Homepage/Luna of Section Beast/
Chapter 95
New Song?
Mandy's POV
SATURDAY,hanggang ngayon nakahiga parin ako.Nauna akong umuwi kagabi sa tatlo dahil pinauwi na ako ng mga staff dahil minor pa nga ako.Kasabay kong lumabas kagabi yung ibang idols na minor.
"Huy, bakit mo minention si Xerox kagabi?" Tanong sa akin ni Ariane, kalwa kami nakahigang dalawa.
"Anong masama? Binati ko lang naman ah," dahilan ko.
"Akala tuloy ng iba boyfriend mo si Xerox hahahah, " tawang tawa nitong saad.
"Hayaan mo sila, mabaliw sila sa kaka overthink." Tugon ko kay Ariane.
Muli akong nagtalukbong at pumikit.Hindi ko alam bakit may mga taong nagbibigay malisya sa bawat salita at kilos na ginagawa ng isang tao.
NAGISING ako dahil sa pag-alog sa akin ni Ariane."Huy! Kakain na, may pupuntahan pa tayo, " usal nito.
"Mamaya na, akala ko ba rest day natin ngayon?" Saad ko habang nasa ilalim ng comforter.
"Importante 'to! Magrerecord na ata tayo ng kanta natin para sa debut, saka nireleased na kagabi yung debut song ng bagong girl group ng C&M!" Usal nito,
Napabangon ako sa sinabi nya."Yung selpon ko nga!" Utos ko sa kanya.
Kaagad naman nya itong iniabot sa akin.Tiningnan ko kaagad sa mga streaming platform kung meron nga,tama nga sya, meron na nga!
"Akala ko ba mga February sila tapos tayo sa March?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi ko din alam eh, basta kailangan na nating pumunta sa company." Saad nito bago ako iwan.
Pagkalabas ni Ariane ay tumayo na din kaagad ako.Dumiretso ako sa kusina ng dorm at doon nagsimulang kumain.Nakisabay na ako sa kanila dahil naabutan ko pa silang kumakain.
"Ako muna ang liligo, " saad ni Ariane bago tumayo.
Tumango lang si Jillian, si Cassie naman ay nag-umpisa nang magligpit.
Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko na ang aking pinagkainan.Dumiretso ako sa sala at doon nanood sa TV ng mga palabas.
Nakahiga na ako sa couch habang bored na bored na nanonood ng mga palabas.
Napabangon ako ng tapikin ni Ariane ang paa ko."Ligo na," utos nito sa akin.
Bumangon ako at nag-unat."Parang tinatamad ako, nilalamig ako." Usal ko habang nakayakap sa aking sarili.
Nagdiresto ako sa kwarto namin at agad na naghanap ng damit.Pagkatapos nun ay dumiretso ako sa CR at nag-umpisa ng maligo.
"Antagal mo sa CR ah, ilang oras ka tumunganga?" Bungad ni Ariane sa akin pagpasok ko sa kwarto namin.
"Nakipagtalo pa ako sa konsensya ko kung maliligo ako o hindi, " simpleng sagot ko.
NAGDIRE-DIRETSO kami sa loob ng company pagdating namin.Hinanap kaagad namin si TONI YOO ang producer namin.
"Anneonghaseyo!" Pagbati namin pagpasok namin sa loob ng studio nya.
"Anneonghaseyo, please take a sit." Nakangiti nitong usal habang nakamwestra sa couch na available.
"So today...I know you already me that's why I will straight you to the point.We will record for your debut song and I hope the four of you cooperate." Nakangiti nitong usal.
Nagtaas ako ng kamay kaya napatingin sya sa akin."Do we already have a position in the group?" Curious na tanong ko.
"Uhm...yes." Sagot nito habang nakahawak sa baba ang kanyang kamay.
"Jillian....the company gave you the Main Visual and Vocalist position." Pag-uumpisa nito.
Napatango-tango kaming tatlo, walang umangal sa amin dahil kitang kita na sa mukha ni Jillian na pang Main Visual ang ganda nito, saka kung tumanggi kami wala naman kaming magagawa.
Tumingin naman ito kay Cassie, "Cassie....you'll be the Main Rapper, sub Vocalist and Dancer."
"Next is Ariane......you'll be the Main Vocalist and the Lead Dancer of the group."
"And the last is Mandy.....as the longest trainee...you'll be the Main Dancer, Lead Vocalist, and Sub rapper."
Nag-agree kaming apat sa naging position namin, wala naman kasi kaming magagawa eh, sila ang desisyon.
NAKAUPO kaming tatlo nila Cassie habang si Jillian ah nagrerecord sa loob ng recording studio.
Hawak ko ang papel kung saan nakasulat ang lyrics ng kanta namin.Matagal na daw nagawa yung kanta, may demo na din.
"Let's record again,sir." Suhestyon nj Jillian mula sa loob.
Tumango ang producer namin bago muling mag-umpisa.Nahiga na ako sa couch habang inaaral yung lyrics part ko.
"Can we listen to Jillian's part?" Tanong ni Ariane habang nakatayo.
"Oh, sure." Mabilis na sagot ni Tony-oppa.
Nakahalukipkip ako habang seryosong nakikinig.
"Her voice......sounds good especially on the first sentence in the second verse." Komento ko.
"Thank you, " nakangiting usal ni Jillian.
Sunod na nagrecord ay si Cassie, wala pa kami sa kalahati ng kanta pero pagod na ako.
Inabot na ng lunch sa pagrerecord si Cassie kaya inaya ko si Ariane bumili ng pagkain.Pagbalik namin ay nagrerecord parin si Cassie, pinaka maraming part si Cassie sa kanta.
Pagkakain namin ay sandali kaming nagpahinga bago muling bumalik sa pagrerecord ng kanta.
"Mandy....it's your time."
Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Producer Yoo.
"Ok, sir." Sagot ko.
Isinuot ko sa isang tenga yung headphone habang hawak ng kanang kamay ko ang kalahati nito, hawak naman ng kaliwang kamay ko ang lyrics.
"Ehem! Bruhhhhh~~~~~ ...."
Nagwarm up muna ako ng boses at labi ko bago magsimula.Kasabay ng beat ang pagbigkas ko sa lyrics ng kanta.
"Do you want to hear?" Tanong ni Producer Yoo sa akin habang nasa loob ako ng recording.
Nag-thumbs up ako bilang sagot.Nakatingin ako sa lyrics ng kanta habang mahinang binibigkas ang mga lyrics nito.
"Can I record it again? The words become unclear in the middle of my rap." Saad ko,
Tumango naman ito bilang sagot.Muli akong nagrecord, ilang beses naulit dahil nabubulol ako.
"Good job!"
Bungad sa akin ni Producer Yoo pagkalabas ko sa isang kwartong maliit kung saan kami nagrerecord.
Nagpatuloy kami sa paggawa ng kanta, isang lang ako nagrap habang ang iba na ay kanta na.
"This part will be sing of for of you....so practice harmonizing before we record it." Saad ni Producer Yoo bago bumalik sa sa harap ng computer.
Gaya ng sinabi nya ay nagpractice nga kami.Yung practice namin ay nauwi sa pagtawa kaya napagalitan kami.
"It's time for recording, make it natural." Paalala nito sa amin.
Nakapalibot kami sa recording device, habang magkahati kami ni Ariane sa Headphone.
Yung simpleng recording ay nauwi sa party sa loob ng maliit na silid na iyon.Sinabayan ng pag-indak namin ang beat na pinakikinggan namin.
"Let's try again, Jillian's voice is too weak.I can't hear her voice, " saad ni Producer Yoo.
Muli naming inirecord ang kanta.Pawisan kaming apat paglabas dahil siksikan kami at walang aircon ang silid na iyon.
"Hays! Sa wakas natapos din ang isa, " saad ko habang nakahiga sa couch.
Around 1 AM na, hindi pa kami tapos magrecord.Inulit namin ang ibang part dahil may mga error ito.
"Let's continue it tomorrow, get rest now." Saad ni Producer Yoo.
Sumang-ayon kami bago magligpit ng aming mga gamit.May isa pa kaming kanta na irerecord.
"Sa wakas makakahiga na din!" Saad ko habang naglalakad.
Pare-parehas kaming nakasuot ng coat palabas ng company.Dumiretso kami sa van na nakaabang sa amin.
Makakatulog na din sa wakas!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Sana may part ll pa nakaka excited po nang subra
23/05
0Maganda yung storyyyyy
13/03
0ganda
15/05/2025
0Tingnan Lahat