Homepage/The Forbidden: Awaken/
Tiwala
“AUREYA!” malakas na pagtawag sa akin ni Akinse bago ako niyakap. Kasunod niyon ang pagsabog ng itim na usok na halos bumalot sa buong sa kapaligiran.
“Madali! Kapag binalot kayo't nalanghap ninyo ang kaniyang usok ay mamatay ang mga mortal na gaya mo, Sania!” bulyaw ni Eydi mula sa 'di kalayuan. Ang taingang-pusa't buntot niya ay tila nangingilabot.
“Kailangang mapasunod natin ang nilalang na iyan kung saan walang ibang madadamay na tao!” bulyaw ni Baito mula sa itaas.
Hindi na ako nakasagot pa nang buhatin ako ni Akinse at mabilis na tumakbo't nagpatalon-talon palayo sa usok na unti-unting humahabol sa amin.
“Baito! Kunin mo si Ailyn!” bulyaw ko sa Iveng nakasunod sa aming likuran.
Nakita ko ang kaniyang pagtango kasabay ng pagbuhat niya sa kaibigan ko nang madaanan niya ang huli.
Ang malakas na tili ni Ailyn ang namutawi sa buong kapaligiran. “Saniaaa! Ano ba 'tooo!”
Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa akin ni Akinse kaya bumalik ang tingin ko sa kaniya. Seryoso ang kaniyang tingin sa daanan habang humahampas ang hangin sa amin dahil sa mabilis niyang pagkilos.
“Ano ang nilalang na 'yon, Akinse? Bakit nandito ang gaya n'on sa eskuwelahan namin?” tanong ko.
“Nilalang na nakawala mula sa aming mundo,” ngitngit nitong saad. “Isang shano ang nilalang na iyon. Mga mabababang uri ng nilalang na nagmula sa maitim na usok. Layunin nilang magkaroon ng sariling katawan kaya ang puntirya nila'y mga mas mahihinang nilalang kaysa sa kanila, katulad na lang ng gaya ninyong mga tao.”
Napalunok na lamang ako habang humihigpit ang yakap ko sa kaniya. “Paano siya nakakawala? Marami ba sila? Paano kung hindi lang siya nag-iisa?”
“Iyon ang dahilan kung bakit naparito ang saganong si Eydi! Para magbigay ng babala tungkol sa mga nakakawalang uri mula sa aming mundo!” asik nito. “Kung naroo't nakapagbabantay lamang ako sa kagubatan ay hindi lalagpas ng tatlong talampakan mula sa lagusan ang ivenashing iyan!”
Kunot-noo kong sinilip ang iba pa mula sa aming likuran. Tanaw na tanaw ko ang namumutlang si Ailyn na kipkip ang kaniyang dibdib habang buhat siya ni Baito. Patalon-talon din si Eydi tulad ng ginagawa ni Akinse. Sa pinakalikod ay ang itim na usok na sumusunod sa amin.
Doon ko lang din napansin ang kung anong umiilaw na bagay na hawak ni Eydi. Para iyong kulay luntiang kristal na kumikislap at nagliliwanag, hawak niya sa kaniyang nakataas na kamay.
At ang nakakagulat pa, pusan niya si Natalya. Si Natalya! Bakit naroon din si Natalya? Sumunod din siya?
Umiling ako at winaglit sa isipan ang mga katanungang walang sense sa mga oras na ito. Kailangan ay naka-focus lang ako sa kalaban namin!
“Sinusundan ba tayo ng usok dahil sa hawak ni Eydi?” muli kong tanong kay Akinse.
“Oo,” anito. “Bulag ang mga shano kaya kung anong pinakamalakas na presensiyang maramdaman nila, iyon ang kanilang susundan.”
“Bakit? Ano ba 'yong kumikislap na bagay na hawak ni Eydi?”
“Aywan! Marahil ay mahalagang bato na pagmamay-ari ng diwatang nag-utos sa kaniya patungo rito!”
Huminto kami sa gitna ng malawak na sakahan. Ibinaba agad ako ni Akinse at ipinuwesto ako sa kaniyang likuran, tila itinatago ako. Hinarap niya ang puwesto kung saan papasalubong sa amin sina Baito at Eydi.
Ang mainit at masakit sana sa balat na sikat na araw ay hindi ko man lang ramdam dahil kay Akinse. Sadyang nagyeyelo sa lamig ang presensiya niya para makaramdam ako ng alinsangan.
“Sania! Muntik na akong mamatay!” Sinalubong ako ni Ailyn ng namumutla niyang mukha at mga nanginginig na kamay.
Mabilis na dumapo ang magkasalubong na kilay ko kay Baito na biglang napataas ng mga kamay.
“Binuhat ko siya ng maayos!” anito.
Hindi ko na lang siya pinansin at hinila si Ailyn malapit sa akin.
“Ito pa ang kaibigan ninyo, Sania!” Halos itapon ni Eydi sa amin si Natalya na siyang sabay naming sinalo ni Ailyn. Halos mapaupo kami dahil sa puwersa ng pagkatumba niya sa amin.
“Putragis! Bakit nandito ka ring sakitin ka!” bulyaw ni Ailyn sa nanginginig pang si Natalya. Tulala pa siya at parang wala sa tamang huwisyo.
Tanong ko rin iyon kanina nang makita ko si Natalya. Bakit siya sumunod? Ito tuloy ang napapala nilang dalawa ni Ailyn.
“S-Sumunod lang ako kay Ailyn k-kasi wala akong kasamang iba...” mahinang sagot ni Natalya.
“Ay, ayaw ka naming kasama—”
Tinakpan ko na ang bibig ni Ailyn bago pa niyang matapos ang gusto niyang sabihin. Tumingin siya sa akin at pinandilatan ko siya ng mga mata.
Huwag niya nang dagdagan pa ang anxiety ng tao. Mukha na ngang mahihimatay si Natalya sa sobrang pamumutla.
“Dito lang kayo sa malapit sa akin,” bilin ko. “Mamaya na tayo mag-uusap ... kapag natapos na ito.”
Tanguan nila ang huli kong nakita bago ako tumabi kay Akinse. Ang nagngangalit niyang mata ay tumuon sa akin.
“Ano'ng kailangang gawin para matalo 'yan?” tanong ko bago tumingin sa maitim na usok sa aming harapan.
Gaya ng kanina ay unti-unti iyong nagkakaroon ng hugis ng isang malaking taong may namumulang mga mata.
“Madali na lamang gapiin iyan ngayong nailayo natin siya sa maraming tao,” sagot niya bago itinuro ang lugar ni Eydi. “Kailangang mahuli't makulong siya loob ng batong hawak ng sagano!”
Kumunot ang noo ko at tinitigan ang maitim na pigura sa 'ming harapan.
Is smoke ... something you can catch?
Napaatras ako nang bigla akong hinilang muli ni Akinse patago sa likuran niya nang bigla ay may tumapong bola ng napakaitim na usok malapit sa aking puwesto. Oh ... it could fire!
“Hay! Alam talaga ng mga nilalang na ito kung paano pahihirapin ang trabaho ko!” asik ni Baito mula sa itaas kasunod ng pagpagaspas niya sa malalapad niyang pakpak.
Nanliit ang mga mata ko upang 'di makasagap ng duming ikapupuwing ng mga mata ko sa hanging dala ng malakas niyang pagpagaspas. Parang nagkaroon ng buhawi dahil sa malalapad niyang pakpak!
“Punyeta! Taragis! Mga animaaal! Mahal na mahal kita, Ihara! Mabubuhay ako para sa 'yooo!”
Napabaling ako sa likuran ko dahil sa tili ni Ailyn. Nakatago siya sa likuran ng tila ipinangsasanggalang niyang si Natalya. Ang huli ay ipinanghaharang ang mga mapayat niyang braso sa kaniyang mukha.
Kumunot ang noo ko. Siraulo talaga ang Ailyn na 'to. Imbis na mangumpisal ay kuntodo mura pa siya. Minus thirty 'to sa langit.
“Iyan na! Nilipad nang panandalian ang katawan niya!” sabi ni Eydi bago ibinato kay Akinse ang hawak niyang kumikislap na bato. “Kunin mo na ang puso niya!”
Nanliit ang mga mata ko nang sa isang kisap mata'y naroon na si Akinse sa puwesto kanina ng shano na biglaang naglaho bukod sa kulay pulang bagay na lumulutang at umiilaw sa ere.
Itinapat ni Akinse roon ang batong hawak niya at mas lalong iyong nagliwanag, tila nilabanan niyon ang pulang ilaw na unti-unting nalusaw nang kainin ng kulay berdeng liwanag. Sa isang iglap, umaliwalas muli ang paligid.
“Ha? 'Yon na 'yon?” Ang abnormal na si Ailyn, nagsalita.
Binalingan ko silang dalawa ni Natalya. Nakasalampak ang huli sa madamong lupa habang nakatitig doon. Si Ailyn ay pinapagpagan ang narumihang puwetan gawa ng pag-upo niya kanina habang nagtatago sa likuran ni Natalya.
“Ayos lang ba kayong dalawa?” tanong ko, tinulungan kong tumayo si Natalya nang makita kong nagpumilit siya.
Siguro, sa akin, kahit paano ay okay lang ako dahil marami na kaming nakasagupang ganitong senaryo nang nasa gubat pa kami ni Akinse, pero itong dalawa ... lalo na ... ito pa lang ang unang beses nilang naranasan ito at hindi pa kapani-paniwala. It might leave them a mental shock.
“Ikaw, Sania, ewan ko ba kung sintu-sinto ka o gusto mo lang mang-asar, e. Natural, hindi! Sino bang hindi magiging okay sa lahat ng mga nangyari, ha!”
Muntik pa akong mapaurong sa lakas ng boses ni Ailyn. Her round eyes was on me.
Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid liban sa kaniya. Magkakatabi sina Akinse, Baito, at Eydi. Hindi ako sigurado sa ginagawa nila, pero mukha silang mga tangang nagsisiksikan at tila ba paurong nang paurong habang tinititigan ko sila.
“Bakit parang kasalanan ko?” tanong ko nang muling tingnan ang nagngingitngit na babae sa harapan ko.
“Tigilan mo ako sa drama mo! Ipaliwanag mo ito!” asik niya. “Iyong nangyari, Sania ... lahat ng mga hindi kapani-paniwalang nangyari kani-kanina lang ... delikado iyon, hindi ba?”
Napatayo na ako ng diretso. Seryoso na siya...
Tahimik kong binalingan si Natalya. Mamasa-masa ang mga mata niya habang nasa tabi ko at nakatingin din sa akin.
“I'm ... I'm...” Mariin akong pumikit. “I'm sorry...” mahinang sambit ko.
I can't help but to apologize. Kung magpapaliwanag ako, para saan? Nangyari na kaya wala nang halaga iyon. Kahit anong paliwanag, ano pang mababago niyon? It'll only serve as an excuse to save ones face. Kaya mas mabuting humingi ng tawad.
Totoo namang muntik na silang mapahamak, pati si Natalya, nadamay. Kung sana ... sana sinabi ko na lang sa kanila, kahit sa mga malalapit ko lang na mga kaibigan, sana naiwasan naming madamay sila.
“Hah! Sorry? Sorry?” Sarkastikong ngumiti si Ailyn at nagmartsa palapit sa akin.
Tumaas ang mga kamay niya at malakas iyong inihampas sa ibabaw ng mga balikat ko. Hindi umiwas ang mga mata ko sa kaniya kahit isang segundo. Kung galit siya, ayos lang ... naiintindihan ko—
“Braaa! Taragis! Para tayong nasa anime!” tili niyang bigla kasabay na pagkendeng niya sa harapan ko. Mukha siyang tangang nagwa-Waka-Waka kahit walang tugtog.
I stared at her in awe. Ha?
“S-Sandali ... sandali, Ailyn! Sandali Maghunos-dili ka!” Hinawakan ko siya sa mga balikat niya para magtigil siya dahil nakakahiya siya.
“Grabiiii! Dati, ini-imagine ko lang na nakiki-payt-payt ako tapos may powers powers ako na may tamang pa-glitters na pink, tapos ngayon, abot-kuko ko na lang!” Nangangarap siyang tumingin sa kung saan kaya niyugyog ko siya.
“Sandali nga!” bulyaw ko at iniharap siyang mabuti sa akin. “Hindi ka ba galit? Hindi ka ba magtatanong sa mga nangyayari?”
“Ha? Ba't naman ako magagalit, ha?” kunot-noong tanong niya.
“Kasi ... kasi ito ... 'yong ano ...”
My reasons awhile ago suddenly vanished as I stared at her confused face. Naumid ang dila ko at tuluyang natahimik. Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya sandali kaming natahimik.
But to my surprise, she smiled. The warmest one. My favorite one.
“Sania, hindi mababaw ang pagkakaibigan natin para magalit ako sa ganitong bagay. Alam ko, kahit hindi ako magtanong, may rason ka rito ... may tiwala ako sa 'yo,” aniya.
“Maria Ailyn...” sambit ko sa gitna ng pagkamangha. “Tigilan mo na 'yan, baka maiyak ako.”
“Putragis ka! Kahit man lang sana may emosyon ka habang sinasabi mo 'yan,” natatawa niyang sabi kaya natawa lang din ako.
“Salamat sa tiwala.”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (40)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
deserve mo ng 500 tip Kasi maganda
25/05/2025
0Thank you for the help with me
11/10/2024
0nice stodyt
14/07/2024
0Tingnan Lahat