Chapter 6: Sa susunod “AND I never wanna say goodbye... But, girl, you make it hard to be faithful~ With the lips of an ange—aray ko!” Naniningkit ang mga matang binalingan ako ni Alexis matapos kong hilahin ang buntot ng kaniyang buhok. “Will you stop singing that kind of song?” I said. “Why? Maganda naman, a?” Ngumiwi siya nang muli kong dambahin ang likuran niya para mahila ang kaniyang buhok, pero bago ko pa magawa ay nakatayo na siya mula sa kinalalagyan niya at nakalayo na sa akin. “Ano'ng maganda riyan? The MC's cheating!” I stomped on my feet before I felt something bumped on the back of my head. Nilingon ko si Jordan, nahuli ko siyang nakaamba pa rin. Pinulot ko ang nalaglag na emptied bottled water na siyang ibinato niya at pinukol 'yon pabalik sa kaniya. Ngumisi siya nang masalag niya 'yon. “Fuck you, Jared Jordan!” Padabog kong tinungo ang couch at padabog ding naupo. “Nagrereklamo ka na? Mainit ang ulo mo, e, kami dapat itong mainit ang ulo,” ani Sin na papalapit. Imbis na sa isa pang couch ay naupo siya sa armrest sa gilid ko. Rumolyo ang mga mata ko. Damn that Camille. Natural, siya na naman ang nagpapanis ng araw ko. “Bakit naman, ha?” Humalukipkip ako. “Ano 'tong nabalitaan naming boyfriend mo 'yong Gomez ng CAE, ha?” aniya. “Ano? Tirador ka na ngayon ng Engineer? Dati-rati, mga karatig-college building lang ang nadadali mo, pati 'yong mga nasa malalayo, abot mo na rin.” Suminghap ako. “Really? Ngayon n'yo lang nalaman?” Nakatikim ako ng kurot sa pisngi mula sa kaniya. His large hand pinches so hard, my eyes almost watered. “Sige pa, Sin, 'wag mong titigilan hangga't 'di namamanhid 'yang pisngi niyan,” nagngingitngit na saad ni Jordan. Gigil na gigil pa siya niyon. Binalingan ko siyang nang maupo siya sa tabi ko at saka ko siya pinalo. “Bakit ang sasama ninyo sa akin, ha? Ang tagal na nga nang huli akong magka-boyfriend, e!” giit ko. “Nakakainis kayo!” Hindi na nakasagot pa si Jordan sa akin. Ang luntian niyang mga mata ay nakatuon sa gawi ng pintuan ng Music Room. Nang bumaling ako roon ay nakita kong isang babae ang nakatayo sa bukana niyon. “Teine!” Sinundan ko ng tingin si Sin nang salubungin niya ang babae. Tumaas pa ang kilay ko nang hinawakan niya ang mga kamay nito at hinila papasok, pero nagpapigil din ang babae nang makapasok nang kaunti sa loob. “May tinda ka ngayon? Pabili ako!” “Oo! Mayroon!” Tumayo ako at lumapit. Nakisilip ako roon sa garapong binubuksan ng babae. Napansin pa ako ni Sin sa tabi niya kaya inakbayan niya ako. Talagang tuluyan niya nang nakalimutan ang pagkurot niya sa akin. “Sue, si Christeine! Sa kaniya ako bumibili ng banana cue!” My mouth parted as I looked at the girl. Nginitian naman ako ng huli. “Hi! I'm Sue!” Inilahad ko ang kamay ko na mabilis niya namang tinanggap. “Hi! Ang ganda mo naman!” aniya. My cheeks burned. Bukod kay Hestia, hindi ako sanay 'pag babae ang pumupuri sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang ganda ko. “Thank you...” “Ako si Christeine! Christeine Santos!” “And I'm Sue.” Ngumiti ako. “Magkano?” Itinuro ko 'yong garapong natanggalan niya ng takip, naroon lahat ng mga banana cue-ng nakapatong pa sa dahon ng saging. Nagkislapan ang bilogan nitong mga mata. “Bente lang! Bili ka na!” “Sure, sure. Pabili rin ako.” Nakangiti kong ilalabas sana ang aking pitaka nang pigilan ako ni Sin. Naglabas siya ng singkuwenta sa sarili niyang pitaka at iyon ang ibinigay kay Christeine. “Keep the change?” malapad ang ngising tanong ni Christeine kay Sin. “As always!” Humahalakhak na dumampot na ng isang stick ng babana cue si Sin, tapos ay sumunod ako. “Uy! Kayo? Bili na kayo!” anas pa ng babae habang nakasilip sa pagitan namin ni Sin. Nikilingon ako at nakita kong papalapit na rin sila. “Kahapon pa ako nagke-crave sa ganito, Teine,” sabi ni Alexis. Naglabas kaagad siya ng bente mula sa kaniyang bulsa at iniabot kay Christeine. “E, wala, e! Hindi ako pinagbenta ni Manang!” Si Rex man ay ganoon. Matapos lang kumuha ng isang stick ng banana cue at makapagbayad ay bumalik na kaagad siya sa puwesto niya sa tapat ng drums habang tahimik na kumakain. I stared at him. 'Di pa kami nag-uusap... Muling bumigat ang mga balikat ko, iyon at umakbay pala si Jordan sa akin. Kumuha siya ng banana cue at kinain kaagad iyon ng wala man lamang pasabi. “Oy, mister. Bayad mo?” Pumalad si Christeine. “Hindi ba puwedeng patapusin mo muna akong kumain?” sagot sa kaniya nitong isa. Umirap si Christeine at nabaling kay Sin nang magtanong ito. “Teine, may condensed milk ka?” “Oo...” May kinuha si Christeine na maliit na container mula sa pagkalaki-laki niyang bag at ibinigay 'yon kay Sin, ngunit bago pa maabot ng huli ay muling nagbawi si Christeine. “Wag mong uubusin, ha? Naku ka, Madrigal! Kilalang-kilala na kitang kolokoy ka!” Sin pouted. “Batet?” “Batet?” tanong ng babae, “'wag ka ngang magbulul-bululan! Para kang tanga!” Mas lalong humaba ang nguso ni Sin, his brows curled into adorable line. “Indi ato cute?” “Putangina.” Nabitiwan ni Christeine ang hawak na baryang ibinayad ng tatawa-tawamg si Alexis sa gilid. “Sobrang cute mo!” Napahalakhak na lang din ako habang nagpapalagay ng condensed milk sa 'king banana cue. Masarap pala 'pag gano'n. At ang sarap kausap ni Christeine. Girl, ang daming kinukuwento! Kahit pa 'yong hindi kami maka-relate, sinasabi niya. Pati talambuhay niya ay naikuwento niya na sa akin “Tangina ka! Magbayad ka na!” Nagulat ako nang bulyawan niyang ganon si Jordan sa kalagitnaan ng pagkukuwento niya. The latter shrugged his shoulders. Kitang-kita ang malapad niyang balikat dahil hinubad niya na naman ang suot niyang shirt kanina, naiwan ang sando niyang itim. His dogtag shining from his neck. “Wala akong pera.” “Kumuha ka, ta's wala kang pambayad? Ang sinabi mo, uubusin mo lang 'yan, a!” “Kasalanan mo 'yan, nagpaloko ka sa akin.” “Aba! Animal!” Namaywang ang babae at dinuro-duro si Jordan. “Pakyu ka talaga! Ilang oras akong ginawa ng nanay at tatay ko, ta's lolokohin mo lang ako?” “Minumura mo 'ko?” “Kasi depungkal kang timawa ka! Magbayad ka kung ayaw mong tusukin ko 'yang magaganda mong mata! Kahit paborito ko ang green, naku, talagang... Ano!” Iritadong inilabas ni Jordan ang wallet niya. Naglabas siya ng bente roon at padaskol na ibinayad sa abang na abang na si Christeine. “Bakit bulok naman 'to!” “Nagbayad na 'ko, may angal ka pa!” “Pagpasensyahan mo na sila. Ganiyan palagi 'yang dalawa na 'yan. Kaklase nga pala namin si Teine kaya...” Napatango-tango na lang ako sa ibinulong ni Sin habang pinagmamasdan si Jordan na makipagsagutan. Wala talagang nakikitang kasarian ang lalaking 'to, walang exception, lahat ay pinapatulan niya. “Christeine~” Dahil sa tawag ko ay natigil ang pag-aaway nilang dalawang ni Jordan. “Ano 'yon?” Talagang 'di natatangal ang kislap sa bilogan niyang mga mata. Ang ganda niyon dahil natural na mahahaba ang pilikmata niya. Ang cute pa ng ilong niya at manipis ang mga labi. Ngumiti ako. “Punta ka sa bahay, ha? I want to know you more. 'Di ba, nabanggit mong malapit ka lang sa village namin?” Ngumuso siya at tuluyan nang humarap sa akin. “Doon? 'Di ko pa na-try sa inyo, e. Baka 'di ako papasukin.” “Just tell the guard na pinapapunta kita,” sabi ko, “wait! Here's my phone number, save mo sa cellphone mo.” Inabot ko sa kaniya ang cellphone ko na mabilis niyang tinanggihan. “Ih, 'di naman ako naglo-load, e. Hehehe...” Nagkamot siya sa kaniyang ulo. Humalakhak ako. “You're number then, save here.” Sabay kaming umalis ng Music Room ni Christiene matapos niyon. 'Di pa man oras ng klase nina Jordan, pero si Christeine ay sumabay na dahil ipauubos niya pa raw ang tinda niya. She talks a lot while walking. Talagang hindi kaso sa kaniya kung kakikilala niya lang sa isang tao, she warms up easily. “I really like you, Teine!” I hugged her as she giggled. “Free ka sa Sunday?” I asked when I stepped away from her. Ngumuso siya at mukhang nag-isip, tapos ay tumango. “Great!” Pumalakpak ako. “We'll bond! Basta, ha? Tatawagan kita! I have your phone number naman na, so...” Nagpaalam din siya matapos niyon. Tumawa ako at sumige habang pinagmamasdan siyang kumakaway paalis. That kind of person is great. Hindi niya kinahihiya ang ginagawa niya. She just enjoys everything she does. I like that. “Baklaaaa!” Hinila kaagad ni Jason ang buhok ko nang sandaling makarating ako sa classroom, nasa tabi niya ang tumatawang si Canary. I was pouting while combing my hair with my fingers. “The hell, Jason! Bakit ka nananabunot, ha?” “Bruha ka kasing malandi ka! Talaga palang kayo na ni Papi Logan, ha!” Marahas niyang pinaypayan ang sarili, gigil na gigil. “Kainis ka! Lahat ng lang ng hunk, napupunta sa 'yo!” Eskandalosa akong humalakhak at gumanti ng hampas sa kaniya. “Mas bruha ka! Hindi kasi kayo naniniwala sa akin!” My eyes moved to where Galacia is. Kasama niya 'yong mga kaibigan niya rito sa klase at nagbubulungan sila. Nginitian ko siya nang mahuli niyang nakatingin ako. Biglang baba ng tingin niya sa sahig. “Paano kami maniniwala? E, last month lang, si Galacia ang inaabangan niya, ngayon ikaw na,” naiiling na sabi ni Canary. “At ibang klase talaga ang kamandag mo, girl! Si Galacia, hanggang sa tapat lang ng staircase sa ground floor, ikaw, talagang hinanap ka pa rito sa classroom!” Muli akong pabirong sinabunutan ni Jason. Nanlaki ang mga mata ko. “Hinahanap niya ko? Kailan?” “Gaga! 'Di mo alam? Kanina! Kaaalis-alis nga lang niya, e!” Stress, I combed my hair. Gumawing muli ang mga mata ko kay Galacia. Her teary eyed met my deep ones. Nakita ko pa kung paano siya niyakap ng kaibigan niya. I even saw her shoulders shake. Kaagad na akong nagpaalam kina Canary at Jason. I strided towards the stairs while dialing Logan. Matapos ang tatlong ring ay sumagot siya. “Nasaan ka?” “Papuntang soccer field,” sagot niya, “ikaw—” Pinatay ko ang tawag at tumakbo patungo roon, not even minding that our class will be staring in a few minutes. Nasa soccer field na talaga siya nang maabutan ko. He's sitting on our usual spot when I approached him. Tiningala niya ako bago tinapik ang puwesto sa tabi niya. “Umano ka sa classroom?” tanong ko habang papaupo. “Hinahanap kita,” sagot niya. Umiling ako at ngumisi. “Hinahanap mo ako o gusto mo lang makita ang mahal mo?” Pumikit lamang siya at biglang bumagsak. Tumaas na lang ang kilay ko nang makita kong nakahiga na siya sa bermuda. “I missed her...” Napairap na lang ako ako roon. “You know, Logan, we could stop this farce if you want,” sabi ko, “nagpapataasan na lang yata kayo ng pride ni Galacia, e, halata namang gusto n'yo pa rin ang isa't isa.” Nanatili siyang tahimik, tulala sa langit. “Bakit hindi mo luhuran kung talagang mahal mo? Beg!” giit ko pa. Sarkastiko siyang ngumiti at kalaunay umiling na lamang. “I only have pride left in me. I want to save it at least.” That's his principle... Who am I to intervene, right? Natahimik na lang ako. Kaniya lang ay sobra talagang tahimik, hindi ako sanay sa ganoon. 'Di na rin naman ako makakabalik sa room dahil paniguradong nag-uumpisa na ang klase namin. Kung siya... Well, vacant niya pa siguro kaya patambay-tambay siya. “Ano yan?” tanong ko nang makita kong inilabas niya ang cellphone niya at nagsimulang magpipipindot doon. “Cellphone,” sagot niya na para bang ang tanga, tanga, ko. I rolled my eyes, “Duh. I know it's cellphone. Ibig kong sabihin, ano 'yang ginagawa mo?” He didn't answer. Kaya naman nahiga ako sa tabi niya at dumantay sa kaniyang dibdib upang makasilip sa screen ng cellphone niya. “Whoah. You're not pushing me?” I asked, amazed that he actually didn't made a fuss how I unaccetable I clingy on him and stating 'Galacia wouldn't like this' stuff or so. “Ewan, nasasanay na yata ako,” lintaya niya. I could feel him breathing on top of my head. Napasibi na lang ako at nag-focus sa cellphone niya. “Gosh! You do facebook?” I exclaimed. Hinawakan ko ang pulsuhan ng kamay niyang may hawak sa cellphone at pinagkatitigan ang app na vi-ni-sit niya. Legit! Facebook talaga! “Ito lang ang libangan dito sa cellphone ko, e. Saka, ano naman?” Tiningala ko siya at ngumisi. “Wala sa itsura mo ang interesado sa mga ganiyan.” “At ano naman ang tingin mo sa 'kin, ha?” Tumaas ang isang kilay niya. “A cave man!” I cheered. He messed with my hair, halos makain ko ang mga buhok ko dahil sa ginawa niya. Ang bigat pa ng kamay! “I-add mo nga ako! Search my name! Sue Pierre,” anas ko. T-in-ry kong makipindot sa screen, pero madali niyang nailalayo ang cellphone sa akin. “Tsk. Ba't 'di ikaw?” “C'mon! I don't have my phone with me!” Of course it's a lie. I just want him to search my name. 'Di siya sumagot, pero napangisi ako nang mag-umpisa siyang tumipa. He typed my name! Talagang alam niya ang spelling, a! “'Yan! Yang una!” Itinuro ko ang account ko. He clicked and visited my profile. “What the fuck is this photo? You made this your display photo?” komento niya nang makita ang profile picture ko. I was wearing a white bikini on the photo. My tan skin complimented the textile so well as I strike a pose under the afternoon sky. It was a trip to El Nido last summer, ang Sojourn ang kasama ko roon. “Bakit ba ang arte mo riyan, e, ang sexy ko naman!” “Hindi. You look malnourished.” Umangat ang ulo ko at hinampas ang dibdib niya. “Putragis ka!” Napaangat din siya dahil sa hampas ko. Nagtitigan kami, parehong nanliliit ang mga mata. “Bakit kasi nakaganiyan ka?” Iyon ang lumabas sa bibig niya matapos ng matagal na samaan namin ng tingin. “Duh!” Umirap ako. “Ano'ng gusto mo? Magtampisaw akong nakahubo?” Saka hindi niya ba naiisip? Kasama ko si Galacia roon! I could even remember her wearing bikini too! Daring pa nga dahil kulay pula! Well... Mas revealing ang akin, but! “Okay, let's stop fighting.” Unti-unti akong umayos para makaupo. Mabilis siyang sumunod. “Para tayong mag-on na may LQ,” natatawang sabi ko. Napangisi rin siya at nailing. Siguro ay na-realize niya rin. If we were real, baka maintindihan ko pa ang ipinaglalaban niya. He's like a jealous boyfriend. Kaniya lang ay hindi. Nobody's roaming on the field. We can stop acting. Napasunod ako ng tingin sa kaniyang nang tumayo siya. Pinagpagpag niya ang itim niyang slacks at biglang naglahad ng palad sa akin. “Tara,” aniya, “labas tayo ng school.” My mouth parted. I let him pull me from the grounds. Pinagpagan ko rin ang puwitan ko at natatawang nagtanong, “Are you asking me to a date?” “Asa ka,” aniya, “Lilibot lang. Wala pa akong klase, 'di ka na rin naman pumasok, e'di...” Kumindat pa siya. Napabunghaling na lang ako ng pagtawa. “You do really know how to charm, huh! I seriously thought you're a cave man!” “Ha?” Kumunot ang noo niya ngunit may bahid ng ngiti ang mga labi. Mabilis niya akong pinasampa sa kaniyang motor nang marating namin ang parking-an. Humaharurot ang kaniyang pagmamaneho. Tawa ako nang tawa sa likuran niya habang humihigpit ang yakap ko sa baywang niya. Whoah! And he knows fun! Ewan ko kung anong nangyari pero narating namin ang kabilang bayan—sa Monte Vista. Tirik na tirik na ang araw nang itigil niya sa tabi ng sementadong kalsada ang motor at bumaba kami sa padausdos na daan patungong bukid. “Pupunta tayo sa tambayan n'yo ng mga kaibigan mo?” Tumango siya habang pumuputol-putol ng mga dahon sa mga tanim na mais sa kaniyang gilid. I squealed in joy. I remember him opposing na isama ako rito dahil lalaki raw silang magkakaibigan at hindi magandang tingnan. Well, siya lang ang kasama ko ngayon kaya siguro... I can't wait to see the hidden beauty of Monte Vista! May kalayuan ang nilakad namin mula sa bukana ng bukirin. Mainit kaya paminsan-minsan akong nagrereklamo kay Logan na tinatapunan lang ako ng mga napipirat niyang dahon. 'Di naman kasi puwedeng isulong ang motor niya rito dahil lubak at may liit-liit na bato ang daan, baka bumaliktad pa kami kapag ipinilit. Tiyagaan lang talaga ito. Napatakbo na akong tuluyang nang tuluyan naming marating ang bungad ng kakahuyan. Mula sa aming puwesto ay kitang-kita ang napakalayo naming nilakad. Naambunan na rin kami ng lilim dahil sa matatayog na punong nakakumpol ng kakahuyan. “Ang ganda!” Talagang nag-echo pa ang sigaw ko. Mabilis kong inilabas ang cellphone ko at ibinigay 'yon kay Logan. “Dali! Picture-an mo 'ko!” anas ko. Nakangiwi siyang nagtanong, “Akala ko ba, 'di mo dala ang cellphone mo.” I just giggled. Nagsimula na akong nag-pose habang naiiling na lang siyang kumuha ng litrato. Kahit sa pagpasok sa kakahuyan ang 'yon ang pinanggagawa namin. My mind was blown away. May nadaanan kaming sapa, tapos ngayon ay may talon pa siyang itinuro sa akin. “I want to swim!” Gosh! Bakit ngayon ko lang napuntahan 'to? This is even better than most of my vacation tour before! Dito lang pala sa malapit ay puwede na! “Kaso, hindi puwede. I don't have any spare clothes.” Realization hits me. Nakasimangot ko na lamang niyakap ang mga tuhod habang pinagmamasdan ang saganang agos ng talon mula aa itaas. Kahit dito sa puwesto ko ay kitang-kitang malinaw ang tubig. Malinis! “E'di sa susunod na lang.” Napatingin ako kay Logan sa sinabi niya. Nakatabi siya sa akin, pero nanatiling nakatayo. “May susunod pa?” nanlalaki ang mga matang tanong ko. Ngumisi siya. “Marami pang susunod.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (5)
Mark Yhuan Tenorio
thank you
10/06/2025
0
G_ellerick
the story was great at ramdam mo yung deep connection ni author sa bawat character niya. magulo nung unable, pero na-visualized ko yung pagpakilala nya sa bawat characters which has a big part sa plot nung gustong palabasin ni author sa kwento nya. sana ma-update mo pa yung chapters mo author, willing to wait 😊
thank you
10/06/2025
0the story was great at ramdam mo yung deep connection ni author sa bawat character niya. magulo nung unable, pero na-visualized ko yung pagpakilala nya sa bawat characters which has a big part sa plot nung gustong palabasin ni author sa kwento nya. sana ma-update mo pa yung chapters mo author, willing to wait 😊
10/07/2024
0❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
10/08/2022
0Tingnan Lahat