Chapter 3: Forgot DEMETER'S been crushing on a man named South Rodriguez. Alam ko, kahit pa 'di niya sabihin ay nahahalata ko ang pasimpleng pagsulyap niya sa tuwing dumadaan ang lalaki. I couldn't blame her for admiring such man. The guy is the talk of the campus since his first day of transferring. Sporty raw kasi, matalino, kayang gawin ang kahit na ano, at higit sa lahat ay guwapo. A transferee from the city since this school year's first semester. Hindi naman daw ito snub, pero mahirap i-approach ang lalaki dahil makikitang palaging may mga kasama. May kalapit na kaagad siya sa taga-ibang course sa unang araw niya pa lang kaya maraming nagsasabi na baka taga-rito na siya noon at lumipat lang ng siyudad para lang bumalik muli. This hunch's been lurking around the university. Ang mga kasa-kasama niya pa ay ang banda ng Six Pieces o kaya naman ay si Near Madrid na siyang top student ng Criminology Department. At ngayong nag-iisa siya ay todo ang sunod naming dalawa ng kaibigan ko. We've seen him walking alone from the gate so we followed him, thinking of getting close to him. Nang mag-stop siya sa isang tindahan sa labas na kahilera sa gilid ng main gate para tingnan ang mga keychain na nakasabit sa isang kaukulang lalagyan ay kaagad kong binalingan si Demeter na siyang kunwari ay tumitingin naman sa mga ibinebentang mga hair clip ng tindahan. “Uy! Iyan na si South, o! Talk to him!” I nudged on my best friend. Natutuwa kong makita ang kaba sa kaniyang mukha habang pinagmamasdan ang matangkad na lalaking okupado ang isip sa isang banda. “No! He looks busy! Baka magalit kapag ginulo natin...” Humina ang kaniyang boses nang mapatingin sa gawi namin si South. Halos dumukdok siya nang bumaling ang lalaki sa aming kinatatayuan na siyang malapit lang sa puwesto nito. Hoo! “Sira! He's no snubber! Look! He even looked this way!” Ngumisi ako at saka ko siya hinila palapit sa crush niya. Huh! Ang suwerte niya't malakas ang loob ko sa mga ganitong bagay! “Hello, South! Good morning!” nakangising bati ko sa lalaki. His steady and straight face didn't waver yet he greeted me by simply nodding his head. O! Tama nga ang balitang 'di mahirap tawagin ang atensiyon niya! “Ako nga pala si Sue! I'm in the same year like you are. Sa CFS ako.” Tumango siyang muli. Isang pagbagsak ng kaniyang ulo ang palagi niyang sagot. “And this is Demeter, she's my best friend. Parehas kayong sa CBS!” Ngumisi ako ng pagkalapad-lapad at hinila si Demeter na nagtatago sa 'king likuran. “Hello,” bati ni South sa 'king kaibigan nang maiharap ko siya rito. His deep voice rang in our ears. Ang mga tinginan ng mga babaeng nagdaraan sa paligid ay mukhang inggit na inggit. Siguradong ang mga 'to'y humahanga rin sa lalaking nasa harapan namin. “H-Hello rin...” I bit back the laugh threatening to come out from my throat. Ramdam kong kinurot ako ni Demeter at nilingon niya ako. Ito't pinanlakihan ako ng mga mata. “And here I thought that the infamous Demeter doesn't stutter,” bulong ko sa kaniya. “Shut up,” she warned, glaring at me. Nang muli naming balingan ang puwesto ni South ay wala na siya. My smile instantly faded. No! Nalingat lang kami ng ilang segundo ay nakawala na siya sa mga paningin namin! “There he is!” Itinuro ni Demeter ang matangkad na pigura ni South na 'di man lang naitago ng mga kasabay nito sa paglakad sa gitna ng pathway. Mabilis kaming kumilos ni Demeter at kaagad kaming pumuwesto sa likuran ni South habang naglalakad. Panay ang pagbubulungan namin sa likuran ng lalaki. “Ang dinig ko, Business Administration ang course niya. Itanong ko kaya sina Jordan kung kaklase nila si South?” 'Pag napapahaba ang pag-advance ko ay pipigilan ako ni Demeter para lamang hindi kami ganoon kadikit sa malapad ng likuran ng crush niya. Ayaw pahalata. Ma-pride! “Bahala ka,” sagot nito habang panay ang paghagod sa mahaba niyang buhok. Her eyes were glued at the back of the man in front of us. “May girlfriend na kaya 'yan?” tanong ko kaya napabaling ito sa akin. Her forehead creased. “No way.” Iiling-iling siyang tuminging muli sa harapan namin. Aba, bakit hindi? Ang guwapo niyan, imposibleng wala! Anyway, isang masamang balak ang pumasok sa 'king isip habang pinagmamasdan so Demeter. I stopped dead on my tracks and pushed her forward, enough to make her bump on South's wide shoulders. I even saw her cheek softly collided against the man's back. “Oh, shit! Damn you, Sue Pierre!” Panay ang kaniyang pagmumura. Ang lalaking kinabanggaan niya ay bumaling nang tuluyan sa amin. His blank gazes landed on Demeter's sweating form. “O-M, Best! What happened!” I came rushing to the rescue. Kunwari'y nag-aalala kong sinipat ang kaibigan ko bago binalingan ang lalaki sa 'ming harapan. “We're so sorry, South! Medyo clumsy kasi itong kaibigan ko kaya tisurin. Pasensiya na, ha?” Ngumiti ako ng pagkalapad-lapad. Hindi ako magawang sitahin ni Demeter dahil nakatingin sa kaniya si South. “Ayos ka lang?” tanong nito sa kaniya. His thick brows were arking in process. I suppressed my breathing and looked at my friend. A soft bllush coated her white skin. Oh, Jesus! Kinikilig ba 'tong nakikita ko? “Ayos lang.” She tucked her straight hair behind her ear. Kagat-kagat ang kaniyang labi'y alam kong pinipigilan niya ang pagngiti. South nodded his head. Handa na ito sa muling pagtalikod kaya mabilis akong gumawa ng paraan para 'di na muli pang mapalagpas ang pagkakataong ito para sa kaibigan ko. “You know, Dem, I think you should go with him!” Gulat na napabaling sa akin si Demeter. Her eyes were questioning me. I grinned as I saw South halted, looking at me, too. “Kasi, 'di ba, magkaparehas naman kayo ng college department? So, I think, dapat ay magsabay na kayo sa paglakad.” Maharan kong itinulak si Demeter sa tabi ni South. “Sige na! You need someone strong to accompany you, baka madapa ka na naman kung kani-kanino!” Tapos ay tinitigan ko si South. “Okay lang naman, 'di ba?” South nodded making me scream inwardly. Nagsimula na itong maglakad muli kaya kaagad kong pinaalalahanan ang kaibigan ko. “Ikaw nang bahala, ha? Go get him!” I cheered. “Sue, you...” She glared at me to hide her happiness. Oh, I know better, girl! “Yes! Yes! You're welcome, Best! I love you, too!” Natatawa kong itinuro si South na napapalayo na. “Dali! Habulin mo na!” I wished her good luck as I watched her catch onto South's pace. Ngiting-ngiti siya habang may sinasabi sa lalaki na siyang panay lang ang tango sa kaniya. Oh, how I love acting like fairy godmother~ Walking my path to my college department; natanawan ko ang pinsan ng best friend kong si Demeter na mag-isang rumarampa sa gitna ng daanan. Her back was facing me kaya 'di pa ko sigurado noong una kaya binilisan ko ang paglakad upang makahabol 'tsaka ko ito kinalabit sa balikat. “Oh? Hi, Sue!” She jumped onto me and wraped her arms around mine. Chuckling, I greeted her back, “Hi, Hestia! Saan ang punta mo? Hindi rito ang daan papunta sa college building mo, a?” Magkapareho lang silang dalawa ni Demeter ng college building kaya talagang hindi dapat dito ang ruta niya. “I know! I'm going to Apollo!” Her grin turned wider. Habang hinahagod-hagod ang kaniyang alon-along buhok ay hindi niya pa rin mabitiw-bitiwan ang braso ko. It's her habit. Clinging onto someone. “Apollo?” Humalakhak ako nang ma-realize ko ang sinabi niya. “Don't you mean Lyre? Lyre, Hestia. Lah-yuh-r!” “Ih! Nakakalimutan ko, e! Saka, nahihirapan ako i-pronounce!” She giggled, not even caring how shamelessly she messes with someone's name. “I see, you've been lingering around that man for months now. Two months?” 'Di ako sure kung kailan pumutok 'yong tsismis na break na silang dalawa ni Regan. Ang alam ko'y 'yon din 'yong span ng pagkakakilala nila ni Lyre Sandoval ng Med-Dep. “It's not like you. You know ... 'yong naghahabol.” I shrugged my shoulders. I couldn't put the words on my mouth properly. Naninibago lang talaga ako sa kaniya. “Well ... he's all worth it.” She beamed as she bit her lip. Humigpit ang kapit niya sa akin, itsurang kinikilig. “Ay, bakit? Kayo na?” nakataas ang kilay na tanong ko. “'Di pa nga, e,” nakanguso niyang sagot. Mas lalo tuloy tumaas ang aking kilay. “So, totoo ang balitang masungit ang lalaking 'yon? Grabe talaga 'yang mga med-student na 'yan! Mga mapanakit!” I glared on our way. Naramdaman ko ang pagdulas at tuluyang pag-alis ng mga kamay niya sa akin kaya saglit akong napasunod ng tingin doon. “No, he's not!” depensa nito. “Mahiyain lang talaga siya!” Her neatly trimmed brows met. “Weh? Mahiyain?” Nanunuri ko siyang tinitigan. “He looks nothing like that!” “It's true! 'Di rin ako makapaniwala noong una, pero mahiyain talaga siya. He even blushes easily!” My eyes bulged in surprise. “Hala! Ang cute naman!” I exclaimed. “I know, right!” she cheered. Dahil sa madadaanan na namin ang Med-Dep ay napasiya akong sumama. Hestia couldn't stop giggling as we walked kaya napapailing na lang ako habang natatawa. She looks like a teenager stalking her crush. “Ang tagal naman. Umaano ba?” Nginiwian ko ang pintuan ng Dean's Office ng Medicine Department na siyang nasa aming tapat. “Sssh! I'm gonna surprise him!” Hestia said while putting her index finger against her lips. “Ang alam niya, 'di ko siya pupuntahan ngayon.” Naiiling na lang ako sa 'king paghalukipkip. Maiigi kong inobserbahan ang tahimik na corridor ng building. “Ilang taon nga kasi ang tanda sa 'yo n'yan? Apat o lima? O anim?” lintaya ko nang muli ko siyang balingan. Hampas sa braso ang sumalubong sa akin bago siya sumagot. “Apat lang!” aniya. “Tanda!” I grimaced. Her eyes squinted as her lips puckered. “Come on! Don't you find older and mature guys hot?” Doon ako mas lalong napangiwi sa kaniyang sinabi. “Ew. They're naggers, Hestia. Bata ang tingin sa 'yo at para bang wala kang sariling utak kung pagsalitaan ka. Ayoko ng pinagkikialaman ako.” Umirap ako. “Uy! Ano ba? Ba't ganiyan ka?” nakangusong sabi nito. “It's based on experience. I had a boyfriend once, limang taon ang tanda sa akin. 'Di nag-work.” Nagkibit-balikat na lamang ako habang inaalala ang lalaking 'yon. Sumobra sa maturity. Para siyang may mga apo na kung mangaral. Too strict. 'Di rin ako nagtagal dahil oras na. Umalis din ako nang 'di na nakapaghintay—after wishing her good luck with her trip, of course. Ang kulit, kulit, ng babaeng 'yon. Ayaw niya talagang tigilan iyong si Sandoval. I can't believe her, too. Talagang attractive 'yong lalaki. And knowing Hestia ... mas sinusungitan siya, mas hinahabol niya. Walking my path into my destined building, my eyes instantly glared on their way when I spotted this tall figure of Logan in front of the staircase. Humalukipkip ako habang naglalakad. Nang mamataan ako ng lalaki ay biglang dilim ng matatalim niyang mata. “Ikaw na naman?” nakangiwing anas nito. Iiling-iling niyang binalingan ang hagdanan patungong ikalawang palapag ng third building. “Ba't naiinis ka? Gandang-ganda ka ba sa akin?” Inirapan niya ako kaya napasimangot akong bigla. “Irap-irap ka riyan ... bakla ka ba?” Nanghahamon kong binangga ang kaniyang balikat. “Ano? Bakla?” Huffing, nawala ang kaniyang pagkahalukipkip. Tumayo siya ng maayos mula sa pagkakasandal sa pader. He towered me enough to make me take a step backward. His sharp eyes was gleaming in danger. “Masabi mo pa kaya 'yan pag—” I cut his words. “'Pag hinalikan mo 'ko?” Nginisian ko siya, and playfully blew him a kiss. He scoffed. “'Pag binalibag kita.” “How ungentleman,” I commented as I crossed my arms. “If you're looking for Galacia, mamaya pa 'yon. Siguradong lumandi muna siya.” “Samantha...” His pinched the bridge of his nose. “May sasabihin daw siya...” “Ang sabihin mo, gusto mo lang siyang makita.” “Partly.” “Mamatay na'ng marurupok,” pagpaparinig ko. He clutched his chest. Umakto siyang may masakit kaya irap ako nang irap. Buwisit 'tong lalaking 'to. “Saan ka pupunta niyan?” biglang pahabol nito nang maglakad na ako paalis sa kaniyang harapan. “Sa lugar na malayo sa 'yo.” Talagang panay ang pag-rolyo ng aking mga mata habang humahakbang. Uma-auto-irap na naman ako. Nakakainis kasi. “Samantha!” narinig kong muli ang baritonong boses ng lalaki. Peeking pass on my shoulder, I raised my middle finger and mouthed the bad word. Umawang ang kaniyang labi kaya napangisi ako. Ang guwapo ng lalaking 'to kahit nagmumukhang tanga na para lang sa isang babae. “I'm sorry, boy. I can't accompany you today~” I winked at him. Ngumiwi na lamang siya at nag-iwas ng tingin. Natatawa na lang tuloy ako. Imbis na tumuloy sa hagdanan ay dumiretso ako patungong restroom, sa dulo iyon ng building. I need to freshen up bago magsimula ang klase. 'Di porke nakaka-stress ang mag-aral ay dapat nang stress din ako on the outside. Readying my beauty kit, I stopped dead on my tracks just before I could set my foot on the restroom's door frame nang isang pamilyar na boses ang aking nahimigan. “Makikipag-break na akong tuluyan sa kaniya...” That's what the voice said. My eyes widened. Nagtungo kaagad ako sa likuran ng pader at maiging idinikit ang aking likuran sa malamig na kabuuan nito. “I'm sorry ... what?” “Makikipag-break na 'ko kay Logan.” My hanged mouth open. Ramdam ko ang hapding ginawa sa palad ko ng aking mga kuko nang yumukom ako ng napakahigpit. What ... the fuck did she say? “What? Akala ko ba, ayaw mo na siyang pakawalan?” “I do! I really do!” I heard the desperation lingered in her voice. “Kaya nga, 'di ba, alam mo naman ang lahat? Nagawa kong magloko dahil gusto ko lang—ulit—'yong atensyon niya! He's been away from me, I could feel him slipping away!” I heard squeaks, gushes of water, and sobs. Mariin kong kinagat ang aking labi. “Ang oras at atensyon niya na dati, akin lang lahat, nawala! He even said I could do whatever I want basta't hindi ko siya hihiwalayan. But how do you expect me to be happy with that? How! Hindi siya ganito noon! Ako lang noon, e! Ako 'yong mundo niya!” “'Wag kang magpadalos-dalos ng desisyon, Galacia—” “I'll break up with him ... if he really loves me ... I want to see him beg in front of me.” Breathing hard, I walked away in haste. Nakayukom pa rin ang aking mga kamao habang tinatahak ang daan pabalik sa 'king pinanggalingan. Fuck you. Fuck you, Galacia. Kaagad akong namataan ni Logan sa 'king pagbabalik. Mula sa pagkakasandal niya sa pader ay umayos siya ng tayo. His sharp eyes were glued on me as I took large steps towards him. “Bakit bumalik ka?” Umiling ako. “I forgot something...” Kumunot ang kaniyang noo. “Ang alin?” “This...” I felt him jumped when I snaked my arms on his nape. He was growling with his sharp eyes widening as the event unfolds right in front of him. He's too determined to shoo me away from him. But his hysteric pace stopped. He stopped when I kiss him. He wasn't able to stop me ... not even when Galacia already had her widened eyes set on us.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (5)
Mark Yhuan Tenorio
thank you
10/06/2025
0
G_ellerick
the story was great at ramdam mo yung deep connection ni author sa bawat character niya. magulo nung unable, pero na-visualized ko yung pagpakilala nya sa bawat characters which has a big part sa plot nung gustong palabasin ni author sa kwento nya. sana ma-update mo pa yung chapters mo author, willing to wait 😊
thank you
10/06/2025
0the story was great at ramdam mo yung deep connection ni author sa bawat character niya. magulo nung unable, pero na-visualized ko yung pagpakilala nya sa bawat characters which has a big part sa plot nung gustong palabasin ni author sa kwento nya. sana ma-update mo pa yung chapters mo author, willing to wait 😊
10/07/2024
0❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
10/08/2022
0Tingnan Lahat