Homepage/Pursuing Series #01: Retrouvailles/
Chapter 24
Zanaira Kayne’s P.O.V
I stayed in our house after my trip on Thailand.
Siguro kailangan ko lang magpahinga muna kahit ilang weeks or buwan lang.
I just need some rest.
“William,” nakangiti kong tawag sa kaibigan kong busy-ng-busy sa pag-eensayo.
He’s practicing a dance intermission number for an afternoon tv show with his group mate.
“Galing mo!” natatawa kong sigaw not minding the people who thinks I’m crazy.
“Nakakahiya ka naman, Zanaira,” mahinang sambit sa akin ni Sidney na kasama ko ngayon, habang ang kapatid ko ay napailing na lang.
“Kill joy lang kayo,”
Hindi ba pwedeng suportahan ang kaibigan?
Hindi na muling nagsalita ang dalawa, pinanood na lang namin ulit ang pag-eensayo ni William.
I can’t denied that he’s really a good dancer. Nakakamangha.
“Ayos ba?” walang halong pagmamayabang na tanong nito sa akin pagkalapit niya sa pwesto namin.
Ngumisi ako at nagthumbs down. “Hindi, pangit mo sumayaw,” biro ko at malakas na tumawa.
Umiling ito at ginulo ang aking buhok. “Namiss kita, Zai. How are you?” he asked and smiled widely.
Cute.
Nagkibit balikat ako. “I’m okay now,” nasabi ko na lang.
Natahimik kaming pare-pareho kaya agad kong binasag ang katahimakan. “So, let’s meet later after your show? We need to go na kasi may emergency meeting pa ako na kailangan daluhin,” sambit ko at hindi mapigilang makonsensya.
I promised to him na manonood ako ng buong afternoon show.
He sighed and nodded. “It’s okay, I understand,”
Nagpaalam na ulit ako sa kaniya bago kami dumeretso sa meeting place namin. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang maisip si William. Baka nagtatampo na ’yon sa akin dahil wala na rin masyado akong time. N’ong mga kailangan ko ng kasama andiyan siya para sa akin pero ito ako, kahit simpleng panonood lang ng show niya ay hindi ko matapos dahil sa daming gawain.
“Mama A, late na po ba kami?” I asked at nakipagbeso sa kaniya.
She shook her head, so I sighed in relief. Um-upo ako sa bakanteng upuan at habang ’yong dalawang kasama ko ay naghanap na muna ng mapapaglibangan. Sandali lang daw sila.
“So, what’s our agenda for now?” I asked after Mama A ordered our food.
“Ipapakilala kita sa new partner mo for the shoots,” aniya kaya napatigil ako ng sandali.
“Mama A, naman. Sabi ko hindi ko na kailangan ’yon,” pagmamaktol ko pero inirapan niya ako.
“Pumirma ka ng kontrata para sa pagiging ran away model mo kaya kailangan mong may partner noon,”
Akmang magsasalita pa sana ako kaso isang lalaki ang dumating, pawis na pawis ito halatang kakagaling sa pagtakbo.
“I’m sorry, I’m late. . .” a man has familiar voice said.
“C-clint?” nagtatakhang tanong ko habang nakakunot ang noo ko. “Anong ginagawa mo rito?”
He was stunned a bit and his mouth left half open.
“Zanaira,” una niyang nabigkas nang makaget-over ito sa pagkatulala.
I want to roll my eyes but I didn’t. I faked smiled at pinalakihan ng mata si Mama A. He knows that he’s my ex but what's he’s doing here? He’s going to be my partner?
O, I forgot. Clint is also a model but we’re not in the same agency.
Napailing lang ako at hindi siya pinansin. “It’s been a long time,” I heard him murmured.
“Can we call out the contract?” deretsang tanong ko nang hindi kumukurap.
“Sorry, Zai, but we can’t do that,” Mama A said with finalize tone.
Inis akong napabuntong hininga at walang nagawa.
“Okay, aalis na ako,” sambit ko at hindi na hinintay ang kanilang sagot dahil nawalan na ako nang gana.
Nang-aasar yata ang tadhana.
“Zanaira?”
Napahinto ako sa paglalakad ng may tumawag sa akin, pamilyar ang boses nito.
A girl wearing a simple dress, looking elegance while walking towards me.
I was stunned while looking the woman. “Tita Hendra?” masayang tawag ko rito at pagtakbong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. “O, my God. I miss you so much, Tita Hendra!”
Humiwalay ako nang yakap at ngumiti sa kaniya. Iyong kaninang inis na nararamdaman ko ay bigla nawala dahil sa kaniya.
Ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita ni Tita kaya ganito ako makareact.
“How are you, dear? Medyo matagal ka nang hindi nakakadalaw sa amin ng Tito Leonard mo, e,” aniya na may halong pagtatampo kaya nakonsensya ako.
Kung kanina ay nakokonsensya ako kay William dahil sa mga na-miss kong time na makasama sila, double ang nararamdaman kong konsensya kay Tita Hendra.
She was there for me when I was depressed when Leon’s gone.
“Pasensya na, Tita Hendra, sobrang busy ko rin po, e,” sabi ko habang nakasimangot.
Mahinhin siyang natawa at umiling sa akin. She held my hands and looks amused. “No, it’s okay. I’m so proud of you nga, e. We’re so proud of you, Zanaira. Ang dami mong achievements. Unti-unti mo nang natutupad ang pangarap niyo noon,” ang dami ko ngang achievements. . . Achieve na sana sabay naming cine-celebrate ni Leon. “And, alam kong proud din sa ’yo si Leon.”
I tried to smiled on her but I failed. Unti-unting bumabagsak ang mga luha sa pisngi ko.
“O, my God. Don’t say to me na until now sinisisi mo pa rin sarili mo?” medyo nagpapanic niyang tanong at lumapit sa akin para yakapin ako.
Yakap na kailangan ko ngayon.
“I miss Leon, Ma,” I murmured to her while sobbing. I used to call Tita Hendra, Mama when Leon and I were still together. But now he was gone, I can’t call her anymore, I’d think sometimes that she’sad at me or Tito Leonard were mad. I’m the reason of their son’s death.
It’s all my fault.
“Hija, ilang beses ko na bang sinabi sa ’yo na hindi mo kasalanan kung bakit namatay si Leon. Ikaw ba ang bumunggo sa kaniya? Inutusan mo ba ’yong driver ng truck na sagasaan siya? Sinabi mo bang magpasagasa siya sa truck?” I shook my head. “See, it’s your fault. And we’re not mad at you, Zanaira. Because of you, naramdaman ni Leon na maging masaya kasama ang babaeng minahal niya ng sobra bukod sa akin na nanay niya.”
Mas lalo akong napahagulgul dahil sa sinabi niya.
“Stop crying, dear. Baka mamaya multuhin ako ng anak ko dahil pinaiyak kita,” sambit niya kaya hindi ko maiwasang matawa habang umiiyak.
“Don’t cry na okay? Hindi magugustuhan ni Leon na makitang kang umiiyak,” napangiti naman ako at humiwalay na nang yakap ’tsaka pinunasan ang aking mga luha.
“Thank you, M-mama,” I said and still hesitating calling her Mama.
She smiled and help me fixing my face. “Don’t cry na. Instant celebrity tayo ngayon. Ang daming marites,” mahinang bulong niya sa akin kaya napalingon ako sa paligid at hindi maiwasang mapasinghap.
Ngayon ko lang naalala na nasa public place pala kami at hindi lang ako basta-bastang pwedeng magpakita sa labas. Ang daming taong nanonood sa amin kanina pa, ’yong iba ay may hawak na cellphone at may nakikita rin akong sumisinghot, narinig nila siguro ang pinag-usapan namin dahil sa lakas din ng boses naming dalawa ni Tita Hendra.
“Viral tayo nito, Ma,” pagbibiro ko kaya pareho kaming natawa.
“Let’s go somewhere private?” aya niya kaya tumango ako.
Buti na lang may mga guard at pulis na humarang sa mga tao kaya hindi kami gano’n dinumog.
I texted my sister and Sidney na sumunod na lang sila sa amin.
I think we have a lot of things we need to catch up. And I also texted William na hindi na ako makakahabol at magmeet na lang kami sa susunod na araw. Ayaw ko rin na makita niya akong ganito.
“So, how are you?”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (5)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I love it 😍💓💓😍💓😍💓💓💓😍😍😍😍💓😍
17/07/2024
0oum I like it
01/12/2023
1Amazing and so much fun
04/08/2023
0Tingnan Lahat