Matapos kumain ng lahat ay nag lakad lakad muna kami sa buhanginan. Hawak kamay kami ni Lywinz na naglalakad. Taena parang mag on na kami kung tutuusin. "DAI! INSAN! picture kayo dali!" Napatingin kami kay Girlyn na Sumigaw at tumatakbo papalapit saamin. May dala itong Dlsr camera at tinututok saamin. Nagkatinginan kami ni Lywinz at pumayag. Binuhat niya ako at ng pa bridal style at nagclick ang camera. Sunod namin kiniss niya ako sa pisnge habang nakayakap saakin. "Okay done!" Sabi ni Girlyn para sabihin saamin na tapos na. "Ang cute nyung dalawa!" Tinitingnan ni Girlyn ang kuha sa camera na picture Namin ni Lywinz. Lumapit ako kay Girlyn para tignan yung pictures. "Patingin nga Girlyn." Binigay niya saakin ang camera niya tiningnan ko iyun. I smiled ng makita na maganda ang kuha at maganda ako sa picture. "Give me a copy of that Couz." Request ni Lywinz. "Of course insan!" Ngite nitong pagsang ayon at tumingin din saakin. "Ikaw din ba dai? Gusto mo din ng copy?" I excitedly said yes at may pa nod pa ng ulo. Matapos nun ay umalis siya para mag cr. Hinawakan ni Lywinz ang kamay ko at nag lakad lakad kami sa buhanginan ulit. Wala Kasi kaming magawa. "Hey Lywinz." I called him. Humarap Siya saakin. "Hmmm?" He ask. "Hindi ka naman mapapagod na maghintay saakin diba?" I ask. Worried na baka sumuko siya. Alam kung dahil lang to sa Gayuma. Pero sana, sana. Sana Hindi. "Of course not, Circe Love." Hinawakan Ng kabilang kamay niya Ang Mukha ko. "Damn I like you so much at alam kung hindi iyon mag babago at mas lalala pa." Dapat maging masaya ako sa sagot niya pero mas nalungkot ako. Nakakalungkot isipin na Hindi naman Niya talaga ako gusto at dahil lang sa Gayuma kaya Niya iyun nararamdaman at nasasabi. Natatakot ako na baka bigla siyang gumising balang Araw na Hindi na Niya ako gusto. Tang ina Ang dali ko talagang mahulog. Lalo na dito sa taong to. Para akong ginayuma. Tumango ako sa sinabi niya at niyakap Siya. Nag stay lang kami ng ganun Hanggang sa mag sawa kami. *-* Nakabalik na kami sa Cottage at nakikinig Kay Gorgina na sinasabi Ang Rules Ng volleyball. Napag desisyonan Kasi ng buong grupo na mag laro ng volleyball. Lahat kami kasali. "Okay guys! Dito Banda Ang group 1." Turo Niya Kila Girlyn. "At ito naman Ang Group 2" turo Niya saamin. Nagkatinginan kami ni Girlyn dahil hindi kami mag ka grupo. Marereklamo na sana kami ng naunahan kami ni Gorgina. "Oops! Guys! Walang marereklamo! Final na Final na Ang Grupo at walang magpapalit ng members!" Malungkot kami ni Girlyn na tumingin sa isa't isa. No choice na kami. Nag simula na kaming tumayo at naglakad sa lugar kung nasaan ang net ng volleyball. Malapit lang naman sa Cottage namin at ilang lakad lang ang layo. Nang makarating doon ay pumesto na kami sa lugar kung saan ang Grupo inilagay. "Ako ang magiging referee at Taga bilang ng score!" Gorgina said. Sumang ayon kaming lahat maliban sa boyfriend niya. "Kung ganun tutulungan ko nalang Ang Girlfriend ko maging referee." Spencer said. Piningut Siya sa tenga ni Gorgina at binalik sa pwesto niya kanina. "Maglaro ka! Okay?!" Napipilitang tumango si Spencer dahil natatakot na mapingot muli. Naalala ko tuloy ang Jollibee kung kapatid. "Okay set one Tayo okay? Ang bola ay sa Group 1 Muna dahil Sila ang nanalo sa toss coin!" Binigay niya Ang bola sa Group 1. Sa kabilang panig ay nasa unahan si Anna. Sinabi niya Kagabi na varsity Siya Ng volleyball kaya sigurado na ako na magaling Siya. Sa pwesto namin ay si Siren lang ang marunong at magaling dito sa panig namin kahit Hindi naman Siya varsity player ng volleyball. Inilipat ni Anna Ang bola kay Aljur na boyfriend niya at ito ang nag serve ng bola Mula sa likod. Sa lakas ng pag Palo ni Aljur ay napunta iyun sa pinaka likuran bago bumagsak sa lupa ay na istrike iyun ni kuya pabalik. Dumaan ang minuto at natapos ang set one. 15- 16 ang score. Naglakad ako pabalik sa Cottage para kumuha ng tubig. Actually to be honest wala naman akong naiambag sa game eh. Puro lang nga ako iwas HA HA HA HA. Matatawa ka nalang talaga pa Nakita mo kung paano ako umiwas ng umiwas para di matamaan. Sa kinagulat ko kanina ay magaling Pala maglaro si Lywinz. Di lang pala Basketball Ang alam nitong laruin. Nagulat ako ng nasa tabi ko na Pala si Lywinz at kumukuha din Ng maiinom. Iniisip ko lang Siya kanina ngayun ay narito na. Nakatingin kami sa isa't habang umiinom siya ng tubig. "What?" He asked me. Yung labi mo po inaakit ako. I want to say it but I did not, instead I look kung madami bang tao at ng makitang ang mga tao sa paligid ay may sariling ginagawa ay mabilis kung kinabig si Lywinz at hinalikan siya sa labi. Hindi na Siya nagulat dahil mukhang expected na niya ito. He kissed me back at binuhat ako para iupo ako sa lamesa. He bite my under lip and he sucked it. Mas lalo ko pa siyang hinila saakin. Natapos ang halikan namin ng kinapos kami sa hininga. I gave him a smack on his lips at tinulak siya Ng mahina para maka tayo. "Let's go back Lywinz." I said. Inakbayan Niya ako at sabay kaming bumalik kung nasaan ang iba. Kami lang pala ang hinintay kaya nung dumating kami ay nag simula kaagad ang set 2. Maayos naman ang simula dahil nakakaiwas pa ako pero ng mag tagal ay hindi na. Sabog pa ako sa halikan namin ni Lywinz kanina kaya di ako Maka fucos. Basta Ang naalala ko nalang bago ako tamaan ng bola ay ang pag spike ni Anna nito at lumipad ito papunta sa harap ko at sa lakas nito ay tumama ito sa mukha ko. Natumba ako at sumakit ang ulo ko. Bago ako mawala ng Malay ay narinig ko pa ang mga boses nila. Na sinasabing "Circe okay kalang?".
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice
27/11/2024
0good
31/08/2024
0jeromecatli
02/08/2024
0Tingnan Lahat