8th Fix

Chapter 8: Paano ka?
HINDI ko alam kung effective ba ang pag-aala-fairy godmother ko kina Christeine at Sin, pero tingin ko naman ay nagbubunga iyon ng maganda. I personally see the progress and I just know my efforts wouldn't be wasted.
Ang ship nila ang pinag-iisipan ko habang pinagmamasdan silang magkausap. Naging tambay na rin si Christeine sa Music Room kaya madalas ko na siyang nakikita.
Full month of effort and I could see na sinusunod niya ng maayos ang bilin ko. From the clothes to wear and such. Pati iyong beauty products na binili ko para sa kaniya, talagang malaki ang epekto. Pinahirapan niya akong mapilit siyang gamitin ang mga 'yon kaya dapat lang.
Her face did once scattered with pimples and scars. Hindi naman grabe, pero kapansin-pansin talaga. But now, she's glowing up. May kaunti pa ring mga pekas, pero papawala na. Mas umaliwalas ang mukha niya at mukhang hiyang sa mga ginagamit kaya mas kita ngayon ang ganda niya.
"Christeine is pretty, right?" Siniko ko si Jordan na nasa tabi ko.
Tumitig siya sa akin bago sa lugar nina Sin at Christeine. His crossed his arms, causing his bare arms and muscles to flex. Nakatagal naman ang shirt niyang nakasampay sa kaniyang balikat.
"Pretty? That?" He hissed. "Kahit ano'ng gawin mong hugas sa patatas, patatas pa rin."
Oh, look at the logic of this guy! Humalakhak ako at hinampas siya. Nakakatawa kaya! 'Yong tono niya pa ay parang may gustong patunayan.
"Ang sungit mo, ha. Ang aga," sabi ko, "totoo namang maganda si Christeine, a? Ang cute niya pa. Hyper palagi."
Pumalatak siya. "Bakit ba palaging nakadikit 'yan kay Sin?"
My lips parted, 'di makapaniwalang tinitigan siya.
"O-M! 'Di mo alam?" sambit ko. "May gusto si Christeine kay Sin!"
I can't believe him! He's so dense! I thought they know! Kahit si Alexis ay nahahalata 'yon!
"Ano!" bulyaw niya. Napatingin tuloy ang busy-ng sina Sin sa amin.
"Don't mind him!" I said.
Ngumiti lang si Sin at balik sa makikipag-usap kay Christeine. Nakita ko pa ang pag-ipit niya ng takas na buhok sa tainga ng babae. I bit my lip. See? See? My ship is sailing!
Hinila ko si Jared patungo sa bukana ng Music Room para mailayo sa dalawa. He was grumbling as I pulled him, para bang may hinanakit na gustong ilabas.
"Watch, Jordan! Those two will be an item just before this month ends!" bulong kong may katinisan.
"Item? Item? Ang pangit ng babaeng 'yon, ipapares mo kay Sin! Pareng silang langit at impyerno! Puwe!" Parang bagyong 'di kumakalma ang boses niya. Umirap ako at mas lalo pa siyang inilayo, palabas na ng Music Room.
"Ano bang ikinagagalit mo riyan, Jordan?" Biglang palis ng pagsasalubong ng mga kilay ko nang may maisip ako. "Don't tell me... Nagseselos ka?"
"Tang'na! Ba't ako magseselos, ha!"
"Um... Because you like Christeine?"
Para bang nawalan siya ng kulay sa sinabi ko. His meeting brows calmed when his eyes went wide. Mas lalong nadepina ang luntiang mga mata niya.
Napasinghap ako at napatakip sa 'king bibig nang mas lalong nabuo ang mga konklusyon sa utak ko.
"Or you... Didn't realize that you like her?"
"Mukhang 'yon?" Malakas siyang tumawa. "Ang pangit! Hindi ko 'yon gusto!"
He walked out on me after that. Hindi na siya bumalik ng Music Room kaya sinundan ko na lang siya ng tingin.
Hindi niya pala gusto, e, ba't siya gano'n?
Nawala na rin tuloy ako ng gana kaya nag-paalam na ako kina Sin at Christeine, saying that I'm going first. But I was smirking as I left them. Sila lang dalawa kaya... Marami ang puwedeng mangyari~
Pababa na ako noon ng hagdan nang makasalubong ko ang paakyat na si Rex. My heart thumped and my hands shook. Lalo na nang magkatitigan kami, para bang nabingi na ako sa lahat at tanging tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko.
We haven't really talked to each other. Hindi ko rin alam kung bakit at sa tuwing nakikita ko siya, napapaiwas ako. Or... I think it's just my nature that suppresses me to draw near him... Na hindi na dapat pa akong lumapit... Na alam ko kung saan dapat lulugar.
"Si... Sin lang ang naroon... Kasama si Christeine..." sabi ko, tumango-tango pa habang kagat-kagat ang aking labi.
Cheers to your achievement, Sue! That's your first line to him after weeks! Kahit na awkward, okay naman!
Lumipat-lipat kung saan-saan ang tingin ko liban sa kaniya. "Sige... I'm going..."
Lumampas na ako ng isang baitang pababa mula sa kaniya nang hawakan niya ang braso ko. His rough, calloused, hand felt hard against my skin. And damn my heart for beating this fast. Halos 'di ako makahinga ng maayos.
"Sue... I don't know what's happening, but... Please... Mag-usap na tayo..." Nagsusumamo ang boses niya.
Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. "Let me, Rex . Nilulugar ko na ang sarili ko habang-"
"Nilulugar para saan?" mabilis niyang pagputol sa sinasabi ko.
Doon ay mata sa mata ko siyang tinitigan. His deep black eyes look so beautiful. I remember how I admired those back when I was younger... How I came to love them so much.
"For you and Jansen, of course."
Napabitiw siya sa akin at gigil na napahilamos sa mukha. Tumabi lang kami ng sandali nang may magdaang ilang estudyante.
"I already told you that's she's not for me, Sue. We're not happening, and never will," he said the moment we were alone again. "Are we really going to ruin our friendship for this? Sue naman..."
Still, looking straight in his eyes, I said, "But you love her." Without blinking. "At mahal din kita. Hindi kaibigan ang tingin ko sa 'yo, alam mo 'yan."
"Sue..."
The pity and sorrow he has in his eyes pained me big time. Mapait ang naging pakiramdam ko dahil doon.
"Sana... Sana hindi mo na lang ako nilapitan noong umiyak ako. Sana hindi mo na lang 'ko pinatahan. Sana hindi mo na lang ako nginitian..." Walang laman akong napangiti. "Sana kasi hindi mo na lang ako sinanay sa 'yo."
Muli niyang hinawakan ang braso ko. From my wrist to my palm, he slid his fingers in between. I can't help but to hate myself from thinking that they looked perfect together... Na ako naman talaga ang bagay sa kaniya.
Hinila niya ako at niyakap. His firm chest felt so warm against me. Napangiti na lang ako at ipinatong ang baba ko sa kaniyang balikat.
"Hindi ka na sana nahihirapan ngayon. Alam kong ayaw mo lang akong saktan kaya hindi kayo mangyari-yari ni Jansen," bulong ko.
"Goodness, Sue! Kahit wala ka pa, hindi kami puwede!" Humigpit ang yakap niya, pilit ipinaiintindi ang kaniya.
Nanghina ako dahil sa init na hatid niyon, halos makalimutan ko na kung nasaan ang lugar ko.
"Mag-usap na tayo..." aniya sa mahinang boses.
"Nag-uusap na kaya tayo," natatawa kong sagot.
"You know what I mean." Napanguso ako. Jerk... Hindi man lang marunong makisakay sa biro ko.
"I'm still in love with you though," I said. Nakaramdam ako ng tapik sa 'king likuran.
"You're still my friend," he whispered.
Oh, precious! I know... I'm a friend... A forever one.
Pumikit na lang ako at ninamnam ang init na hatid na yakap niya.
Ito ang klase ng init na ibinibigay niya mula pa noon. Sa tuwing yayakapin niya ako at patatahanin mula sa pag-iyak. It's funny 'cause he was also the one who taught me to never cry for something that hurted me.
"Samantha..."
Sabay pa kaming bumaling sa ibaba ng hagdan nang marinig namin ang pagtawag.
My eyes widened at the sight of Logan's serious face. Mabilis akong bumitiw kay Rex at bumaba para salubungin siya.
Shit! Nakalimutan kong nagpapasundo nga pala ako sa kaniya!
"Who's he?"
Napatanga ako sa tanong ni Rex habang kunot noo ay nakapamulsa siyang sumunod sa pagbaba ng hagdan.
"Um... He's... He's my friend."
Nanlaki ang mga mata ni Logan. Marahas ang naging pagbaling niya sa akin. Like I did something sinful. What! Hindi ko kayang magsinungaling kay Rex!
The latter nodded. Unti-unting napalis ang pagkakanunot niya.
"May lakad kayo?" Marahas akong tumango.
"Okay... Una na 'ko..."
Ni hindi ako huminga hangga't 'di siya nawawala sa paningin ko.
"Sino 'yon?" Halos tumarak sa akin ang matatalim na mga mata ni Logan nang tuluyan kaming magkaharap.
"He's... A friend!" Tumango-tango ako. "Don't mind him."
"E, bakit pakilala mo, kaibigan mo 'ko?" maanghang niyang sambit.
I'm stuck between laughing and gawking at him. Yes, iyon ang usapan naming dapat na pakilala ko sa kaniya, but he sounds off. Or maybe because he was surprised? Sa lahat ay kay Rex ko lang siya ipinakilala bilang kung ano man ang tunay naming estado.
He can't blame me. Hindi ako magsisinungaling kay Rex. Kahit ano'ng mangyari.
"C'mon!" Hinampas ko ang balikat niya. "Huwag mo na ngang intindihin 'yon!"
I managed to get it off his mind after a few more talks.
Uwi na talaga namin kaya nanunundo siya, nag-aayang mangibang-bayan kaya game kaagad ako. But I'm a little worried about the weather, may balita na may nakapasok na bagyo sa Pilipinas at ang lugar namin ay sakop.
The sky doesn't look good and the surroundings was already windy when we got into the pathway. Iyong ibang estudyante, nagtatakbuhan na dahil paniguradong mag-uunahan sila sa sasakyan. Kapag ganito ang panahon ay unahan sa mga jeep para sa mga nagko-commute lang.
"Huwag na muna kaya tayong tumuloy ngayon? Mukhang uulan," sabi sa kaniya sa kalagitnaan ng paglakad namin sa pathway.
"Parang nga," sagot niya habang tinitingnan ang mga estudyanteng nagtatakbuhan na patungong gate. Walang silong ang pathway kung sakali mang bubuhos na ang ulan, paniguradong mauulanan kami.
I crossed my arms as I rubbed them, feeling each passes of the chilly breeze of air. I only have a sleeveless turtleneck and a shorts to pair. Malamig.
"Gan, pahiram naman ng jacket mo." Nginuso ko iyong suot niyang jacket. Tinaasan niya muna ako ng kilay bago napailing.
"Bakit kasi ganiyan 'yang suot mo. Malamig na ang panahon magmula pa kaninang madaling araw, nagtaktak ka pa."
"Whatever, nagger."
Inirapan ko siya at inayos ang jacket na isinuot niya sa akin. I don't have to listen to him, anyway. He clearly knows nothing about fashion.
"Wala akong payong. Wala pa akong car," sabi ko habang niyayakap ang sarili. Nanunuot ang amoy niya sa suot kong jacket. It smells manly.
"Wala rin akong motor." Napatanga ako sa kaniya.
"What? Why?"
"Malapit lang 'yong dorm namin, natural. Iniwan ko ro'n. Kung sanang matutuloy tayo ng alis, paparoon muna tayo."
Napakamot na lang ako sa 'king leeg. Paano kami niyan 'pag umulan?
And as if the heavens wants to take my last words, it did rain. Unti-unting naging malakas ang pagpatak ng ulan habang kami'y nasa pathway pa rin.
Mabuti na lang at naalala ko kaagad 'yong Student Council na malapit lang ang office. Pumunta kami ni Logan doon imbis na takbuhin na ang gate.
"Ano pang gagawin natin dito?" nakangiwi niyang tanong.
Iritado niyang pinagpag ang basa niyang buhok. Kahit nakatutok na palikod at sinuklay niya pa iyon ng kaniyang mga daliri, making it a clean swept-back.
I just told him to wait at ako na lang ang pumasok sa office. Good thing at mahilig akong magbasa-basa ng mga posters sa paligid ng university. Ang alam ko ay nagpapa-rent ang Central Student Council ng payong 'pag ganito ang panahon.
Marami nga ang tao sa loob nang pumasok ako. All of them were asking for the umbrella. Nagsumiksik na ako para 'di maubusan. Si Rules na siyang presidente ng Student Council pa ang nakaharap ko.
"Naulanan ka na, a? Wala kang sasakyan pauwi?" tanong niya nang maiabot ang payong. Thirty pesos for the rent, kaagad na akong nagbayad.
"Wala nga, e! Gosh!" Umirap ako bago siya nginitian. "Sige na, Rules! I gotta go, may naghihintay pa sa akin, e! Bye-bye!"
Nginisian niya na lang ako bago kumaway.
Nang makalabas ako ng CSCO ay inabutan ko sila Logan na sinasalo sa kaniyang palad ang tumutulong tubig mula sa bubong. Ngumisi ako at tinawag siya, pabidang ipinakita ang payong na hawak ko.
"Kanino mo naman hiniram 'to?" tanong niya nang naglalakad na kami sa kalagitnaan ng pag-ulan, palabas ng gate. Hawak niya ang payong habang sabay kaming humahaknang.
"Jerk. I rented that. Wala nang hiram-hiram ngayon, 'no."
Lumapit pa ako sa kaniya para 'di mabasa. Ramdam ko ang paglibot ng kaniyang braso sa likuran ko hanggang sa umabot ang kamay niya sa kaniyang braso. Kumapit siya roon at idinikit na akong tuluyan sa kaniya.
"Payong, nirerentahan? Ano 'to? Bahay?"
"Ewan ko sa 'yo, Logan. Magpasalamat ka na lang na hindi tayo nauulanan ngayon."
Nirolyohan ko na lamang siya ng mga mata nang taasan niya ako ng kilay. Tsk. Gawain niya 'yon, 'no? Porke ba't makapal at maganda ang kilay, ibibida na?
Nang-aasar talaga ang panahon. Mas lalo lumakas ang ulan at naglakihan ang bumabagsak na tubig. Nakaaawa iyong mga estudyante sa gilid ng kalsadang nadadaanan naming dalawa ni Logan. Iyong ibang walang payong, walang choice kundi ang maligo na lang sa ulan. Punung-puno ang mga waiting shed kaya hindi rin kasiya ang iba. Nakita ko pa ang ilan na nagtakbuhan nang may humintong jeep. Halos magtulakan sila sa pag-uunahan.
"Wait lang, ha. Text ko sina Jordan, baka hinahanap ako ng mga 'yon." Inilabas ko ang cellphone ko at tumipa.
Marami na ngang text galing sa kaniya at kina Alexis. Hinahanap ako. Alam nilang wala akong sasakyan. Pare-pareho ang text ko sa tatlo, medyo napahaba lang ng kaunti nang sagutin ko naman ang mensahe niya.
"Sino 'yang Jordan?" Ngumuso ako at pahapyaw na tumingin sa kaniya. Inabutan ko ang kuryosidad sa mukha niya.
"Best friend ko."
"Babae?"
"Bastard! Does it sound a girl's name to you?"
Nangalit ang kaniyang mga kilay.
"Best friend mo, lalaki?"
"May babae akong best friend, mayroon ding lalaki."
Narolyo ang mga mata niya sa sinabi ko. I bit back the laugh threatening to come out. He looked so gay!
"Why? Selos? Sorry, Hindi kita puwedeng best-friend-in. Loyal ako kay Jordan, seloso pa naman 'yon." Tumawa ako. "You're my favorite person though."
He pursed his lips, nasa gitna ng pagsimangot at pagpipigil ng ngisi. Mas lalo akong napahalakhak at bahagya siyang siniko. Umayos siya ng postura at itinaas ng kaunti ang hawak na payong.
"Humawak ka nga sa akin, nababasa ka na," aniya. Pinagpagpag niya ang nababasa kong braso at mas lalo akong itinabi sa kaniya. Dikit na dikit na ako sa kaniya, hindi pa siya kuntento.
"Hawak mo na kaya ako."
"Humawak ka rin."
Inilibot ko na lang ang braso ko sa malapad niyang likuran. Ramdam ko ang pagkabasa roon. Hindi ko alam kung nabasa na rin siya ng ulan mula roon, mas malaki ang ibinibigay niyang espasyo ng payong sa akin.
I can't help but to smile, thinking about the past as we saunter towards our destination. I've never thought we'd clicked like this. Parang nito lang ay naiinis ako sa kaniya, lalo na't walang dahilan para magkasundo kami. He's just my total opposite. Our opinions contradict each other. But... What do we know? No one can foretell.
May dumaan na ten-wheeler truck kaya nagtalsikan ang mga tubig sa gilid ng kalsada. Tumawa ako nang tamaan siya. Puro putik ang puti niyang t-shirt at suot na slack.
Mura siya nang mura habang sinisilip ang namantsahang damit. His sharp eyes darted at me when he heard my giggles.
"Ano? It's funny kaya!" buwelta ko habang dume-defensive stance. Mas lalong nagngalit ang nagtatagis niyang panga, hindi ko alam kung sa akin naiinis o doon sa damit niya marumi.
I held the umbrella for him. Lumayo kaming bahagya sa kalsada habang tsine-check niya ang damit niya, wala siyang pakialam sa pang-ibaba. Concern talaga siya roon sa kaniyang pang-itaas. Napakapit tuloy ako sa jacket niyang suot ko. Do I need to be guilty or what? Mukhang maselan siya sa puti.
A lightning struck and a thunder invaded the whole place. Nagsigawan ang mga estudyanteng malapit sa amin. Iyong sigaw nila'y may takot dahil napakalakas ng nangyaring nganig. Kahit ako at muntik na rin dahil sa gulat.
"Takot ka sa kulog at kidlat?" Kunot-noong nakatingin sa akin si Logan. Bumagal ang pagpagpag niya sa kaniyang damit at mas inintindi ako.
Umiling ako. "Hindi, a. Nagulat lang ako, ang lakas kasi."
Nilibot ko na lang ang mga mata ko sa makulimlim na paligid. Ang langit ay halos magkulay dagtum na kaya bahagyang madilim kahit pa mag-a-alas tres pa lang naman ng hapon.
Sa kabilang gawi ng kalsada ay namataan ko ang isang babaeng basang-basa. Nakayuko, yakap ang sarili... Tila walang pakialam kahit nauulanan siya. Pinagtitinginan din siya ng ilang estudyante.
"Wait... That's Galacia, right?" My eyes widened. That's definitely Galacia!
Tumindig si Logan na hilahin ko siya. My eyes were glued on Galacia, hindi ko siya maiwan-iwanan ng tingin.
"Logan, si Galacia!" Itinuro ko ang kinaroroonan ng huli. "Puntahan mo siya! Dali!"
Malutong siyang nagmura. "Takot 'yan sa kulog!" Nanlaki ang matatalim niyang mata. Pati ako ay ganoon din.
Luminga-linga siya sa magkabilang gawi ng kalsada. Ang daming sasakyan, hindi siya makatawid.
Nakaamba na siya kaya hinila ko siya at inabot sa kaniya ang payong. Umawang ang labi niya habang nakatitig sa akin.
"Cover her with this. Sige na!" Ipinagduldulan ko sa kaniya ang payong. Naramdaman ko nang nabasa ang likuran ko.
Ngunit bayolente siyang umiling. "Hindi! Sasama ka! Papayungan natin siya!"
"Hindi tayo magkakasya rito, Logan! Sige na, kayo na lang dalawa!"
Hinablot ko na kamay niya at pilit ibinuka ang nakayukom niyang palad. Nang magawa ko ay mabilis kong ipinahawak sa kaniya bago niya mailayong muli ang kamay niya.
"Puntahan mo na si Galacia," muli kong pag-uudyok bago ngumiti. "I'll be fine."
Muling kumulog dahilan ng malakas niyang pagmumura. He stepped forward when the road cleared, pero muli siyang bumaling sa akin.
Tumango ako at sinenyasan siya. Malalaki ang naging hakbang niyang nang tumakbo siya patungo sa kinaroroonan ni Galacia.
The coldness slowly crept in my skin. Ang tubig-ulan ay unti-unting ramdam kong lumandas sa buo kong katawan. Hindi iyon naging dahan-dahan. The moment he left, I was drenched from the rain.
Pinanood ko kung paanong dumating sa harap ni Galacia si Logan. Itinapat ng huli ang payong sa kaniya. Galacia smiled before hugging her beloved.
And as I gawk at the two... I realized how much they longed for each other.
Walang laman akong napangiti. Para akong nakapanonood ng isang eksena sa romantic movie.
My eyes moved to see my feet, upwards, to my clothes. Everything is wet.
Muli kong tinitigan sina Logan, tanging likod niya lang ang nakikita ko. Magkausap na sila ngayon. They look happy. Nakangiti si Galacia at parang nagliliwanag siya ngayon.
May comeback na ba? Hindi malabo... If then... I guess my role stops from here.
Unti-unti na akong humakbang palayo para nagpatuloy sa naudlot na paglakad sa paroroonan. But this time... Hindi ko na sigurado kung saan ako pupunta.
He's my friend, yes, pero ito na ang pagkakataon niya para makasama ulit ang babaeng mahal niya. And I won't stop that. After all, ito naman ang dahilan bakit kami nagkalapit.
Logan never said he'll be back for me, anyway. And I don't expect he will.
Maybe, one reason why I don't feel so much hurt everytime I give is that I never expected something in return. Yes. That's the formula. Never expect something in return.
Yet, in one swift yank, I'm already facing the way where I came from. With Logan in front of me.
Waters tricking down from his wet tresses. His once swept-back locks were now messy, pointing everywhere.
Pareho kaming basang-basa sa ulan. Ang payong ay wala na sa kaniya. At wala rin si Galacia.
"Bakit ka umalis!" Galit ang lahat sa kaniya. Ang mga kilay, labi, mata... Lahat.
"Bakit ka bumalik? Nasaan ang payong? Si Galacia?" Pakiramdam ko ay nanlambot ako. Ang tambol sa dibdib ko ay nakapanghihina.
Napasinghap siya sa aking mga tanong. Para bang nakapawalang-kuwenta niyon.
"Iniwan ko sa kaniya!" Ulit-ulit siyang nagmura habang pilit na ikinukubli ako sa ulan kahit pa basang-basa na ako at gano'n din siya.
My eyes widened. "What! You mean, left her!"
"Tara na, Samantha!" giit niya. Hinila ako, pero 'di ako sumunod.
"Pero paano si Galacia!" Mas inintindi ko iyon. Nilingon ko ang lugar kung saan niya iniwan ang babae, pero hindi na 'ko na matanaw sa labo ng paligid.
"Putang'na! Bilisan mo na!" Humigpit ang hawak niya sa 'king galang-galangan.
"You left Galacia alone, Logan! Paano siya?"
"Paano ka!"
Sumigaw na siya sa kaniyang pagtatanong.
I was halted when I heard him asked with so much distress in his voice. He questioned... Something I've never experienced asking to me.

Komento sa Aklat (5)

  • avatar
    Mark Yhuan Tenorio

    thank you

    10/06/2025

      0
  • avatar
    G_ellerick

    the story was great at ramdam mo yung deep connection ni author sa bawat character niya. magulo nung unable, pero na-visualized ko yung pagpakilala nya sa bawat characters which has a big part sa plot nung gustong palabasin ni author sa kwento nya. sana ma-update mo pa yung chapters mo author, willing to wait 😊

    10/07/2024

      0
  • avatar
    eternityyyyy

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    10/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata