logo text

Chapter 21- Let's see mamaya

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil skwela na naman at gusto ko na ding makita si Lywinz. Pababa na ako nang lumabas din si ate aphrodite sa kwarto niya. Nagka titigan kami bago ako ngumite at tumango. Hinintay ko pa siyang makarating saaking pwesto bago kami sumabay na bumaba.
Wala na ang inggit na nararamdaman ko sa tuwing nandyan si ate. Siguro dahil  hindi ko na gusto si Lawrence at wala na akong paki alam sa kanya. Nandun na si kuya Zeus sa hapag kainan nang maka baba kami ni ate. Kumakain na ito kaya dali dali na din kami ni ate na kumain. Tina nguan lang kami ni kuya bilang pag acknowledge ng presensya namin.
Sabay kaming tatlo na papuntang university ngayon. Mukhang di na busy si kuya dahil sasabay na ito saamin.
Walang nag uusap saamin at lamon lang kami nang lamon.
Sabay kaming tatlo na natapos at sabay ding lumabas. Nagpaalam kami kay mama at isa isa niya kaming niyakap at sinabihan na mag ingat.
Nang sumakay na sa tricycle ay duon lang kami nag usap.
"Hmm sis. Nag text na ba si Lywinz sayo tungkol sa gaganapin na meet up mamaya sa Bahay niya?."
"Huh? Para saan ba yan?" Tanong ko.
"Para sa pormal na pagkilala para sa mga bagong members. At lahat ng gf ay dapat dalhin. If of course meron."
Kumunot ang nuo ko sa sinabi ni kuya. Nakatalikod ako sa kanya dahil na nga nasa harapan ako at nasa likod siya ng tricycle. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tiningnan ang text message ni Lywinz if ever may bagong dating na mensahi siya saakin.
Umiling ako kay kuya. "Wala kuya. Wala din siyang sinabi kahapon saakin at kagabi bago ako matulog."
Hindi pa rin mawala wala ang kunot sa nuo ko. Naramdaman ko ang siko ni ate saakin kaya napatingin ako sa kanya. "Okay kalang?"
Naramdaman yata niya na medyo nagbago ang mood ko. "Oo ate, nag iisip lang ako kung ba't hindi ako sinabihan ni Lywinz tungkol duon kung lahat naman pala ng girlfriend ng members ay dadalhin sa meet up." Kahit actually hindi pa kami ni Lywinz.
Narinig ko ang tawa ni kuya sa likod. "Tsk, tsk. Nagselos ka kaagad eh nagtatanong lang naman ako if may sinabi ba sayo si Lywinz."
Kahit nahihirapan akong lumingon kay kuya ay ginawa ko parin. "Eh ano nga? Ba't mu tinanong yun? Ano? Ini-inggit mo lang ako ganun?" Umirap ako.
I-inisin pa sana ako ni kuya ng mag salita si ate.
"Zeus pwedi bang sabihin mo nalang kay Circe yan?" Utos ni ate kaya wala ng nagawa si kuya. Inayos ko na din ang pwesto ko at hinanda ang sarili sa sasabihin ni kuya.
"Nagtanong lang ako sayo dahil akala ko sinabi na ni Lywinz sayo. Nag text kasi ito saakin kanina lang na sabihin sayo ang mangyayari mamaya imbes na siya ang magsabi nito. So that's why I asked you that. Nagtaka lang ako. I mean, pwedi namang siya ang mag sabi right?"
"Maybe his busy." Sabi ni ate.
"Mmm.. maybe. I mean sa pagkakakilala ko kay Lywinz never niyang ipag uutos ang ganito sa iba lalo na pag dating dito sa babaeng to." Sabi ni kuya at hinila ang buhok ko sa likod.
Umaray ako dahil sa sakit at umiling ulit bago binuksan ang cellphone. Sinuway ni ate si kuya at natahimik uli ito.
Napatingin ako kay manong ng tumawa ito. Hindi ko nalang siya pinansin dahil sanay naman na siya saamin. Nag type ako ng good morning kay Lywinz pero hanggang sa makarating kami ng university ay wala pa din reply.
Nag o-overthink na ako kahit na sa loob ng classroom hanggang sa makarating sa tabi ko si Girlyn ay ganoon pa din ang kalagayan ko.
"Hoi!" Naramdaman ko ang kamay ni Girlyn na pilit ako na niyugyog.
"Hmm?" Sagot ko.
"Anong Hmm?!" Sagot nito saka umirap. "Kanina pa ako tanong ng tanong sayo if okay ka lang ba?!"
"Oo okay lang ako." I said with low voice.
"Anong okay?! Nag expect pa naman ako na pagdating ko dito sa classroom ay mukha kanang linta na binudburan ng asin dahil sa kilig pero hindi pala."
Umirap ako sa sinabi niya. Grabe naman tong babaeng to kung maka describe. "Yung pinsan mo kasi, hanggang ngayon di pa din nag re-reply." Sabay iwas ko ng tingin at tiningnan uli ang cellphone ko if nag reply na ba Lywinz. Napahinga ako ng malalim ng wala paring reply.
Hindi pa din nagsasalita si Girlyn kaya napa lingon na ako sa kanya. She looked at me like a guilty person. "Sorry." She said.
Nakaramdam ako ng pagkabigla at kaba dahil sa sinabi niya. "Huh? Ba't ka nag so-sorry? May ginawa ka bang kasalanan?" I asked her but she only looked away at umiling. Ahmm okay??. What's wrong with her?.
"Ahmm.. hayaan mo na si Lywinz at mag focus nalang tayo sa pag study since may quiz ngayon." Pagwawaksi nito sa tanong ko.
"Ahhmm okay??" I rolled my eyes dahil hindi ko siya maintindihan. Nag balik ang tingin ko sa cellphone at laking tuwa ko ng mabasa ko ang text ni Lywinz. Hayyss akala ko kung ano ng bad news na paparating. May nararamdaman kasi akong bad news kanina, hayss ewan ko ba.
Mabilis kong binuksan iyun at napangite sa reply ni Lywinz.
From Manliligaw💘:
Good morning too babe.❤️
He texted back with an heart emoji. I smiled even bigger while my heart flutter from the kilig I felt.
Pero na hinto ang kilig ko ng may maala-la ako. Should I asked him or not?. Well technically, I should right?
Mag te-text pa sana ako ng dumating ang prof namin sa first subject kaya imbes na matanong ko siya tungkol doon ay iba ang sinend ko.
To Manliligaw 💘:
Sunduon mo ako mamaya sa labas ng classroom ng second subject ko babe. Gusto kong sabay tayo mag lunch.❤️
Hindi ko na Hinintay ang reply niya at tinago na ang cellphone ko. Bumuntong hininga ako. I hope walang dumating na problema sa relationship namin. Hayss stop overthinking Circe and let's settle this mamaya. Bumuntong hininga ulit ako.
'Lets see mamaya.'

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    IbañezIvy

    nice

    27/11/2024

      0
  • avatar
    BantanosRyan

    good

    31/08/2024

      0
  • avatar
    CatliJerome

    jeromecatli

    02/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo