The End

LAGPAS alasais y medya na noong nag-announce na ang mga emcee na mag-uumpisa na ang pageant para sa King and Queen of Hearts of the year. Sa mga nakahilerang monoblock chair sa tapat ng malaking stage sa quadrangle ay nakipag-unahan kaming maupo ng mga Manlalakbay para kitang-kita kami nina Kuya Mago at Vanessa mamayang rumarampa na sila.
Naka-ready na rin ang pinagkaganda-ganda naming gawang banner na mga nakasulat ang mga pang-engayo namin sa mga kaibigan namin mamaya.
"Kapag natalo si Vanessa, si Mago kaagad ang sisisihin ko," nangingiting anas ni Ailyn sa kaliwang gawi ko habang inilaladlad nito ang banner na para kay Kuya Mago.
Good mood pa rin talaga siya hanggang ngayon. Ganito ba talaga ang epekto ng kapatid ko sa kaniya? Para siyang naka-high. Parang nakasinghot ng rugby ba?
Hindi pa totoong kasal 'yon, a? Paano na lang kaya kapag totoo na?
Nape-predict ko nang sa hinaharap, 'pag 'di talaga sila nagkatuluyan ay palagi na lang mainit ang ulo niya hanggang sa tatanda na lang siyang dalaga.
Nakarinig naman ako ng mga ingay sa kabila. Binalingan ko ang padabog-dabog kung kumilos sa gawing kanan ko na si Lyca. May kung ano siyang isinusulat sa isang mahaba't tama lang ang nipis na telang puti na tingin ko ay ka-tela ng banner na ginamit namin para sa paggawa ng mga banner para sa dalawa. Siguro ay retaso iyon mula roon.
"Ano 'yan?"
Hahawiin ko sana ang kamay niya para makita ko kung ano ang isinusulat niya, pero pabalya niya lang sinampal para mataboy ang palad ko.
"Tsk! Ano ba!" bulyaw nito sa akin na galit ang mga matang nakatutok sa akin.
Napatitig lang ako sa kaniya. "Ba't ka naninigaw?" Pakiramdam ko, nawalan ako ng ekspresyon sa mukha sa pagtatanong.
Natahimik na lang siya at bigla akong tinalikuran, nagpatuloy sa ginagawa niya.
Gusto ko pa sana siyang tanungin ulit tungkol naman sa kung ano ang problema niya, pero nagdadalawag-isip ako. Baka makakuha lang ako ng same treatment at attitude, mag-init lang ang ulo ko, magkasabay pa kami. Saka ko na lang siya kauusapin. Ganito naman siya minsan, e. Nasanay na lang siguro ako o minsan, hinahayaan ko na lang para walang gulo.
"Sania, o!"
Nilingon ko ang kumalabit sa balikat ko mula sa likuran na si Jhoma, may ino-offer na makakain. Doon silang apat nina Lourdell, Dian, at Isabelita nakaupo sa likuran namin na row ng mga monoblock chair.
Tag-apat lang kasi na upuan ang bawat row kaya hindi kami nagkasiya sa isa lang, doon tuloy sa likuran namin. Aywan ko lang kung para saan pa naka-reserve iyong upuan sa gawing kaliwa ni Ailyn, kanina niya pa 'yon iniingat-ingatan, e. Nakailang bawal na siya sa mga nagtatangkang maupo roon.
"Ito, sakto! Puwedeng makiupo?"
Nagsilingunan kami roon sa nagsalita. Ang nakangiting si Kuya Ihara, nakatingin kay Ailyn.
"S-Sige ... sige lang! Upo ka lang! Wala ngang gustong maupo riyan, e, ewan ko ba kung bakit! Hahaha!"
Mabilis na pinag-aalis ni Ailyn 'yong mga banner at gamit niyang nakapatong doon sa upuan.
Nakangiwi kong pinagmasdan ang ngiting-ngiti kong kaibigan.
Huli kang babae ka...
Ba't nga ba nagtanongla ako kung para kanino naka-reserve ang upuan na 'yon? Kaya pala galit na galit siya sa mga nalikiupo kanina.
Isa pa 'tong kapatid ko...
Ang disheveled na ng itsura ni Kuya. Unbuttoned na ang dalawang butones ng shirt niya at lukut-lukot na nakatupi hanggang siko ang mahaba niyang manggas. Kanina pa siguro 'to gala nang gala ... o kung hindi man, kanina pa 'to inuutus-utusan ng mga teacher.
"'Nia, 'enge~" paawa ni Kuya habang pumapalad.
'Yong kamay niyang naka-extend ay pinagmamasdang mabuti ni Ailyn. Ano bang klaseng mga mata 'yon? Pumupuso ba 'yon?
Ipinatong ko na lang sa palad ni Kuya ang pagkaing bigay lang kanina sa akin ni Jhoma.
I wonder what does Ailyn see in him? 'Ta niya nga, o. Patay-gutom.
At ang makapal, 'yong hiningi niya sa akin ay in-offer niya lang din kay Ailyn na kuntodo singit pa ng buhok niyang kulot sa likuran ng tainga niya habang tumatango.
Kakapal. Grabe. Ang kakapal.
"Apaka-sweet naman talaga ng newlywed na ituuu~" panggagatong pa ng napaka-supportive sa walang'ya niyang best friend na si Lourdell.
Nagsisunuran na rin tuloy ng asar 'yong iba dahil sa lead niya.
"Igalang n'yo naman 'yong mga single."
"Umalis kayo sa harapan ko, hapdi n'yo sa paningin."
"Baka totoo na 'yang bukas, ha?"
"Magsubuan na rin kayo, baka gusto n'yo?" sarili kong panggagatong. "Dikit-dikit pa kayo riyan, ha? Lagkit n'yo, e. Sakit n'yo sa mata, sa ilong, sa bibig."
Napakamot na lang si Kuya sa batok niya habang nangingiti ng maliit. Si Ailyn ay busy naman na panlakihan ako ng mga mata niya habang ngumunguya pa. Galing.
"Nimal ka! Basher ba kita? Suportahan mo 'ko rito!" asik niyang pabulong. "'Wag kang panira ng diskarte! Ginagawa ko na nga ang lahat para maging mag-hipag na tayo, ayaw mo pa ba 'yon?"
Hindi na lang ako sumagot sa pinagsasabi niya. Baka masaktan lang siya.
"Ailyn ... Sania..."
Sabay pa kaming napabaling sa harapan namin. Si Natalya, naro'n.
"O, Natalya! Hinahanap kita kanina, a?" anas ko.
Totoo iyon. Siguro ay dahil nasanay na rin ako sa pagbuntut-buntot niya sa amin ni Ailyn kay hinahanap ko na siya sa tuwing wala siya.
Tumayo ako nang mapagmasdang kong namumutla siya. Mabuti na lang at maliwanag ang quadrangle kaya malinaw ko siyang nakikita.
"May lagnat ka ba?" Sinalat ko ang noo niya. "Namumutla ka, a? Ano'ng nararamdaman mo?"
"Nahihilo lang ako ng kaunti. Anemic kasi ako, umaatake na naman siguro," garalgal nitong sagot.
"Jusku, Natalya! May sakit ka na naman?" asik ni Ailyn na siyang napatayo na rin. "Wala ka bang ibang kaibigan sa section mo? Ba't kami palagi ang pineperwisyo mo?"
Kinurot ko kaagad siya sa tagiliran. "Ayusin mo nga 'yang bunganga mo, baliw," bulong ko.
Ngumuso ang babae. Regardless, tumulong pa rin siya sa pag-alalay kay Natalya.
"Huwag ka nang magreklamo riyan, tulungan na lang natin si Natalya!"
"Kasi naman, e. Busy ako!"
"Ayos lang ba 'yang kaibigan n'yo?"
Nagtanong na rin si Kuya Ihara. Tumayo rin siya. He towered us immediately, ang tangkad kasi.
"Nahihilo daw, Kuya, e," sagot ko.
Pinadantay ko sa akin si Natalya habang lumilinga sa paligid. Pahatid ko na kaya 'to pauwi? Kanino naman kaya?
Muli kong hinarap ang kapatid ko. "Dala mo ba 'yong motor mo? Pahatid."
"O, sig-
Napatda ang paningin ko nang biglang sunud-sunod na nagsimatayan ang mga ilaw sa buong paligid. I mean ... everywhere. Wala talagang ilaw.
"HALAAAA!"
"An'yari?"
"Hoooy!
"Ang dilim!"
"Taena n'yo! Izza prank ba 'to!"
"Sania! Sania, uy! Nandito kami!"
Naririnig ko ang mga tawag ng mga kaibigan ko. Saan ba ako pumupunta?
"A-Aray!"
Everyone one panicking.
Napaluhod ako bigla. Mabilis na sumirit ang sakit sa kanang braso ko. Magkahalong pamamanhid at pamimintig ang naroon sa palad ko. Nag-iilaw.
Mariin kong iniyukom ang palad ko. Palagay ko'y nakita iyon nina Natalya at Ailyn, mabilis nila akong dinaluhan.
"Sania! Ano'ng nangyayari?" Narinig ko ang boses ni Natalya, parang biglang nawala ang iniinda niya dahil sa nangyayari.
"Uy! Taragis naman, Sania! Ba't umiilaw 'yan! Baka may makita!" asik ni Ailyn at hinawakan ang galang-galangan ko.
Ipinasok niya sa kung saan ang palad ko, sa tingin ko ay sa loob ng sling bag n'ya 'yon.
Nakikita ba nila ako? Wala akong
maaninag bukod sa palad kong sumasakit.
"Ano'ng nangyayari d'yan?"
Nanlaki ang mga mata ko. Si Kuya nga pala!
"Sania!"
"Sania!"
"Sa'n ka pupunta, Sania!"
Dinalian ko ang pagtakbo palayo sa kanila. Hindi ko na inaalalang maaaksidente ako sa pinanggagawa ko.
I know this sensation. Minsan nang nangyari ito noong may mga shanong hinarap sina Akinse. Alam kong nasa malapit lang ang huli. May magandang hindi nangyayari.
Ngumiwi ako habang patuloy sa pagtakbo, ni hindi ko na alam kung saan ang direksiyong tinatahak ko.
On my last step ay tuluyan na akong nadisgrasya. Ramdam ko ang sumakit kong mga daliri sa kaliwang paa na mukhang tumama yata sa bato kasunod ng pagkasubsob ko sa lupa.
Pakiramdam ko ay nakatamo ako ng galos at sugat kung saan-saang parte ng katawan ko. Ang iniingatan kong yukon na kanang kamay ay bumuka nang hinampas ako sa sementadong patyo. Nagliwanag ng biglaan ang kaninang napakadilim kong paligid.
"Akinse..."
"Aureya!"
I squinted my eyes.
Ha? Bakit Parang narinig ko na lang bigla ang boses ni Akinse?
"Aureya!"
Nanlaki na noon ang mga mata ko. Now I'm certain. Boses nga ni Akinse ang nadidinig ko sa isip ko!
I tried connecting to him. Paano ko ba siya kakausapin? Should I speak through my mind? Kailangan kong subukan!
"A ... Akinse!"
"Aureya! Naririnig mo na ako?!"
"Oo? ... oo!" Dahan-dahan akong tumayo, nanghihina dahil sa pananakit ng buo kong katawan. "Paano nangyayari 'to? Paano tayo nagkakausap sa isip ko ngayon?"
"Saka na lamang ako magpapaliwanag! Nasaan ka naroon ngayon!"
"Nandito ako sa school namin ngayon. Madilim nga rito. Sa buong paligid ... para bang ... para bang biglang nawalan ng buhay ang lahat."
"Dahil iyan na nga ang nangyayari!"
Matagal bago ako nakasagot. Hindi ko maproseso ng maayos ang nadinig ko. Hindi ko maintindihan.
"Ano?"
"Nagsira ang lagusan patungo rito! Dahil doon, unti-unti nang hihinto ang oras at panahon sa mundo ninyong mga mortal!"
Ramdam ko ang pagtataasan ng mga balahibo sa 'king katawan nang mapagmasdan kong mabuti ang madiliman. Walang ... wala ngang buhay.
"Sandali, sandali ... hindi kayang tanggapin ng utak ko lahat ng mga naririnig ko sa 'yo, Akinse ... a-ano ba talaga 'to?"
"Wala akong panahon para ipaliwanag ang lahat, Aureya! Patungo na ako riyan! Kailangan kang hindi maaabutan ng pagkahinto! Hintayin mo ako!" asik nito, galit, seryoso. "Makinig ka, Aureya! Maghanda ka ... tutungo tayo sa kabilang mundo!"
The urgency in Akinse's voice made me run in panic.
Blangko ang pag-iisip ko habang tumatakbo ako pabalik sa mga naiwan kong kaibigan doon sa quadrangle. Ginawa ko nang ilawan ang marka sa palad ko. Wala na akong pakialam, kailangan ko silang mabalikan!
Pagkahinto? Oras? Kailangang hindi ako abutan?
If Akinse's words need to be taken seriously, e, 'di dapat ay ganoon din para sa mga kaibigan ko! Hindi ko sila puwedeng iwan!
Ngunit nang sa 'di kalayuan ay mga grupo ng taong ang tumatakbo na rin pasalubong sa akin. Itinaas ko ang palad ko at naaninagan ko ang mga paparating ... ang mga kaibigan ko!
"San!" tawag sa akin ni Kuya Mago na siyang pinangungunahan sila.
Mabilis kong hinanap si Vanessa na sa kabutihan ay naroon na rin. Napabuntong-hininga ako, feeling relieved.
"Parating na sina Akinse," anas ni Kuya Mago.
Napatitig ako sa kaniya. Ganoon din siya...
Paano niya-
"Sania! Ano 'yan!" histerikal na asik ni Lourdell nang bigla ay hablutin niya ang kanang kamay ko.
Nakita na nilang lahat ang nagliliwanag na marka ni Akinse.
"Sorry, guys! Saka na ako magpapaliwanag!" anas ko. "Sumunnod lang kayo sa akin, naiintindihan n'yo? 'Wag na kayong magtatanong pa!"
"Sania! Ano ba ang nangyayari!" Hindi na mapakali si Jhoma. "'Yong mga tao, Sania! 'Yong mga tao sa quadrangle, nakahinto silang lahat! Hindi sila nagsisigalawan! Para silang naging estatwa!"
Bumilog ang bibig ko sa narinig. Hindi gumagalaw?
Napatakip ako sa aking bibig nang mapagtanto ko na ang sinasabi ni Akinse kanina.
Ito ba ang mangyayari kapag inabutan kami ng sinasabi ni Akinse na pagkahinto?!
Isa-isa kong binalingan ang mga kasamahan ko ...
Kumunot ang noo ko ... pero bakit sila-
"Aureya!"
Nagkislutan ang mga nakapalibot sa akin nang dumating ang mga kakaibang nilalang sa harapan namin.
"Uskupuuuu!"
Napasigaw pa si Lourdell at hinimatay nang makita ang wangis ng mga ito, sinalo kaagad siya nina Isabelita at Jhoma na malapit lang sa kaniya.
"Hoy, Lourdell! Muntanga! OA!" asik ni Ailyn sa kaniya na nasa tabi ko lang.
Porke alam niya na ito, para hindi naging gano'n ang reaksyon niya no'n, a?
Pumagaspas ang mga bagwis ni Baito nang umapak ang mga paa niya sa lupa. Lumikha iyon ng marahas ng paghampas ng hangin dahilan para mapapikit kami dahil sa lakas.
Nang magdilat ako ng mga mata ay naroon na rin si Eydi. Ni hindi ko pa halos nakilala si Alpha na siyang naroon sa kaniyang balikat. Hindi ko na lang masiyado pang inusisa kung paano siya nasama sa kanila.
"Aureya!" Marahan akong hinila ni Akinse sa tabi niya, ipinapasok ako sa pagitan ng kaniyang braso at katawan. "Malapit na rito ang paghinto, humanda ka't lilipat tayo sa kabila!"
Tumango akong marahas. Nilingon ko ang mga kaibigan ko sa 'ming likuran.
Sorry ... sorry, nadamay kayo...
Akinse extended his right arm straight forward. Ang buka niyang palad ay nag-ilaw nang sandali may kung ano siyang mga hindi maintindihang salita na i-ch-i-ant.
Nagkaroon ng liwanag sa harapan namin. Malakas na puwersa ang naramdaman ko mula roon. Niyakap ako ni Akinse at maiigi akong ikinubli.
Muli kong sumilip ang mga kaibigan ko nang marinig ang mga ungutan nila, lalo na ang tili ni Ailyn.
Kumunot ang noo ko. Si Baito at Kuya Ihara ang naroon sa paligid niya, mukhang pinoprotektahan siya.
Diyos ko...
"On three! Papasok tayo rito, okay!" asik ni Kuya Mago.
Siguro ay wala na rin at blangko ang isip ng mga kasamahan ko kaya nagsitanguan na lamang sila.
"Okay! One ... two ..."
Bigla akong binuhat ni Akinse at nauna kaming pumasok sa loob ng liwanag.
Napapikit na lang ako sa pagkasilaw.

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    delMundosusan

    deserve mo ng 500 tip Kasi maganda

    25/05/2025

      0
  • avatar
    Cristy San Felipe Buenaventura

    Thank you for the help with me

    11/10/2024

      0
  • avatar
    Justin Adap

    nice stodyt

    14/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo