Homepage/The Forbidden: Awaken/
Brownout
NANG matapos kaming kumain ay nag-insist si Kuya Mago na siya na lang ang maghuhugas ng pinggan bilang kapalit sa walang pasabing panginginain. Pumayag na lang kami dahil magre-ready pa kami ng mga mimiryendahin namin para sa music video marathon namin nina Ailyn at Natalya mamaya sa kuwarto ko.
“O, Mago, umuwi ka na katapos niyan, ha,” walang pakundangang anas ni Ailyn habang ipinaghahalo sa malinaw na bowl ang laman ng malaking wrapper ng Nova, Piattos, at Roller Coaster.
May isang bowl na rin kung saan nakahalo ang Nips Deluxe, mga Knick-Knacks, at Pretzels. Naroon din naman si Natalya sa tabi niya na nagtitimpla naman ng apple juice.
Ako na busy naman sa pangangalikot sa ref kung ano pa ang puwede naming makain ay matamang nakinig lamang sa mga sumunod na palitan nila ng mga salita.
“Ano ba ang gagawin ninyo at pinauuwi mo na akong pilit, Maria Ailyn?”
“E, ayaw kong makita pagmumukha mo, e. Nakakapandilim ka ng paningin!”
“Sus! Tagal na nating magkakilala, hindi ka pa rin immune sa kaguwapuhan ko? 'Ta mo nga si Sania, o. Parang dati lang, palagi pang nanliliit mata niyan 'pag nakatingin sa akin.”
“Masakit ka kasi sa mata kaya nagkakagano'n siya.”
“Awts ... that hurts!”
Ngingisi kong dinala sa mesa ang ilang prutas na nakuha ko. Tatlong mansanas iyon at nag-iisang orange. Iyon na lang ang naroon sa ref. Bahala nang magutom ako sa mga susunod na araw.
“Hiwain n'yo, a,” bilin ko sa kanila bago lumapit sa kinalalagyan ni Kuya Mago para matulungan ko siya sa paghuhugas ng mga pinagkainan.
“Ano'ng gagawin ninyo at hindi ako puwedeng sumama, Sania? Rated SPG, 'no? May bed scene ba riyan?” pabulong na anas ni Kuya Mago habang malokong nakatingin sa akin.
Nagtitigan kami habang ang malakas na agos ng tubig mula sa faucet ay rinig na rinig ko.
“Abnormal ka ba, Kuya Mago?” tanong ko sa kaniya. Inabot ko ang basong kakatapos niya lang sabunan at maigi iyong binanlawan.
“Iiiiih! Bakit kasi hindi ako puwedeng sumama? Bakit? Bakit? Bakit?” Nakanguso siyang nagpatuloy sa pagsasabon ng plato.
“Magma-marathon kami ng mga music video ng K-Pop group, Kuya Mago. Bakit? K-Pop fan ka ba?” Tinaasan ko siya ng kilay.
Ngumuso siya at umiling. “Hindi...” aniya at kalaunan ay biglang ngumiti. “Pero malay mo naman, magustuhan ko, 'di ba? May sexy ba roon?”
“Marami,” sagot ko at hindi na dinugtungan pa kahit pa makita kong bumahid ang expectation sa mukha ng lalaki.
In the end, hindi napauwi ni Ailyn si Kuya Mago dahil desidido ang lalaki na makisama sa amin. Buwisit na buwisit tuloy si Ailyn habang nag-aakyat kami ng mga pagkain sa kuwarto ko.
Ganap na alas otso y medya ng gabi nang makapag-settle kami sa kama. Nakadapa kaming tatlo nina Ailyn at Natalya habang nakatutok sa laptop ko. Si Kuya Mago ay nakaupo sa pagitan naming dalawa ni Ailyn. Wala pa man ay nguya na nang nguya kakadampot ng pagkain sa mga bowl kaya mabilis siyang kinurot ni Ailyn na gigil na gigil na.
Nang mag-umpisa na kami sa pagma-marathon ay nagtitilian kaming tatlo. Magkaparehas ng bias si Ailyn at Natalya kaya halos awayin ni Ailyn iyong isa kapag nakikitili rin kasabay siya. Mabuti na lang, ang Noah ko, low-key lang. Para lang siya sa mga mata ko.
“Nasaan iyong sexy?” Kanina pang panay ang kalabit sa akin ni Kuya Mago. “Uy, Sania ... ba't puro lalaki? Sabi mo, may sexy?” Umisa naman siya ng sundot sa tagiliran ko.
Nakangisi ko siyang nilingon. “Babae lang ba ang sexy?”
Iyong itsura niya ay para bang natraydor. Dinala niya sa kaniyang bibig ang dinampot niyang pagkain at ngumuya habang nagtititigan pa rin kami.
“Hay nako, Mago! Umuwi ka na lang kasi kaysa magmaktol ka riyan!”
“Ayokooooooo!”
“Wala kang mapapala rito dahil mga asawa namin ang pinanonood namin! Hindi para sa 'yo 'to!”
“Hindi! Hindi ako uuwiiiiiii!”
Halos siya na lang 'yong nakaubos ng isang bowl ng mga sweets kakareklamo niya magmula pa kanina. I noticed that. Mahilig pala sa matamis itong si Kuya Mago?
“Kanina ko pa napapansin ... kamukha ni Kuya Mago si Gyumin,” biglang sabi ng nananahimik na si Natalya kaya natigilan kami.
Nabaling kaming lahat kay Mago na natigilan naman sa pagnguya.
“Ayaw ko mang aminin, pero ... oo nga, ano?” kunot-noong anas ni Ailyn.
Mula sa pagkakadapa ay tumukod ang aking kaliwang siko at ipinahinga ko ang pilipisian ko sa aking kamao habang pinagmamasdan si Kuya Mago.
Oo nga, ano?
“U-Uy ... ano ba, huwag n'yo ko titigan ng ganiyan...”
Uncharacteristically, parang nahihiyang nagbaba ng tingin si Kuya Mago at ipinagpatuloy ang pagnguya niya. I could even see a hint of redness on the tips of his ears.
Nanlaki ang mga mata ko upon realizing something...
Nahihiya ba siya kapag nakatuon sa kaniya lahat ng atensiyon?
It's not impossible. May mga taong ganito. Si Kuya Mago iyong tipong papansin, pero hindi pinapansin ... ito ba ang nangyayari kapag iyong atensiyon na gusto niya, nakuha niya bigla? What a discovery.
Mabilis akong naghanap ng close-up part ni Gyumin ng member ng paborito naming K-Pop group na EIGHTEEN at i-p-in-ause iyon. Balik-balik ang tingin naming tatlo sa screen ng laptop patungo kay Kuya Mago na kagat-kagat ang labi niya habang nakayuko.
Aside from the piercings and the iconic Band-Aids littering on Kuya Mago's face ay talagang magkahawig na sila. They even have the same skin tone. Nakakabigla ito.
“Ba't ngayon lang natin 'to napansin?” Umupo si Ailyn at sinapo ang magkabilang pisngi ng lalaki para iangat ang pagmumukha nitong nakayuko. Reluctant pa ang huli na mag-angat ng tingin sa amin.
“Juskupuuu! Kinikilabutan ako, o!” asik ni Ailyn. Ipinakita niya ang kaniyang brasong nagtatasaan ang mga balahibo.
“Uy, grabe kayo sa akin!” Ngumuso si Kuya Mago at tinititigan na rin ang sinasabi naming kamukha niya roon sa monitor ng laptop. “Mas guwapo naman ako riyan, a?” Seryoso pa siya no'n habang bumubulong.
“Ayan, sige. Kapalan mo pa ang pagmumukha mo,” sarkastikong usig ni Ailyn. “Pasalamat ka, napansin ni Natalya 'yang talent mo, medyo hindi ka na mahapdi sa mata.”
“Ganiyan? Porke ba't nasabi n'yong kahawig ko 'yang Genshin na 'yan, ngayon pa lang ako naging guwapo sa paningin ninyo?” Nakanguso siya tumitig sa amin.
“Gyumin kasi 'yon, baliw!” ani Ailyn. “Saka wala kaming sinabi na guwapo ka na, 'no? Mukha ka pa ring kuhol, pero iyong nahugasan na.” Nag-thumbs up pa itong siraulong Maria Ailyn na ito kaya mangiyak-ngiyak si Kuya Mago.
Lahat kami ay napatingin sa pinto nang may malakas na kumatok doon.
Sino na naman kaya ang nangangapit-bahay sa amin ng ganitong oras? Siguradong isa 'to sa Manlalakbay, sila lang ang may ganito kakapal na pagmumukha.
“Hoy, Mago! Buksan mo 'yon!” anas ni Ailyn at inginuso ang pinto.
Umawang muna ang bibig ni Kuya Mago bago siya nangiwi. Iiling-iiling siyang bumaba ng kama at nagtungo sa nakasarang pintuan.
“Sania! Mga walang'ya kayo! Ano 'tong pa-my day, my day n'yo sa Faceboo ng sleep over sleep over, hindi n'yo man lang ako inimbi ... ta...”
Natigilan si Lyca mula sa ngitngit niyang pagse-cellphone nang mag-angat siya ng tingin at si Kuya Mago ang tumambad sa kaniya. Nanlaki pa iyong mata niya at tila ba natulos sa kaniyang kinatatayuan.
“A-Ano'ng ginagawa mo rito?”
Tumaas ang kilay ni Kuya Mago. “Bakit? Bawal?”
“H-Hindi ... I mean...” Panay ang iwas ng tingin niya habang unti-unting namumula ang maputi niyang mukha.
Para kaming nakakapanood ng live action na teleserye. Panay ang nguya namin habang inaabangan ang mga susunod na mangyayari.
Biglang namatay ang ilaw at lahat ng nakabukas ng appliances ay nagsitigilan sa pag-andar.
“Ay! Butiking malandi!”
“Luh...”
“Walang power?”
“Uskupuuuuu!”
“Taena, brownout...”
“Ano ba naman 'yan, Sania! Hindi kayo nagbabayad ng ilaw?!” asik ni Ailyn na halos hindi ko na maaninag.
Bulag ako sa dilim kaya hindi ako puwede sa ganitong biglaang mawawalan ng electricity power. Tanging ang laptop ko na lang ang nagsisilbing ilaw sa kuwarto.
Hinampas ko siya nang nakapa kong unan. “Siraulo! Baka may inaayos lang saglit.”
“Sania ... Ailyn ...” ungot ni Natalya. Bumaling ako kung saan ko siya naririnig.
“Takot sa dilim 'yan!” Narinig kong asik ni Kuya Mago kasunod ng mabibigat na yabag patungo rito sa kama.
Tsk. Wala akong masiyadong makita.
Ako naman ay bumaba sa kama para makapaghanap ng kandila, nangangapa. Ang alam ko ay nasa kusina iyon, e.
Biglang nagkailaw dahilan ng pagbukas ni Ailyn sa flashlight ng kaniyang cellphone.
“Patayin mo na 'yan, ayos lang ako,” giit ko. May kaunti pa naman akong naaaninag. Kaunti.
“Sure ka, a? Para ka kasing liyo riyan.”
“Oo. Sige na, patayin mo na.”
“'K.”
Saktong i-off niya ang flashlight ay nadapa ako sa sahig. Humampas ang noo ko sa tiles.
“Saaaaaaaan!”
“Juskupuuu! Huwag kang mamamatay, Sania!”
“Diyos ko, Sania! Bakit ka pumakat diyan sa sahig?!”
“Sania! Huwag kang iiyak!”
“A-Ayos lang ako ... b-buhay pa ako ... h-hindi naman masakit,” giit ko.
Naramdaman kong itinayo ni Kuya Mago ang nangalambot kong katawan.
“Taragis ka kasi! Ma-pride ka pa! Iniilawan na nga kita!” Binuksang muli ni Ailyn ang flashlight niya at itinutok iyon sa pagmumukha ko.
“Saan ka ba pupunta? Kami na lang ni Maria Ailyn,” ani Kuya Mago matapos akong iupo sa talim ng kama.
“Huy! Anong tayo?!”
Wala akong makita sa ni isa sa kanila dala ng flashlight na nakatapat sa akin.
Diyos ko, ang sakit ng noo't mata ko.
“Kukuha sana ako ng kandila sa kusina para hindi na magastos iyong mga battery percentage ng cellphone,” anas ko at pilit na dumilat. “Walang'ya ka, Ailyn, ilayo mo sa akin 'yang ilaw.”
“Iyan! Kaya ka nadadapa, e! Kita nang lampa ka!”
Pumikit na lang ulit ako at hindi na inintindi si Ailyn. Naramdaman ko naman niyon ang marahang paghagod sa aking buhok. Palagay ko'y si Natalya ito base sa aruga ng bawat haplos niya.
“Kunin n'yo na 'yong kandila, samahan ko si Sania rito.”
“Sige,” sagot ni Kuya Mago. “San, saan nakalagay?”
“Sa huling drawer sa tapat ng sink,” saad ko.
“Sige,” aniya. “Maria Ailyn, tara!”
“Oo, alam ko! Huwag mo akong diktahan!”
Mga yabag na palabas ng kuwarto ang narinig ko.
“S-Sandali! Sama ako!” At ang boses ni Lyca.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (40)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
deserve mo ng 500 tip Kasi maganda
25/05/2025
0Thank you for the help with me
11/10/2024
0nice stodyt
14/07/2024
0Tingnan Lahat