7th Fix

Chapter 7: Good Friend
MARAMI nga talagang sumunod. Not just once or twice, but it repeated multiple times and I'm still looking forward for some more.
We'd try to figure our mutual vacancies para makabalik ng Monte Vista. We'd find time at doon kaming magba-bond. I always feel at ease with him as I get to know him more.
I've never expected I'd be experiencing the best days of my life with Logan. And I never expected that I'm going to love his company. He's unexpectedly fun to be with. Talagang sinasabayan niya ako sa mga trip ko. But he knows limit. And that, for me, is a good friend.
Maganda iyon. Para sa akin at para sa kaniya. Sa aking ang tuwa. Sa kaniya, nalilimot niya si Galacia. I haven't heard him about her. Hinihintay ko lang, pero 'di ko na inuungkat.
Naudlot tuloy 'yong pagpunta ni Christeine last, last, last Sunday dahil madalas akong wala. So when this Sunday came, I set all of my chores aside for her para makapunta na siya rito sa bahay. Tapos na ang lunch at katawagan ko na siya habang papalabas ng village, nag-aabang na siya noon sa bungad.
“Grabe 'yong guard, beh! Ang sungit! Ayaw akong papasukin, baka scammer lang daw ako!” sumbong niya habang pabalik kami sa bahay, “bisugong 'yon... Mas mukha siyang scam, 'no! Siya nga 'tong mukhang kilabot ng mga fiesta! Para lahat ng makitang pagkain, dadambahin!”
Tawa ako nang tawa sa mga pinagsasabi niya. I don't know why I find her way of speaking so funny kahit pa mura lang naman siya nang mura. Malakas 'yon at walang halong humor, but I don't know. She's so funny. Walang pinili, she speaks want she wants to speak.
“Dito na ang bahay n'yo? Grabe! Ang laki! Ang yaman n'yo naman!” Nakanganga niyang inilibot ang mga mata hanggang sa makapasok kami ng bakuran. Nangingiti na lang ako habang pinangungunahan siya.
“Tara~” Hinila ko siya patungong pinto.
“O-M!” Nabigla ako nang bigla niyang hubarin ang mga tsinelas niya. “Bakit mo hinubad 'yan?”
“Ay, weh? 'Di ba kayo nagpapaa sa loob ng bahay?” nanlalaki ang mga mata niyang tanong, parehas kaming gulat.
“Why would we?” natatawa kong tanong pabalik, “c'mon! Wear your slippers na, marumi ang sahig!”
Marami siyang sinasabi habang sinusuot pabalik ang mga tsinelas niya. Kakaiba raw talaga ang mga mayayaman, iyon ang pinaka-point ng sinasabi niya. Natatawa na lang ako.
Paakyat kami noon ng hagdan nang masalubong namin si Camille.
“Who's that? New maid?” she asked while playing her fake curls. Weekend at nakasuot siya ng pulang red spaghetti-strapped na tube at daisy duke. Gan'yan ang mga klase ng pambahay niya.
Rumolyo ang mga mata ko. “She's my friend.”
Nangasim ang kaniyang mukha. “Ew!” lintaya niya, “You're friends with maid?”
“Hindi siya katulong, Camille! Kaibigan ko siya!” Tumaas na ang boses ko.
Pinandilatan niya kaming dalawa ni Christeine bago tuluyang bumaba. Binangga niya pa ang balikat ko.
“Whatever. You, two, look like a beggar anyway,” bulong niya pa. Halos hablutin ko ang buhok niya sa inis.
I just smiled at Christeine when our eyes met, silently apologizing for the little commotion. Napansin ko siya kanina na nakatitig lang kay Camille, hindi ko tuloy masabi kung ano'ng iniisip niya.
“'Wag mo na lang pansinin 'yon. If you see her around, just pretend that she doesn't exist.” Unti-unti naming ipinagpatuloy ang naudlot na pag-akyat patungong ikalawang palapag.
“Ano mo ba 'yon? Kapatid?” nakasimangot niyang sambit.
“Unfortunately,” nakangiwi kong sagot.
“Ang arte, ha. 'Di kayo magkamukha. Ang ganda mo, tapos, mukha siyang bunot na may malaking suso.”
Talagang namutawi sa buong palapag ang halakhak ko. Napahawak pa ako sa railings ng hagdan sa pagtawa.
O-M! I really, really, like her na talaga!
I was told that she's a fan of K-Drama. I squealed. Parehas kami! Mabilis kaming pumuwesto sa tapat ng aking laptop. Nakadapa kaming pareho habang kumakain. Paminsan-minsan ay nagkukuwentuhan kami.
I never enjoyed watching my favorite movies like this. Kapag kasi si Demeter ang kasama ko, puro aral ang ginagawa o trabaho, 'di naman siya nanonood, minsan ay pasulyap-sulyap lang. I even recently stopped sleeping on their house dahil naging busy na talaga siya. Kung 'di pa kami magpa-practice ay 'di kami magkikita sa school.
“You know what, Teine? I think we're really twins, e. Look! Magkaparehas pa tayo ng length ng hair!” sabi ko. It's true. Only that, she has bangs. Tama lang naman 'yon at 'di heavy.
“Ano'ng twins-twins?” Nakangiwi siyang sumubo ng chips. “'Di na, uy! Ang tangkad mo kaya! 'Tsaka ang ganda pa! Tingnan mo naman ako, oily na, puro tagihawat pa!”
“No!” I protested. Mabilis akong umupo mula sa pagkakadapa, clearly forgetting our K-marathon. “We could fix that! Ime-make over kita!”
“Ih, 'di na. Okay na 'tong mukha ko,” aniya, “at saka nakakahiya na sa 'yo. Ang bait, bait, mo na sa akin. Sobra na.”
Ngunit mapilit ako. “Don't get me wrong, Teine, you're beautiful! Only that... Kulang ka sa arte sa katawan!”
Ngumuso siya at muling kumain. Tumutok ang mga mata niya sa monitor ng laptop.
“Teine! Sige na!” Bigla akong napangisi. “'Di ba, may gusto ka kay Sin?”
Nakuha ko talaga ang atensyon niya dahil doon! Humalakhak ako nang mapaupo pa siya at nanlalaki ang mga mata.
“Paano mo na-knows!” asik niya.
“I can tell~” pakanta kong sambit.
Anyone could notice that anyway. She's really sparkly when Sin is around. Para bang iyong energy niyang mataas na ay mas lalo pang nasasagad. If she talks a lot, mas wala nang patid 'pag nariyan na si Sin.
“E, crush lang naman. 'No ba!” Nangingiti siyang nag-ipit ng buhok sa tainga. “Ang cute kasi, e. Bait pa!”
“I know! He's our baby giant,” I said, “good choice! Siya ang pinakamabait sa apat.”
She giggled. Pati ako ay kinikilig sa kanilang dalawa ni Sin.
“So... Payag ka na sa offer ko?” tanong ko, “I promise! Mapapansin ka niya!”
“Hehehe... Sige na nga. Mapilit ka, e!”
I hugged her tight. Nakagigigil!
Naputol lang ang usapa namin nang may kumatok sa pinto. Sandali akong nagpaalam kay Christeine. Tinungo ko iyon para mapagbuksan ang tao sa labas.
“Ma'am Sue.” Si Rosel ang naroon. “May naghahanap po sa inyo sa ibaba. Lalaki po.”
Kumunot ang noo ko. Sunday, may bisita akong lalaki? Bukod kay Christeine ay wala na akong inaasahan pang dadating. Kung sina Jordan... Well, hindi pumupunta ang mga iyon dito ng karaniwang araw lang, lalo na siya. He's doesn't like my sister and her mother. At saka kilala rin naman sila ni Rosel.
Nilingon ko si Christeine na muling na-focus ang atensyon sa laptop. Tumatawa siya sa kasalukuyang scene. Napangiti na lang ako at unti-unting lumabas, kasunod ni Rosel.
“Sino raw ba?”
“Ang sabi lang po, Logan daw.”
My eyes widened. What! Bakit nandito ang isang 'yon!
“Nasaan siya?” tanong ko. My chest throbbing so bad. Ni hindi ko alam kung saan nanggaling ang kaba na iyon.
“Nasa garden po, kausap si Ma'am Camille.”
The mere mention of sister's name fuels something inside me.
Tumakbo na ako palabas. My slippers almost slipped away as I strode towards the garden. Doon sa bench ay inabutan kong magkatabi si Logan at Camille. She's laughing! May pahampas-hampas pa sa katabi!
“Logan,” tawag ko. Sabay silang napatingin sa akin.
“Oh, hi, sister~” Kumaway pa ang walang'yang Camille sa akin. Sinalubong din ako ng matatalim na mata ni Logan.
“Ba't nandito ka?” Tinaasan niya lang ako ng kilay. Nanatili ang pagkahalukipkip niya at tila ba may kinaiinisan.
“Sister! Ang guwapo ng friend mo, ha?” Humalakhak si Camille at ipinatong pa kaniyang kamay sa balikat ni Logan. “You're so lucky with friends talaga!” She even emphasized the word 'friends' like there's hidden meaning from it.
“A-huh.” Nanliliit ang mga mata kong tumango-tango.
Lumapit ako at hinila patayo si Logan. Nakita ko kung paano nawala ang landing-ngiti sa labi ni Camille nang dumulas paalis ang kamay niya mula kay Logan. Her eyes immediately darted on me, sharpening on process.
“Baby, why are you here? Miss mo na 'ko?” Kung mapapatay ako ng titig ni Logan ay bumulagta na sana ako. Mas lalo kong pinalawak ang ngisi ko dahil biglang gaan ng pakiramdam ko. His annoyed face never cease to entertain me.
Nilingon ko si Camille at peke niya akong nginitian. She even crossed her legs, halos masilip ang kasingit-singitan niya.
“Camille, this is Logan, boyfriend ko.” Iniyakap ko ang braso ko kay Logan.
“Ah... Okay.” She grinned, her face painted with something naughty. “Nice to meet you, Logan~”
Malandi.
Rumolyo ang mga mata ko at umalis na kasama si Logan. 'Di ko talaga siya binitiwan.
“'Wag mo na ulit kakausapin ang babaeng 'yon, ha!” bilin ko habang hinihila ko pa rin siya paakyat ng hagdan.
The maids were looking at us. Good thing, wala sina Daddy. Sinenyasan ko si Rosel na huwag maingay. Tanging tango ang isinagot nito at itinulak na palayo ang mga kasama.
Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya.
“Ba't ba narito ka?” Kumunot ang noo ko nang magkibit-balikat siya.
“Wala lang. Bawal?” Ang taas pa ng kilay niya!
“'Di ba, I texted you? Sabi ko, wala muna tayong lakad ngayon. May bisita ako,” giit ko.
“Sino ba 'yang bisita mo at parang ayaw mong makita ako?” Tumaas ng kaunti ang boses niya. “Lalaki ba?”
I rolled my eyes. “Of course, no!”
“Ah. Babae.” Tumango-tango siya, kumalma ang boses pati ang ekspresyon niyang kani-kanina lang ay nangangasim. “Ano bang ginagawa ninyo?”
“Nagma-marathon ng panoorin.”
“Wala na rin naman akong magawa. Sama na lang ako sa inyo.”
Nakanganga ko siyang tinitigan. Pati paghakbang ko ay naudlot. “Seryoso?”
Tinaasan niya na naman ako ng kilay. “Mukha ba 'kong nagbibiro?”
Walang laman akong natawa. 'Di ako makapaniwala. Ganito pala katropa ang lalaking ito. Kahit weekend, basta 'pag na-bored, talagang dadayo siya.
“Are you sure you want to join us? Dalawa kaming babae rito,” muli kong pagtatanong nang nasa tapat ng kami ng kuwarto ko. 'Di ko mapihit-pihit ang doorknob dahil sa kaniya.
“O, tapos?”
Tinigilan ko na lang ang pagtatanong. Talagang wala siyang balak umuwi. Seryoso? Ayos lang? Ayos lang sa kaniya?
“Teine~” tawag ko nang mabuksan ang pinto, “may sasali sa atin. Okay lang?”
“Sino—ay! Hi po!” Kumaway si Chriteine.
Tumango lang si Logan. Matapos magpakilala ay kaagad ding bumalik sa panonood si Christeine. Ngumuso ako nang mapansin ang kama. Alanga namang makidapa siya sa amin doon?
Kumuha na lang ako ng upuan. Hinila ko 'yong single couch patungo sa gilid ng kama ko at iniharap iyon sa akin. Tinapik-tapik ko 'yon habang nakatingin kay Logan.
“Here! Dito ka!”
'Di naman siya nagreklamo. Kaupo niya ay sumalampak kaagad siya. Ako naman ay dumapang muli sa tabi ni Christeine. In-offeran ko rin siya n'yong mga kinakain namin.
“Ah! Bakit? Bakit? Bakit?”
The sad part came and Christeine was crying so hard beside me. Talagang walang pakialam ang isang ito sa mga tao sa palagid niya. Naiiyak din ako, pero 'di ko mailabas dahil itong lalaki sa tabi ko ay nakakailang.
He seems uninterested on the drama, pero nakatingin siya. His sharp eyes look sleepy, pero paminsan-minsan ay napapansin ko ang paglipat ng mga mata niya sa akin. Ako yata ang pinapanood ng lalaking 'to, e.
Habang busy si Christeine ay binalingan ko si Logan. Tinapik ko ang isa sa bukang-buka niyang mga hita para kunin ang atensyon niya. Napalis ang pagkakahalumbaba niya sa armrest at napatitig sa akin.
“Bakit?” Tumaas ang kilay niya.
“Bored? Uwi ka na kung gusto mo,” bulong ko.
Kumunot ang noo niya at umiling lang. Napanguso na lang ako at muling tumuon sa panoorin.
Nasa pangalawang movie na kami nang may dumaang nakakatawang senaryo. Christeine was hysterical as she laughed so hard, kumakawag ang mga kamay at binti niya sa sobrang tuwa. Tawa rin ako nang tawa, natigilan lang nang maramdaman kong may bumalot sa mga naka-expose kong binti. Bigla tuloy akong napalingon doon tapos ay kay Logan. May hinagis siyang kumot sa akin!
“Takpan mo,” tipid niyang sambit. Kasalukuyan niyang kinakain 'yong inabot kong garapon ng M&Ms kanina. Nginitian ko na lang siya at tumutok na ulit sa pinanonood namin habang inaayos ko ang kumot sa mga binti ko.
See? He's a really good friend.

Komento sa Aklat (5)

  • avatar
    Mark Yhuan Tenorio

    thank you

    10/06/2025

      0
  • avatar
    G_ellerick

    the story was great at ramdam mo yung deep connection ni author sa bawat character niya. magulo nung unable, pero na-visualized ko yung pagpakilala nya sa bawat characters which has a big part sa plot nung gustong palabasin ni author sa kwento nya. sana ma-update mo pa yung chapters mo author, willing to wait 😊

    10/07/2024

      0
  • avatar
    eternityyyyy

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    10/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata