logo text

Chapter 20 - Alam mo na kung bakit

'Yes I am'
'Yes I am'
'Yes I am'
Nagpaulit ulit sa utak ko ang sinabi ni Lywinz at para na namang lintang binudburan ng asin dahil sa kilig.
Sampung minuto pa kaming nag landian bago ako nagpaalam dahil nakikita ko na ang bahay namin.
"Bye for now Lywinz Baby. Tatawagan nalang kita mamaya."
I already told him kanina na gusto ko siyang tawaging Lywinz baby kahit na wala pa kaming label and he's okay with it. Kinilig pa nga siya eh.
"Okay Circe Babe. I'll wait for your call." Tumango ako at ngumite ng matamis bago ko binaba ang tawag.
Tumingin ako kay manong Driver.
"Salamat kuya. Sorry nga pala kanina." At bumaba ako nang nakatingin parin sa kanya.
Tumawa siya "Nako iha okay lang. Sanay na ako."
Tumango lang ako ulit at tumawa din nang kaunti bago siya nagpaalam na aalis na.
Nang makaalis si manong driver ay nag lakad na ako papasok sa bahay.
Ilang hakbang palang ang nagagawa ko ng tumunog ulit ang cellphone at sobrang malakas ang tunog nito. Huminto ako at tiningnan ang cellphone ko. Nakitang kong nakasaksak padin ang earphones ko sa cellphone at tenga ko. Kaya pala malakas ang tunog. Tsk! Ang boba ko talaga.
Binuksan ko ang cellphone at bumungad ang text ni Girlyn. Binabasa ko ang text nito habang naglalakad. Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya na tapilok ako sa bato at bumagsak sa lupa. Tang ina ang tanga ko talaga!
"Aray!" Sigaw ko. Pinilit kong bumangon at umupo sa lupa. Tang ina ang sama ng bagsak ko.
Naka dinig ako nang tawa at lumingon sa pintuan kung saan nanggaling iyun.
Masakit pa ang katawan ko pero pinilit kong kumuha ng maliit na bato at binato kay Apollo na nakahiga na sa sahig sa nakabukas na pintuan ng bahay namin.
Natigil siya sa kakatawa at umaray. "Tang ina ate ba't mo ako binato?!" Nakahawak siya sa kamay niya kung saan doon sumapol ang bato na binato ko.
"Nagtanong ka pa talagang puta ka?!" sigaw ko at tumayo ng dahan dahan. Tiningnan ko ang cellphone ko na hawak hawak ko parin kahit na nadapa ako kanina. Mabuti nalang at mahigpit ang kapit ko sa Cellphone ko kung hindi ay talaga namang patay ako.
Pinagpag ko ang buo kung katawan at ng matapos ay nag lakad ako papunta sa pintuan ng bahay kung saan nakaupo parin si Apollo. Mukha akong pilay kung mag lakad.
Namanhid kasi ang tuhod ko dahil sa galos na natamo ko sa pagkakadapa. Galos lang naman ito pero ang sakit parin.
Inirapan ko si Apollo ng huminto ako sa harap niya. "Gago ka talaga noh?! Di mo man lang ako tinulungan at tumawa ka pa talaga." Galit kong sabi sa kanya.
Umiwas siya nang tingin at mukhang natatawa pa din. "Sorry ate. Promise sa susunod pag nadapa ka na ulit ay tutulungan muna kita bago ako tatawa." Tumawa siya ng malakas matapos niyang sabihin iyun.
Inabot ko ang buhok niya at sinabunotan siya. "Ah ganon pala ah!"
Pinilit niyang iniwas ang buhok niya saakin at ginagamit ang kamay niya na pansangga. Tumatawa siya habang ginagawa iyun kaya diko din mapigilan na tumawa dahil sa kambing niyang boses.
"HAHAHAHAHA putang ina ka! Kakalbuhin kitang piste ka!" Inaabot ko ulit ang buhok niya sa tuwing nagagawa niyang masangga at maiwas ang buhok niya saakin.
"HAHAHAHAHA ano ba ate tama na! Masakit na ang buhok ko! HAHAHAHAHA" tumawa ulit siya na parang kambing.
Sa sobrang lakas ng boses namin ni Apollo ay nakuha namin ang atensyon ni mama.
"Ano bang ginagawa nyu?! Ba't ba sobrang ingay nyu?!" Napatigil kami ni Apollo sa ginagawa at nakatingin kay mama na galit na nakatingin saamin. May hawak itong sandok sa isang kamay at naka pamewang.
Napatayo si Apollo at ako naman ay nag mamadaling lumapit kay mama at nag bless.
"Si Ate kasi ma inaaway ako. Gusto pa akong sabunotan." Tumingin ako kay Apollo sa sinabi niya at susugurin na sana siya nang napigilan ako ni mama.
"Circe! Anong nangyari sa tuhod mo?!" Lumingon ulit ako kay mama at nakita siyang naka luhod na para tingnan ang galos ko sa tuhod. "Anong?! Ba't may galos ka?!"
Napa kamot ako sa ulo. "Nadapa kase ako ma."
Tumayo siya at Napa iling iling. "Ang tanga mo naman anak."
Napa awang ang labi ko. "Mama naman!" Ngumoso ako.
Nadinig ko ulit ang tawa ni Apollo kaya lumingon ako sa kanya at sinamaan siya nang tingin.
"Apollo kunin mo ang first aid kit at gagamutin ko ang sugat nitong ate mong nadapa."
Tumango si Apollo at natawa pa lalo dahil sa sinabi ni mama. Umalis ito para pumunta ng kusina at ako naman ay hinila ni mama para umupo sa upuan ng sala. Hinubad ko ang backpack ko at tinanggal ang earphones sa cellphone.
Nang maalala ang text ni Girlyn ay ni replayan ko kaagad siya.
From Girlyn💟:
Dai nakauwi ka na?
To Girlyn :
Oo.
Simple lang ang reply ko pero oks na yan. Bumalik si Apollo dala ang first aid kit. "Ito na ma." Inabot niya kay mama ang first aid kit at kinuha ito ni mama.
Umupo si mama sa tabi ko at si Apollo naman ay nag paalam na umalis para pumunta sa barkada niya. Sinaway pa siya ni mama dahil gabi na pero sinabi naman niya babalik naman daw siya kaagad. Kaya pala siya nasa pintuan kanina dahil palabas na siya para pumunta sa barkada niya. Tsk.
Sinimulan na ni mama ang paggamot saakin. "Sa susunod anak mag ingat ka sa paglalakad at tumingin sa dinadaanan mo. Hindi iyung inuuna mo iyang cellphone cellphone na iyan." Pangaral niya saakin.
Napa 'aray' ako sa sakit dahil sa pag dampi nang alcohol. "Eh Hindi ko naman alam na may bato pala sa dinadaanan ko eh" pagrarason ko. Actually tama naman yung rason ko.
Tumingin saakin si mama sandali at umirap bago binalik ang tingin sa tuhod ko uli. "Kaya nga tumingin ka sa dinadaanan mo diba?!" Nang matapos malagyan ng alcohol at iba pa ay nilagayan niya nang band-aid ang gasgas ko.
"Sorry naman" napanguso uli ako at tumahimik nalang.
Maya Maya pa ay may bumaba sa hagdan. Tumingin ako doon at nakita na si kuya pala iyun. Naka uwi na pala siya.
Nagkatinginan kami ni kuya at nag taasan kami nang kilay. Lumapit siya saamin at humalik sa pisnge ni mama. Natawa ako dahil sa inis na nilingon ni mama si kuya. "Ano ba Zeus?! Kita mo namang may ginagawa ang mama mo tapos nag aano ka?!"
Nagulat si kuya "Grabe naman ma. Naglalambing lang eh." Tumingin saakin si kuya at naki pag apir.
"Napano ka Circe? Ba't ka may gas gas sa tuhod mo?" Tanong ni kuya at umupo sa harapang upuan namin.
Si mama ang sumagot "Ano pa ede na dapa!" Natapos na niyang naayos ang mga gamit sa box kaya tumayo na ito. "Sige na mag luluto na ako." Lumingon sakin si mama at dinuro saakin ang sandok. Nabigla tuloy ako. "At Ikaw naman tumingin ka sa dinadaanan mo sa susunod! Kung hindi ay nako malalagot ka saakin! Naintindihan mo Circe?!" Tumango ako para matapos na ang sermon ni mama. Umalis ito para bumalik sa kusina dala ang sandok at First aid kit.
Ibinaba ko nang dahan dahan ang paa ko sa sahig at lumingon kay kuya na nakitingin saakin na para bang naaasim. "Sakit noh? yan! Ang tanga Kasi!" Pinakyuhan ko si kuya dahil sa inis.
Tinawanan niya lang ako. "Balita ko nag kasagutan daw kayo ni Lawrence ah?!" Nagtaka ako sa sinabi ni kuya "Saan mo naman nakuha iyan?"
"Sa kakilala ko. Nakita daw niya kayong dalawa ni Lawrence sa Cafeteria at nag sisigawan."
Umiwas ako nang tingin at tumango.
"Oo. Tama yung source mo."
Ngumise siya saakin at umiling iling.
"Kung ganon ay First time in the history na nagalit ka kay Lawrence."
"True." Umirap ako at natawa.
"At Alam mo na kung bakit."
"At Alam ko na kung bakit."
Sabay kaming nag salita at nagkatinginan. Tumawa si Kuya kaya natawa ako. Hindi dahil sabay kaming nag salita kundi ay dahil sa tawa niyang parang tawa ng kambing.

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    IbañezIvy

    nice

    27/11/2024

      0
  • avatar
    BantanosRyan

    good

    31/08/2024

      0
  • avatar
    CatliJerome

    jeromecatli

    02/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata