Chapter 2: Don't Be IYON ang natatandaan kong dahilan kung bakit at paano kami nagkalapit. In fact, iyon nag-iisang sernayong nasaksihan ko na kailanman ay hindi ko na yata makalilimutan. I mean ... who will, anyway? Nobody thought that Logan Anthony Gomez is a martyr. Nakakatawa. “Sue ... umalis ka nga.” Natigil ako sa pag-iisip. Lumipad na naman pala ang diwa ko sa kalagitnaan ng aking pakikipag-usap. Pinangunutan ako ng noo ni Rex at mahinang pinalo ang mga kamay kong ipinatong ko sa itaas ng isang drum sa kaniyang harapan. “At ayusin mo ang tayo mo. Nasisilip ang cleavage mo.” Disappointed, I stood straight. Ang aking mga kamay ay pagalit kong ipinuwesto sa magkabila kong tagiliran. “This was meant to seduce you!” Umiling lamang siya at malakas na hinampas ang drum na kanina'y pinagpapatungan ng aking mga kamay. Halos mawalan ako ng pandinig dahil sa ginawa niya kaya takip ang aking mga tainga ay lumayo ako sa kaniyang kinalalagyan. Ow! He's so mean! “Ang sungit, sungit, ni Rex,” nakangusong sabi ko bago tumabi sa kinauupuan ni Jordan. I leaned my cheek on my left palm whilst staring at Rex. Ang huli ay blangko ang na naman tingin habang panaka-nakang hinahampas ng mga stick ang drums sa harapan niya. Hay. Ang guwapo talaga kahit lutang. “Manahimik ka na nga la'ng sa isang tabi. Hindi ka papatulan ni Rex, okay? Kahit manigas ka pa riyan,” my friend bluntly said while checking the tone of his instrument. His emerald eyes were focused on it. “I mean, Jordan, I tried everything!” asik ko't napatingin sa 'king dibdib. Ba't 'di kaya gumagana 'to? Ayos naman ang hubog, a? They're in the right sizes! There's something isn't right here. Tatanungin ko nga mamaya si Alexis dahil siya lang ang makakapagsabi sa akin. He's frank enough. I need an honest feedback about it. He can tell me what's wrong. “Alam naming gusto mo si Rex, pero hindi ibig sabihin nito na dapat mo nang ipakita ang lahat sa 'yo.” Napatingin ako sa nagsalitang si Sin. Mula sa pagkakadantay niya sa hamba ng pintuan ay pumasok siya habang may kinakain. Banana cue 'ata 'yon. “Pahingi nga ako!” Nakanguso kong itinuro iyong kinakain n'ya. Lumapit siya at ibinigay iyong stick na kinakainan niya. “Isang kagat lang, ha!” paalala niya nang maitapat ko sa 'king bibig ang saging na nangangamoy matamis. Ang alam ko'y paborito n'ya ito. Ngumisi lamang ako at saka na kumagat. “Uy! Ang laki mo kumagat!” Nakangiwi itong lumayo at tinitigan ang parteng kinagatan ko. “Iiiih! Sue! Tinitipid ko nga, e!” Humahagikik tuloy ako habang ngumunguya. “Hoy, babae! Kung gusto mong makipagharutan, 'wag sa tabi ko! Naiistorbo ako!” Natatawa ko tuloy nilingon ang katabi ko dahil sa bugnot niyang tono. Kanina pa 'to iritado, e. Kung sabagay, iritado naman talaga siya kahit kailan. “Sus. So sungit, ha. Nagseselos ka, ano? 'Wag kang mag-alala, ikaw lang ang nag-iisa't minamamahal kong best friend. 'Di kita ipagpapalit. Kaya nga ship ko kayo ni Demeter, e. Parehas kayong bugnutin.” Humahalakhak kong kinurot ang kaniyang ilong. Iyon! Pula kaagad! “'Tangina mo, Samantha.” 'Di n'ya pa rin talaga ako binalingan, mas pinili n'yang tingnan na lang ang gitara niya. Siguro nga'y wala talaga siya sa mood ngayon dahil 'di siya pumapatol ng kurot. Sa karaniwang araw kasi ay gaganti siya. “Awe~ I love you, too~” Nakangiti kong niyakap ang kaniyang braso. I made sure I'd brush my skin against his. Inis na inis kasi siya 'pag gano'n. Panay man ang reklamo ay hindi niya winaksi ang yakap ko sa kaniya. Usually, he would. Si Sin ay natatawa na lang habang kumakain pa rin. Nakita ko siyang naglakad at nilapitan si Rex. Umakbay siya sa huli. Iyon at sila na ang magkausap. “Whoops! Sorry, I'm late!” sigaw mula sa pintuan. Napatingin kami roon. Kumalabog ang nakabukas na pinto nang hampasin iyon ng hinihingal na si Alexis. “Hi, late!” Umaatikabong halakhak ni Sin ang namutawi sa buong music room. Natatawa rin ako habang pinagmamasdan ko ang pinagpapawisang lalaki. He looks so disheveled. Ang kaniyang buhok ay magulo, pati na rin ang damit. Ano'ng nangyari sa kaniya? “Ewan ko sa 'yo, Sin. Pangit mo.” Inirapan ni Alexis ang kaibigan bago tuluyang umusad papasok. “Pahingi nga ng tubig! Shit talaga! Napagod ako sa kakatakbo, a!” “Tarantado! Bakit ka kasi tumakbo!” Iyan na naman ang highblood na si Jordan. Tumayo ako mula sa pagkakayakap ko sa kaniya kaya napasunod siya ng tingin sa akin. Nilapitan ko si Alexis at in-offer ang panyo ko sa kaniya upang mapunasan niya ang tumatagaktak na pawis sa kaniyang mukha't leeg. “Thanks, Sam!” Nginitian ko siya at hinintay na makainom ng tubig nang abutan siya ni Sin. May itatanong pa 'ko sa kaniya, e. 'Di ko makalilimutan ang pakay ko. “Ano ba'ng nangyari?” ani Sin na nasa tabi ko na pala. Ngumuso ako at dumantay sa kaniyang balikat habang hinihintay ang sagot ni Alexis. Nang maubos ang iniinom ay saka ito sumagot. “Si Jansen kasi, e!” Padabog n'yang inilapag sa mesang malapit sa kaniya ang baso. “Tinakbuhan ko!” Iyon at natawa kami. Pasimple ko na ring nilingon si Rex at nakita kong tumigil na siya sa kaniyang paghahampas sa drums. May ipinupunas siyang towel sa kaniyang batok habang diretso rin ang tingin kay Alexis. 'Di ko mapigilang mapangiwi. Ang interesado ng mukha n'ya, ha. “Bakit mo tinakbuhan ang kapatid mo? Kawawa naman!” ani Sin. Umayos ako ng tayo at humalukipkip. “Kung 'di ko ginawa 'yon ay siguradong tayo ang kawawa! Nagpupumilit siyang sumama sa gig mamaya!” Dread consumed Alex' face. “And you know exactly what will happen if I let her! Paniguradong kakalmutin ng batang 'yon lahat ng marinig niyang pangalan ni Rex ang isinisigaw! Mapapaaway ako 'pag 'di pa siya tumigil!” Gigil niyang ginulo pang lalo ang kaniyang buhok. His hair's tail fell from his shoulder. Tumingala siya habang nakapikit. Ang pag-igting ng kaniyang panga ay hindi nakatakas sa 'king paningin. He does look frustrated. Alam naman naming ayaw niya ring gawin 'yon sa kapatid n'ya, but Jansen is really obsess about Rex. Mas malala pa siya kaysa sa akin. She can do everything beyond our expectations. Every ... unimaginable things. “Don't worry about it, Alex. I'll come and get her mamaya para mabaling siya sa 'kin. You can go after that,” suhestiyon ko kaya ang apat ay napatingin sa akin. “Really? Shit! Thank you, Sam-Sam! Thank you! Promise! Babawi kami! Babawi ako!” Pinaghahalikan ako ni Alexis sa 'king noo kaya tuwang-tuwa ako. I couldn't help but to enjoy the giddiness building inside me. Kaya nai-spoiled na rin siguro ako ay dahil sa kanila. Ever since we were young, ito na ang nakukuha ko mula sa kanila. One good act, and I get my reward from them. I felt so empowered and superior. Pakiramdam ko ay kaya nilang ibigay ang lahat sa akin basta't natuwa sila. Tiningnan ko ulit si Rex. He's getting ready; packing his backpack. Naghahanda na siguro siya para sa kanilang next class, ganoon din si Sin at si Jordan na tumatayo na. Napanguso na lang ako at muling hinarap si Alexis na muli na namang umiinom ng tubig. May itatanong pa nga pala ako sa kaniya. “Look at my bust, Alex. Is it just me o parang lumiit talaga sila?” Naibuga niya lahat ng kaniyang iniinom. Waters were dripping from the tip of his nose and chin as he let them streamed down by propping. Kaagad kong inilapit muli sa kaniya ang panyo ko. “Taragis, Sam! Ba't ako na naman ang nakita mo?” Nanlalaki ang singkit niyang mga mata. “Iyan, si Jared ang tanungin mo dahil expert 'yan! Palibhasa, tirador ng mga suso!” Itinuro niya si Jordan na natigilan mula sa paglabas ng pinto. “Animal ka, Alexis! Tarantado!” Padabog nang lumabas si Jordan. Kasunod niya ang tawa nang tawa na si Sin at ganoon din si Rex na namulsa na lamang at nagkibit-balikat bago nag-exit. “Don't ever ask me again about your womanly areas, Sam-Sam. You'll always look like a sister to me, it's disgusting of I were to comment about it.” Umakto pang sumusuka si Alexis. Ang ginawa ko'y hinablot ko ang buntot ng kaniyang buhok at hinila bago ako nagkukumahog sa pagtakbo palabas ng music room. “Sam-Sam!” “I love you, too, Alex! See you around! And don't call me Sam-Sam! It's childish!” Ito na nga ang dahilan kung bakit magaling ako sa pagha-handle ng mga lalaki; marami ring nagsasabi no'n, that I am more fond of them. It's because I grew up with some of them, and I happened to trust men than women when it comes to friendship. Ang mga lalaki kasi, totoo, ipagtatanggol ka sa lahat, at hindi ka pababayaang mag-isa. Reliable 'pag kaibigan lang, pero 'pag kalandian na ... nevermind. Nasa College of Business Studies ang building ng apat na malayo-layo mula sa akin na taga-College of Food and Services. Magkakaklase ang apat dahil pare-parehas na kumukuha ng Business Administration. Si Demeter ay taga doon din. She's taking BS in Accountancy; ang sinabi niya'y magte-take siya ng Law matapos gr-um-aduate. Nang makarating ako sa 'king nakatakdang classroom ay halos naroon na lahat ng mga kaklase ko. Sa front door ako dumaan na dapat ay mga professor lang namin ang dadaan. One of the front sitters stood that block my way. Mukhang lalabas ito at hindi ako nakitang papasok dahil may kausap habang tumatawa pa. Napangisi ako nang makilala ang babaeng nakaharang sa 'king daraanan. How dare she stand in the midst of my path? “Hi, Galacia.” “S-Sue!” Sa loob ko'y nagbubunyi ako. With that wide eyes? Tingin ko pa'y nakita kong nanginig siya. Hindi siya pumasok sa una at pangalawa naming klase kaya ngayon ko pa lang siya nakita ngayong araw. Don't she dare make an excuse about her other classes dahil alam ko ang schedule n'ya. Alam kong ngayong araw ay buong maghapon ko siyang kaklase. “Wala ka kanina, a? Saan ka galing?” Humalukipkip ako nang mapagmasdan ang maiilap niyang mga mata. I'm into acting, but this girl is in a much great level. How could she act as an angel then switch into a hoe for a damn milisecond? Rare talent 'tong mayro'n siya, e. “Nagpa-excuse naman ako. N-Nag-practice kami nina Miriko at Bella ng piece namin para sa s-susunod nating performance sa S-S-Sabado.” S-s-s? Ang dami namang 's' n'yan. Ahas na ahas. Landi, landi, ng dating, a. Sinubukan niyang lagpasan ako ngunit hinarangan ko ulit siya. Nakita ko ang takot sa kaniyang mukha. Imbis na matuwa ay nanggigil lang ako. Hindi pa 'ko tapos sa 'yo, babae! “Hoy, Sue! Binu-bully mo na naman si Galacia, ha! Ginagamit mo na naman yata 'yang tangkad mo sa iba!” tumatawang lintaya ng isa naming kaklase na nakaupo rin sa harapan. Napasinghap ako at humalukipkip. “Hindi, no. We're friends. Right, Galacia?” Ngumisi ako and hindi iniiwanan ng tingin ang babaita. “Ikaw! Sa lahat na lang, si Galacia ang pinag-iinitan mo. Kabanda mo naman 'yan, ba't 'di mo kasundo?” Lumapit si Jason sa amin. Ang kaklase naming ito ay may pagkamalambot ang kilos kaya iyon at kekembot-kembot siya noong lumapit. Hindi na ako lumayo pa nang yakapin ako nito mula sa 'king tagiliran, idinantay ang pisngi niya sa balikat ko. Isa naman siya sa mga ka-close ko rito sa klase kaya hindi ako umalma. “Ha? 'Di, a. Gusto-gusto ko 'yang si Galacia kasi mabait. Lahat ine-entertain n'yan.” Nag-iwas kaagad ng tingin ang buwisit nang muli kong tingnan. Idinukdok n'ya ang ulo niya. Halos mahilo ako sa kapapaikot ng aking mga mata. Naka-auto irap talaga ako 'pag nakakainis ko ang kaharap ko. “Hay, naku! Tama na nga 'yan! Halika rito at may tsismis ako sa 'yo!” Pasalamat 'yang Galacia na 'yan at nalibang kaagad ako ni Jason dahil sa tuwing nakikita ko siya ay 'di ako mapakali. Gusto ko siyang ibalibag na lang. “O! Mamaya, ha. Sama ka sa amin ni Milliene! Mag-hunting tayo ng mga boylet sa hallway!” Tatango na sana ako nang maalala kong may gagawin nga pala kami ni Demeter mamaya. I couldn't say no to my best friend kaya iyon at si Jason ang tinanggihan ko. Halatang nadismaya siya, pero okay lang daw at sila na lang ni Canary. Palabas na ako ng classroom matapos lumabas ng professor namin ay nakaramdam ako ng presensiya sa gilid ko. Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang makitang si Galacia 'yon. “Bakit?” nakangiwing kong tanong. “S-Sue, pinasasabi ni Demeter na kitain mo na lang daw siya sa registrar mamaya. P-Patay daw kasi ang cellphone mo kaya...” Naaalala ko na. Kukuha nga pala kami ng COR ngayon. Kauumpisa pa lamang ng pangalawang semestre kaya paniguradong ang mga professor namin ay hahanapan kami no'n. “A, wala ang cellphone ko dahil nakalimutan ko. Sabihin mo, pupunta ako, but I'll be late.” Pumihit ako, pero huminto rin nang maisipan kong sabihan siya sa pupuntahan ko. “Kikitain ko si Logan.” I couldn't wipe the smug grin on my face sa tuwing maaalala ko ang gulat sa mukha niyang kaagad niya ring binura. The mixture of pain and shock fought along the moment she was trying to say something I didn't bother hearing. That's what you deserve, bitch. “Oh, sorry.” Umakto akong nagulat nang kunwari may naalala ako. “Kayo nga pala ni Logan, 'no? Nagpaalam ba siya sa 'yo? You know, 'cause your the girlfriend ... deserve mo namang malaman ang whereabouts niya. Baka kasi mangyari 'yong nakaraan, ang awkward, ” I smiled, showing no shame at all. “H-Hindi...” Nakita ko ang kaniyang paglunok. “Hindi muna kami?” “Ha?” Tumagilid nang bahagya ang ulo ko. “Ano'ng hindi muna?” “C-Cool off na muna kami sa ngayon.” “Cool off?” Doon na tuluyang natanggal ang ngiti sa 'king labi, gulat sa narinig. “Uso pa ba ang cool off? Ba't 'di na lang kayo mag-break nang tuluyan?” Her eyes became teary in an instant. I didn't falter. O, bakit siya naiiyak, e, nagtatanong lang ako? Sakit na sakit? Aping-api, para namang ako ang may mali. Umalis na ako matapos ko siyang inirapan dahil 'di naman siya nagsasalita. Panay lang ang singhot. Nakakainis! Masiyadong pa-victim. Nagbibiro lang naman talaga ako sa 'king sinabi, iyong parte si Logan ang kikitain ko, pero ang biro kong 'yon ay tila naging totoo nang madaanan ko si Logan sa ground floor corridor ng building na kinababaan ko mula sa second floor kung sa'n naroon ang classroom namin kanina. I had a little thought for a while. Kung lalapitan ko ba siya o hindi. Nag-uusap naman na kami, pero minimal lang. 'Yong tipong ang dami kong tanong, isa lang ang sasagutin niya. He's not that welcoming. Lalo na't nasa malayo pa lang ako ay masama na ang tingin niya sa akin kaya talaga nakakapagdalawang-isip. However, nilapitan ko pa rin ang tulalang lalaki para gisngin ang kaniyang diwang para bang naglalayag sa malayo. Tinapik ko ang balikat niya. “Hi, Logan!” Doon lamang n'ya ko napansin. Napatuwid siya ng tayo nang makita ako sa kaniyang tabi. “Si Galacia?” tanong niya. Tinaasan ko nga ng kilay. Mukha ba akong hanapan ng malalandi? “Aba, malay ko. Baka nakikipaglandian.” Umirap ako at nilagpasan na lang siya. Ang ganda ng bati ko, ibang tao ang hahanapin sa akin. Gayon pa man ay bumalik ako. Tumaas ang mga kilay niya nang makita akong muli sa harapan niya. “Cool off daw kayo, a? Totoo?” Marahan kong hinawi ang mga hibla ng aking maikling buhok habang pinagmamasdan ang reaskyon niya. “Magandang manggaling sa 'yo dahil sinungaling si Galacia. Mahirap na kung maniniwala ako.” Tumango lang siya bago nag-iwas ng tingin. One of my brows rose. Oh... “Sino'ng nakipag-cool off?” “Siya...” I thought so. Nakaaawa ang lalaking 'to kaya hindi ko na lang mapigilan ang pag-iling. His sharp eyes' grew dark as they sent threatening looks at me. Huh! You can't stop me! Totoo namang nakakaawa ka! “Kung ako sa 'yo, makipag-break ka na lang. Total, niloloko ka lang naman, e.” “She stopped...” “O, e, tapos? Hindi puwedeng gawin ulit?” Nagsimula na akong tumalikod sa kaniya upang makahakbang na paalis. Ang mga estudyanteng nagdaraan ay pinagtitinginan na kami. Baka ma-issue pa ako sa kaniya. Alam ng karamihan na may ibang girlfriend ang kanilang Logan. I don't want that. 'Di ko gano'n kagusto ng atensiyon at ayaw kong makakuha ng atensiyon sa ganoong paraan. “Hindi ko siya pinaghirapan para lang pakawalan.” Tumingin ako sa gawing kaliwa ng aking nilalakaran. He's already walking beside me with a stern look on his handsome face. I smirked. “Trust me, Logan. That kind of principle isn't applicable anymore nowadays. Kung totoong mahal ka, wala dapat na iba.” I have a two consecutive vacants from now on so I'm free to go anywhere. Nang tingnan ko si Logan ay tahimik na lang siyang naglalakad sa 'king tabi, hindi na nagpasiya pang sagutin ako sa 'king sinabi. What I said is true, and he can't argue with that. 'Tsaka, may pupuntahan ba 'to at sa akin sumusunod? Ang schedule ni Demeter ay kabisado ko na. Mamaya pang one-thirty ang labas niya kaya mamaya pa ang punta namin ng registrar. Bilang wala namang mapupuntahan ay nagtungo ako sa rooftop ng ikalawang building ng CFS. Ang building lang na ito sa 'ming college department ang palaging nakabukas ang rooftop kaya rito lang maaring maglagi. Hindi ko rin mapupuntahan sina Jordan dahil straight ang schedule nila ngayon at wala nang vacant. Last na 'yong kanina. “Ba't ka sumusunod?” Nakataas ang kilay kong binalingan si Logan na kanina pa nakasunod sa akin. Habang humahawak sa railing ng hagdanan ay nililingon ko siya sa 'king mga paghakbang paakyat ng hagdan. “Dito rin ang punta ko.” Inirapan ko nga siya. Liar! Nasa CAE pa ang building niya and that's beyond far from my college department! May rooftop din sa kanila, ba't dito pa siya dumadayo? Walang ibang konkretong sagot! “Crush mo lang kasi ako kaya mo 'ko sinusundan.” Nang tuluyang kong maabot ang floor ng rooftop ay sumandal kaagad ako sa hamba ng pintuan niyon upang maabangan ang lalaki. Sa 'king pagtingin sa ibaba ay inaabangan ko ang mga paghakbang niya paitaas. “Asa ka pa. 'Di kita type.” Iyon ang ibinulong niya nang tuluyan na rin siyang makasampa sa flooring ng rooftop. Hindi kalayuan ang labi niyang ibinulong niya iyon sa tainga ko. Magkasalubong pa ang kaniyang mga kilay na para bang may balak siyang sigawan ang magkakamaling sumalubong sa kaniya. Good thing at walang sasalubong sa kaniyang iba rito sa itaas kundi ang malakas na hangin. “Panay ang pagsasalubong n'yang mga kilay mo! If you don't want people to mistake you as a murderer, stop glaring!” I said as I advanced towards his direction. May kinakalkal siya sa kaniyang bulsa nang malapitan ko siya. Iyon at isang kaha ng sigarilyo at lighter ang kaniyang dinukot. He lit his cigarette then blew off the smoke away from me. Ay, stress na stress kaagad? “And these! What are these?” Nang makalapit akong tuluyan sa kaniya ay isa-isa kong pinasadahan ng aking kamay ang tatlong hoop earring sa kaniyang kanang tainga. Maliliit at pare-parehong kulay itim. Conscious, he touched his earrings kaya nagkadampi ang mga kamay namin. “Bakit? 'Di ba bagay?” tanong niya na para bang na-conscious bigla. “Bagay na bagay!” Humagalpak ako ng pagtawa. “Ang guwapo, guwapo, mo pagkatapos ay mababaliw ka lang kay Galacia? Yuck ka!” “Samantha...” He glared at me. Nawala ang ngiti ko at napalitan ng kuryosidad. “Hey, you. Bakit nga pala Samantha ang itinatawag mo sa akin? People around me call me Sue.” If I remember it correctly, tanging si Jordan lang ang tumatawag sa akin n'on. Alexis does calls me Sam-Sam or Sam too. Kahit kailan ay hindi ko sila tinanong kung bakit, itong kay Logan ay curios ako, tho I don't mind being called by my second name. Wala akong standard, kahit sino ay payag akong tawagin ako roon. “Samantha is more feminine and you should be feminine.” Iyon ang kaniyang isinagot. “A, parang si Galacia?” My face scrunched in disgust. “No way! Ang mahinhing 'yon ang gusto mong tularan ko? Mahinhing malandi! 'Wag mo akong igaya sa kaniya, ha! Nagkaka-crush ako ng lima, pero 'di ko bino-boyfriend ng sabay-sabay!” Matapos pumikit ng mariin ay umiling na lamang siya. I slightly frowned when the smoke of his cigar sipped through my nose. Siguro'y napansin niya 'yon kaya muli siyang humithit doon bago tuluyang itinapon sa kung saan. “Mabuti't 'di ka binabawalan ni Galacia riyan sa bisyo mo?” tanong ko. Sinariwa ko ang hangin upang mawala sa isip ko ang amoy ng sigarilyo. “Hindi niya alam,” matipid niyang sagot bago namulsa. Surprised, I grinned at him. “Oh. So, you keep secrets from her, too.” “I just don't want her to see this side,” katwiran niya. Tinaasan ko nga ng kilay. Ah, so, 'pag ako, okay lang? This is discrimination! “It's bad for your health.” Napatingin siya sa akin mula sa pagtingin sa malayo. Bakit? Gulat ba siyang may bumabawal sa kaniya lalo't hindi niya ka-close? Pero 'di naman siya mukhang offended. Mukhang pababawal naman kaya halatang 'di adik sa paninigarilyo. “Hindi 'yon madali. Isa pa, hindi naman ako madalas manigarilyo,” muli niyang pangangatwiran. Nginiwian ko siya at saka ako humalukipkip. “Bahala ka. Basta, 'pag nakita kitang naninigarilyo, ako ang uubos, ha?” His eyes squinted from my remark. I eyed him what. “Naninigarilyo ka?” “Ay, bakit? Ikaw lang ang puwede?” Nagtaasan kami ng kilay na dalawa. “Kung ayaw mong tigilan, bigyan mo na lang din ako ng stick para sabay tayong bubuga.” Nakangisi kong itinuro ang bulsa niya kung saan ko nakita ang kaha ng kaniyang mga sigarilyo. “Pahingi ako. Naii-stress na rin ako.” I felt triumphant when he fished out his pack of cigars, anticipating that he would lit one for me, but felt immediate shock when he strode towards the trash bin and forcefully slammed his whole pack of sticks inside. “Bakit mo itinapon!” His sharp glares shot through me that stopped me from freaking out. E, sayang kasi 'yon! “Shut up, woman! Neither of us wouldn't get any smoke from now on!” Muli siyang may binunot sa kaniyang bulsa. Iyong lighter niya. Napaurong ako nang ihagis niya 'yon, palaglag ng rooftop. “What ... the fuck...” Nakanganga ko siyang tinitigan. Seriously? “Tigilan mo rin ang pagmumura. Kababaeng mong tao...” Ang sama ng tingin niya sa akin. Sinamaan ko rin siya ng tingin. “Do not get me into the likes of your ex-girlfriend.” Gusto niya talagang tularan ko si Galacia, e, 'no? Gano'n kasi ang babaeng 'yon, e. Walang bisyo. 'Di nagmumura, feminine ... tapos, maharot. “Don't ... talk about her like that,” he firmly said. Suminghap ako. At talagang ipinagtatanggol niya pa rin kahit na ginagago na siya! “Hindi ko pinapansin ang kalandiang pinanggagagawa ng nobya mo dahil nakiusap ka, pero 'pag hindi ko na nakayanan ang panonood ay wala na akong pakialam kahit pa may usapan tayo.” Humalukipkip ako at mata sa mata kong sinalubong siya. “Move, Logan, before I do it for you. Ingungudngod ko si Galacia hanggang sa mawala ang gandang ipinagmamalaki niya.” “Just ... just let her.” Pumikit siya. Mariin. Alam kong nahihirapan ang loob niya at mas pinahihirapan ko pa 'yon dahil sa mga pinagsasabi ko kaya kumalma na ako. “Palagi akong wala 'pag kailangan niya ako. 'Pag kailangan niya ng isang taong ibibigay ang lahat ng oras at pagmamahal sa kaniya,” pangangatwiran niya para sa babaeng 'yon. “Kaya naiintindihan kong ... hinanap n'ya 'yon sa iba.” Napasinghap ako sa tinuran niya. Mas lalo lamang akong napoot. 'Di na para sa kaniya, kundi para kay Galacia. “Logan, I may be a tactless girl, but I never commit myself to someone while I am still in a relationship! Hindi ko kayang sikmurain!” asik ko't nanggigigil na dinutdot ang kaniyang dibdib. “I don't even want to cross the line when I know that the guy I love loves someone else! Kasi marunong akong lumugar! Alam ko kung sa'n ako pupuwesto!” I threw all the pit at him. Something plucked the last string of my sanity. “Kaya punyeta n'yang Galacia mo! Makati lang siya kaya humahanap ng kakati sa kaniya dahil wala ka!” “Samantha ... please....” Nadama ko ang panghihina sa kaniyang boses. Those sharp eyes that hold nothing but sadness. He may look tough outside, but his eyes are like windows to his heart. “Alam mo, Logan? Putangina mo.” Tinulak ko siya at padabog na nagtungo sa railings ng rooftop. Ang gusto ko'y mawala ang galit ko. At nagpapasalamat akong malaki ang tulong ng hanging sumasalubong sa akin para pahupain 'yon. Mabibigat ang aking paghinga. Bawat hugot ay may ingay. Alam kong naririnig ni Logan 'yon. Naririnig niya ang galit ko. Cheating was never the answer. I hate people who resort on doing it saying they didn't meant it and that they were just tempted, and worse, blame other people as the reason why they did it. Siguro ay dahil bunga ako ng mga kasalanang iyon. My father cheated on his wife and got my mother pregnant. It's a horrible thing. Lahat ng consequences ay ako ngayon ang sumasalo. I was the aftermath of their sins, and now, I'm still living to pay for something wrong that I didn't commit. Kaya alam ko lahat ng pakiramdam—pakiramdam kung paano mabasag sa mga pinong piraso. At sa kasong ito, si Logan ... mahal na mahal niya ang babaeng 'yon—handa siyang mabasag para sa babaeng 'yon. I don't understand. I can see why people choose to cheat, but I can't understand why. Bakit? Para saan? Paano nila nagagawa? These are the questions that can't be answered. Kahit kailan, hindi magkakaroon ng karapat-dapat na sagot. I looked sideways when I felt that the space beside me was filled. Naroon si Logan at pikit-matang dinadama ang bawat paghampas ng hangin. “Please, don't be hurt for someone like her,” I called to him. Hindi na lang siya sumagot.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (5)
Mark Yhuan Tenorio
thank you
10/06/2025
0
G_ellerick
the story was great at ramdam mo yung deep connection ni author sa bawat character niya. magulo nung unable, pero na-visualized ko yung pagpakilala nya sa bawat characters which has a big part sa plot nung gustong palabasin ni author sa kwento nya. sana ma-update mo pa yung chapters mo author, willing to wait 😊
thank you
10/06/2025
0the story was great at ramdam mo yung deep connection ni author sa bawat character niya. magulo nung unable, pero na-visualized ko yung pagpakilala nya sa bawat characters which has a big part sa plot nung gustong palabasin ni author sa kwento nya. sana ma-update mo pa yung chapters mo author, willing to wait 😊
10/07/2024
0❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
10/08/2022
0Tingnan Lahat