tumango ang dalawa naming bisita at magkatabing umupo sa sofa.
"Magbibihis lang po ako," pagpapaalam ko sa kanilang lahat na tinanguan naman nila. Naglakad ako paakyat ng hagdan at nagtungo kaagad sa kwarto.
Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko sa drawer ng bedside table ang necklace na matagal ko ring hindi nasuot. Itinago ko talaga muna ito dito sa drawer, para na rin hindi agaw-pansin sa mga holdaper. Kung lagi ko kasi itong susuotin, hindi malabong maagaw nito ang pansin ng mga masasamang tao.
Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa sala. Naabutan kong nag-uusap ang mga magulang ko at ang bisita namin habang si Bronimir naman ay nakikinig lang sa mga ito. Sinitsitan ko ito at sinenyasan na sumama sa akin sa kusina no'ng mapatingin ito sa direksyon ko.
Napatingin rin sa akin sina Mama at Papa pati ang mga bisita namin. Ngumiti lang ako sa kanilang lahat at humingi ng paumahin saka hinila papunta sa kusina si Bronimir. Kumunot ang noo ko no'ng maabutan namin ni Bronimir sa kusina ang dalawang bata na kumakain ng chocolates habang nanonood ng movie sa Ipad.
Lumapit ako sa mga ito at kumuha ng dalawang pirasong ferrero rocher na nakapatong sa harap nila. Sabay silang napatingin sa akin at sabay ring nag-iwas ng tingin, saka muling itinuon ang atensyon sa pinapanood nilang movie. Inilahad ko ang isang chocolate kay Bronimir pero tinanggihan niya lang ito.
"I don't eat sweets," saad nito kaya binawi ko na lang ang pagkakalahad ng kamay ko. Umupo ako sa isang upuan at sumilip sa sala.
"Sino kaya sila? Bakit ang bait nila sa amin?" Naguguluhan kong pagtatanong at tiningnan si Bronimir. Nakita kong nakatingin ito sa dibdib ko kaya napahawak ako dito. Nakapa ko ang aking kwintas kaya hinawakan ko ito.
"Sino ang nagbigay ng kwintas mo?"
"Ito? Bata pa lang ako, nasa akin na itong kwintas na 'to. Sabi nina Mama, galing daw ang kwintas na 'to sa mga tunay kong magulang kaya sobra ang pag-iingat na ginagawa ko dito," pagsagot ko habang hinahaplos ang aking kwintas na hugis-puso.
Nag-angat ako ng tingin na naging dahilan para magtama ang mga mata namin ni Bronimir. Hindi ko maipaliwanag kung anong emosyon ang bigla ko na lang nakita sa mga mata niya. Saglit ko lang nakita ang emosyon na 'yon sa mga mata niya dahil umiwas kaagad ito ng tingin.
"Hoy, saan ka pupunta?" Pagtatanong ko no'ng maglalakad na ito palabas ng kusina. Napatingin ito sa kamay ko na nakahawak sa braso niya bago inangat ang tingin sa mismong mukha ko.
"May gagawin pa pala ako sa bahay. Nakalimutan ko kasing ibalik sa dating ayos ang ibang mga gamit doon no'ng nilinis ko," sagot nito na nagpatango sa'kin.
Binitawan ko ang paghahawak sa braso nito at hinayaan na itong lumabas ng kusina. Narinig ko na nagpaalam ito kina Mama at Papa pati na rin sa mga bisita namin bago tuluyang lumabas ng bahay.
Habang kumakain ako ng chocolate, narinig ko ang biglaang pagtawag ni Mama sa pangalan ko. Mabilis kong kinain ang chocolate na hawak ko bago ako lumabas ng kusina.
"Bakit po, Ma?" Pagtatanong ko. Sinenyasan ako nitong lumapit at umupo sa tabi niya, na sinunod ko rin naman kaagad.
Bumaling ako ng tingin sa bisita namin. Agad naman akong naguluhan no'ng mapansin ko na nakatingin sila pareho sa kwintas ko at biglang magkakatinginan. Habang nakatingin ako sa kanila, napansin ko naman ang bracelet na suot no'ng babae. Parehong-pareho ito ng kwintas na suot ko.
Napalunok ako at hindi maiwasang bigyan ng kahulugan ang nakita ko. Ngunit pinagsawalang-bahala ko na lang iyon dahil ayokong umasa na tama ang hinala ko. Siguro'y nagkataon lang na 'yon ang pinili niyang accessories na isuot.
Muli akong napantingin kay Mama no'ng maramdaman ko ang paghawak nito sa aking kamay at ang marahan nitong pagpisil doon. Kitang-kita ko ang emosyon na namutawi sa mga mata nito na labis kong ipinagtaka. Sinubukan kong tumingin kay Papa at gano'n rin ang nakita kong emosyon sa mga mata nito.
Pareho silang malungkot pero masaya rin at the same time. Hindi ko alam pero nakakaramdam na ako ng kaba sa mga oras na ito. Mabilis ang kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay may mangyayari ngayong araw. Hindi ko lang alam kung good news ba o bad news. Ngunit kahit ano pa 'yon, handa akong harapin.
"Anak, Rain... alam mo kung gaano ka namin kamahal ng Papa mo. 'Di ba?" Pagtatanong ni Mama habang nakangiti ito.
Tumango ako at ngumiti rin sa kanilang dalawa ni Papa.
"Alam mo rin na hindi ka namin tunay na anak, dahil bata ka pa lang ay sinabi na namin 'yon sa'yo ng Papa mo," dugtong pa ni Mama kasabay ng pagtulo ng luha nito sa pisngi.
Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang sarili na hindi umiyak. Sa mga oras na ito ay alam ko na kaagad ang mga mangyayari. Alam ko na ang dahilan kung bakit muling bumalik dito sa bahay ang naging bisita namin noon.
"Siguro'y ito na ang tamang oras at panahon para makilala mo ang tunay mong mga magulang, anak. Nasa tamang gulang ka na naman, kaya sigurado kami ng Papa mo na maiintindihan mo ang mga bagay na sasabihin nila sa'yo. Basta lagi mong tatandaan na mahal ka namin," saad ni Mama at niyakap ako ng mahigpit.
Naramdaman ko ang pagkabasa ng pisngi ko dahil sa luha na hindi ko man lang namalayan na tumulo. Ipinikit ko ang aking mata at nilasap ang yakap mula sa babaeng tumayo ng matagal bilang nanay ko. Iminulat ko ang aking mata at tumingin kay Papa no'ng maramdaman ko ang paghaplos ng kamay nito sa aking ulo.
Kumalas mula sa pagkakayakap sa akin si Mama at hinawakan ang pisngi ko, saka pinunasan ang bakas ng luha. Ngumiti ito at hinalikan ako sa noo.
"G-Go, anak. K-Kausapin mo na ang tunay mong mga m-magulang," umiiyak na saad ni Mama bago ito tumayo at nagpaalam sa aming lahat. Sumunod naman dito si Papa kaya naiwan akong kasama ang bisita namin na siyang tunay ko palang mga magulang.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa tunay kong mga magulang. Nakatingin rin silang dalawa sa'kin at parehong umiiyak. Tumayo sila mula sa pagkakaupo sa sofa at mabilis akong nilapitan bago niyakap.
Muling bumuhos ang luha ko at doon na ako tuluyang napahagulhol ng iyak. Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay buo na ako dahil hindi ko na maramdaman na parang may kulang sa akin.
Masaya ako dahil nakilala ko na ang tunay kong mga magulang, sa tulong ng mga taong tumayo bilang magulang ko simula pagkabata. Masaya ako dahil meron akong dalawang pamilya na alam kong mahal na mahal ako.
Wala na akong hahanapin pa dahil nakilala ko na sila. Ngunit, isang bagay na lang ang kailangan kong alamin at malaman...
'Yon ay ang tungkol sa buong pagkatao ng manliligaw ko na si Nathan. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (14)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
next chapter plllsss
15/08/2024
0At lastttt nahanap ulit account n’yo 😍😍
01/09/2022
0hahahah omegaverse btw update Po please .bitin eh
20/08/2022
0Tingnan Lahat