Chapter 19

Rainer Ada Montero
Nandito na ako sa kwarto ko, nakahiga. 11pm na at hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa rin 'yung dalawang tao na bisita namin kanina. May kung anong kakaiba sa kanilang dalawa pero hindi ko maipaliwang kung ano 'yon.
Muli akong nagpagulong-gulong dito sa kama para lang alisin sa isipan ko ang mga 'yon. Niyakap ko ng mahigpit ang unan at isinubsob doon ang mukha ko. Isa pa sa dahilan kung bakit hindi ako dinadapuan ng antok ay dahil sa ginawang paghalik sa akin ni Nathan.
Sino ba naman ang makakatulog kung alam mo na 'yung first kiss mo ay kinuha lang ng gano'n-gano'n? Wala man lang maayos-ayos na lugar bago kuhanin.
Dumapa ako ng higa habang nakasubsob pa rin ang mukha sa unan. Paulit-ulit akong pumadyak kasabay ng malakas kong pag-sigaw sa unan. Nang matapos ako sa pag-sigaw ay umayos na ako ng higa at pinilit ang sarili na makatulog. Kailangan ko ng matulog dahil kung hindi magmumukha akong zombie bukas.
"AHHHH! MAMA! SI KUYA, ZOMBIE NA!" Napatakip ako ng tenga nang marinig ang malakas na pag-sigaw ng kapatid ko. Mabilis itong tumakbo papunta sa kusina kasama si Annix at pareho silang nagtago sa likod ni Mama.
Kakababa ko pa lang ng hagdan, tapos 'yon kaagad ang maririnig ko? Tama ba 'yon?
Naglakad ako papunta sa kusina na naging dahilan para tuluyang magtago ang dalawang baliw. Hindi ko sila pinansin at naupo na lang sa upuan. Sinubsob ko ang aking mukha sa braso ko na nakapatong sa lamesa at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Gusto ko pang matulog pero hindi na naman pwede dahil may pasok pa ako sa trabaho.
Tulad nang sinabi ng kapatid ko, zombie na nga yata ako. Gulo-gulo ang buhok at maitim ang ilalim ng mata. Akala ko makakatulog na ako ng mahimbing kagabi, pero sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata ko, nakikita ko ang mukha ni Nathan at ang paghalik nito sa akin.
Ano ba ang dapat kong gawin para lang makalimutan ang pangyayari na 'yon? Tanong na bigla na lang pumasok sa isipan ko. Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga, hanggang sa maramdaman ko na may kamay na humawak sa balikat ko.
Nag-angat ako ng tingin at bumungad sa akin si Mama na may nag-aalalang ekspresyon sa mukha. "May problema ba, 'nak?"
Sumandal ako sa upuan at inaantok na umiling. "Wala po, ma. Napuyat lang po ako dahil sa ginagawa kong article. Hindi ko po kasi namalayan na inabot na ako ng madaling araw sa paggawa," pagsisinungaling ko.
Huminga ito ng malalim at marahang hinaplos ang aking mukha. "Alam mo ba na hindi ka magaling mag-sinungaling, 'nak?" Bigla akong napalunok nang sabihin niya 'yon. "Kung hindi mo kayang sabihin kay Mama ang problema mo ay ayos lang. Basta tandaan mo na maayos rin ang lahat." Dugtong pa nito sa mahinahong tono.
Tumango ako at niyakap ito ng mahigpit. Paulit-ulit namang tinapik ni Mama ang aking likod. Habang nasa bisig niya ako ay hindi ko mapigilang mapahikab ng ilang beses. Mukhang napansin 'yon ng kapatid ko dahil bigla itong tumawa ng malakas habang nakatingin sa akin. Napabitaw naman ako ng yakap kay Mama at sinamaan ito ng tingin.
"Tawang-tawa, bunso?"
"Nakakatawa po kasi mukha mo, Kuya. Para ka pong zombie na tinira kagabi kaya naging ganyan ang itsura mo ngayon." Natatawa nitong saad habang nakahawak pa sa kanyang tiyan.
Napatigil lang ito sa pagtawa nang bigla itong pingutin ni Mama sa tenga. "Aray ko po, Mama! Masakit po!" Pagdaing nito habang paulit-ulit na pinapalo ang lamesa.
Hinawakan kaagad nito ang kanyang tenga nang bitawan ito ni Mama. Hindi ko maiwasang maawa sa kalagayan ng kapatid ko dahil halos maiyak na ito. Tahimik lang naman na nakayuko si Annix sa tabi nito pero minsan ay nahuhuli ko itong sumusulyap kay Arkie.
"Ayoko ng makarinig ng gano'n mula sa'yo, Arkie. Ayusin mo 'yang mga sinasabi mo kung ayaw mong ipapalo kita sa Papa mo. Pasalamat ka at kanina pa 'yon nakaalis. Kung nandito 'yon at narinig niya 'yang sinabi mo, ewan ko na lang sa'yong bata ka." Saad ni Mama sa galit na tono.
"Ma, tama na po. Ako na pong bahala kay Arkie." Pagpapatigil ko kay Mama nang tangka nitong papaluin ng hawak niyang sandok si Arkie. Tumango ito bago naglakad papunta sa likod-bahay. Tumayo ako at lumapit sa kapatid ko na tahimik na umiiyak. Niyakap ko ito. Sinubsob naman nito ang kanyang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko.
"S-Sorry po, K-Kuya. H-Hindi na po m-mauulit. S-Sorry po, p-please." Paghingi nito ng tawad kasabay ng paghagulgol nito ng iyak.
"Shh, tahan na. Huwag mo na lang ulitin 'yung sinabi mo. Masama 'yon, bunso, lalo na't bata ka pa. Kaya ka pinagalitan ni Mama kasi hindi magandang pakinggan para sa mga kagaya niyo ang magsabi ng gano'n." Pagpapaliwanag ko dito habang tinatapik ng marahan ang likod nito. Naramdaman ko naman ang pagtango nito.
Lumipas ang ilang minuto bago tumigil sa pag-iyak ang kapatid ko. Hindi na ito nakakain ng breakfast dahil natatakot daw siya kay Mama. Hinayaan ko na lang at inutusan na mag-ayos na ng sarili dahil may pasok pa sila. Pinag-balot ko na lang silang dalawa ng pagkain para may makain sila pagdating ng school.
Pagkatapos kong magbalot ng pagkain no'ng dalawa ay umakyat na rin ako sa kwarto ko para mag-ayos ng sarili. Nakatanggap kasi ako ng text message mula kay Benjie na kailangan daw naming pumasok ng maaga dahil may importante daw sasabihin si Boss. Wala akong ideya kung ano 'yon dahil hindi rin naman sa'kin sinabi ni Benjie.
"Sa wakas dumating ka na rin, bakla. Kanina pa kaya kita hinihintay ditey. 'Yung tatlong chaka, aba iniwan ba naman ako dito. Inutusan pa akong hintayin ka. Kaloka! Hindi man lang ako sinamahan ng daks kong jo-"
"Oo na, bakla. Enough na. Ito na nga oh, nandito na ako. Hindi ka na maghihintay ng matagal." Pagputol ko sa dapat na sasabihin ni Benjie.
Nakita ko kasi itong nakatayo dito sa labas ng company at hinihintay ako. Tulad ng sinabi niya ay kanina pa siya naghihintay kaya pagkarating na pagkarating ko, reklamo kaagad ang sumalubong sa akin. Gandang bungad sa umaga.
"Tara na pumasok na tayo, baka maging letchon ka pa diyan kapag nasobrahan ka sa araw." Pang-aasar ko dito kaya nabatukan ako nito.
"Lintek ka! Sa payat kong 'to? Magiging letchon ako?" Pagtataray nito at inirapan pa ako. Maya-maya lang ay bigla itong ngumiti na parang may naisip na maganda.
"Pwede rin pala, mamsh. Tutal masarap naman ako kaya keri lang maging letchon. Share your kasarapan." Taas-noo nitong saad.
Napangiwi ako at napailing. "Iba talaga epekto ng sperm sa pag-iisip 'no? Masyado ka yatang nasobrahan sa lunok, bakla." Deretsahan kong tugon at mabilis na naglakad papunta sa elevator.
"Inamo, Ulan!" May kalakasan nitong sigaw. Lahat ng tao dito sa ground floor ay napatingin kay Benjie, pero ang bakla hindi man lang nahiya. Pinakitaan pa nito ng middle finger ang mga taong tumingin sa kanya.
Siraulo talaga. Naiiling kong saad sa aking isipan habang hinihintay ito na makalapit sa akin.
Nang bumukas ang elevator ay nauna akong pumasok. Si Benjie naman ay nag-flying kiss pa sa mga tao bago tuluyang pumasok at tumabi sa akin.
"Kaloka pala mga tao dito sa company. Yummy-teh! Mukha pa lang ulam na. Sayang! Masyado kasing speed kumilos ang daddy ko, e. Pagkakita sa akin, pinatuwad kaagad ako. Gosh! Nakaka-wet. Emz!"
Napairap ako sa kawalan nang marinig ang sinabing iyon ni Benjie. Kahit kailan talaga walang filter ang bunganga ng baklang ito. Lahat na lang ng sinasabi, masyadong bulgar. Kapag talaga ito na-report, ipapatumba ko 'to.
Natigil sa pag-iingay si Benjie nang tumunog ang elevator at dahan-dahan itong bumukas. Naglakad kami papunta sa conference room dahil may nakita kaming pumasok doon na kasama rin namin sa office.
Kumatok si Benjie ng tatlong beses sa pinto at nang bumukas 'yon ay sumalubong sa amin ang lahat ng journalist dito sa company. Halos mapuno ang conference room dahil sa dami namin. Naunang pumasok si Benjie at sumunod naman ako. Pumunta kami kung nasaan sina Mika, Bryan at Lester.
"Is everyone here yet?"
Napalingon kaming lahat sa kapapasok pa lang na si Boss. Nakasunod dito ang kanyang secretary. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagpasok rin ni Mr. Monroe. Biglang umingay ang loob ng conference room dahil sa gulat. Halos lahat ng nandito sa loob ay iisa lang ang naging tanong.
Anong ginagawa niya dito?
"Please be seated."
Napatigil ang lahat sa pagbubulungan at sinunod ang utos ni Boss. Umupo ako sa upuan na nasa tabi ko, samantalang ang iba naman ay nanatiling nakatayo. Hindi kasi sapat ang upuan na nandito para makaupo kaming lahat. Imbes na mag-reklamo dahil wala ng mauupuan ang iba, mas pinili na lang nila na hintayin ang sasabihin ni Boss.
"This meeting is very important kaya pinapasok ko kayong lahat ng maaga. Hindi ko kayo pinapasok para lang sa wala. Lahat ng malalaman at maririnig niyo inside this conference room ay hindi pwedeng makalabas ng kompanya. Do you understand?"
"Yes, Sir." Sabay-sabay naming saad. Tumango ang Boss namin at lumapit kay Mr. Monroe. May ibinulong ito kay Mr. Monroe kaya napatango ito.
"Hi everyone. I'm Lieutenant General Max Virion Monroe. I am here to tell you that this company is under surveillance by the police."
Gulat ang rumehistro sa mukha naming lahat dahil sa sinabi ni Mr. Monroe. Hindi namin inaasahan na ang kompanyang ito ay sinusubaybayan ng pulisya. Ngunit, sa anong dahilan?
"May nakapag-sabi sa amin na meron daw isang empleyado dito na nagpupuslit ng ipinag-ba-bawal na gamot." Mas lalong bumakas sa aming mukha ang gulat nang marinig 'yon. Nag-umpisa na ring mag-ingay ang mga tao dito sa conference room pero natigil 'yon nang magsalita ulit si Mr. Monroe.
"Tiningnan namin ang lahat ng CCTV footage dito sa kompanya at wala naman kaming nakitang kakaiba. But we will do our best to catch that person. Kung sakali man na nandito ang tao na 'yon, I sugget that surrender yourself to us para walang maging problema." Huling saad ni Mr. Monroe bago ito umatras ng bahagya at binigyang daan si Boss.
"Kung akala niyo natatapos na doon ang problema ng kompanya ko, pwes nagkakamali kayo." Matigas na turan ni Boss. Halata sa ekspresyon ng mukha nito ang galit na kanyang itinatago. Huminga ito ng malalim at muling nagsalita.
"May tarantadong pumasok sa loob ng office ko at ninakaw ang pinaka-importanteng news article ng bansa. Ang article na 'yon ang pinaka-iniingatan ko dahil makapang-yarihan ang tao sa likod no'n. Kapag nasiwalat sa publiko ang mga impormasyon na nakapaloob doon, maaaring magdulot iyon ng kaguluhan." Mahabang salaysay ni Boss. Makikita sa mata nito ang takot, ngunit pinapanatili nito ang galit na ekspresyon sa mukha.
"May pinaghihinalaan na po kayong nagnakaw ng article na 'yon, Boss?" Pagtatanong ng isang journalist sa line ng sports journalism. Naka-focus ang buo naming atensyon kay Boss at hinihintay ang isasagot nito.
"There is. Ngunit kailangan ko muna siyang subaybayan dahil I'm sure na siya rin ang nagpupuslit ng ipinag-ba-bawal na gamot dito sa kompanya ko." Sagot ni Boss.
Lumabas kami ng conference room na maraming katanungan sa isipan. Hindi pa rin kami maka-get over sa mga rebelasyon na sinabi ni Boss at Mr. Monroe.
Paano nangyari ang mga bagay na 'yon? Sino ang taong maglalakas loob na magpuslit ng ipinag-ba-bawal na gamot dito sa kompanya? Sino ang taong maglalakas loob na nakawin ang importanteng news article na itinatago ni Boss?
"Grabe ang tao na 'yon. Ang lakas ng loob para gumawa ng gano'ng bagay. Hindi man lang natakot sa kanyang ginawa." Narinig kong saad ni Bryan na sinang-ayunan naming lahat.
"Nakakaloka dahil pati druglets, naipuslit niya dito sa loob ng kompanya. Adik siguro ang tao na 'yon. Kulang sa aruga. Kulang sa pagmamahal. Kulang sa atensyon. Kulang sa buwan. Emz!" Segunda ni Benjie na may kasama pang pagbibiro. Hinampas pa nito ng mahina sa dibdib si Lester at malanding tumawa.
Napailing na lang kami at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa cubicle namin. Habang naglalakad kami ay bigla naming nakasalubong si Leah. Napatigil kami sa paglalakad at kunot-noo itong tiningnan. Akala ko papansinin kami nito pero nilagpasan niya lang kami at parang wala sa sariling naglakad.
"Hay, sa wakas! Nawalan na ng isang maganda dito sa kompanya. Kaloka si bakla! Hindi man lang nag-ayos ng sarili bago pumasok," sambit ni Benjie, saka muling naglakad.
Nang makaupo ako sa aking upuan, biglang pumasok sa isipan ko ang itsura ni Leah. May mga katanungan na bigla na lang tumakbo sa isipan ko.
Bakit parang pakiramdam ko may mali sa kanya? Ang laki ng eyebags niya at halata ang pangingitim no'n. Wala rin siya sa sarili. Hindi naman siya gano'n dati.
Anong nangyayari sa kanya?

Komento sa Aklat (14)

  • avatar
    PeriabrasRochelle

    next chapter plllsss

    15/08/2024

      0
  • avatar
    Angelo Geque

    At lastttt nahanap ulit account n’yo 😍😍

    01/09/2022

      0
  • avatar
    GasconAristal

    hahahah omegaverse btw update Po please .bitin eh

    20/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata