11th Fix

Chapter 11: Ayoko na
HINDI namin inaasahan na marami ang interesadong mag-audition para maging subvocalist ng Sojourn. Marami ang mga manonood at mahaba ang pila ng auditionee sa labas ng Auditorium.
May pinaghahandaang okasyon sa buong campus kaya maagang nabakante ng ilang oras ang mga estudyante, itinaon talaga namin para lahat ay may pagkakataon na makapag-audition. Sa ibaba ng stage ay nakahilera ang mga upuan naming miyembro ng banda, ready to judge each number.
“Miriko, tell Ces na magpapasok na ng auditionee after ten minutes,” bilin ni Demeter. Tumango sa Miriko bago tumakbo patungong entrance ng Auditorium.
“This sure is fun,” I commented, roaming my eyes around the dark place. “Alam kong sikat ang Sojourn sa buong campus, pero 'di ko alam na ganito karami ang interesado sa atin.”
It's true. Almost all of the seats are occupied at the moment, maraming gustong manood sa mangyayari.
“Kung bakit ba kasi ayaw mong ikaw na lang ang sub.” Tumatawa kong hinampas si Bella dahil sa sinabi niya.
“Duh! Sino ang magda-drums 'pag ako? Hindi puwede!”
Hanggang backing vocals lang ako. I can sing at some occasions, pero 'yong papalit talaga kay Demeter ay hindi na yata puwede.
Isa pa, we're looking for someone who has “almost” the same voice as hers. Malamig ang boses ni Demeter. May something sa boses niya na nakakadala. Contrary to what my singing voice is—mataas at may kabilugan.
Nakatikim na lang ako ng pag-irap ni Bella. Crossing her arms, she took her seat next to Demeter's left side. Sa kanan ay ako ang nakapuwesto.
Binalingan ko ang nakauwi sa 'king kaliwa. It's Galacia. Nagtama ang mga mata namin kaya nginisian ko siya.
Mabilis siya ng nag-iwas ng tingin. Madilim ang Auditorium kaya 'di ko siya gaanong maaninag. But looking at her.... I can sense that she's... Somewhat... Always tense?
Nagkakausap kaya ito at si Logan? I haven't seen that guy in a while. Katawagan ko minsan, ang sinasabi niya'y may tinatapos lang na project kaya walang oras.
Matapos nga ang ten minutes ay naghiyawan na ang mga nanonood nang pumasok ang unang auditionee. Mukhang mga supporter pala ng mga nag-o-audition itong mga manonood.
“Hi! I'm Gladys Anne Zapanta!” nakangising pakilala ng ikalabing-tatlong auditionee.
There's this confident glint on her eyes. Kitang-kita dahil lahat ng liwanag ay sa stage nakatuon. At kumpara rin sa iba ay sa kaniya naghiyawan ng sobrang lakas ang mga tao. Mukhang kilala siya.
Tumaas ang kilay ko at binalingan si Demeter. Nakatukod ang kaniyang pilipisian sa dulo ng hawak niyang lapis. Her cold eyes boring onto the female on stage.
“What makes you think you can join us?” tanong ni Bella, marahang inilalapat sa ilalim ng kaniyang labi ang hawak na mic.
“Because... I am a perfect fit in your band.” Humalakhak na hinawi ng babae ang kaniyang buhok dahilan para matawa rin ang mga nanonood.
Demeter scoffed. “What a boastful bitch.” Umirap pa siya. Natawa na lang ako.
Natapos ang pagkanta nitong Gladys napuno ng hiyawan ang buong Auditorium. Ngumisi ako at binalingan ang aming likuran. Well... Totoong may ibubuga naman pala ang pambato nila kahit pa may kaunti akong kayabangang nakita. Kaniya lang... Hindi ko gusto ang pitch ng boses—matinis at masyadong mataas.
“O-M!” My palm flew against my palm when I saw the twenty-eight auditionee. That's Canary!
“Bruha! Galingan mo! Go! Go! Go!”
Napabaling ako sa likuran ko. My eyes widened at the sight of Jason holding a banner with Canary's name on it. Kasama niya rin ang ilan naming kaklase, nagtsi-cheer para sa huli. Kumaway siya nang makitang nakatingin ako.
I gestured with my hands, asking “how” silently.  Ngumisi lang siya.
I didn't know Canary can sing! Kahit kailan ay hindi ko pa siya narinig na kumanta, madalas kasing tahimik lang iyon. Mahinhin masyado.
“H-Hello po... Ako si Canary Milliene Baldemor. Amm... Hello po ulit.”
Nagtawanan kaming lahat. I even saw Demeter smirked. Gosh, Canary's so cute!
“Hi, Canary.” Ngumisi ako nang mapangiti siya nang makita akong ang magtatanong sa kaniya. “Why do you want to join our band?”
“K-Kasi... Ano... Tagahanga na ninyo ako. I've been looking up to this band since I was a freshman. Parang... Parang natupad na rin ang isa sa mga pangarap ko 'pag nakasama ko kayong mag-perform kaya...”
Everyone said “awe” after she answered. Ipinagsiklop ko ang mga kamay ko habang nangingiting pinagmamasdan siya. Now I remember how she looked so flustered when Jason introduced her to me the first time. Iyon na pala 'yon.
“You know her?” Demeter whispered.
Tumango ako at muling binalingan si Canary. “Okay. When you're ready...”
The beat started and the melody of Christina Perri's Jar of Jearts invaded the whole room. Napansin ko pa ang pagtuwid ng upo ni Demeter. She looks hype up. Kahit ako rin naman. Iyon ang isa sa madalas na kantahin niya. Cause her voice fits the song perfectly—cold yet soulful.
“You know I can't take one more step towards you...”
My mouth parted. Rinig na rinig ang pag-“oooh” ng mga tao sa unang linya pa lang, at ang nangingibabaw na tili ni Jason sa likuran.
I could feel the chills underneath my skin. Parang bigla akong nilamig kahit pa kanina pa nakabukas ang aircon ng Auditorium.
“Don't you know I'm not your ghost anymore...”
Gagad kong binalingan si Demeter. Eyes-widened and lips turned up—tumatango-tango ko siyang tinitigan.
She pucked up her looks, a hint of smile plastered on her face. See! Kahit siya, nagugustuhan na ito!
“Who do you think you are? Running round leaving scars, collecting your jar of hearts...”
Nag-thumbs ako kina Hydee at Miriko na pawang malalaking ang ngiti nang makasalubungan ko ng tingin. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Gusto ko ring mag-cheer para kay Canary, but that would be wrong. Baka sabihin ay bias ako lalo't kaibigan ko siya.
“You gonna catch a cold from the ice inside your soul, so don't come back to me... Who do you think you are?”
And the loudest cheer was gave on her. Wala nang tumalo pa hanggang sa matapos ang tatlumpu't limang auditionee.
The people were dismissed soon after the audition ended. Kaming lang ang natira sa Auditorium, evaluating each performance.
“The Gladys girl is good, tapos 'yong eighteenth din and 'yong thirty-fourth... But, gurl! Twenty-eight was a talent!” Hydee exclaimed.
“That's true Demeter,” sabi ni Bella. “I closed my eyes for a while listening to the twenty-eighth... Canary was it? It felt like it was you who's singing.”
Demeter's forefinger rubs her lower lip, looking intently at the list of auditionees. Siguro ay pinag-iisipan niya itong mabuti, pero majority na sa amin ay si Canary ang gusto. Kahit siya, hinablot ko ang papel niya kanina, mga scoring niya ang naroon at dalawang feedback sa dalawang auditionee. Isang all capslock “bitch” sa thirteenth at “good” sa twenty-eighth.
“Ano, Best? Canary's the best sub to you!” I said. Niyakap ko siya kaniyang balikat para maglambimg ngunit irap ang isinagot niya sa akin. Please, please, please, please... Pick her!
“So... Your choice is the twenty-eighth?” Isa-isa kaming tinitigan ni Demeter. Pawang tango ang isinagot namin sa kaniya.
O-M! It's final! I can't wait to have Canary here with us!
“Kulang kayo...” Kumunot ang noo ni Demeter. “Where's Galacia?”
Doon na kami naghanapan. I don't remember seeing her after the event. Nasaan naman kaya ang babaeng 'yon?
“It's fine, Dem. 'Yong twenty-eighth auditionee rin 'yong pinili niya.” Iwinagayway ni Bella ang folder ni Galacia. Iyon at hindi na siya hinanap ni Demeter.
But, of course, not me. Ano na naman kayang drama ng babaeng 'yon at nawala siya ng wala man lang paalam?
Humalukipkip ako nang magawi ang mga mata ko't matanaw ang exit ng Auditorium. I can see two figures from the outside. Babae at lalaki.
Lumapit ako ng kaunti at tinitigan iyong mabuti hanggang sa luminaw ang paningin ko roon.
My eyes widened when I saw it's Logan talking to Galacia.
“You looked like you've seen a ghost.” Naiilang kong nginitian si Demeter. Her squinting eyes looked suspicious on me as she flipped the page from her short folder.
“Umaa-acting ako, Best. Kunwari, nagulat.” Humalakhak ako at saka tinungo ang aking shoulder bag. “Una na 'ko, ha? I have to see someone.”
Tumango na lang siya. I waved the other girls goodbye before striding towards the exit. Habang papalapit ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. I feel lightheaded and a little thrilled. O-M! Nagkabalikan na ba sila? Ano? Shit!
Kaagad akong napansin ni Logan nang maiapak ko ang mga paa kong tuluyan sa labas. The sun shines directed at my face, halos mapapikit ako sa liwanag. Siguro ay dahil sa madilim sa pinanggalingan ko kaya ganitong naging sensitive ang mga mata ko ng panandalian.
“What's happening here?” I asked when I finally set my sight.
“Wala. Nag-uusap lang.” Namulsa pa 'tong Logan na ito.
Tumaas ang kilay ko nang makita ang pagyugyog ng mga balikat ni Galacia, ni hindi siya makatingin sa akin.
Logan took his step in front of me. Kaagad niyang natabunan ang araw sa aking paningin. Napasunod pa ako ng tingin sa kaniya dahil bigla niyang kinuha sa akin ang bag ko at siya na ang nagbuhat niyon.
Nanliit ang mga mata ko sa kaniya. Nag-usap? E, bakit mukhang inapi 'yang mahal mo?
“Galacia...” Sa babae dumirekta ang mga mata ko nang 'di ako maliwanagan. Kaagad siyang napayuko. Pero hindi nakalagpas sa akin ang pamumula ng mga mata niya.
“U-Una na a-ako...”
Mas lalong kumunot ang noo ko nang marinig ang basag na boses ng babae. Seriously, what happened? I'm starting to feel worried. Akala ko ay may nagaganap nang maganda rito.
“Wait—” I tried stopping her, but she fricking ran! My God!
“Kanina pa kita hinihintay,” iyon ang sinabi ni Logan nang mawala na si Galacia sa paningin namin. His large arm draped around my shoulder, ni hindi ko man lang napansing iniakbay niya 'yon sa akin kanina.
“Why didn't you run after her?” Nang-aakusa ko siyang tiningnan, pilit siyang hinaharap sa kabila ng bigat na ibinibigay niya sa mga balikat ko. “Ano'ng ginawa mo kay Galacia?”
Iritado siyang napakamot sa kaniyang batok. “Nag-usap nga kami.”
I crossed my arms. “Please, tell me you're pursuing her again...”
“Tara, uwi.”
Hindi niya ako sinagot! At mukhang wala siyang balak na sagutin ako dahil pilit siyang nagpapasok ng mga topic na wala akong interes.
But if he wants to keep it a secret, then fine! Aba, kung makakagambala ako sa mga plano niya para makasama ulit ang babaitang 'yon, e'di 'wag. Ang sa akin lang naman, gusto ko siyang tulungan. I'm more than willing to give him a helping hand and it's free.
“Basta, i-update mo 'ko kung kayo na ulit para naman makapag-ready ako 'pag in-announce ko sa public na break na kuno tayo.”
Mas lalo lang bumigat ang braso niya kaya napangiwi na ako. Pinagtatampal ko 'yon at pilit na inalis. Gosh! Parang bakal!
“Gan! Mabigat, nakakangawit!”
Nabuwisit ko yata siya kaya siya na mismo ang nag-alis ng pagkakaakbay sa akin, pero naramdaman ko na naman ang paghapit niya sa baywang ko kaya napatitig ako sa kaniya.
“Ano? Mabigat pa?” sarkastiko niyang tanong.
Ngumuso ako at umiling. “'Di na.”
Umirap siya at matalim na ulit ang tingin sa daanan namin. Ang bugnot niya tuloy tingnan, napapasunod ng tingin sa amin ang mga tao sa paligid, akala siguro ay nag-aaway kami sa kung ano.
“So... What happened to you after these past days?” I opened in the middle of walking towards the exit of the university.
Nag-offer na rin naman siyang ihahatid ako pauwi, susulitin ko na. We should bond together lalo't ilang araw din kami 'di nagkita. Mabuti't wala sina Mommy sa bahay ngayon.
“Okay na. Tapos na 'yong project,” sagot niya. Napatango-tango ako.
“Ang dali naman. Pinaabot mo na sana hanggang next week.”
Matalim siyang bumaling sa akin. “Kung isa ka sa mga tamad na estudyanteng late magpasa ng mga project, 'wag mo 'kong itulad sa 'yo.”
Marahan kong kinurot ang braso niyang nakapalibot sa 'king baywang. “Ang harsh mo, ha! Why so sungit ba?”
He mimicked me with him trying to mouth what I'm saying. Ang arte ng itsura niya. Nakakainis 'yon kaya hinampas ko ang dibdib niya. Natawa siya sa kung ano, kaya nahawa tuloy ako. Para kasing ewan, bigla na lang siyang tumititig na para bang isa akong math equation na napakahirap i-solve. Humalakhak kaming pareho habang papalabas ng gate.
“Seriously talking, Logan. Hindi ka na nga busy?”
I eyed him carefully as he maneuvered his motorcycle bike towards the exit of the parking lot. From his slick-back hair down to his face. He really looks like some kind of a bad guy from asian dramas. Iyong mahirap kamuhian dahil sobrang guwapo.
“Hindi na nga,” sagot niya. Tumingin siya sa akin nang makasakay siya sa motor at tinapik ang puwesto sa likuran niya. “Hinanap kaagad kita noong maipasa ko sa prof namin 'yong project ko.”
“Awe~ That's sweet!” Pabigla akong sumampa sa motor, but due to him being firm, he didn't even budge.
Iniyakap ko sa baywang niya ang mga braso ko tulad ng palagi kong ginagawa. I felt him held my hands, placing them onto the right places.
“'Yong tungkol kanina...” lintaya niya bigla nang akala ko ay paaandarin niya na ang sasakyan namin.
Of course, I easily got what he's trying to say. Ngumisi ako. He's gonna ask my help?
“Ano? Ready ka nang sabihin sa akin ang plano mo kung paano mo haharanahin si Galacia pabalik sa 'yo?” natatawa kong tanong, pero hindi man lang siya napangiti kaya kaagad ako sumeryosong muli.
“Ayoko na yata...” aniya sa may kahinaang boses.
Kumunot ang noo ko. I heard him, but I'm not sure if I heard him right.
“I'm sorry. Come again?” Pilit kong sinilip ang mukha niya nang yumuko siya.
“Ayoko na yata, Samantha...” Bumaling siya sa akin, napagmasdan ko ang matatalim niyang matang bigla na lang ay lumamlam. “Parang ayoko nang bumalik.”

Komento sa Aklat (5)

  • avatar
    Mark Yhuan Tenorio

    thank you

    10/06/2025

      0
  • avatar
    G_ellerick

    the story was great at ramdam mo yung deep connection ni author sa bawat character niya. magulo nung unable, pero na-visualized ko yung pagpakilala nya sa bawat characters which has a big part sa plot nung gustong palabasin ni author sa kwento nya. sana ma-update mo pa yung chapters mo author, willing to wait 😊

    10/07/2024

      0
  • avatar
    eternityyyyy

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    10/08/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata