Chapter 36

Chapter 36
Aspien Lewis POV
Nang matapos ako nagbihis na ako at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko nakita ko na silang dalawa na nakaupo sa sahig at parehong nakayuko.
"Ayan oh diba ang ganda at gwapo niyo na," masayang ani ko at pumalakpak pa.
"Tara kain na tayo," yaya ko sa kanila. Hinay hinay naman sila lumakad palapit sakin. Pagkalapit nila Binuhat ko agad ang batang babae. Aalis na sana ako ng pigilan ako ng batang lalaki.
"Hindi maganda sa baby na laging naiipit," malamig na sabi niya habang nakatingin sa sinapupunan ko. Napanguso naman ako at unti unting binaba si baby.
"Teka ano pala pangalan niyo?" nagtatakang sabi ko.
I'm Spade Ace Tyler at itong kapatid ko siya si Sheinna Tyler," ani ng batang lalaki o mas kilalang Ace.
"Okay baby Ace and baby Shein kakain na tayo tara na," masayang sabi ko. Sumunod naman na sila.
"Upo na kayo," ani ko. Napansin ko pang patingin tingin sila kay manang. Nagkibit balikat nalang ako at kumain na. Napatingin ako sa kanila ng hindi man lang nila ginagalaw ang pagkain.
"Hey ayaw niyo ba ng pagkain-"
"Sorry po ate Allergy kasi si Sheinna sa sea foods," nakayukong sabi ni baby Ace na kinabigla ko.
"Owww ganun ba ito nalang oh fried chicken anyway pwede niyo akong tawaging mommy okay?" nakangiting sabi ko bago nilagyan ang plato ni baby Ace at baby Sheinna tumango tango naman sila. Napangiti ako ng makita ko na magana silang kumain.
"Mhommhy," bulol na sabi ni baby Shein na kinangiti ko. Ang cute.
"We're home!" sigaw ni kuya na kakapasok lang ata sa bahay.
"Kuya nandito kami sa kusina!" pabalik na sigaw ko. Narinig ko naman agad ang yabag nila na papunta dito.
"Baby sis andito na ang orange- owww umalis lang kami sandali may dalawang anak kana agad?" gulat na tanong ni kuya kaya binato ko siya ng apple na kinatawa ni Annie.
"Baliw! nakita ko lang sila kanina sa park dinala ko na dito nakakaawa eh wala din kasi silang matutuluyan," ani ko. Napatingin naman sina Ace kena kuya.
"Baby Ace, Baby Sheinna ito si Adriel Kuya ko at ito si Annie bestfriend ko pwede niyo silang tawaging ate at kuya," nakangiting sabi ko na agad naman nilang kinatango.
"Hi babies!" kumikinang na mata na sabi ni Annie at bigla nalang Binuhat si Sheinna na kinaiyak nito. Dumilim naman ang mukha ni Ace at tutusukin sana ng tinidor si Annie ng pigilan ko ito.
"Ace stop!" sigaw ko na kinatigil niya din. Kita ko naman sa mukha ni Annie ang gulat. Kinuha ko si Sheinna kay Annie na agad namang tumahan.
"Ahh sorry sorry," paghingi ng tawad ni Annie.
"Baby sis mukhang may trauma ang mga batang nakuha mo," ani ni kuya na kinatingin ko.
Flint Dela vega's POV
Ilang weeks na ang nakalipas at medyo okay na din ako pero yong mga sunog ko sa katawan sariwa pa ang iba. Napagitgit ako ng maalala ang sinabi sakin ni Kambal.
• FLASHBACK •
"Bal may nalaman ako about sa organization na nangingidnap ng bata," ani ni kambal ng makapasok sa room ko dito sa hospital.
"What is it?" tanong ko habang kumakain ng orange. Btw kaming dalawa lang nandito umalis kasi sina Caspian para asikasuhin ang pinapatrabaho ko sa kanila.
"Magugulat ka sa sasabihin ko— si Red," ani niya na kiinatigil ko.
"Anong meron kay Red?" seryusong tanong ko. Bumuntong hininga siya bago binigay ang cellphone na may video. Pinanood ko ito at napakuyom ang kamao ko.
"Si red ang naglagay ng bomba sa sasakyan mo, ama niya din ang namumuno sa organization na kumikidnap ng mga bata," malamig na sabi niya na kinadilim ng anyo ko. Binato ko ang cellphone.
"Tangna ka Red pano mo nagawang traydorin ako," madilim ang anyo na bulong ko.
"Tawagan mo si Red at sina Caspian sabihin mo pinapapunta ko sila ngayon din!" mautoridad na sabi ko na agad niya namang sinunod.
"Pagkarating ni Red dito itali mo siya," malamig na sabi ko na kinatango niya lang.
• ENG OF THE FLASHBACK •
Hindi ko maisip bakit nagawa akong traydorin ng taong tinuring ko ng kapatid. Napatingin ako sa pinto ng marahas itong bumukas. Pumasok si Kambal hawak si Red na bugbog sarado. Sumunod naman sina Caspian na may pagtataka sa mukha.
"Pumalag eh sarry," natatawang sabi ni kambal.
"Bro anong ibig sabihin nito?" tanong ni Caspian.
"Tanungin niyo yan," ani ko habang nakaturo kay Red na nakayuko.
"Flint sorry hindi ko sinasadya napag utusan-"
"Pano mo nagawa sakin to Red? tangna Red bakit ikaw pa? tinuring kitang parang tunay kong kapatid tapos ano? Ito sinuksi mo sakin!" malamig na sigaw ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sobrang bigat ng dibdib ko. Nasasaktan ako.
"Sorry sorry sorry," paulit ulit na hingi niya ng tawad.
"Wala ng silbi yang paghingi mo ng sorry Red," walang emosyon na sabi ko.
"Teka ano ba talaga nangyayare?" biglang sabi ni Hendrix. Nakita ko namang bumuntong hininga si Kambal.
"Si Red ang naglagay ng bomba sa sasakyan ni Flint-"
"Ano!/What!" abay na sigaw nilang dalawa.
"Red totoo ba yon?ha!" sigaw ni Caspian at kwenelyuhan pa si Red.
"I'm sorry," yun lang ang nasabi ni Red.
"Putangina mo!" sigaw ni Caspian at sinuntok si Red. Pinagtulungan nilang dalawa ni Hendrix si Red na agad namang inawat ni Kambal.
"Tangna Red bakit mo nagawa samin to?" umiiyak na sabi ni Caspian at napasuntok pa sa dingding. Naiintindihan ko sila mas naapektuhan sila kasi mas nauna silang magkaibigan tatlo bago pa nila ako makilala.
"Yong daddy mo na naman ba? Siya ba nag utos sayo? Sabihin mo!" sigaw ni Hendrix at kwenelyuhan si Red. Tumango lang si Red.
"Bakit ka nagpauto na naman sa kaniya?" nanggagalaiti na sabi ni Caspian.
"Nakita mo kalagayan ni Flint! na alam mong kagagawan mo! pinagpalit mo pagkakaibigan natin sa ama mong demonyo!-"
"Tumahimik ka! Ama ko pa din siya! siya nalang ang pamilya ko-"
"So kami hindi mo pamilya? Ha Red! Alam mo sa sarili mo diba tinuring kana naming kapatid simula pagkabata! Hindi mo ba naaalala lagi kang sinasabihan ni Flint na pwede mo kaming maging kapatid! so all this time pala niloloko mo lang kami? Pinaikot mo lang kami!"

Komento sa Aklat (110)

  • avatar
    るにじ いみじ

    It's a very nice Story it feels like your watching a movie films.

    27/03

      0
  • avatar
    MancaoArnold

    thank you

    15/05/2025

      0
  • avatar
    Rg Yamson

    nice

    06/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata