Homepage/The Forbidden: Awaken/
Brownout pt.2
A I L Y N
“HOY, Mago! Ikaw ba, e, nakikita mo 'yang dinadaan mo, ha?" tanong ko habang pakapa-kapa sa railings ng hagdanan habang humahakbang kami pababa.
Aba! Dapat ay maingat kami sa mga kilos namin. Mahirap nang matulad kami kay Sania na napakama-pride samantalang lampa naman. Alam niya nang bulag siya sa dilim, tapos, iyon! Tinanggihan pa ang kabutihang-loob ko! Tch!
Saka nasa hagdanan pa kami, kapag nadapa kami rito, 'di lang kami mahihimatay ... baka sumakabilang-buhay pa kami kung sa sakaling may isang tangang madadapa sa amin.
“Ay! Putragis!” asik ko nang muntik na akong madapa.
“Uy! Maria Ailyn! Okay ka lang? Kumapit ka na nga lang sa akin nang hindi ka matisod diyan,” anang Mago na aninag kong nilingon akong sandali.
Umirap na lang ako bago nilukot ang damit ni Mago nang kumapit ako sa likuran niya.
Sige! Hindi na ako magpapakama-pride pa para hindi ako maaksidente. Hindi tulad ng isa roon, ngali tuloy mabutas 'yong noo.
Tsk! Taragis kasi! Kung bakit ba naman kasi magba-brownout, gabi pa! Sobrang dilim tuloy dito sa bahay nina Sania, buti sana kung glow in the dark ang mga bagay-bagay.
“Hoy! Ailyn!”
Lumingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Lyca.
O! Nandito pala ang bruhang 'to!
“Pinangagawa mo? Ba't ka sumunod?” Tinaasan ko siya ng kilay, bahala na siyang aninagin 'yon dahil wala akong panahon sa kaniya.
“Bakit? Ayaw mo? Gusto mong masolo si Mago?” Halos hangin na lang na pumasa sa akin ang bulong niyang iyon.
“Animal ka ba? Ano'ng tingin mo sa akin? Bulag? Ano'ng mapapala ko sa mukhang bugbog na bawang na 'to?”
Sinabunutan kong mabuti ang damit ni Mago dahil sa inis ko.
Rinig na rinig ko pa iyong pagmamaktol ng lalaki kahit patuloy pa rin ito sa paglakad nang marahan, siguro'y nasasakal dahil doon ako sa bandang neckline ng damit niya nakahawak.
“Tumabi ka nga riyan! Diyan ako!” Pilit akong hinila ni Lyca para pagpalitin ang puwesto namin, sa balikat ko pa talaga siya nakahawak.
Humigpit ang kapit ko kay Mago habang hinahampas ang mga kamay niya paalis. “Taragis kang babae ka! Masusubsob tayo sa pinangagawa mo!”
“E, d'yan na nga kasi ako! Alis ka!”
“Ayoko!”
“Ang suwapang mo!”
“Ikaw, abnuy!”
“Hoy! Magsitigil nga kayo!”
Halos kumulog ang malakas at malalim na boses ni Mago nang sumigaw siya.
Natahimik na lang tuloy kaming dalawa ni Lyca kaunti na lang kanina ay ihulog ko na sa hagdanan dahil sa inis ko.
Grabi! Katakot!
Para kaming mga bulag na nakagabay sa pader para hindi kami matumba. Pitch black na kasi paligid at ang nakikita ko, talagang wala nang ilaw sa bandang sala.
Nang sa wakas ay nakarating kami sa kusina ay binuksan ko na ang flashlight ng cellphone ko. Nagulat pa sina Mago at Lyca nang magkailaw bigla sa paligid. Pati rin ako, nagulat.
“Punyeta! Dala mo naman pala 'yang cellphone mo, manganda-dapadapa pa 'ko sa dilim kanina!” bulyaw sa akin ni Lyca.
“Maria Ailyn ... napaka-bright mo naman!” Naiiling si Mago habang nakangiti sa akin.
Umirap ako. “E, sorry na nga, e! Bakit ba?”
Uskuuuu! Napakabobo naman, self! Mabuti't wala rito si Ihara, hindi niya mawi-witness ang mga katangahang 'to!
Iiling-iiling pa ring sinenyasan ako ni Mago. Umirap muna ulit ako, siyempre, bago lumapit sa kaniya.
“Ilawan mo 'ko rito,” aniya bago nag-squat. Nagsimula na siya noong mangalkal sa pinakailalim na drawer sa baba ng sink.
Tamang tayo lang ako habang iniilawan 'yong kinakalkal niya.
Tagal namang maghanap ng lalaking 'to.
“Ailyn, akin na nga 'yan!”
Nanlaki ang mga mata ko nang hinablot sa akin ni Lyca ang cellphone ko at siya ang nag-ilaw sa ginagawa ni Mago.
Muntik nang mahulog 'yong puso ko! Akala ko, malalaglag ang cellphone ko!
“Walang'ya ka! Nand'yan ang mga pictures ni Ihara! Ingat-ingatan mo 'yan!” Halos sigawan ko siya. “Mahalaga pa 'yan sa buhay mo!”
“Ewan ko sa 'yo! Lumayo ka na nga lang!”
Ang bruha ay itinulak ako at dumuko pa ng kaunti sa tabi ni Mago. Iyong huli ay walang pakialam sa nangyayari, busy sa pangangalkal ang tukmol.
“Puro mga kubyertos ang nandito, e. Dito 'yong sinabi ni San, 'di ba?” nagkakamot sa batok na anang Mago.
Namamawis na iyong braso't leeg niya. Kitang-kita dahil naiilawan siya ng flashlight. Doon nga yata nakatitig si Lyca kanina pa, mukha siyang tanga.
May gusto ba talaga 'to kay Mago? Bumibingo na siya, noong Foundation Week pa siya bumibida-bida, e. Hindi pa namin siya natatanong ni Sania dahil sa mga nangyari.
Tch. Giling-giling pa siya no'n, mukha naman siyang uod na inasinan.
“Ano ba 'yan? Baka wala naman d'yan! Tiwala ka naman kay Sania, e, sariling pangalan nga ng mga kaibigan niya, makakalimutin Nlniya!” asik ko at humalukipkip.
“Oo nga. Makakalimutin si Sania, paniguradong 'di 'yon sure sa sinabi niya na nand'yan 'yong kandila,” sabi ni Lyca, napalingon tuloy sa kaniya si Mago at napakurap-kurap ng ilang sandali.
Nag-i-illuminate 'yong ilaw pabalik sa mukha ni Lyca kaya tanaw ko kung paanong naglikot ang mga mata niya nang titigan siya ni Mago.
Ito talagang lalaking ito, 'pag mag-iisip ng malalim, ang hilig tumitig sa mukha ng may mukha. Apaka-bad ng habit, a.
“Tagal mo riyan, Mago. Dalian mo nga!”
Marahan kong kinusot ang mga mata ko. Putragis ang dalawang 'to, sakit nila sa mata.
“Sandali lang naman, iniisip ko pa ... ang alam ko, nakita ko na kung saan nakalagay 'yong mga kandila nila, e.”
Tumukod iyong isang tuhod ni Mago sa sahig habang nakapatong naman ang kaliwang siko niya sa tuhod niya na nakaangat, nag-iisip na naman siya ng malalim. Nakadirekta naman ngayon sa sahig ang titig niya.
“Ay, oo!” Bigla siyang tumayo at nagtungo sa tapat ng malaking ref nina Sania. “Ang alam ko nasa taas ng ref nila, e. Dito ko nakitang nilagay ni Ihara noon.” Tumingkayad pa siya at kumapa-kapa sa taas niyon.
Lumapit ako kasabay ni Lyca na nakanguso lang habang nakahalukipkip nang nag-iilaw kay Mago.
Arte talaga ng babaeng 'to, mukha siyang bibeng galit.
“Tangkad mo na, 'di mo pa rin tanaw 'yang tuktok?” Nameywang ako at pinanood si Mago.
Sarap niyang tingnan 'pag naghihirap siya, e.
“Nagsalita ko naman riyan, Maria Ailyn, e, ikaw nga, 'di man lang umabot sa tuktok 'yang braso mo.” Ngumisi ang loko-loko.
Sinipa ko iyong binti niya kaya napatalon-talon siya habang nakangiwi.
Hinablot ko kay Lyca ang cellphone ko at saka siya itinulak palapit kay Mago. Gulat pa siya, e. Para namang 'di niya gusto.
“Iyan, buhatin mo 'yang si Lyca at saka mo ipatingin sa kaniya kung nasa taas nga,” suhestiyon ko saka nginuso ang halatang ginapangan ng kaba na si Lyca. Malikot ang mata ng babaita.
Tingnan niya naman kung gaano ako kabait na kaibigan, talagang pinaglalapit ko sila ng crush niya! Mamaya kami mag-uusap ng masinsinan ng babaitang 'to dahil balik na balik na ko sa kuwarto ni Sania. Gusto ko nang masilayan ulit si Gun!
“Ha? Ano?” Nagbalik-balik ang tingin ni Mago sa akin at kay Lyca.
O, ano'ng tinitingin-tingin ng tubol na 'to? Ba't 'di na lang kaya niya buhatin 'yong isa nang matapos na 'tong kalokohang 'to!
“Dali n'yo na! Aarte ninyo! Akala n'yo ba, gold kayo?” Halos mamuti na ang mga mata ko kakairap sa kanila. Tagal!
“E, ba't 'di na lang kasi ikaw?”
“Pinagsasabi mong unyango ka?”
Pabirit akong napatili nang buhatin akong bigla ni Mago.
Uskupuuuu! 'Yong puso ko ... 'yong puso kooooo!
“Putragis kang depungkal ka! 'Pag ako, nalaglag mo rito, bubunutin ko isa-isa 'yang mga ngipin mo! Animal ka!” Mura ako nang mura habang unti-unti niya akong inaangat.
Tawa lang nang tawa ang gago. “Gaan mo! Kumakain ka ba ng tama?”
Inupo niya ako bigla sa balikat niya. Halos lingunin ko siya kung 'di ko lang feel na ang taas ng kinalalagyan ko. Ang lakas ng lalaking 'to!
“Natural! Ano'ng tingin mo sa akin? Walang malamon?”
Irap ako nang irap bago tuluyang inilawan ang tuktok ng ref. Naroon nga ang mga mga kandila. Nasa dulo na kaya siguro hindi niya nakapa kanina.
“O, ito na! Nakuha ko na! Ibaba mo akong mabuti!” sabi ko habang niyayakap ang tatlong matatabang kandila na dinampot ko.
“Ma'am, yes, ma'am!” Humalakhak pa siya, e, nakakainis siya pakinggan.
Dahan-dahan nga akong ibinaba ni Mago. Ang blissful nga ng feeling ko dahil for a moment, e, ang taas ko. Sarap naman pala ng pakiramdam kapag matangkad ka.
“O, tara na? Baka nagdedeliryo na si Sania roon dahil walang makita!” Tumawa si Mago at kinuha ang mga kandila sa akin. Nauna na siyang lumabas kaya sumunod na lang kaming dalawa ng kasama ko.
Nilingon ko ang kanina pa tahimik na si Lyca. Inilawan ko iyong pader para mag-reflect sa aming dalawa.
“Uy! Dalian mo maglakad!” giit ko.
Ang sagot niya'y pag-irap ng three hundred sixty degrees. Malaman iyon, may bahid ng galit, 'di tulad ng palagian niyang pag-irap na kaartehan lang ang laman.
Nagulat ako at napahawak sa aking dibdib.
Taena, ano'ng ginawa ko?
Imbis na makipagtalo pa ay umirap na lang din ako sa kaniya. Dinagdagan ko pa ng another one-eighty degrees para palaban. Buwisit kasi. Inaano ko na naman ba siya at nagkaganoon siya? Baliw!
Ang hirap talaga kausap ng babaeng 'to! Hirap niya intindihin! Nakakapag-init ng ulo! Tch! Tch!
“San! Ito na 'yong kandila~” Tumabi si Mago kay Sania at tinulungan siya sa pagbangon sa mula sa pagkakahiga nito. Akala ko nga kaninang pumasok ako ay nakatulog na.
Itinapat ko naman ang flashlight sa mukha niya. Seryoso tuloy siyang tumitingin ng diretso sa akin.
Kinilabutan ako. Nakikita niya ba ako? Huhu!
Ang tagal ko nang kasama't kaibigan itong si Sania, pero kapag talaga ganito na siya tumingin, tinatayuan na ako ng balahibo. Para siyang papatay!
Kinuha ni Sania ang mga kandilang inaabot ni Mago. Tahimik kaming lahat at inaabangan ang comment niya sa hard work namin.
“Nasaan 'yong posporo? Katabi lang dapat 'yong nitong mga kandila,” aniya.
Napatingin sa akin si Mago. Nanlaki naman ang mga mata ko.
T-Taena ... parang nakita ko nga rin 'yong posporo roon sa taas ng ref.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (40)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
deserve mo ng 500 tip Kasi maganda
25/05/2025
0Thank you for the help with me
11/10/2024
0nice stodyt
14/07/2024
0Tingnan Lahat