Chapter 13: Go Back MY hand flew against my mouth soon as he moved away. I could feel the stinging sensation he left on my lip. He ... he fucking bit me! That was one of the few moments I felt so dumb in my entire life. I knew what just happened, but my brain can't seemed to accept it. For a whole minute, I was just gawking at his red face, processing the situation before me. “What...” I closed my mouth just to open it again. “W-What was that for?” My breathe seemed to shorten each time I try to intake some air. Nahuli ko pa ang panginginig ng aking palad nang ilayo ko 'yon mula sa pagkakatakip sa 'king bibig, and curse my heart for beating so fast! What's happening to me? “Logan...” Kumunot na ang noo ko sa pananahimik niya. “Can you please enlighten me of what the hell did you just do.” He seemed to having a mental argument with his self. After seconds of eyeing me, he said, “Parusa.” His jaw clenched, showing how pissed he is. Napanganga ako. “A what?” “Tangina,” sabi pa ng gago at naglayo ng tingin. Napailing ako at walang lamang natawa. “Punishment for what? For slapping that bitch?” Muling nagsalubong ang mga kilay ko. Ah ... so, after all, talagang kinakampihan niya ang babaitang iyon? Huh. What did I expect? But much to my surprise, his sharp eyes widened a little. “Sinampal mo si Galacia?” Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi niya nakita? I tried to speak, pero napangiwi ako nang muling humapdi ang aking labi. I put my forefinger onto the wound and pressed it, ngunit mas lalo kong naramdaman ang sakit. Nakita ko ring bumaba ang tingin ni Logan doon. “'Tsk!” He reached for my arm, I protested, of course, but he wouldn't just budge. Tinanggal niya ang pagkakadiin ng hintuturo ko sa 'king labi at naglapit ang mukha namin dahil sa pagtitig niya roon. “Fucking jerk! Why the did you do this to me!” I slapped his hard chest. “And why are you here, anyway? Narito ba si Galacia? Go to her! Magsama kayo!” “Sam, I'm sorry...” Natigilan ako dahil sa lambing ng kaniyang boses, tila ba hindi narinig ang huli kong mga sinabi. He held my arms and pulled me closer. Nang bumangga ako sa katawan niya ay saka naman lumapat ang hinlalaki niya sa pang-ibaba kong labi. Halos mapapikit ako. His touches felt feathery soft. Titig na titig ako sa kaniya nang bigla na lang napakunot ang noo niya. Mariin siya noong pumikit at humugot ng malalim na hininga bago nagsabi, “'Tangina ... nakakagigil.” Tapos ay muli niya akong hinalikan. Napapikit na ako sa pagkakataong iyon... That's how I remember what happened. It was bright and clear as the sunny day. Most of the time, I would just find myself spacing out, viewing and going back at it, reminiscing at the back of my head. I can't seem to forget it. It felt so wrong ... and right at the same time. I can't explain! Hindi na rin kami nag-usap ni Logan tungkol doon matapos iyon. Not that I can, anyway. Tumaas ang mga kilay ko at napalis sa pag-iisip nang naramdamang may yumakap sa 'king tagiliran. It was Canary who looks like on a verge of crying. “Dear, what happened?” I spat her whole body. She doesn't seemed hurt. Bago pa siya makasagot ay nagsalita si Bella na nasa tabi lang namin. “Parating si Lyric,” anito. Tumingin din ako sa direksyong tinitingnan niya. Talagang malayo pa lang, kilala na niya. Kung sabagay, hindi mahirap kilalanin si Lyric. He somewhat made this signature look that made him outstanding, palagi ba namang naka-apple hair, e. Kung hindi naman nakatali ang bangs niya, makikilala pa rin siya. The naughty yet mysterious aura the surrounds that man did it. Tipo bang sa unang kita mo pa lang, maaalala mo kaagad siya lalo't mayroong something sa kaniya na hindi mo talaga makakalimutan. Malakas na tumatawag ang lalaki. Mula sa entrance ng auditorium ay patakbo itong nagtungo sa harapan namin ni Canary. “Grabe! Ang bilis mong nawala! Runner ka ba?” Lyric asked, huffing. Nakabaling ito kay Canary. “Lyric, what did you do to her?” Sinamaan ko ng tingin ang lalaking biglang napahawak sa kaniyang dibdib. “'Tang'na! Bakit ako?” anito. “May umiiyak lang, ako 'agad?” Hindi ko pinansin ang pagdadrama niya. I looked at Galacia to confirm it. Umiling naman ang huli at napayuko. “Napa'no ba siya?” Kumunot ang noo ko. Mabuti na lang at kami pa lang ang narito. It's not good to have a lot of people in this kind of situation. Mas lalo na kung nandito pa si Demeter, lagot kaming lahat. “Well, 'yang maganda mong kaibigan...” Sinilip niya si Canary mula sa pagkakayuko nito at saka siya ngumisi. “Nakita ko, ginising niya si Sage.” My eyes almost pop out from their sockets. Gagad kong binalingan ang kaibigan ko ngunit mailap ang mga mata niya. “I warned you...” all I could utter. “Don't worry, hindi na didiretso si Sage dito. Badtrip na kaya hindi na 'yon tutuloy dito para manood ng practice n'yo,” paniniguro pa ni Lyric. I sighed, embracing Canary. She's shaking. Ano'ng ginawa ni Sage sa kaniya? “Stop.” Natigilan kaming lahat sa pagtugtog nang sabihin iyon ni Demeter. Kunot-noo niyang binalingan si Canary sa kaniyang tabi na biglang napayuko nang tingnan niya. “What the hell is happening to you?” Demeter said. Hindi man lang niya itinatago ang pagkairita sa kaniyang boses. Napatayo ako sa 'king kinauupuan at nagmamadaling nagtungo sa kinatatayuan nila, lumikha pa ng ingay ang mga drums dahil sa puwersa ng pag-alis ko sa harapan ng mga iyon. “Now, now, now, Best. Don't be like that. I think, she's sick. See? She's pale,” I said. Itinago ko sa likuran ko si Canary para hindi na niya makita ang nagngangalit na mga tinginan ni Demeter sa kaniya. “That's true, Dem. Napansin ko rin kanina na matamlay siya. Baka pinilit lang niyang maka-attend ng practice ngayon para hindi ka magalit.” Bella's to the rescue, too. Her comment made a lot of difference dahil bahagyang nag-relax ang ekspresyon ni Demeter. Nagkatingin kaming dalawa ni Bella. nakita ko ang tipid niyang pagtango. “Fine.” Demeter rolled her eyes. “Cut na ang practice ngayon. Magsiuwi na kayo.” “Sorry sa inyo ni Bella, Sue,” Canary said in admist of walking. I insisted I'd accompany her towards the CBS. Pupuntahan niya yata ang kapatid niya, magpapauwi na raw siya. “Sus! No sweat!” I grinned at her. Hindi na rin naman ako nang-usisa. I know it has something to do about what happenend earlier. But what's bothering me is her ... mukha talaga siyang may sakit na nararamdaman. Nagpaiwan na rin kaagad si Canary nang makarating kami sa College of Business Studies. Wala pa ang sinasabi niyang kapatid niya, pero maghihintay na lang daw siya kaya pinauna na ako. Roaming around the university isn't my thing. Kung kasama ko siguro si Hestia ay okay lang, mahilig 'yong magpunta sa kung saan-saang sulok ng campus. Gala rin naman ako, pero kung ako lang mag-isa, hindi ako mag-e-enjoy. So, I decided to go to the soccer field. Wala na rin naman akong gagawin ngayong araw at ayaw ko pang umuwi. If only ... I have someone with me. The same broad shoulders and wide back of Logan welcomed me on our usual spot. Malayo pa lang ako, pero kilala ko na. Ano'ng ginagawa niya roon? Hati ako sa desisyong tutuloy o aatras. Ilang araw na ring hindi ko nakakausap ang lalaking ito. Naging busy ako, sigurado akong siya rin. Lalo na ... dinig kong sila na raw ulit ni Galacia. I'm not sure though, si Jason lang naman ang nagsasabi sa akin. In the end, I decided to approach him. Malakas ang naging pagtawag ko sa kaniyang pangalan habang palalapit na siyang mabilis na nagpalingon sa kaniya. “Samantha...” He looked at me like he's in daze. Para bang hindi makapaniwalang nakikita niya ako. Nginitian ko siya. “Umaano ka rito? Wala ka nang klase?” tanong ko. Tumuwad ako nang makarating sa tabi niya upang tanggalin ang lock ng sandals ko, pero bago ko pa tuluyang maabot ang buckle ay inunahan na niya ako. I have no choice but to watch and wait for him to finish undoing the little buckles. “So ... ano nga? Wala ka nang ginagawa?” tanong ko nang tuluyang makaupo sa tabi niya. “Vacant. Mamaya pang four-thirty ang sunod kong klase.” He moved, placing his legs on my sides, locking me in between. Ang mga braso niya ay pumatong naman sa itaas ng mga tuhod niya. I felt a little awkward. Kanina lang ang nakatagilid pa lang siya mula sa kinalalagyan ko, ngayon ay buong-buo na siyang nakaharap sa akin, sobrang lapit pa. “Hindi ako tatakbo, hoy. Ba't mo 'ko kinukulong?” Natatawa kong pilit na idiniretso ang isa niyang binti, ngunit nanatili lamang iyong nakatupi. Humampas ang malakas na ihip ng hangin, nagulo ang nakalugay kong buhok kaya nawala ang atensyon ko sa kaniya. “Ang hangin ngayon!” Tuliro kong kinalkal ang suklay sa aking bag, hindi pa masyadong makakilos dahil sa mga binti ni Logan na nagkukulong sa akin. “Dapat, itinatali mo ang buhok mo.” Nakisilip siya sa bag ko, ibinigay ko na ring tuluyan nang hablutin niya sa akin. “Paano ko itatali, e, ang ikli?” sabi ko. Tinanggap ko ang bag ko nang ibalik niya sa akin 'yon, pero ang suklay ay naiwan sa kaniya. “I could only do some little braids on some part of my hair, pero hindi ko buong naitatali.” Hindi na siya nagsalita. Sandali akong napapikit nang humagod ang kamay niya sa buhok ko, tapos ay unti-unti akong sinuklayan. Ngumuso ako habang pinakikiramdaman ang paggalaw niya sa 'king buhok. “What are you doing?” natatawa kong tanong. Pinigilan ko ang isa niyang braso ngunit nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya na para bang bulak lang na idinampi ko ang kamay ko sa kaniya. “Sssh, huwag kang maingay. Ititirintas ko ang buhok mo,” aniya. Talagang seryoso dahil nakakunot pa ang noo niya. “Weh? Marunong ka?” tanong ko. Napanganga ako nang umiling siya. “Lumayo ka sa akin! Pinaglalaruan mo lang ang buhok ko?” Lumapat ang palad ko sa dibdib niya para itulak. “Ano? Pinagpa-practice-an mo 'ko?” Napangiwi ako nang 'di man lang siya matinag sa bawat pagtulak ko. Hinayaan ko na lang din siya nang mapagod ako sa katitinag sa kaniya. He woudn't just budge. Natatawa kong pinagmamasdan ang replika ng aking buhok sa screen ng cellphone ko. Sa kaliwang parte ng aking buhok ay makikita ang manipis at inconsistent braid, magulong bunga ng paglalaro ni Logan sa buhok ko. Ang mas nakatatawa pa ay gusto ko iyon. Hindi ko matanggal lalo pa't alam kong pinaghirapan niya. “Hirap.” Pumalatak siya bago bumagsak ang baba niya sa aking balikat, nakikisilip sa replika ng trabaho niya sa nakapatay na screen ng cellphone. “Nahirapan ka pa rito, ha?” natatawa kong sambit. “Hindi ka puwedeng maging hair stylist.” He scowled. “Wala akong balak.” Humalakhak na lang ako at itinago na ang cellphone ko sa 'king bag. Natahimik kami. Wala na akong masabi. Siya rin naman, kaya siguro nang makita niya ang palad ko ay para bang nakahanap siya ng laruan. I bit my lip and sighed. “Nga pala, narinig ko ... kayo na raw ulit ni Galacia.” Nakita ko siyang natigilan, mas dumiin ngayon ang tingin niya sa mga daliri kong pinaglalaruan niya. “Is it true? Hay, nako! Mahal na mahal ka ni Galacia, ha? Wala pang isang linggo ang panliligaw mo, 'di ba? Grabe, talagang hindi na siya nagpakipot!” Humalakhak ako habang tinatapik ang balikat niya. “Congrats! Ang saya mo siguro n'yan? Well, I'm happy for you, too!” “Sam, stop.” Nawala ang ngiti ko nang marinig ang matigas niyang boses. Bumaling siya sa akin, nagtama ang mga mata naming dalawa. Doon ko napagmasdan ang galit na itinatago niya. “Alam mo kung ano ang totoo...” Tumalim pang lalo ang mga mata niya. I felt my throat dried up. Nag-iwas ng tingin sa kaniya at huminga ng malalim. “Come on, Logan. You can't be serious about me...” Tumayo ako kaya napaangat siya ng tingin sa akin. I was about to walk out when he grabbed me, standing from the ground. “Sam naman...” His other hand reached for the same hand he was holding. “Don't be like this ... kung ... kung gusto mo, hindi ko na ipipilit just so you can be comfortable again, and ... and...” Naglilikot ng pilit ang mga mata, para bang naghahanap ng dapat sabihin. “Si Galacia?” tanong ko. Umiling siya. “Walang kami. Hindi kami nagkabalikan. Ayoko.” Napasinghal ako at sarkastikong ngumiti. “Ang dali mo naman siyang nalimot.” “E, bakit kasi tinulungan mo 'ko?” Nag-iwas ako ng tingin at marahang binawi ang kamay kong kanina niya pa hawak. “Now, it's my fault.” I crossed my arms, looking at the guys playing soccer on the field. Looking back at the time I was with him when he broke up with Galacia, he would always tell me off, pero ako itong mapilit. Nagsumiksik ako sa nanahimik na buhay niya. Madalas ko tuloy maisip na kung hindi siya, kung ibang tao kaya iyon, would I do the same thing I did? I can't imagine. “Let's just stop meeting, Logan.” I saw his sharp eyes became gloomy even more. “Ayoko—” “Please, Logan...” I cut. “Pakiramdaman mo muna ang sarili mo, 'cause honestly? I think this whole thing you're feeling about me is absurd.” Umawang ang mga labi niya, pagod na napatitig sa akin. “How is it absurd?” “I don't know! It just ... it doesn't feel right!” I yelled. Nang makita kong lumamlam ang mats niya ay mabilis kong pinagsisihan ang pagtaas ng boses ko. But I can't back out now. I looked away. “Go back to her, Logan. If you still feel the same, then...”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (5)
Mark Yhuan Tenorio
thank you
10/06/2025
0
G_ellerick
the story was great at ramdam mo yung deep connection ni author sa bawat character niya. magulo nung unable, pero na-visualized ko yung pagpakilala nya sa bawat characters which has a big part sa plot nung gustong palabasin ni author sa kwento nya. sana ma-update mo pa yung chapters mo author, willing to wait 😊
thank you
10/06/2025
0the story was great at ramdam mo yung deep connection ni author sa bawat character niya. magulo nung unable, pero na-visualized ko yung pagpakilala nya sa bawat characters which has a big part sa plot nung gustong palabasin ni author sa kwento nya. sana ma-update mo pa yung chapters mo author, willing to wait 😊
10/07/2024
0❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
10/08/2022
0Tingnan Lahat